webnovel

In Case You Forget Me

Paano kung makalimutan ka ng taong pinakamamahal mo? Yung taong pinakaimportante sa'yo? Paano mo ipapaalala sa kanya kung sino ka? Paano mo ipapaalala yung pagmamahal niyo sa isa't isa kung kahit siya, nakalimutan nang minahal ka? Paano mo ipaglalaban yung pagmamahalang ikaw nalang ang nakakaalala? A story about Amnesia. A battle between the heart and the mind. "Can your heart really remember the love that your mind forgotten?" *** TAGLISH (Tagalog-English) love story Hi Readers, I hope you enjoy reading my first ever full novel! Thank you for your support! -Jaks

Dmissusj · Teenager
Zu wenig Bewertungen
80 Chs

Future Son-in-Law

*Theia's POV*

"Nate?"

It took me a moment to realize he was really here. Parang kanina lang nag-uusap sila sa baba tapos ngayon nandito na siya sa harapan ko.

He's standing there. Smiling. He automatically held his arms open. I smiled back. Minsan ko lang siya matitigan ng ganito. And this man, is all mine.

"Theia?" Napatingin ako sa mga mata niya.

"Hmm?"

He raised an eyebrow and gestured his arms.

"I'm waiting."

I laughed and he smiled again kaya tumalon na ako papunta sa kanya.

"Ang laking baby!" Natatawa niyang sabi sa'kin habang yakap yakap niya ako.

"Uy, hindi kaya." Lumayo ako sa kanya tapos sumimangot. "Ang sexy sexy ko tapos sasabihin mo malaki ako?"

"Oo na, sexy ka na."

That made me frown even more.

"Ito naman hindi mabiro." Sabi niya. "So anong gagawin ko yayakapin ko nalang sarili ko?"

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Miss na miss ko talaga yung sarili ko. I love you, self." He said while patting his shoulders.

I couldn't help but laugh at him. He's always like this. Kung hindi sweet, palabiro. There's no in between.

"Baby, pakisabi nalang kung hanggang kailan ko dapat yakapin yung sarili ko ha."

I finally stopped laughing and jumped into his arms. I couldn't resist him lalo na kapag ganito siya at naglalambing. I closed my eyes while I hug him.

"I miss you, baby." Yan palang yung sinasabi niya pero kinikilig na 'ko. Ramdam na ramdam ko yung pagtibok ng mabilis ng puso ko. "I miss you so much kahit nagkita lang tayo kaninang umaga."

"I know, baby. I miss you too." Humigpit lalo yung pagkakayakap niya sa'kin.

"Mommy, Daddy, si Theia oh!" Napabitaw ako agad kay Nate nung narinig ko yung boses ni Kuya.

Nandun sila sa may pintuan. Lahat sila nakangiti sa'kin. Si Kuya nagtatakip pa kunwari ng mata pero nakasilip naman.

"Hon, hindi ba masyado pang bata ang baby natin?" Tanong ni Mommy.

Huh? Anong nangyayari?

"Ano ka ba, hon." Sabi ni Daddy. "They know what they're doing. They both know their boundaries."

Boundaries??

"Pero nag-aaral pa sila."

Anong kinalaman ng pag aaral?

"Graduating nanaman sila, Hon." Sagot ni Daddy. "Responsible naman ang anak at future son-in-law natin."

Future son-in-law???

"Paano kung may mabuo sila??"

Narinig kong natatawa si Nate sa tabi ko.

What? Mabuo? O___O

"Mommy, magandang balita yun!!" Masayang sabi ni Kuya. "Magiging Tito na 'ko!!"

"Oh and we're gonna be grandparents!!" Kulang nalang magtatalon si Mommy sa tuwa.

Nag-apir pa talaga silang tatlo sa harapan ko. Hindi ko narin mapigilang matawa. Parang bata sila Mommy at Daddy.

Tumingin bigla sa'kin si Mommy. "Baby girl ang gusto ko ha, Theia."

"Pero baby boy ang gusto ko, Hon." Sabi ni Daddy tapos napatingin kay Nate. "Kaya baby boy dapat, my future son-in-law."

"Gusto ko rin ng boy, Daddy!" Sabi ni Kuya Alec kaya nag-apir nanaman sila.

"That's my son!"

At may kampihan pa talagang naganap.

"Mom! Dad! Kuya! Seriouslyy??" Napatingin agad silang tatlo sa'kin.

Nag-tatalo pa sila kung boy or girl ang magiging anak ko. Sa'kin nga yung baby.

Teka, bakit yun ang iniisip ko?

"Nandito si Nate. Hindi ba kayo nahihiya?"

"Bakit? Okay lang naman sa'yo diba, our future son-in-law?" Tanong ni Daddy.

"Yes, Daddy." Ito namang si Nate nagkomento pa.

Lumapit ako sa pintuan at humawak na sa door knob. "Good night, Mommy, Daddy, Kuya!!!"

"Baby gir---" Bago pa man masabi ni Mommy yung gusto niya, naisarado ko na yung pinto sabay lock.

Lumapit ako kay Nate na medyo natatawa parin sa mga nangyari tapos hinampas ko siya ng mahina sa braso.

"Ikaw naman, gumagatong ka pa." Umupo na 'ko sa kama habang nakatingin ng masama sa kanya.

"Sorry na." Umupo naman siya sa tabi ko.

"Mahal.."

Naglalambing nanaman siya.

"Honey bunch.."

"Sweety pie.."

Wala naman kaming tawagan na ganun.

"Babbyyy.."

Ang cute niya talaga pag ganito siya. Hindi ko mapigilan. Ang corny pero kinikilig ako. Kainis.

"Love.."

Niyakap niya ko ng patagilid. Nakayakap nanaman siya sa tiyan ko. Ang hilig niyang yumakap dyan.

"Strawberry cake..?"

"HAHAHAHAHAHA!"

Hindi ko na napigilan. Natawa ako lalo sa huling sinabi niya.

"Ikaw ha. Sinasaktan mo na feelings ko."

He let go of me tapos nag-crossed arms siya.

"Kanina hindi ka namamansin tapos ngayong namansin ka, tinawanan mo naman ako."

Aba't nagtatampo ang baby ko. Ang cute talaga nito. Ang sarap pagtripan. HAHAHAHAHAHA.

"Kasi naman, natawa talaga ako dun sa dulong part. Ginawa mo na kong cake e. Strawberry flavor pa."

"Syempre favorite mo yung strawberry." Sabi niya habang nakasimangot. "Kausapin mo nalang ako pag tapos ka na tumawa."

Hinila hila ko siya. "Sorry na..."

Tinignan nya ako ng masama tapos inirapan ako. Hahahaha. Bakla talaga to e.

"Uy.. bati na tayo...."

Ayaw parin mamansin ah. Sungit naman nito.

"Saan ba masakit?"

"Dito oh." Bulong niya sabay turo sa bandang puso.

Napangiti naman ako at kiniss yung tinuro niya.

"Okay na?" He nodded while smiling.

Para talaga siyang bata.

"Alam ko yang iniisip mo. Atleast mahal mo."

Mind reader talaga 'tong boyfriend ko.

"Syempre naman, mahal na mahal ko." Mas lalong lumaki yung ngiti niya.

Humiga sa tabi ko si Nate. Nakaharap kami sa isa't isa at magkahawak ng kamay. Kilig na kilig na ko. Mainit narin yung pisngi ko.

Nate wa staring at me and he automatically laughed when I looked away.

"You're cute when you do that."

"Alam ko namang sinasadya mong titigan ako para mamula ako e."

"Never naman ako nagsawang titigan ka."

*Dugdug*

*Dugdug*

*Dugdug*

"Bakit ka nga pala nandito?"

I'm trying to change the topic dahil aatakihin na ko sa puso sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

"Why? Don't you want me here?" Nalungkot yata siya sa tanong ko.

"No." Sagot ko agad. "You're supposed to be with your family right? Sabi mo may family gathering kayo. Overnight pa naman yun tapos umalis ka agad."

"Nagpaalam naman ako kanila Mama at Papa." He said while caressing my face. "And I can't stay there knowing my girlfriend is not okay. Ikaw ang pinaka importante sa lahat, baby."

Napayakap tuloy ako sa kanya. He's too sweet. Palagi niya akong inuuna sa kahit anong sitwasyon.

"Nagtext sa'kin si Kuya Alec gamit yung phone mo." Halata sa boses niya yung pag-aalala. "At first, I thought ikaw yun pero may usapan tayong bawal ka mag-puyat. Nagpakilala si Kuya tapos sinabi niya yung nangyari, the next thing I know, nakasakay na 'ko agad sa kotse papunta dito. He called para marinig ko yung pag uusap niyo."

Oo, napag-usapan naming dalawa na bawal ako mag-puyat dahil sa kalagayan ko. Strict sila sa lahat ng gagawin ko.

"Mio, ayos ka lang naman diba?" Yes, mio talaga yung tawagan namin. Siya namili nun. Though I still don't know what it meant.

"Yes, mio." I said. "Now that you're here, okay na ko."

Alam mo yung pakiramdam na presence niya palang, ramdam mong safe ka. That's what I feel right now.

Binitawan niya ako at hinarap sa kanya.

"Hinding hindi mangyayari yung napaginipan mo, mio." Tumingin siya sa'kin ng seryoso. "What happened between me and Ivy is all over. Diba nga magkaibigan na kayo? Sila narin ni Ry. At kahit maghiwalay pa sila, hinding hindi kita ipagpapalit sa kanya, okay? I love you. Only you."

"I know.. Natatakot lang ako.." Hindi ko narin napigilang maluha.

"Baby, you know how much I love you right?"

Nakikita kong nalulungkot siya. Lalo akong na-guilty sa mga sinabi ko kanina. Narinig niya lahat yun.

"Yes."

I made it sound na hindi ko alam kung gaano niya ako kamahal...

"Then what are you afraid of, mio?"

"What if one day, marealize mong mahal mo parin si Ivy? What if one day, you fall out of love? What if one day, makalimutan mo kung gaano mo 'ko kamahal?" There. My worst fears. I said it.

"Theia." He caressed my face. "I won't."

"I won't ever realize na mahal ko pa si Ivy kasi sigurado akong I don't love her anymore. I won't ever fall out of love kasi why would that happen kung tuwing nakikita kita mas lalo akong nahuhulog sa'yo? And I won't ever forget that I love you 'cause everytime I wake up, you're the first person that I think about at lagi kong naaalala kung gaano kita kamahal."

"But I feel so close to losing you. What if hindi ako gumaling? Paano ka na? What if I die?? Hindi ko kayang iwan ka mag-isa." I cried harder.

Ayaw kong iwan ka. Ayaw kong iwanan mo ko. Ayaw kong mawala tayo sa isa't isa.

"You won't die, baby." He said. "Kung ayaw mo 'kong iwan, edi wag kang umalis. Dito ka lang sa tabi ko. Gagaling ka. Papakasalan pa kita at magkakaroon pa tayo ng pamilya."

"But what if--" He placed one finger on my lips which made me stop.

I see sadness in his eyes pero hindi siya umiiyak. He looks so strong. Stronger than me. Stronger, for me.

"Shh.." Ngumiti siya sa'kin. "Wag mo nang isipin ang mga ganyang bagay. Makakadagdag lang yan ng stress sa'yo. Please stop crying. It hurts me when you cry."

"I'm sorry, Nate." Hindi ko mapigilan yung luha ko. Hindi ko ma-control yung emosyon ko.

"Don't ever say sorry, mio." He wiped my tears away and he held my face on his hands. "Trust me, love. I won't let those things happen."

This is what it felt like kapag hawak niya ako.

I felt safe.

"Sometimes I feel overwhelmed by my feelings for you. Minsan natatakot akong mamatay dahil sa pagmamahal ko sa'yo."

"Baby, sa tingin mo ba hahayaan kitang iwanan ako?" He kissed my cheeks. "I love you so much that I can't ever let you go."

"I won't leave you. I don't ever want to lose you, Nate." I whispered. "I'm scared.."

"You won't, baby." Sabi niya. "Please stop worrying. I'm here. I will always be here. I love you and I will always love you."

"Will you stay?"

Nate doesn't stay with me like this. He would just stay until makatulog na 'ko tapos kinabukasan pagkagising ko, wala na siya. Nakakalungkot pero naiintindihan ko naman kung bakit.

Sina Mommy at Daddy na nga ang nago-offer sa kanyang mag-stay at matulog sa bahay pero sabi niya hindi daw yun maganda dahil hindi pa naman daw kami kasal.

"Yes, baby."

"Is it okay for you to stay?"

"Of course, baby." He kissed my forehead. "I already told them na hindi muna ako makakauwi ngayon. They understand."

"I'm sorry. Feeling ko tuloy nagiging burden ako sa'yo."

"No, baby. Wag na wag mong iisipin na pabigat ka sakin ha?" He said. "Ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Ikaw ang pinakaimportante sa'kin. Kaya wag na wag mo nang iisipin pa ulit yan, okay?"

"Yes, baby."

Lumapit siya ng konti at tumingin sa lips ko pabalik sa mga mata ko.

"May I?" I nodded and closed my eyes.

It was a slow and sweet kiss.

Lumayo rin siya agad at ngumiti sa'kin.

"I love you, Aletheia Courtney Zamora."

Nate knows his boundaries. He respects me so much and I'm very grateful for that.

"I love you too, James Nathaniel Go." Ngumiti rin ako pabalik sa kanya.

"Will you stay?" I asked for the second time.

Hindi kasi talaga ako makapaniwalang nandito siya sa tabi ko. He doesn't really do this.

Natawa naman siya. "Yes, mio. Not unless palayasin ako nila Mommy at Daddy o ni Kuya."

"Mommy at Daddy talaga ha."

"Well, ganun talaga." Ngiting ngiti naman siya. Proud na proud sa sarili niya. "Magaling yata 'tong boyfriend mo."

"Future son-in-law na nga tawag nila sa'yo e."

"Bakit ayaw mo ba?"

"Syempre gusto." Napayakap ako ng mahigpit sa kanya. He hugged me back in return.

"So, what do you prefer? Boy or girl?" He asked out of nowhere kaya napabitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

We both sat up. "Pati ba naman ikaw?"

"Regardless sa sinabi nila Mommy, Daddy or Kuya kanina, I'm serious." Sabi niya. "Anong gusto mong gender ng baby natin?"

"Hmmm.. Any gender will do."

"Really?"

"Yes. Basta mahalin natin sila ng sobra." Ngumiti siya ng sinabi ko yun. "Ikaw?"

"Baby girl sana."

"Bakit?"

"Para may mini Theia."

"You want a mini me?"

Hindi ako makapaniwalang gusto niya ng babaeng anak.

Usually kasi kapag babae ka, babae rin yung gusto mo. Pag lalaki ka, gusto mo rin ng lalaking anak.

"Of course." Humiga siya at tinap niya yung space sa tabi niya kaya humiga narin ako. "I want her to grow exactly like you."

"Exactly like me?"

"Absolutely."

"But why?"

"Napakabait mo kasing tao, Theia." I watched him while he spoke. "Gusto kong maging matapang siya, tulad mo. Yung hindi takot mag-try ng mga bagong bagay. Yung strong pagdating sa mga pagsubok sa buhay."

Strong? Strong nga ba talaga ako?

"Stop." He held my face between his hands and that made me look at him. "It's okay to be scared, Theia. Strong doesn't mean na hindi ka dapat matakot. Para sa'kin, ang ibig sabihin ng strong, yung kahit natatakot, lumalaban parin. And that's you, baby."

He lightly kissed my lips and smiled at me.

Why do you always say the right words at the right time, Nate? Lalo kitang minamahal. Lalo akong natatakot na baka isang araw mawala lahat ng to.

"But, you're right. Any gender will do. As long as mahalin natin sila, palakihin ng maayos at lumaki silang mabubuting bata."

"Sila?" Tanong ko. "You want more than one?"

"Yes." His smile grew bigger.

"How many?"

"5."

"5? Ang dami naman, baby."

"Masaya naman kapag dalawa. Pero mas masaya kapag more than two, mio."

"Okay. Three or more."

"Let's sleep, love. So we can dream about our babies." Natawa siya ng konti.

"Alright." I laughed with him. I feel so blessed to have this man.

"Good night, Theia." Sabi niya. "I promise, dito lang ako sa tabi mo."

"Thank you, Nate."

"I love you, mio."

"I love you too, mio." Pinikit ko na yung mga mata ko. "Thank you for staying."

"I will always be here. Sweet dreams, my love. Happy monthsary."

I felt his lips touched mine.

We stayed like that and finally nakatulog narin kaming dalawa.

******