Ayradel's Side
"S-Sir?" napapahiyang sambit ng sekretarya niyang Lara pala ang pangalan. Napansin ko rin ang pagbaling sa amin ng atensyon ng iba pang mga empleyado sa paligid namin.
Ni hindi ko magawang ngumiti. Naiinis pa rin ako sa secretary na ito.
"Cancel all my meetings today." simpleng saad niya.
"Po?!" laglag ang panga at mata niya. "P-p-pero you can't just cancel a meeting---"
"Then who else could cancel it?" with authority, he said.
"I mean, mahahalaga ang mga meeting ngayon---"
"Then cancel it. May iba akong gagawin ngayon." saka ko naramdaman ang paghawak niya sa braso ko. "Tara na sa office ko."
Pulang-pula ang pisnging umalis ako doon at nagpahila patungong kung saan. Rinig na rinig ko na ngayon ang tibok ng puso ko lalo na noong kaming dalawa lang ang sumakay sa elevator. Doon ko na rin hinigit ang braso ko mula sa kanya.
"S-saglit lang naman siguro 'tong pag-uusapan natin e. Pwede kang bumalik sa mga meetings after." sabi ko nang di siya umiimik.
"Hindi pwedeng saglit lang 'to Ayra." bored na sagot niya.
"H-Ha?" hindi na siya sumagot. "Uh... Okay..."
Nakarating kami ng 4th floor. Walang masiyadong tao rito. Hindi rin ito sobrang laki like other building's floor. May sofa, may paintings.... ang ganda.
"Ba't walang tao?"
"This floor is my office alone."
Halos mabilaukan ako. Hindi ito ganon kalaki pero malaki ito para maging office lang! Gawd!
Nakarating kami sa isang double doors na automatic na bumukas noong lumapit kami. Doon na tumambad ang maganda niyang office. Tables... swivel chair... Umupo siya doon habang nananatili akong nakatayo sa harap niya. Hindi pa ako tapos pagmasdan ang kabuuan ng office niya nang magsalita siya.
"You can sit."
"Uh..." umupo na ako sa upuan sa harap ng table niya, at saka kinuha yung letter. Nangangatog pa ang kamay ko nang ilahad ko ito sa lamesa. Ngunit ang mata niya ay nananatiling nasa akin.
Mas lalo tuloy akong nanginginig. Kainis!
"A-ayan na..." sabi ko ulit. Saka lang siya napatingin doon sa papel.
Tahimik niya itong binasa, habang minsan ay sumusulyap sulyap sa akin. Hindi ko alam kung ba't ang tagal niya basahin e ang ikli lang n'on.
"EP can be a major sponsor." sabi niya pagkatapos basahin ng pagkatagal-tagal yung letter. "P5,000 cash and P10,000 worth of products. Okay na ako sa package na binigay niyo."
"Okay..." yun na 'yun. Sabi ko naman kasi mabilis lang 'to, hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang pumunta dito.
May mga tinawagan siya at pinirmahan. Pagkatapos, pakiramdam ko ay tapos na talaga ang kailangan ko dito, pero di niya pa rin ako pinapaalis. Sumandal siya sa swivel chair at tinignan ako.
"Okay na ba? Pwede na akong umalis?" nangangatog na naman ang kalamnan ko pero hindi ko pinapahalata.
Bumuntong hininga siya at saka ulit ako tinignan.
"You really want to leave that bad?"
"Huh? E-eh diba tapos na?"
"Hmm." sagot niya. "Pero tayo hindi pa."
"Ha?!"
"Bakit ganyan ang suot mo?"
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maipaliwanag ang inaasta niya. Tumingin siya sa damit ko at doon ko lamang naalala na naka-off shoulders nga pala ako!
"Pre-pagaent ng Ms. Entrep." pagkasabi ko n'on ay mas lalong kumunot ang kunot niyang noo.
"What? Kasali ka d'on?!"
Inis ko siyang binalingan. "Bakit? Bawal ba?!"
Nakakainis. Yung banat niya parang sinasabi niyang hindi ako pwede d'on! Na hindi ako maganda! Bwisit! Akala niya pogi siyang sobra! TSS!
"Hindi pwede Ayra!" banat niya pa.
Tumayo na ako't tinignan siya. "Sasali ako kung gusto ko." saka ako tumalikod.
Malapit na ako sa pintuan niya nang hinila niya na naman ako sa braso. Nakaharap ko na naman ang mukha niya. Naramdaman ko ang hininga niya sa mukha ko, ang matangos niyang ilong, ang perfect niyang labi. Ang mapungay niyang mata na nakatitig ngayon sa mata ko mismo.
Hinahabol niya ang hininga niya nang magsalita siya.
"Ayra..." aniya. "Huling tanong..."
Napalunok ako at nanghina. Hawak niya na ako ng marahan sa magkabila kong balikat.
"Gusto mo rin ba si Charles? Sinagot mo na ba siya at Mommy't Daddy ang tawagan niyo?!"
Nalaglag ang panga ko at hindi ko magawang buksan ang bibig ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko na pakiramdam ko sobrang nabibingi na ako.
Nakita ko ang pagkuyom ng panga niya.
"Are you opening up your choices again huh? E diba si Jayvee ang gusto mo? Bakit may Charles pa?! Lahat ba talaga ng makakatabi mo sa upuan e magugustuhan mo?!--"
Pak.
Agad na lumipad ang kamay ko sa pisngi niya! Nanatili lang na nasa gilid ang mukha niya habang naghahabol ako ng hininga. Sobrang naiinis ako sa kanya! Gusto ko siyang saktan! Ngayon ko lang labis naramdaman yung galit ko sa sinabi niya sa akin noong nakipaghiwalay siya!
Bakit ngayon kasalanan ko pa! Ako yung nagmahal ng iba? Huh! Napakaimposible niya! Napakaunfair niya!
"Wala akong---"
Wala akong gusto kay Charles at Jayvee for Pete's sake!
Kahit rumaragasa ang salita sa utak ko ay pinili kong mabuti ang ibabato ko sa kanya. Nagtama ang mga mata naming parehong nag-aalab!
"Wala kang pakialam okay?! Wala kang pakialam kung may gusto man ako kay Charles at kay Jayvee! Wala kang pakialam kung gumagawa ako ng choices ko! Wala kang pakialam!"
Muli akong tumalikod, ngunit kasabay n'on ay ang pagpigil niya ulit sa akin. Naramdaman ko na lang ang likod kong lumapat sa pader. Ang kamay niya sa bewang ko, ang mukha niya sa mukha ko, ang mata niya sa labi ko...
"Then let me be one of your options, Love..."
Tumindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Nanghina ang tuhod ko at nangatal ang labi ko.
"Kahit option lang... please. Mababaliw na ako. Mahal na mahal kita. Hindi 'to nawala, Ayra. Mahal na mahal pa rin kita."
Muling gumalaw ang Adam's apple niya habang nakatitig siya sa labi ko. Sinakop niya na ang espasyo sa pagitan naming dalawa nang biglang nag-ring ang telepono niya.
"Oh fvck." aniya.
Napatakip tuloy ako sa bibig ko. Kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko.
"Ayra..." mahina ang boses niya na para bang nagsusumamo.
"M-may tumatawag." sabi ko habang nakatakip pa rin ang bibig ko gamit ang kamay ko.
"Wala lang yun..."
"I-Importante yan..." Shocks! Sobra na yung panginginig ko.
Tinitigan niya pa muna ulit ako, bago muling sinakop ang space sa pagitan namin. Naramdaman ko ang halik niya sa kamay kong nakatakip sa bibig ko.
"Soon, Ayra... Soon. I'll claim your lips again."
Saka niya ako binitawan upang sagutin yung telepono. Halos manghina ako at hindi agad nakagalaw. Nakatitig lang siya sa akin habang kinakausap niya yung nasa kabilang linya.
Nang matapos ang tawag ay ngumisi siya sa akin. 'Yong ngisi niyang hinahabol-habol ng lahat. 'Yong ngisi niya noong highschool pa lang kami. 'Yong ngisi niyang matagal ko nang hindi nakikita.
Kumabog ng sobrang lakas ang puso ko.
"Ihahatid na kita."
Ang puso kong tumitibok lang para sa kanya.