Kinabukasan, nagising na si Bea na mag-isa na lang sa higaan. Narinig nya na lang ng bumukas ang pintuan ng cr at nakatapis lang si Dawn. "MAGBIHIS KA NGA!!" Napatakip sya ng mata nya. Napahalakhak lang ang loko.
"Nakuuu, pagmasdan mo to hanggang nakikita mo pa! Mamimiss mo to pag nakadamit na ko hahaha!"
Binato sya ng unan ni Bea. "Sira ulo!"
"Oo na po bhebhe qoh! Magbibihis na ko." Muling bumalik sa cr si Dawn ng makakuha na ng damit.
Init na init naman ang mukha ni Bea, hot talaga si Dawn pag walang damit. Napasampal na lang si Bea sa sarili nya, kung anu-ano talaga naiisip nya. Naalala nya din tuloy ang sinabi sa kanya kagabi ni Dawn.
Kailangan nya malaman kung totoo ba talaga ang nararamdaman ni Dawn sa kaniya. Tatanungin nya talaga 'to.
Kaso pagkalabas ni Dawn sa cr, di nya nagawa. Di nya pala kaya, umurong dila ng ate nyo. "Maliligo ka din ba?" Tanong ni Dawn.
"Y-Yeah." Nahihiyang sagot ni Bea at pumasok na sa cr.
Nagtaka lang si Dawn sa inasal ni Bea. Na-realize nya din ang nangyari kagabi. Nanlaki mata ni Dawn at uminit ang mukha nya. "Sh********t!" Nasapak nya sarili nya.
Napatingin sya sa salamin at dinuro-duro ang sarili. "F*ck! This is your fault! This is your f*cking fault! Kasalanan mo pag lumayo bigla sayo si Bea! F****ck youuuu!" Pabulong nyang sigaw sa sarili nya.
Nang matapos na si Bea maligo, nadatnan nyang kinakausap ni Dawn ang sarili nya. "Huy, umayos ka nga dyan!" Nawala panandalian yung pagkaka-ilang nya kay Dawn dahil nakakairita tignan si Dawn sa pinaggagawa nya.
Napahiya naman si Dawn. "Ah sorry hehe." Parang gusto nya tuloy magpalamon sa lupa sa hiya nya kay Bea.
Napa-iling na lang si Bea at nagpatuyo na ng buhok.
Tahimik ang umaga nila ngayon, nagkakahiyaan na ang dalawa mag-usap dahil sa sinabi ni Dawn kagabi. Gustong-gusto ni Bea magtanong ulit tungkol don, pero nahihiya sya. Gustong-gusto naman ni Dawn bawiin ang sinabi nya, pero nahihiya din sya.
Ayun, hindi nag-uusap ang dalawa. Nang makacheck out na silang dalawa sa motel ay nagtaxi na sila papunta sa Baguio City, specifically sa Greenfield Hotel.
Nagtabi silang dalawa sa back seat, wala ni isa sa kanila ang nag-attempt magsalita. Napa-ehem lang si Dawn at tahimik na silang dalawa ulit.
Medyo na-cringe yung taxi driver sa kinalalagyan nung dalawa, nagpatugtog na lang ito habang nagda-drive.
It feels like we've been friends forever, yeah
And we always see eye to eye
The more time we spend together
The more I wanna say what's on my mind
Take it easy
'Cause it ain't easy to say
I wanna be more than friends
I wanna be more than friends
I wanna tell everyone you're taken
And take your hand until the end
I wanna be more than friends
Pakiramdam ni Dawn ay nananadya itong taxi driver na ito. Nakita nyang napalayo ng onti sa kanya si Bea. Masasapak ko talaga 'tong hype na 'to, isip-isip ni Dawn. Nang magsalubong ang tingin nila nung driver ay sinamaan nya ito ng tingin.
Napa-iwas agad si manong driver ng tingin at pinalitan na lang yung tugtog.
This thing, called love, I just can't handle it,
This thing, called love, I must, get round to it,
I ain't ready, Crazy little thing called love.
Pag makakababa sila mamaya, talagang may sapak ang driver na 'to kay Dawn. Napatingin na lang si Dawn sa gawi nito at nagkataon na nagkatinginan ang dalawa.
Napangiti na lang sila sa isa't-isa, nawi-wirduhan lang ang taxi driver sa kanilang dalawa.