webnovel

Chapter 2 - Wedding

Chapter 2 - Wedding

 

Pumasok ako ng napaka-aga sa school. Lagi naman akong ganito. Hindi ako kailanman nale-late. Maaga akong nag-aayos ng sarili ko.

 

Nung uwian ay umulan. Mabuti na lang girl scout ako. May payong akong dala. Naiwan sa may harap ng school si Zyrus.

 

Nakita ko kung paano niya niya tignan ang litrato na hawak niya. Hindi ko masyadong maaninag. Kung sino iyon.

 

Lumapit naman ako sa kanya kaagad. "Share na lang tayo sa payong ko." Sabi ko sa kanya. "Joke lang!" Tumakbo ako palayo.

 

Pero sumunod siya sa'kin at kinuha yung payong para hawakan niya. Nung umuwi kami ay nilbre niya ko ng ice cream. "Libre kita ng ice cream, hinatid mo ko sa'min." Walking distance lang kasi sa bahay yung school namin.

 

Kumain kami sa lugar na malapit sa bahay sa may kanto lang na may street ice cream.

 

Kinabukasan naman ay inaagahan ko ulit ang pasok. Nakita ko ang anino ni Zyrus sa kanyang kwarto. Katapat ng bahay namin.

 

Math time namin ng mapansin ko sa bintana ang pamilyar na lalaki. Kasama ni Zyrus Arellano ang mga kaklase niya, nakaphysical education uniform sila at nagja-jumping jacks.

 

Tumawa siya kasama ang mga kaklase niya na balita barkada niya habang napapagod sila. Masayang-masaya nakangiti.

 

Napangiti rin tuloy ako. Marami pala siyang kaibigan. Napansin ko ang kakulitan niya.

 

Nung uwian ay napagpasyahan ko ng umuwi. Kaso nadaan ako ng nakamotor na lalaki. "Sakay na. Malapit na ang kasal." Sabi niya sa'kin.

 

Tinanggal niya ang helmet niya at nakita ko kung sino yon. Si Zyrus Arellano pala.

 

Walang pag-alinlangan na umakyat ako ng motor niya. Pinagtitingan tuloy kaming dalawa. Kasi sikat siya sa school. Alam ko iyon.

 

Nawala sa isip ko si Aiden Ramirez. Naalala ko din na ngayon pala ang kasal ng ate niya. Hindi ko naisip kakaisip ko sa mga assignments namin.

 

Nagkaroon sila ng church wedding. Napaka engrande ng kasal. Naiyak ako sa vows ng ate at kuya niya si Alexandra Arellano-Magtibay at Andrew Magtibay.

 

Nakita ko naman sa tabi ko si Zyrus, nakangiti sa bawat sinasabi ng pari pati ng ate at kuya niya.

 

Ang gwapo niya! Nakakatuwa, nagpalit kasi ito ng suit at ako naman binigyan ako ng white dress para itugma sa okasyon.

 

"Bakit may dumi ba ko sa mukha? Tanong ko. Nakatitig rin kasi siya sa'kin.

 

"Ang ganda mo ngayon." Nagulat ako sa sinabi niya sa'kin. Ano raw? Maganda raw ako? Nakakakilig! Parang susuka ata ako ng mga puso.

 

"Matagal na. Hindi lang ngayon." Sabi ko sa kanya at ngumiti. Binalik ko ang sarili ko sa tingin sa ikakasal at sa altar para hindi niya mahalata na natutuwa ako sa sinabi niya.

 

Hindi ko masyadong mahanap ang dalawang kong kapatid, si Kuya Harden at Drei pati pamilya ko kaya sumama na lang ako kay Zyrus.

 

"Picturan kita." Sabi niya nung patapos na yung kasal sa simbahan at susunod na ang reception.

 

"Sige na, picturan mo rin ako after. Syempre ang gwapo ko ngayon eh." Natatawa rin siya sa sinabi niya.

 

Kinuha ko ang cellphone niya at itinapat sa kanya. "Oh sige, ikaw muna." Ngumiti siya nung unang click ko ng pindutan. "1,2,3!" Bilang ko naman at ngumiti sa ginawa niya.

 

Pero nung pangalawa akong pindot ay nagpogi sign na siya kaya tumawa ako.

 

"Ayieeee, si Ate April at Kuya Zyrus." Tumawa ang kanina pa lang nasa gilid kong si Drei.

 

"Kayo naman ang magpicture." Sabi ni Kuya Harden inagaw ang cellphone ni Zyrus. Hinila ako ni Drei at pinagtabi kami ni Zyrus.

 

Inakbayan ako ni Zyrus at ngumiti ako na na medyo kabado. Siya todo ang ngiti. Kumain siya ng tinago niyang cupcake sa bulsa, tatak ng sikat na cheesecake company after.

 

Nung nasa labas na nag bride. Hinagis niya ang kanyang bouquet.

 

Nagulat ako ng masalo ni Zyrus ang bulaklak. Nagtawanan ang mga tao dahil nasa gilid lang kami nakaabang at hindi balak sumalo.

 

Inabot niya sa'kin ang bulaklak. "Sa'yo na lang. Ikaw na isunod na ikasal." Tawa niya sa'kin habang may frosting sa ilong.

 

Tumawa muna ko bago ko tanggapin. Kainan na kaya nagpunta kami sa reception.

 

Kinilig ako sa bouquet kaya pinincturan ko sa cellphone ko tapos pinost ko sa Instagram with a caption.

 

April Imperial: Got the bouquet! Yay!

 

Minessage ako ng Zyrus at sinend ang picture niya at pati namin.

 

April Imperial: Hoy! Bakit kasama ang picture mo?

 

Zyrus Arellano: Remembrance na 'yan! Hahaha! Joke lang! Nagkamali ako ng send, hindi yan kasama.

 

Hindi pa rin niya ko friend sa Facebook. Kahit nagcha-chat kami at kahit kapitbahay niya ko. Ang daya!

 

Chinat pa ko katabi ko naman siya.

 

Pinsan pala niya si Aiden Ramirez. Nandito kasi siya sa reception. Napansin kong lumapit siya kay Kuya Harden at ang kanyang girlfriend, si Melissa.

 

"Bakit nandito ang asungot na 'yan? Bad shot sa'kin yang crush mo." Banggit ni Zyrus sa katabi ko.

 

Si Aiden pala ang kanyang kinakagagalitan. "Inagaw niya yung girlfriend ko dati." Bulong niya. Hinalikan ni Aiden ang pisngi ni Melissa at niyakap si Kuya Harden. "Wala kang mapapala sa lalaking yan. Do not be close to that toxic guy." Sabi niya sa'kin.

 

He tapped my head and reassured me with a smile.

 

"Find another crush, a better one. To make sure you do not stay lonely." Tumawa ako sa sinabi niya. I already found one. I told myself. Ikaw.

 

Manhid ba siya o mabagal lang akong gumalaw. Well, Zyrus is a new crush.

 

Sabi ko sa loob-loob ko, I will wait for him. Not Aiden or anyone, but him.