webnovel

Internal Sin (Tagalog)

Misteryosong nawawala ang mga piling tao na galing sa ibat ibang lahi at mga bansa. Sila ay napadpad sa isang tila pirpektong mundo kong saan naroon matatagpuan ang lahat ng pinaniniwalaang mga halimaw na syang sa mga lumang kwento lang maririnig. Sa mundong ito nabububay sa katawan ng tao ang kapangyarihan na nagmumula sa pitong charka. Sa kakaibang mundo ding iyon matatagpuan ang mga napakalalaking dungeon na syang binabantayan ng mga kahariang naglalaban laban para alamin ang paraan para makabalik ang tao sa totoong mundo na pinag mulan nito. Sa huli tangin ang kahariang makakakompleto lamang ng libro galing sa mga dungeon ang syang makakaalam ng katotohanan at paraan para makabalik ang mga tao sa orihinal nilang mundo.

namme · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
8 Chs

Inspirasyon at pagpupulong

Hinintay ng hari at mga elders na matapos ang kasiyahan at nang matapos na ito ay agad inutos ng hari na isara na ang pintuan ng kaharihan at siguraduhing wala nang ibang naroon kundi sila na lamang.

Nang masigurado na ang lahat, ay inutusan na ng hari si assedia na padalhan si casey ng sulat na nag uutos kay casey na bumalik sa kastilyo. Agad itong sinunod ni assedia at inilabas ang ibong may napakagandang kulay na si "adarna". Nag silid si assedia ng nakarolyong liham sa paa ni adarna at sabay pinalipad ito. Nagpaikot ikot muna ang ibon sa taas nila na tila ba sumasayaw ito sa ganda ng balahibo at pakpak nito at ilang sandali pa ay lumipad na ito papalabas sa malaking bintana ng kastilyo sa taasng orasan.

[samantala sa tahanan ni casey]

Habang nasa kwarto si casey at nag lilinis ay tumingin tingin naman si celin sa bahay ni casey at doon nakita nya ang mga iginuhit ni casey. "Tila hindi talaga maitatanggi ang galing ni casey sa pagguhit" banggit ni celin.

Dito kasi nakita ni celin ang mga iginuhit ni casey na larawan ng mga elders at maging mga kakaibang drawing na sa tingin ni celin ay ang mga nakakalaban ni casey katulad na lamang ng mga halimaw at mga taong kakaiba ang kurba ng katawan at pagmumukha. Bukod pa roon nasa dingding din nakasabit ang malaking painting ng buong kaharian ng Stella. Sa pag tingin tingin ni celin ng mga likha ni casey ay dito nakita nya ang iba pang guhit na larawan ni caset, matapos titigan ng matagal ay napagtanto ni celin na siya mismo pala ito at hindi lang ito iisa kundi napaka rami. Nabigla na may halong pagkamangha ang reaksyon ni celin sa mga nakitang obra ni casey at sa punto namang iyon na bumaba na si casey galing sa kwarto. Agad na napansin ni casey na tinitignan ni celin ang mga likha nya napansin din ni casey na ang tinitignang drawing ni celin ay ang mga likha nya noong unang taon palang nya sa mundong iyon. Hindi naman na nagulat pa si casey at hindi narin itinangi at dito nagsalita nalang sya na:

Casey: sinubukan kitang hanapin noon dito. Inakala ko kasi noon na napadpad karin dito.

Nagulat naman si celin nang marinig na magsalita si casey sa likod nya kaya dito napatingin lang si celin kay casey at si casey naman ay nagpasya nalang na magkwento kay celin.

[Kwento ni casey]

Noong napadpad ako dito ang pagguhit lamang ang syang ginagawa ko para hindi sumukong mabuhay sa mundong ito at iginuhit ko ang mga larawang mong iyan base sa na aalala ko sa itsura mo. Nang mga unang araw ko dito ay hindi pa ganoon ka unlad ang kahariang ito at wala rin akong magawa noon kundi umiyak sa pangungulila at pagkalungkot bukod pa roon nahahaluan pa ang emosyong iyon ng takot dahil noon kahit nasa loob ka ng bayan ay malaya pang nakakapasok ang ibang halimaw at dito sa loob sila nanggugulo.

Ang ginagawa ko noon para maibsan ang takot at lungkot ko ay nagdidrawing ako at iginuguhit ko ang nakakapag pasaya sa akin dahilan para makalimutan ko panandalian ang lungkot at takot, at oo ikaw ang iginuguhit kong iyon. Pero natigil ako sa pagguguhit nang matuto akong gumamit ng chakra at matutunan ang kapangyarihan ko. Ang pag bihasa kasi sa kapangyarihan ang tinutukan kong maigi at noong nagtatrabaho nako bilang isa sa mga tagapatay ng mga halimaw sa bayan ay doon nako nakakapag ipon at noong nakapag ipon na ako ng malaki ay ang una kong ginawa ay mag renta ng mga hunter na syang nakakapasok ng malaya sa tatlong kaharian dito sa kontinenteng ito.

Ginamit ko ang mga iginuhit kong larawan mo para ipakita sa mga hunter na syang hahanap sayo at alamin kong makikita kaba sa ibang kaharian, iba ibang hunter ang nirentahan ko at lahat sila ay nagsabing wala ang itsura mong iyon sa ibang kaharian.

Noong nakasigurado na ako na talagang wala ka dito ay doon kona itinigil ang pag hahanap sayo at mas naging panatag na ako. Ilang buwan din matapos kong itigil ang paghahanap sayo ay doon narin ako naging isa sa mga elder. Noong mga unang araw ko sa pagiging elder at dahil sa isa narin ako sa may kakayahan dito sa kaharian ay nagpasya naman ako na ako na mismo ang tumingin sa ibang kaharian kong talaga nga bang wala ka dito. Nagawa ko iyon ng ilang beses kahit napaka mapanganib para sa akin pero sa pamamagitan ng pagbabalatkayo ay ligtas ko naman iyong nagagawa at nakompirma ko naman agad sa sarili ko na talagang wala ka nga dito sa mundong ito kaya itinigil ko agad ang delikado kong ginagawang iyon. Mataas kasi ang tyansang patayin ako ng mga elder sa ibang kaharian kapag nalaman nilang elder ako mula sa ibang kaharian.

Masasabi kong sa paghahanap ko rin sa iyo kaya nagbago ang pag uugali ko. Naging matapang at matyaga akong tao, nawala din ang pagiging mahiyain ko maging ang pagka duwag ko ay nabago ko. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa pagmamahal ko sayo celin kong hindi dahil doon ay wala ako sa kong ano mang katayuan ko ngayon kong hindi ikaw ang ginawa kong inspirasyon.

Sa mga narinig na iyon ni celin mula kay casey ay nagbitaw naman ito ng matamis na ngiti kay casey, pagpapakitang nagagalak itong si celin at sya ang napiling inspirasyon ni casey para mabuhay sa mundong iyon.

Samantala ay nagulat naman si casey sa ipinakitang reaksyon na iyon ni celin kaya nahihiyang napangiti din itong si casey.

Ilang sandali naman ang lumipas ay dumating na ang ibong si adarna at dumapo ito sa dapuan ng mensahe sa bahay ni casey. Dahil kilala ni casey kong kaning alaga si adarna ay agad itong napansin ni casey at kinuha ang liham na dala nito at binasa ni ang liham na nagsasabing:

Liham:

Ipinag uutos ng mahal na hari na agad ka dapat na pumarito sa kastilyo mula sa mga oras na mabasa mo ang buong liham na ito.

Nararapat na matuloy ang naudlot na pagpupulong dahil sa iyo "Nuel Casey Lopez" na pag alis mula sa kastilyo ng walang permiso mula sa mahal na hari.

Maari kang patawan ng kaparusahan dahil sa maihahalintulad ito sa pambabastos sa hari pero dahil sa katayuan mo bilang elder ay maaari itong ipasawalang bisa ang kaparusahan kong ikaw ay makikipag usap ng maayos sa mahal na hari.

Dahil sa isa kang elder ay bibigyan kalang ng sampong minuto para pumarito sa kaharian.

Dahil sa mahikang inilagay ko sa liham na ito ay magsisimulang tumakbo ang pag bilang ng oras kapag natapos mo nang basahin ang liham na ito.

- Mula sa iyong kapwa elder "Mary Assedia Pepito".

Sa nabasang liham ay wala namang makikitang ano man sa pagmumukha ni casey na para bang inasahan na nyang papadalhan sya ng sulat ni assedia. Agad lang na muling inirolyo ni casey ang liham at sinabihan si celin na:

Casey: kaylangan kong bumalik sa kastilyo, utos iyon ng mahal na hari. Nalinis ko na ang kwarto nakikita ko na puyat at hindi kapa nakakatulog ng maayos. Maaari mong gamitin ang higaan ko at magpahinga ka doon sa kwarto. Kong nagugutom ka ay maraming nakatabing pagkain sa kusina isipin mong bahay mo rin ito celin hindi ka dapat mahiya.

Celin: sa totoo lang ay kanina panga ako nakakaramdam ng antok kaya maraming salamat. Pero sandali kalang na aalis hindi ba?

Casey: hindi ko masasabi, isa ako sa naka asinta para pumasok sa dungeon ngayong araw. Bukod pa roon ay nararamdaman ko na may makikipag laro sa akin mamaya kaya sa tansya ko ay baka maggagabi narin ako makabalik.

Celin: ganun ba. (malungkot na pagkasabi)

Casey: marami panaman tayong araw para makapag usap. Basta wag ka mahiya, dinala kita sa bahay na ito kaya isipin mong bahay mo na rin ito. Syanga pala wag na wag mong iisipin na lahat ng ito ay kaylangan mong suklian ng kapalit sa akin. Ang gusto ko lang ay maging ligtas ka at tuparin mo lang ang mga mapag-uusapan natin sa mga susunod na araw.

Celin: sige! pangako ko na tutupad ako sa lahat.

Casey: nga pala bawal ka lumabas ngayon. Maaari kang dakipin dahil isa ka parin sa mga baguhan sa mundong ito bawal ka magpagala gala kukuhanan muna kita ng patunay kay assedia bilang tanda na ikaw ay nasa ilalim na ng pangangalaga ko. magpahinga ka nalang muna ngayon mag ipon at bumawi ka ng lakas.

Celin: naiintindihan ko, maraming salamat! Mag iingat ka casey.

Napangiti muli si casey sa sagot na iyon ni celin at matapos noon ay naglakad na si casey papalapit sa pinto at bago umalis ay sinabihan nito si celin na:

Casey: hindi kita masasamahan ngayon para mamasyal at bumili ng mga kaylangan mo. Pero bukas na bukas ay maglalaan ako ng oras para sayo. Sa ngayon ay maaari mong pagtyagaan ang alin man sa mga damit ko na pu-pwedeng magkasya sa iyo.

Sa sinabi ni casey ay doon din naalala ni celin na wala nga pala syang kahit anong damit kundi ang suot suot lang niya sa mga oras na iyon ang mayroon sya. Pero bago pa sumagot si celin sa sinabi ni casey ay mabilis nang nawala si casey at hindi manlang nito ginamit ang pinto para lumabas bagkus ay bigla nalang naglaho na talagang ikinamangha muli ni celin. Kasunod naman noon ang paglipad at pag alis din ng ibon na si adarna na syang naghatid ng sulat kay casey.

Dahil sa nakakaramdam na ng antok si celin ay natulog nalang muna ito sa kwarto ni casey.

[sa kastilyo kong saan naroon ang hari at ibang elder]

Mabilis na nakarating si casey sa kastilyo tila ilang Segundo lang ang lumipas muna nang umalis ito sa bahay nito.

Sa pag dating ni casey ay halata naman ang pag hinga ng malalim ni vonne dala ng labis na pagnanasang kalabanin si casey sa mga oras na iyon. Samantalang si casey naman ay normal lang na naglalakad papalapit sa lamesa kong saan nandoon ang lahat. Kitang kita na tila wala itong pake si casey sa kong ano mang nagawa nya kanina lang. Dahil naman sa pag uugaling iyon ni casey ay lalo naman itong ikinaiinis ni vonne dahilan para dina naiwasang magpakawala ni vonne ng nakakatinag na ora na syang naramdaman ng lahat sa kaharian. Sa orang iyon na ipinaramdam ni vonne kay casey na tila ba kahit naka upo lang si vonne at ni hindi nga ito nakatingin kay casey ay dama ni casey na para bang sinasakal sya nito sa bigat ng ora. Pero hindi naman nagpatinag si casey patuloy lang na naglakad si casey patungo sa upuang nakalaan para sakanya na tila ba ipinapakita ni casey na walang ipekto at baliwala lang sakanya ang pinapakawalang ora na iyon ni vonne. Samantala ang ibang nasa kaharian naman tulad ng mga samambahay ng kastilyo mga kusinero at mga normal na guardya ay nakatulala nalang at pinapawisan ng malamig dahil sa nararamdamang ora ni vonne na hindi nila magawang labanan.

Nang makarating na si casey sa kanyang pwesto ay agad itong umupo, sa pag upong iyon ni casey ay dito palihim naman na nakabantay ang ibang elder sa paligid nila casey at vonne. Tulad ni danka na nakahawak na sa kanyang katana, si zedd naman na ipinatong na ang kamay sa lamesa tanda na sisirain nya ang lamesa bilang maging harang sa pagitan ni casey at vonne sa oras na subukan ni vonne na umataki, naka porma narin ang mga daliri ni touru sa kaliwang kamay na nakatago sa ilalim ng lamesa at handang panandaliang bulagin ang lahat sa silid na iyon sa oras na may mangyaring hindi inaasahan.

Si eiyah naman ay walang pake sa kong may maganap mang kaguluhan basta ang gusto lang nito ay makitang mag laban ang dalawa pero kong hindi ay wala rin syang pake, si assedia naman ay malakas ang kutob na walang magaganap na kahit ano lalo na at nasa tabi lang nila ang hari kaya normal lang ito na nakaupo.

Samantala dama naman ng hari ang nagaganap na tensyon sa pagitan ng mga nakaupo lamesang iyon. Kaya bago pa tuluyang di makapag pigil ang lahat ay inumpisahan na ng hari na mag salita, na agad namang sinuportahan ni assedia upang tuluyan nangang magsimula ang pagpupulong:

Hari: ngayong naririto na si casey ay handa naba ang lahat!? Gusto kong maging maayos ang pagpupulong na ito na tulad ng kinagisnan nating pagpupulong na normal at maayos.

Matapos mag salita ng hari ay itinigil narin ni vonne ang ginagawa nitong pagpapakawala ng ora. Matapos naman ng ginawang iyon ni vonne ay napangiti naman si assedia at ginanahan ito dahil sa wakas ay tama nanaman ang kutob nya kaya agad na nitong sinagot ang hari nang:

Assedia: Opo mahal na hari. Naniniwala akong nasa katinuan na ang lahat na naririto para pag usapan ang mas importanteng bagay.

Hari: mahusay kong ganun. Bweno hayaan mong ikaw ang magsimula ng pagpupulong na ito assedia.

Assedia: opo mahal na hari umpisahan natin sa mga palapag. Ang kasalukuyang palapag na narating namin ay ika pitumput walong(78) palapag na dati ay nasa pitumput dalawa(72) lamang. Bumaba tayo ng anim pang palapag na syang mas mataas na bilang kumpara sa narating na palapag ng "kaharian ng Sol" at ng "kaharian ng Selene" na parehong nasa apat na palapag lang ang ibinaba nila. Ang Sol kingdom ang syang humahabol sa lalim ng palapag na ating nararating sila ay nasa pitumput limang(75) palapag na at ang Selene kingdom naman ay nasa pitumput dalawa(72) palamang.

Hari: kong ganoon ay malaki ang tinaas natin ngayong buwan na ito at hindi tayo nagawang dikitan ng bilang ng palapag ng Sol kingdom. Hahahaha siguro ay swerte ang mga baguhang dumating ngayon hindi ko inasahan ang magandang balita na ito.

Assedia: opo malaki ang iniangat ng kaharian natin ngayon kumpara sa iba. Napatunayan ko iyan dahil sa dungeon nakita ko kong gaano kalaki ang itinaas ng antas ng lakas at kakayahan ng mga elder natin dahilan para maka-anim na palapag kami sa loob oang ng tatlong araw.

Hari: pero kahit ganoon ay di natin maitatanggi na malalakas din ang elder ng kaharian ng sol. Wag tayo maging bias sa ating mga sarili. Sa tingin nyo anong dahilan at hindi nila tayo nagawang dikitan sa dami ng palapag na narating?

Assedia: lamang na tayo ng isang palapag noon palamang sa bilang na pitumput dalawa(72) sila naman ay nasa bilang na pitumput isa(71) at tanging apat na palapag lang ang narating nila kumpara sa atin na anim na palapag ibinaba.

Danka: sa tingin ko ay sadya na nilang tinigil ang pag baba pa ng palapag matapos marating ang pitumput limang(75) palapag dahil doon sa palapag na iyon matatagpuan ng isa sa nagpahirap sa amin sa loob ng dungeon.

Eiyah: pitumput lima(75) ang checkpoint kong saan nakapwesto ang "Secondary Boss Monster"(SBM) na may antas na pitumpu(70). Malamang sa ika-walumpung(80) palapag matatagpuan ang "First Boss Monster"(FBM) na may antas na pitumput lima(75).

Hari: oo nga pala nakalimutan ko ang tungkol dyan. Kong ganun anong uri ng SBM ang nakalaban nyo?

Casey: isang "Grifin" na napaka lakas sa parehong pisikal at sa kapangyarihan nito.

Assedia: oo totoong malakas ang grifin na iyon, yon palang ang nakabasag ng barrier na ginawa ko para protektahan si vonne.

Eiyah: tama totoong malakas iyon. Sa lahat ng boss na nakaharap natin ay yon palang ang nakapasok sa "Lucid Magic" ko at nalaman ang lokasyon ko. Sa totoo lang ay laki ang gulat ko noong mga oras na pasukin ako ng grifin na iyon sa lucid magic. buti na lamang at roon si casey kong hindi ay ako siguro ang napuruhan ng malala sa ating lahat.

Danka: kong ganun ay may utang ka pala kay casey

Eiyah: nakapag pasalamat na ako sakanya at ako rin ang nag pagaling kay casey bago tayo lumabas ng dungeon kanina. Di naman kasi ako tulad nyo na kahit ilang beses namin i-support nila assedia at touru ay di manlang magawang magpasalamat hmmp.

Danka: hahahaha oo na. Saka kahit naman di kami magsabi ng salamat ay alam naming alam nyo kong gaano kami nagagalak sa tuwing nandyaan kayo sa likod namin para suportahan kami.

Assedia: natutuwa talaga ako pag kayong dalawa ang nagtatalo danka at eiyah bagay na bagay kasing kayong tignan.

Danka & eiyah: (sabay na banggit nang) MANAHIMIK KANGA!!

Assedia: hahahahaha

Danka: mabalik sa usapan totoong malakas ang grifin na iyon, dahil tatlong beses nun nasalag at naiwasan ang malakas na pag atake ko gamit ang "Tenebris sword" at "Hikari Odachi" ko.

Touru: kong ganun na kalakas ang grifin na iyon na nasa antas na pitumpu(70) palang ay dapat nating pag handaan ang FBM na nasa walumpung(80) palapag dahil alam naman natin na doble ang lakas ng FBM kumpara sa SBM.

Assedia: totoo yan kaya kahit may isang buwan tayo para sa susunod na "Excavation Quest" ay dapat parin tayo mag insayo araw araw.

Hari: Teka diba kahit isang grifin ang nakaharap nyo sa pitumput limang(75) palapag ay walang kasiguraduhan na isang grifin din ang makakaharap ng elder ng sol sa dungeon nila?

Zedd: opo maaaring ibang uri ng malimaw ang SBM sa dungeon nila pero ang antas at lakas nito ay siguradong hindi nalalayo sa grifin na nakalaban namin.

Casey: tama kaya kong nahirapan kami sa grifin naiyon ay paniguradong mahihirapan din sila sa SBM ng dungeon nila.

Danka: tama kaya sa tingin ko isa yon sa dahilan kaya pinili nilang hanggang doon lang muna sa palapag na iyon sila huminto at dina muna bumaba pa ng sunod na palapag.

Touru: siguro ay marami ang napinsala sa kanila o talagang dina nila kaya pang lumaban para sa susunod na palapag.

Hari: maaaring tama kayo pero alam kong hindi ganoon kahihina ang mga elder ng sol kingdom kaya hindi parin natin masasabi ang tamang sagot.

Danka: ganun!? Pero ang bansagan palang nila si casey na "reaper" ay patunay na namay takot na sila kay casey. Alam naman natin na mahihina lang ang nakakaramdam ng takot diba.

Assedia: wag mo maliitin ang elder ng ibang kingdom dahil lang dyan danka. Tandaan mo binansagan nilang reaper si casey dahil natalo at napatay ni casey ang elder nila sa buwis buhay na laban.

Danka: yon nga ang punto ko e, napatay ni casey ang elder nila dahil mahina ito.

Eiyah: may gusto kabang patunay kay casey danka!?

Assedia: sinasabi mo ba na mahina lang ang nakalaban ni casey kaya nya ito natalo at napatay at hindi naman ganoon kalakas si casey dahil nga sa mahina lang ang nakalaban nya ganoon ba ang iniibig mong sabihin.

Zedd: hindi hihiranging elder ang isang tao kong wala syang napatunayan sa kaharian na kaya nyang protektahan ito at wala syang taglay na malakas na kapangyarihan. Sa nakikita ko ay mali ata ang pagkakaintindi mo sa kong ano ang mga elder danka.

Danka: (napangiting halata ang inis)

Vonne: minsan danka ang pagsasalita ng wala sa ayos ang syang nagdadala sa tao sa sarili nyang kapahamakan.

Danka: sayo pa talaga nanggaling yan vonne ah. Matapos ng lahat ng sinabi mo kanina sa babae ni casey.

Assedia: heto nanaman kami.

Hari: tama nayan! Ang dapat na pag usapan ngayon ay ang tungkol sa misyong ginawa ninyo. Magpatuloy ka assedia at gusto kong ikaw nalang ang magsasalita dito. Bigyan mo lang ng pahintulot ang iba na mag salita kong ito ay may katuturan at may kaugnay sa pinag uusapan.

Assedia: opo mahal na hari paumanhin sa inasal ng mga kapwa ko elder.

Ipinagpatuloy ni assedia ang pagpupulong nila at dito nanga nalaman ng hari ang mga nakasulat sa mga piraso ng libro na nakuha ng mga elders at dito na nila nalaman ang mga bagong talata na kanilang nabuo mula sa mga piraso.

Ano nga ba ang mga bagong talata at ano ano ang mabubuo nito sa libro?

Abangan sa susunod na kabanata ng Internal|Sin.

.

Follow us on IG to get notified on every updates and post of Character Design and Concept Art of this Story.

.

You may see the characters of Internal Sin on Instagram.

IG:@nammemmy

.

Two chapters per week, publishing time is on every Saturday and Sunday 12:00 am (PHT).

nammecreators' thoughts