webnovel

BLANK

Maureen POV

Many times today, I constantly closing my eyes. I can't stop but compare how dark I am feeling right now and the darkness as I close my eyes. But I think it's better for me to close my eyes, kasi paningin ko lang ang mag didilim di gaya nung nararamdaman ko ngayon. Just to clarify, di lang ngayon kundi sa lahat ng panahon.

And yep, I had this anxiety attack again, kung saan ko gusto e stop lahat, cause I am tired. I am tired of thinking, feeling unwanted and this mixed feelings.

Right now, my friends are calling me through my phone and I don't want to answer any call from them or anyone. If I answer them, all I wanna do is cry and cry and they would never understand it.

I am walking by the street today and di ko alam kung saan ako pupunta or saan ako hihinto. Lutang na lutang akong nag lalakad.

I them just noticed na napadpad ako sa isang school at doon nalang muna ako umupo sa waiting shed. Nagpapahinga kahit di nararamdaman ang pagod.

Nakikita ko yung mga estudyante puro high school, napakanormal. Naglalakad, tatawa, nag chichikahan kasama ang mga barkada. I've been there before. And namimiss ko tuloy maging masaya.

Habang tumitingin ako sa paligid, I've noticed this one guy. He's tall, medjo singkit, mestizo, tapos nakatuxido sya na parang kagagaling lang sa isang party, like formal party. Kaya ko sya napansin kasi he is starring at me for too long. Bigla lang akong na conscious by those looks. Napansin ata niyang nabothered ako sa ginagawa niyang pagtitig, bigla niyang iniwas ang tingin saakin.

Tumayo na ako para aalis na sana nang bigla siyang nagsalita

"You look so sad."

Tinignan ko siya nang walang emosyon at tuloyang umalis.

Nacreepihan ako sa tao, baka manyak, o planohan akong nakawan.

Plano ko nalang pumunta ng simbahan, pero habang papalapit na ako sa plaza sa may simbahan malapit.

May naramdaman akong tao na sumusunod sa akin.

Natakot ako, tsaka naglakad ng mabilis sa may maraming tao, nang di pa ako nakaabot sa maraming tao.

"Miss! Hey! Girl with the sad eyes!"

Hindi ko nilingon, baka stalker o kaya creepy na tao. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad tsaka pumasok na ako sa simbahan sa bandang di ako makikita. Limang minuto ako naghintay para lumabas baka sinundan talaga ako nung lalaki na sumisigaw.

Tsaka ako umupo at tinignan lamang ang poon. Alam ng Panginoon na di ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Lumuhod ako at umiyak ng umiyak. Pagkatapos lalabas na sana ako nang humarap saakin ang lalaki sa waiting shed, yung mestizo. At inabot ang isang supot.

"For you. Eat that. And please smile." tugon niya.

Napaka anghel nga naman pala ng mukha ng lalaki.

"I've been looking at you the whole time kanina sa waitingshed and I cannot stand to not do something to make a beautiful girl like you to smile"

Tinignan ko siya ng pagtataka. Anghel nga mukha niya di parin ako magtitiwala. Sino ba siya?

"Anyway? Who the hell are you?!" Nameywang ako.

"You can't do that easily to someone, you look creepy and to follow me here also is seriously creepy."

He looked at me with confusion.

"Yes. You did was sweet. But you can only do that to someone you know."

Then I left him there.

But he still follows me.