webnovel

JANEDOUNUT's ONESHOTS

MY LIST OF ONESHOT STORIES

JaneDounut · Urban
Zu wenig Bewertungen
4 Chs

SANA

SANA

•••••

𝘜𝘮𝘶𝘸𝘪 𝘯𝘢 𝘵𝘪𝘭𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘯𝘢

𝘕𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘯𝘨𝘢 𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘨𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢

𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘣𝘢 𝘮𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬

𝘈𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘯𝘥𝘢𝘭𝘪

𝘔𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘭𝘢𝘭𝘪𝘮 𝘱𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘨𝘪𝘵𝘪

6 years na kami ng boyfriend kong si Matthew pareho kaming masaya na nagwork nang ganong katagal ang relationship namin. Simula palang highschool ay nagkatuluyan na kami.

Lahat masaya sa naging takbo ng pagmamahalan namin. 'Di nga nila akalin na magseseryoso kami dahil nga sa mga bata pa kami no'n at immature pa ang pagiisip.

3rd year highschool pa ako noon ng makilala ko siya. Schoolmate kami at hindi pa nagkakilala.

May camping siguro kami no'n sa boyscout nang unang magkilala kami. At first, akala ko bagong member siya pero anak pala ito ng outfit advisor namin at apo narin ng school principal.

Gulat nga ako noon kasi bakit nandito ang isa sa mga sikat ng school namin.

Hindi kasi ako aware sa palibot ko kaya hindi ko siya kilala.

Lahat daw ng students ay nakakilala sa kanya dahil apo nga siya ng principal at singer pa daw. Kaya nga kilig much ang mga girls na kasama ko sa camping, hindi na nga sila maka-focus sa mga activities namin noon. At lahat ng boys ay nabubuwesit narin.

Matthew Gilbert ang name niya sabi ng isa sa mga kasamahan ko. Nandito lang siya para mag observe sa mga ginagawa naming mga boyscouts.

3 days camp lang 'yun kaya nabitin talaga ako no'n. Addict kasi ako sa mga adventures at masaya ka palagi 'pag kasama ang mga kaibigan mo na matutulog.

Pero pansin ko lang. Parang tinitigan ako palagi ng Matthew na yun. Sa tuwing titignan ko naman ay magkukunwaring busy siya at maghahanap ng excuse para 'di ko mahalata ang mga kilos niya.

Na c-creepy nga ako dati noon at titindig talaga lahat ng balahibo ko sa tuwing nararamdaman ko ang mga titig niya.

Pauwi na ako no'n at naghahanap ng masasakyan pauwi nang maramdaman ko siya ulit. Naghiwalay na kami ng mga ka co-scouts ko noon kaya nagiisa nalang ako. Sa gilid ng kalsada at tahimik na tindahan.

Nasa gilid siya no'n pero nagtatago naman. Akala niya siguro na hindi ko mahahalata. Pwes nagkamali siya!

Tumalikod ako at hinarap siya. Talagang diritso tingin at seryoso ako noon dati. Remember ko nga na natakot siya dahil nahuli ko siya noon. Ang sarap ngang tumawa pero kinakabahan rin ako noon pero stoic expression parin ang pinapakita ko.

Sabi daw ng iba, nakakatakot ang ganito kong expression kaya tignan natin kung effective ba.

"Bantay ko lang, bakit mo ako laging tinititigan at ngayon nadito ka para sundan ako. Problema mo mister? May gusto ka ba sa'kin? Kung oo, basted ka na. Hindi ako assumera ha, naniguro lang." diretsahan ko na.

Tumikhim naman siya at nagulat ako nang bigla nagbago ang expression niya. From gulat to seryoso.

Magaling siya mag bago ng expression ha, infairness pareho kami.

"Daisy right? Pwedeng manligaw?".

Ha? Hakdog???

Eh? Ano daw ulit?

"Sorry pero love at first sight ako sayo eh. Kaya pwede manligaw? Oo alam ko biglaan. Hindi pa nga tayo close pero seryoso ako."

Speechless ako mga teh pero mga segundo lang kasi baka feeling niya first time ko ito. Hehe first time ko talaga pero ano siya sinuswerte? Hindi ko sasabihin sa kanya nu! Asa siya!

"Ok." sabi ko. Kahit kakasabi ko lang na basted siya kung may gusto siya sa akin.

Nagulat naman siya. Pero ngumisi rin.

Inggit tuloy ako mga pards. Grabe ang puti ng mga ngipin, pantay pa. Endorsor siguro ito nu?

After that day, bumibisita siya palagi sa akin during lunch time at hinahatid naman ako after class. Minsan kung may formation kami sa boyscout ay hinihintay niya parin ako. Parang ok lang sa kanya na maubos ang oras para lang sa akin. Nakakakilig rin ang mga ways niya sa panliligaw ingit lahat ng girls sa akin at ang iba kinikilig rin.

2 months, tuloy-tuloy parin ang panliligaw niya. Hindi ko rin namamalayan na nainlove na ako noon. Kaya sinagot ko rin siya ng isang matamis na 'oo'.

Tanda ko pa nga noon ang saya niya. Yung ngiti niyang abot tenga at maiyak-iyak na mga mata. Naisip ko nga noon ang swerte ko pala. May nagmahal sa aking gwapo, mayaman, matalino, at talentado.

Mga one month ang relationship namin noon ay pinakilala ko na siya sa mga magulang ko. At first, hindi sila payag pero no'ng hinarana niya talaga ako mismo sa tapat ng bahay namin, alas otso ng gabi, napapayag rin si mama at si papa.

Sweet siya at caring sa akin. Naiintindihan niya ako palagi at sa tuwing nag-aaway kami ay naghahanap siya ng ways para masuyo ako.

Kahinaan ko pa naman ay ang harana. Tinutogtogan niya ako sa harap ng bahay namin kung tampo talaga ako.

Hindi naman ako toxic type na girlfriend kaya nga natagalan namin ang relasyon at laging going strong kami.

Pero...

𝘕𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘬𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮𝘢𝘯

𝘈𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘮𝘪𝘨 𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘣𝘪

𝘒𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘥𝘢𝘮𝘢𝘨

𝘕𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘣𝘪

Lahat nagbago.

Dating masaya, ngayon ay pilit na ngiti na lang.

Dating siya, ngayon ay nagbago na.

𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘬𝘢 𝘯𝘢𝘨 𝘪𝘣𝘢

𝘔𝘦𝘳𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢...

Yung dating pagmamahal niya sa akin ngayon ay napunta na sa iba.

𝘚𝘢𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘮𝘰

𝘗𝘢𝘳𝘢 '𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘶𝘮𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘱𝘢 𝘴𝘢 𝘩𝘶𝘭𝘪

𝘚𝘢𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘮𝘰

𝘏𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘪𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘮𝘢𝘺'𝘵 𝘶𝘮𝘢𝘭𝘪𝘴

Oo nga. Sana sinabi mo na lang, 'di yung maghintay ka lang na ako pa mismo ang huhuli sa inyo.

I remember, sa tempurahan ako noon, kumain kasama ang mga plastic kong kaibigan nang mapansin ko ang pamilyar na lalaki. It turns out si Matthew pala 'yun.

Balak ko sanang lapitan siya, yun nga lang napahinto ako.

Taka ako, bakit nasa salon siya? Sino naman ang kasama niya? Hindi naman pwede ang mother niya kasi busy yun ngayon sa school works at mapapagabi 'yun ngayon. Kaya sino?

Transparent ang salon kaya kita ko siya agad. Hinahanap ko naman ngayon kung sino na girl ang kasama niya.

Dalawa na girls lang ang nando'n. Ang isa maganda, ang isa naman ay hindi ko makita kasi nakaharang si baklang parlorista.

Pero nung humawi na si bakla ay kita ko na ngayon ang babae.

Matanda. Mga 50 years old.

Hindi pamilyar ang matanda baka siguro auntie niya iyon. Hindi rin pwede lola niya kasi patay na yun.

Tinignan ko ulit si Matthew noon. Nakaupo siya at hawak ang cellphone. Parang naglalaro.

Tanda ko rin dati na napapangiti ako bigla 'pag nakikita lang siya. Ganito talaga ang side effects 'pag inlove ka nu? Kaya nga dati ayaw kong mainlove kasi aware ako na masasaktan ang mga taong umiibig eh. Pero ok lang kasi kapag tayo nagmahal ay expected na ang sakitan. Iyakan. Pero kung bugbugan na, naku makipag-break kana! Hinding-hindi talaga magwo-work ang relationship niyo kung patuloy ka lang magpapakatanga!

𝘉𝘪𝘯𝘪𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘬𝘣𝘢𝘯𝘨

𝘏𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘢

𝘕𝘢𝘨𝘣𝘢𝘣𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘬𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨

𝘓𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨𝘰𝘯 𝘬𝘢 𝘱𝘢

Tumayo na no'n si Matthew at lumapit sa kanyang auntie siguro? Ahh wait lang baka nasira yung mata ko kasi bakit lumapit siya sa magandang babae? Hindi naman pwedeng ate niya yun or bunso kasi may kuya lang siya at siya rin ang bunso sa kanila.

No'ng time na 'yun ay hinayaan ko na lang siya. Hindi kasi ako naniniwala sa nakikita ng mga mata ko. Niloloko lang kasi ako nito. Magpa-tingin na sana ako noon sa doktor kaya lang walang money.

𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘣𝘢 𝘮𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬

𝘈𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘯𝘥𝘢𝘭𝘪

'Di ko talaga naakala na gano'n pala ako ka tanga dati.

Hindi lang isang beses ko siyang nakita kasama no'ng babae na 'yun. Pangalawa? Pangatlo? Pang-apat? Panglima?

'Di ko na matandaan. Iniisip ko lang dati na baka sira itong mga mata ko pero sa loob-loob ko no'n dati ay parang nahihiwa na. Gusto kong umiyak pero ayaw ko. Tanga na kung tanga pero mahal ko eh.

Wala na siyang oras sa akin dati pero kung sa babae na yun ay palaging nando'n siya.

Nakalimutan na siguro ako ng taong mahal ko...

𝘚𝘢𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘮𝘰

𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘶𝘮𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘱𝘢 𝘴𝘢 𝘩𝘶𝘭𝘪

𝘚𝘢𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘮𝘰

𝘏𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘪𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘮𝘢𝘺𝘢'𝘵 𝘶𝘮𝘢𝘭𝘪𝘴

𝘚𝘢𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘮𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘺𝘢𝘸 𝘮𝘰'𝘺 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘪𝘣𝘢𝘩𝘪𝘯.

Alam mo naman siguro Matthew na mapagbigay ako𝗇𝗀 𝗍𝖺𝗈 at kaya kong magbago kung ayaw mo.

𝘋𝘪𝘣𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘮𝘰

𝘉𝘢𝘴𝘵𝘢'𝘵 𝘵𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢'𝘺 𝘴𝘢𝘴𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘪𝘵.

Ang mga taong tutol at ayaw sa atin, hindi mo nalang pinapansin kasi sabi mo sasaya tayo kahit wala ang opinyon ng iba.

𝘋𝘪𝘣𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘬𝘰 𝘨𝘢𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘧 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘩𝘶𝘭𝘪.

Pero ngayon pinagsisihan ko na. Ngayon ko lang narealize, malaki ang nagbago sa akin simula nang makilala kita. Hindi ako ganito dati kaya sisikapin kong magbago at ibalik ang dating Daisy na hindi mo pa kilala noon.

𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘰

𝘔𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘪𝘩𝘪𝘯𝘵𝘢𝘺 𝘭𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘮𝘢𝘭𝘪𝘬

Ngayon, alam ko na.

Minahal mo lang ako para gawing rebound.

Minahal mo lang ako kasi kailangan mo ako.

Minahal mo lang ako kasi wala na siya diba?

That girl...

Ano bang meron siya na wala ako?

Kung ganda ang pinagbabasehan mo, ay siguradong talo na'ko!

Kaya kung nababasa mo ito ngayon, gusto ko lang sabihin na mahal kita.

Oo alam kong naging tanga ako sayo. Dahil nga napaikot mo ako, may naipagmayabang ka sa mga kaibigan mo, nanalo ka sa pustahan niyo, at naibalik na ang babaeng minamahal at nararapat sa'yo. Pero kasi.... Kasi eh... Mahal parin kita... Di ito mawawala sa puso ko. Kahit yung mga memories na naging masaya 'tayo', pati narin yung memories na napaiyak mo ako... Pero may gusto lang sana akong mahanap na sagot...

Minahal mo ba ako? Kahit kunti?

But never mind... Alam ko namang di ito maaabot sa'yo. Busy ka kasi sa kanya ni kahit pagbaling man sa akin ay di mo magawa.

Kahit man lang closure ay di natin nagawa.

Sana kasi sinabi mo nalang diba? Para kahit papaano ay di na ako masasaktan ng ganito.

Sana kasi di mo nalang ako minahal.

Sana kasi di tayo nagkita.

Sana kasi di ka nag-eexist.

At sana rin maka-move on na ako sa'yo.

Na makakahanap ako ng bago na siyang magmamahal sa akin at mamahalin ko rin. Iyong di ako lolokohin at magiging tapat sa akin. Na siyang di kayang magsinungaling at ipagtapat sa akin lahat ng panlolokong nagawa niya sa akin. At siya ring di tulad mo na naging isang tinik dito sa aking puso. . .

—END—

Sana

By I belong to the zoo