webnovel

Chapter 02

Kasalukuyan akong naglalakad sa masukal na kagubatan. Walang maayos na daanan ang gubat at hindi naka ayos ang ibat ibang klase ng puno. Napakarami ng nagkalat na damo at ibat ibang klase ng bulaklak at halaman. Kanina pa ako naglalakad at naghihintay na may makapapansin.

Ilang halimaw na ang aking nakasalubong. Sa una ay natakot ako at nagtago ng makakita ng dambuhalang Oso. Gayon pa man, hindi man lamang ako nito napansin. Doon ko napagtanto na walang nakakakita sa akin.

Napaupo na lamang ako sa damuhan sa inis. Hindi sinabi ng pusang iyon na hindi nakikita ng ibang nilalang ang mga ispirito. Paano ako mabubuhay ngayon.

Sinubukan kong uminahon at huminga ng malalim. Sa ngayon, ano na ang aking gagawin? Wala akong ibang ginawa kung hindi ang maglakad-lakad at tumunganga. Ano na ang mangayayari sa akin sa pagkakataong ito.

Sinubukan kong alalahanin ang bilin ng pusa. Naalala ko ang huli niyang hablilin. "Ang System." Mahina kong bulong. Sinubukan kong uminahon at binangit ang saling System.

Lumitaw ang malaking transparent na kahon sa aking harapan. Nakasulat dito ang ilang impormasyon tungkol sakin.

<STATUS >

Name: none

Race: Spirit

Profession: None

Status: Healthy

Attribute: Dark Magic (locked)

Light Magic (loacked)

Title: Lonely Spirit, Other Worlder

Level. 1

Hp: 100/100

Mp: 50/50

Sp: 100/100

Physical Attack: 0

Physical Defence: 0

Magical Attack: 50

Magical Defense: 50

Dexterity: 50

Intelligence: 50

Wisdom: 10

Luck: 50

Unique Skills:

Float (Passive) lv. 1- The ability to elevate above the ground.

Ghost (Passive) lv. 1- The ability to pass through walls and matter.

Invincibility (Permanent) lv. 1- The ability to hide the presence and appearance of the user.

Appraisal (Active) lv. 1- The ability to analyze the status of human, other beings and objects.

Storage Box (Active) lv. 1- The ability to store items in indefinite space.

Physical Skills:

None

Magical Skills:

None

Strengths:

Physical Resistance

Cold Resistance

Heat Resistance

Infinit stamina

Zero Hunger

Weakness:

Dark Magic

Light Magic

Spirit Magic

Namangha ako sa aking mga nabasa. Kasalukuyan akong nasa pinakamababang antas ngunit mayron na agad akong apat na skill. Gayon paman, nalungkot ako sa isiping wala akong pangalan. Inaasahan kong mananatili ang aking pangalan hangang sa mundong ito, maaari kayang pangalanan ko ang sarili ko?

Sinubukan kong pindutin ang name at sinubukan itong ayusin ngunit tumatagos lamang ang aking kamay. Wala akong ideya kung paano ko mapapangalanan ang aking sarili. Sa huli, sumuko na din ako at naisip na subukan na lamang ang ilan sa aking mga skills.

Napagpasiyahan kong subukan ang Float skill. Binasa ko ang impormasyon patungkol dito at sinuri. Dahil isa akong spirito, marahil isa sa kakayahan ko ang lumutang. Sinubukan kong lumutang ngunit hindi ko magawa. Tumalon na ako ng ilang beses ngunit wala pa ding nanagyayari. Ganito talaga ang inaasahan kong mangyayari kung wala akong magiging gabay. Sana pala, tinanong ko na ang pusa tunkol dito.

Ilang talon pa ang ginawa ko bago tumigil. Napansin ko na kahit ilang beses na akong tumalon, hindi pa din ako napapagod. Marahil isa din ito sa kakayahan ng mga ispirito.

"Paano ko kaya mapapalutang ang aking sarili?" Tanong ko sa aking isipan. Nag isip ako ng sulusyon ng maalala ko ang System. Matapos ko itong bangitin, nagtagumpay akong mapalabas ang aking status. Kung ganon, kailangan ko lang bangitin ang salitang float. Isang voice invocation skill. "Float." Bahagya kong saad.

Hindi pa man ako nakakapaghanda, bigla na lamang lumutang ang aking mga paa. Halos matumba ako sa gulat. Hindi ko din maiayos ang aking sarili. Nagpalutang lutanang ako sa hangin at sinubukang balansihin ang aking sarili. Sa totoo lang, mas mahirap pa ito nung nag-aaral pa lang akong magbike.

Isang oras din ang ginugol ko bago ko natutunang palutangin ang aking sarili. Hindi pa ako ganon kasanay kaya napagpasiyahan kong maglakad na lang muna. Sa oras na mailapag ko ang aking mga paa sa lupa, nadidiactivate ang float at nawawala na ang epekto nito. Sa hinaharap ay magagamit ko ang skill na ito ng maayos sa kadahilanang mas mabilis at magaan ang aking katawan pag nakalutang.

Muli kong tinignan ang aking status at binasa ang sunod na skill na susubukan ko. Nakatala dito ang salitang ghost, isang passive skill. Sa una ay hindi ko maunawaan ang ibig sabihin nito. Habang naglalakad ako, sinubukan kung dumaan sa puno at nagtagumpay ako. Tumagos lamang ang aking katawan sa makapal na punong dinaanan ko. Sinubukan ko din na pumulot ng bato ngunit tumatagos din ang aking kamay. Napangiwi na lamang ako dahil isa na naman ito sa magiging hadlang upang makapagkomonikasyon ako sa ibang nilalang.

Sa huli, isa lamang akong ispirito. Isang nilalang na hindi nakikita at nararamdaman. Wala din akong kakayahang humawak ng pisikal na mga bagay. Hindi ko pa sinusubukan ang makipag usap. Marahil maririnig nila ako. Hindi man ako naririnig ng mga halimaw, umaasa akong mapapakingan ako ng mga tao.

Sinubukan ko na din ang Appraisal skill. Alam ko na kung para saan ang skill na ito. Karaniwan na lamang ito sa mga isekai manga na nabasa ko.

Humanap ako ng nilalang sa aking paligid ngunit wala akong nakita. Gayon pa man, napansin ko ang isang uri ng bulaklak sa aking harapan. Marahil, gagana din ang Appraisal sa mga halaman. Kung sakali, magagamit ko ang mga ito sa hinaharap.

Tinignan ko ng maigi ang bulaklak. Kulay dilaw ang kulay nito at may pagkakahawig sa sunflower. "Appraisal." Bulong ko. Matapos ay lumitaw ang impormasyon tungkol sa bulaklak sa aking harapan.

<Appraisal >

Name: Solar Flower

Type: Flowering Plant

Rarity: Common

Iyan ang lumitaw sa aking harapan. Tanging pangalan at klase lamang ang ibinigay na impormasyon ng Appraisal skill. Hindi na ako nagulat lalo na at level 1 pa lamang ang skill na ito.

Hindi ko alam kung para saan ang Solar Flower, gayon pa man, sinubukan ko itong pitasin ngunit tumatagos lamang ang aking kamay. Bumuntong hininga na lamang ako at hindi na sumubok pa.

Naisip ko ang huling skill na mayroon ako. Inaasahan kong makakatulong ito sa aking kasalukuyang suliranin. "Storage box." Bulong ko. Bigla na lamang lumitaw ang isang itim na kahon sa aking harapan. Para itong isang treasure chest ngunit itim ang kulay nito. Sinubukan ko itong hawakan at sa wakas, nagtagunpay ako. Halos maiyak ako sa tuwa. Ito ang unang bagay sa mundong ito na nagawa kong hawakan.

Binuksan ko ito at lumabas ang ang naka grid na listahan ng mga item na meron ako.

<Storage 5 10 space>

Map of Archadia (Rare)

Devine Key (Mythical)

Wooden staff (Common)

Cat lense (Epic)

Book of Wisdom (Legend)

Hindi ko inaakalang may laman na ang aking Storage box. Akala ko ay wala nang pakealam ang itim na pusa sakin. Gayon pa man, binigyan niya pa ako ng mahahalagang bagay.

Pamilyar na sa akin ang mapa at wooden staff. Talaga namang higit na kailangan ko ang mapa ng mundong ito. Sa paraang ito, hindi ako maliligaw at alam ko kung saan dapat ako sunod na magtungo.

Sinubukan kong ilapit ang aking kamay sa transparent na projector sa aking harapan. Pinindot ko ang Map of Archadia at lumitaw sa aking kamay ang nakarolyong mapa. Tinanggal ko ito sa pagkakatali at sinuri. Isa lamang itong simleng mapa ngunit napansin ko ang berderng bilog na nakalagay sa bahagi ng isang maliit na kontenente. Ito na marahil ang aking lokasyon.

Inilapit ko ang aking daliri sa kontenenteng kinaroroonan ko. Ang kontenente ng Baldwin. Kusa itong lumaki at nakita ko ang ibat ibang teritoryo. Pinili ko ang Eastern Roswelt Kingdom at ang syudad ng Seria. Matapos ay nakita ko na ang kabuuan ng lugar na kinaroroonan ko. Naaalala ko dito ang Google Map sa dati kong mundo. Isang click lang, makikita mo na kung saang lugar ka naroroon.

Kasalukuyan akong nasa kagubatan ng Inos at ilang metro na lamang ay mararating ko na ang Syudad ng Seria. Sa isiping ito, nagbigay ito sa akin ng pag asa. Ito ang unang syudad na mapupuntahan ko. Makikita ko na ang mga beastmen at elf na pinapangarap ko.

Binuksan ko na muli ang storage box at ipinasok ang mapa sa loob. May tatlo pa akong item na hindi na susuri ngunit ipinagpaliban ko na muna ito.

"Float." Bulong ko bago lumutang ang aking mga paa. Mas maigi kung palagi kong ginagamit ang skill na ito upang masanay na ako. Ginamit ko ang Float upang makapaglakbay ng mabilis. Hindi ko pa man masyadong gamay ang paglutang, mas maayos ko na itong nagagawa matapos ang ilang oras na pananatili sa ganitong sitwasyon.

Hindi pa man umaabot ng isang oras ang aking paglalakbay, natanaw ko na ang Syudad ng Seria. Nasa mataas na bahagi ako ng kagubatan at kita ko ang mataas na pader na nakapaligid sa buong bayan. Hindi ko agad nahanap ang pasukan kaya kinailangan ko pang libutin ang mahabang pader. Hindi kalaunan, nakita ko din ang pasukan ng bayan at ilang mga kawal na nakabantay dito.

Mangilan ngilan lamang ang mga taong makikita kong pumapasok sa syudad marahil ay dahil ito ang likod na bahagi ng Seria. Ayon sa mapa, hindi ang kagubatan ng inos ang pangunahing pasukan ng syudad. Nasa hilaga ng syudad ang inos habang ang daan papunta sa ibang teritoryo ay nasa norte.

Pawang mga taong nakasuot ng baluti at roba ng wizard ang makikita kong pumapasok galing sa kagubatan ng inos. Sila marahil ang mga Adventurer ng mundong ito. Nagtungo sila sa kagubatan upang gawin ang kanilang napiling misyon. Hindi na bago sa akin ang ideyang ito dahil kadalasan ko itong nakikita sa mga isekai mangang meron ako.

Dahil wala namang nakakakita sa akin, diretso kong binagtas ang daan papasok sa loob ng bayan. Sinubukan ko pa din ang tumingin tingin sa mga taong nakakasalubong ko, umaasang may makakapansin sa akin, gayon pa tila tumatagos lamang sa akin ang kanilang paningin.

Bumuntong hininga na lamang ako at isinawalang bahala  ang ideyang ito. Kung walang makakakita sa akin, siguradong magiging mahirap ang pananatili ko sa mundong ito. Gayon pa man, umaasa akong sa hinaharap ay magagawan ko din ito ng paraan.

Dahil sa aking pag-iisip, hindi ko napansing tuluyan na akong nakapasok sa loob ng syudad ng Seria. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang makukulay na gusali na gawa sa pinagsamang kahoy at bato. Maingay din ang paligid at madami ang taong naglalakad.

Sinubukan ko muling masdan ang bawat sulok ng aking kinarooonan ngunit lahat ng nilalang sa aking paligid ay puro tao. Wala akong nakikitang beast man at elf.

Nanlumo ako sa aking napagtanto. Marahil nagsisinungaling lamang ang pusa sa impormasyong kaniyang ibinigay o para sa tao lamang ang lugar na ito. Isinawalang bahala ko na lamang ito at naglakad muli. Kung minsan, may nakakadit saking tao ngunit tumatagos lamang sila sa akin. Kakaiba sa pakiramdam pag nakakalapit sila sa akin dahil tila hinihila ako ng kanilang laman kaya kung maaari, sinubukan ko na lamang silang iwasan.

Pinalutang ko ang aking sarili at umupo sa bubungan ng isang gusali. Hindi ko maisip kung ano ang hakbang na aking gagawin. Muli kong tinignan ang aking Status at pinagmasdan ito ng ilang segundo.

<STATUS >

Name: ?

Level. 1

Race: Spirit

Profession: None

Attribute: Dark (Locked), Light (Locked)

"Level 1?" Mahina kong bulong. "Tama!" Kailangan ko munang pataasin ang aking antas. Ito ang pangunahing kaalaman sa mga MOORPG games na nalaro ko. Kailangan kong pataasin ang aking antas ng sa gayon ay makakuha ako ng sapat na exp points at matuto ng ibang skills. Sa paraang ito, magiging maayos ang pamumuhay ko sa mundong ito.

Pinalutang ko muli ang aking sarili at tinanaw ang kapaligiran sa baba. Sa ngayon, kinakailangan kong bumalik sa kagubatan at pumatay ng mga halimaw ngunit mas mapapadali ang aking paghahanap kung alam ko kung saan matatagpuan ang ibat ibang uri ng halimaw. Isa lamang ang lugar na pumasok sa aking isipan, ang Adventurers Guild.

Kahit maliit lamang ang syudad ito, napansin kong napakarami at wala sa ayos ang mga gusali sa lugar. Naisip ko na lamang na sundan ang mga adventurers na naglalakad upang matagpuan ko ang adventurers guild.

Nang may makita akong grupo ng adventurers na naglalakad, agad akong lumapit sa naglakad sa likod nila. Hindi din ganon kahaba ang lakaran dahil agad ko ding narating ang aking destinasyon.

Nasa harap ako ngayon ng isang malaking gusali. Dahil napakalagi ng pasukan ng gusali, tanaw ko mula sa labas kung gaano kalawak ang loob. Sa tingin ko ay may roon din itong tatlong palapag base sa taas nito.

Labas pasok ang mga taong may dala dalang ibat ibang sandata. Madali kong nasusuri kung ano ang katayuan nila dahil sa gamit nilang sandata. Sinubukan ko ding gamitin ang Appraisal skill ngunit pangalan at edad lamang ang aking nakikita dahil sa mababang antas ng skill na ito.

Pumasok ako sa loob at lumutang pataas upang maiwasan ang pagkakadikit ko sa mga Adventurer na nakakasalubong ko.

Pumunta ako sa gilid kung saan makikita ang malaking listahan ng mga misyon. Madaming papel ang nakadikit sa dingding at napansin kong madami ang mga adventurers ang tumitingin dito. Lumapit ako at sinubukang basahin ang isang papel. Isang hindi pamilyar na sulat ang nakita ko. 'Oo nga pala, iba ang sulat at lengwahe ng mga tao sa mundong ito.'

Bumuntong hininga na lamang ako at hindi na sana papansinin ang nakasulat ngunit bigla na lamang lumitaw sa aking harapan ang isang notipikasyon galing sa system.

<World Language Skill Acquired>

Pinagmasdan ko muli ang nakasulat sa papel at unti unti kong naintindihan ang nakasulat dito. Maging ang salita ng matao sa paligid ay naging malinaw din sakin. Sa wakas, naka kuha din ako ng skill na makakatulong sa akin.

Napagtanto ko din na maaari akong makakuha ng mga skills kung magagawa ko ang mga requirements sa secret task.

Binasa ko ang nakasulat sa papel sa aking harapan. Isang hunting missions. Kailangan kong pumatay ng anim na Black Boar na matatagpuan sa kanang bahagi ng kagubatan. Isang E rank na misyon.

Nakatala din dito na nasa level 5 hangang level 20 ang Black Boar. Naisip kong hindi na din masama ang misyon na ito kahit kasalukuyan pa din akong nasa level 1. Napangisi na lamang ako sa isiping madali ko silang mapapatay dahil hindi naman nila ako nakikita.

Hindi ko na sinubukan pang kunin ang papel at lumapit sa Guild Assistant para opisyal na tangapin ang misyon. Hindi naman nila ako makikita at hindi din naman ako rehistradong adventurer. Isa lamang akong ispirito na ang nais ay pataasin ang aking antas.

Dahil nakuha ko na ang impormasyong nais ko. Napagpasyahan ko nang lumabas upang gawin ang aking hangarin. Tinignan ko ang kalangitan at sa aking tansya ay nasa bandang hapon na ang oras. Kailangan kong mahanap ang Black Boar na aking makakatungali bago pa lumubog ang araw. Tiyak na mahihirapan ako pag madilim na ang kapaligiran.

Upang mapadali ang aking pagtungo sa kagubatan, pinalutang ko ang aking sarili at mabilis na lumipad patungo sa aking pinangalingan. Nang makalabas sa likod na pasukan ng bayan, tumigil ako sa isang gilid at binuksan ang storage box upang kunin ang mapa.

Dahil sinuri ko na ito kanina, madali na lamang para sa akin na matukoy ang aking distinasyon. Napakalaki ng silbi ng mapang ito sa akin dahil madali kong makita ang aking kinaroroonan at direksyon na kailangan kong tahakin.

Napansin ko na marami din ang mga adventurer na nagtutungo sa kanang bahagi ng kagubatan kaya naisip kong sundan na lamang sila.

Mas pinili ko ang maglakad na lamang dahil pansin kong tila nakakaramdam ako ng pagod sa paglutang. Tumigil na muna ako ng ilang sandali at naisip na tignan kung may pagbabago bang naganap sa aking status.

"System." Bahagya kong bigkas. Muling lumabas ang aking status at sinuri ito.

Name: none

Lv. 1

Hp: 100/100

Mp: 31/50

Dep. 0/50

Physical Attack: 0

Physical Defence: 0

Magical Attack: 50

Magical Defence: 50

Dexterity: 50

Intelligence: 50

Luck: 50

Agad kong napansin ang salitang Death Energy sa bandang ibaba. Ito na marahil ang sinasabi ng itim na pusa. Hindi kagaya ng karaniwang mga nilalang, tumataas ang kanilang antas sa pamamagitan ng EXP points pero sa katulad kong isang ispirito. Death Energy ang aking kailangan. Kailangan ko lang pumatay ng mga halimaw at i-absorb ang kanilang death energy.

Nalaman ko din na gumagamit ng isang mana points ang skill na float bawat sampung minuto. Mas maigi na hindi ko ito parating gamitin lalo na at wala akong ideya kung ano ang mangyayari sa akin sa oras na maubos ang aking  mana points.

Bumuntong hininga na lamang ako. Talaga ngang masyado pang mababa ang aking antas. Kinakailangan kong pataasin ang aking antas ng sa gayon ay tumaas din ang aking Mana Points.

Tumingin ako sa daang aking tinatahak. Nakita ko sa harapan ang grupo na aking sinusundan na kasalukuyang kinakalaban ang isang itim na baboy. Mukhang nakarating na ako sa aking destinasyon ng hindi ko namamalayan.

Ito ang unang beses kong makapanuod ng isang aktwal na laban sa pagitan ng isang tao at halimaw. Madalas ko ito mapanood sa mga anime series na paborito ko at hindi ko mapigilang mapangiti sa isiping harapan kong nakikita ang labanan.

Binubuo ng tatlong tao ang grupo ng adventurer. Ang pinakamatangkad na lalaki na may hawak na espada ang nakikipaglaban sa mga halimaw ng harapan. Ang isa namang babae ay gumagamit ng pana upang suportahan ang lalaki habang nasa likod naman ang isa pang babae na gumagamit ng enhancing spell upang palakasin ang pwersa ng kanilang grupo. Isang tipikal na istratehiya na madalas kong mapanood at mabasa.

Ginamit ko din ang Appraisal skill sa kanila ngunit tanging pangalan, edad at antas ang nakita kong impormasyon. Hindi nakatala dito ang kanilang abilidad at mga skill. Kung tutuusin, masyado pang mamaba ang antas nang skill na ito. Marahil, malaki din ang pagitan nang kanilang antas kung ikukumpara sa akin.

Hindi ko na sila pinansin at ibinaling na lamang ang aking paningin sa kapaligiran. Sapat na ang aking nakita at kailangan ko na ding humanap ng makakalaban na halimaw.

Napansin ko ang isang itim na baboy na sa tingin ko ay nais lumapit sa kinaroroonan ng mga Adventurer. Agad na nag activate ang Appraisal skill at nakita ko ang kaniyang status.

Name: Black Boar

Lv. 5

Hp. 200/200

Rank: Common

Race: Monster

Level 5 na ang black boar ngunit agad akong lumapit dito at hinarang ang kaniyang daanan. Hindi naman ako nito makikita kaya gagamitin ko itong kalamangan upang matalo ito.

Napangisi ako at sisimulan ko na sana siyang atakihin ngunit may bigla akong naalala.

"Teka! Wala pa akong offensive skill!" Natataranta kong bulong ng maalala ang aking status.

Nakatala doon na may attribute akong taglay ngunit kasalukuyan itong selyado. Napansin ko na lamang ang paglapit ng halimaw at tumagos ito sa akin.

Napahawak ako bigla sa aking ulo. Bakit ko nakalimutan ang napakahalagang impormasyon. Paano tataas ang aking antas kung hindi ko magagawang tumalo ng isang halimaw?