webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Allgemein
Zu wenig Bewertungen
133 Chs

New Life

Ayradel's Side

Tiningala ko ang matayog na building sa aking harapan. Tatlong building iyon, isang puti, asul at peach ngunit magkakatabi at magkakapareho lang ng itsura.

Simula ngayon ay dito na kami, maninirahan. Nakakapanibago, ngunit kailangan ko nang masanay lalo pa't apat na taon pa ang bubunuin ko sa lugar na ito.

"Besty, may mga gamit ka pa rito!" sigaw ni Lui mula sa sasakyang inarkila namin para madala dito ang mga gamit namin mula sa kanya-kanya naming bahay.

Lumapit naman ako agad para tumulong. Dala na rin ni Mama ang ilan sa mga gamit ko pa. Si Ella naman ay bitbit na rin ang mga bags niya.

"Omaygaaaad! Ang ganda dito!" komento ni Ella habang kumikinang ang mata.

"Oo nga e, ang swerte natin, na-renta-han lang natin ng mura ang room natin dito." sabi ko.

"True, mukhang mayayaman pa naman mga nakakapag-rent dito." sabi naman ni besty.

Ito kasi ang El Pueblo Dormitory. Dito kami magi-stay habang nag-aaral ng college. Kung titignan ay napakalaki ng lugar, tatlong buildings, swimming pool sa gilid, gym, at studio-type room.

P12,000 lang ang rent price ng bawat room, pagkatapos ay apat pa kami. Ako, besty, ella, at isang kasamahan na mamaya pa namin makikilala.

"Ano ba, ang mahalaga mukhang ligtas naman ang lugar na ito para sa inyo." singit naman ni Mama sa gilid.

Sama-sama na naming hinila ang mga gamit namin patungo sa entrance ng building A, 'yong peach na building to be exact. Summer pa lang ay nakapag-inquire na kami dito, kung kaya hinanapan lang kami ng mga valid ID's pagkatapos ay tinulungan na kami ng mga tauhan na buhatin ang mga gamit namin patungong elevator.

"Taray, ang sosyal ng mga tao dito." bulong ni Ella nang may nakakasalubong kaming magaganda at gwapong parang dito rin nakatira.

May madadaanan ka ring lobby, at grand piano bago makarating sa elevator.

"OMG! May piano!" excited namang sabi ni besty.

"Shh, huwag kayong maingay, pinagtitinginan tayo ng mga tao!" saway ko naman at tinawanan lang nila ako.

Mababait ang tauhan ng El Pueblo. Tinulungan kami ng mga ito hanggang sa makarating kami sa room namin na 5-B03.

Dalawang double deck, isang CR, isang study table, at lababo ang nasa loob ng bawat room. Creamy white ang kulay ng pader. Hindi ito sobrang luwag, at hindi rin sobrang sikip. Tamang tama nga lang sa apat na tao. Kapag pumunta ka naman sa bintana ay tanaw ang kalsada at ilan sa mga bahay dito sa buong lugar.

Napansin rin namin na may mga gamit na sa gilid lang ng kwarto. May maliit na cabinet na rin at may kutson na ring nakalatag sa isang kama sa double deck.

Ibig sabihin ay nandito na yung isang kasama namin sa kwarto.

Nasaan kaya siya?

"O sige na, ayusin niyo na ang dapat ayusin nang matapos natin 'to agad." sabi ni Mama na may palakpak pa.

"Yeheyyy! Ako dito sa itaas!!!" sabi agad ni besty.

"Okay lang, sa ibaba kami ni Ayra dahil ayaw naming ma-fall. Hmp." sagot naman ni Ella.

Parang baliw talaga 'tong dalawang 'to.

Inubos namin ang oras sa pag-aayos ng mga gamit namin hanggang sa may kumatok sa pinto. Pinagbuksan namin ito, pagkatapos ay tumambad sa amin ang isang babaeng sobrang cute ng ngiti at may salamin. May hawak siyang supot na may lamang tinapay.

"Annyeonghaseyo!" bati niya sabay yuko, na sa tingin ko e, hello ang ibig sabihin.

"Helloooo!" excited na sabi ni Ella. "Ikaw ba yung kasama namin sa room na 'to?"

"Opo! Sorry nagayos na ako ng gamit kasi medyo napaaga yung dating namin dito ng parents ko." aniya. "Eto po oh? Tinapay, mapapagod po kayo niyan sa pagaayos. Hehe."

Ang cute niya naman! Para siyang bata!

"By the way, I'm Niña Lequin!" aniya, saka na kami nakipagkilala sa isa't isa. "Sinong kpopper sa inyo, o wattpader?"

Unang nagreact si Ella.

"WAAAA! AKOOOO!"

"O ayan si Ella magkakasundo kayo niyan!!!" tatawa-tawa namang sabi ni Besty.

Pagkatapos ng buong araw na pagaayos ay napagpasiyahan na nga ni Mama na umuwi na. Humalik naman ako sa pisngi niya pagkatapos ay hinatid na namin ito ni besty papunta sa elevator.

"Bye, tita!" ani besty.

"Bye. Osiya na ha! Magiingat kayo, at huwag kalimutang magtext o tumawag, Ayra! Ikaw rin Luisa! Nako huwag niyo kaming pagalalahaning mga magulang niyo ah?!"

Um-oo naman kami ni besty.

"Mahirap dito sa Maynila kaya huwag kayo basta-bastang magtitiwala." dagdag pa niya bago tuluyang umalis na.

"Besty, buti okay na ulit kayo ni tita?" sabi ni besty nang maglakad na ulit kami pabalik sa room namin.

"Oo naman. Bakit naman hindi." sagot ko. "Mama ko pa rin 'yun no. Ano ka ba."

"I'm so happy you're okay now. At napasa pa natin ang scholarship sa isang pinakamagandang university dito sa Manila."

Ngumiti ako.

"Wala naman na sa akin yung dati."

Tumango si besty. Okay naman na talaga ako ngayon. Ang kailangan ko na lang ulit gawin ay mag-aral ng mabuti.

"AB Theater ang course ko, ikaw?" yun ang naabutan naming paguusap nila Ella at Niña.

"BS Kdrama." sagot nito.

"Ha?"

"Hahahahaha! Joke lang. Mahilig kasi ako sa Kdrama e!" anito. "Pero Broadcast Communication ako. Hehe."

"Hay nako! Bagay kayo ni Lei!"

"Sinong Lei?"

"Basta, kaibigan ng mortal enemy ko! Mahilig din sa mga drama-drama hahahaha!"

"Kayo, Ayra at Luisa, anong course niyo?"

"Advertising and Public Relation ako." sagot ni Besty. "Pareho tayo ng college building Niña. Sa College of Communication ka diba?"

"Hala oo nga!" Niña.

"Ako naman, BS Entrep. College of Business." sagot ko.

.

.

...kinabukasan ay maaga kaming nagising lahat. Ngayon na kasi ang first day ng klase namin bilang mga college student. Sabay-sabay kaming apat na pumunta sa Main Building ng University of the Philippines.

Katulad ng inaasahan ay dagsa na ang mga estudyante sapagkat ngayon ang General Assembly ng buong freshmen. Talagang nag-set up ng stage sa gitna ng university kung saan may naghohost at nagwewelcome sa bawat freshies na dumadating.

"Uy!!! Classmates!!!" agad na sinabi ni Niña na mukhang maswerteng nahanap na ang mga bagong kaklase niya. "Mga b, iwan ko na kayo ah, puntahan ko na yung mga kaklase ko."

"Osige be, ingat!" sabi naman ni Ella.

Tumakbo na nga ito sa mga grupo ng estudyante sa hindi kalayuan.

"Ako kaya, nasaan ang mga kaklase ko? Hindi sila naga-update sa GC!" Reklamo ni Ella.

"Ugh! Mais sumagot ka!" si besty naman na kanina pa may tinatawagan.

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ko.

"Besty, si Suho ba ang hanap mo?"

"H-ha? Bakit ko naman h-hahana—"

"Ayun oh!"

"Ha? Saan?!"

Humagalpak kami ng tawa ni Ella dahil sa reaksyon ni besty.

"Hindi daw. Hahahaha!"

"Aish!"

"OMG!" exaggerated na sabi ni Ella. "Totoo nga Lui! Ayun na nga siya! OMG!!!"

"Baliw ka ba? Akala mo maniniwala pa ako? Saka wala akong pake."

Ako naman ay napatingin din sa tinuro ni Ella, at mukhang totoo nga.

Si Suho— pero hindi si Suho. Omaygad. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Besty... Si Suho na nga 'yon." napanganga rin ako katulad ni Ella, at pati na rin ng mga babaeng nakakakita kay Suho.

Nilingon siya ni Besty at palagay ko ay napansin niya rin ang napansin namin ni Ella.

.

.

.

Suot ang isang simpleng gray longsleeve, at pants ay parang model kung maglakad ang Suho na nakikita namin ngayon. Paminsan-minsan niya pang hinahawi ang may kahabaan at bagsak niyang buhok, habang diretso lang ang tingin sa amin.

Paminsan-minsan niya pang hinahawi ang may kahabaan at bagsak niyang buhok, habang diretso lang ang tingin sa amin

"Omaygad, si Suho ba yan?" muli pang sambit ni Ella.

He's not wearing an eyeglasses and gel anymore. Parang gangster rin kung dalhin niya yung black bag niya dahil isang strap lang ang nakasabit sa balikat. Siguro dumagdag din sa appeal niya 'yong hindi siya nakapang-high school uniform ngayon. Dati kasi e mukha siyang totoy. Ngayon ay talagang nagimprove ang itsura niya.

"HONEY! BESTY! ELLA!" anito, saka tumakbo papunta sa amin nang medyo nakalapit na siya.

Tumawa ako.

"Si Suho nga."

Walang nagbago sa boses nito, sa pakikitungo, at sa kislap ng mata sa tuwing nakikita si Besty.

"Suho! Long time no see! Ang gwapo mo ngayon ah!" bati ko.

"Talaga?" nilingon niya si besty na umiwas ng tingin, ngunit nananatili pa ring tahimik. "Totoo ba, honey?"

"Tss. Tara na nga! Alam mo na ba kung nasaan sa napakaraming tao na 'to ang mga kaklase natin? Kailangan natin silang mahanap!"

Sumimangot si Suho.

"Mamaya na tayo pumunta sa kanila, kapag nahanap na nila besty Ayra at Ella yung mga kaklase nila."

"Pareho kayo ng course ni Lui, Suho?" manghang tanong ni Ella.

"Oo, gaya-gaya si honey e—"

"Asa ka naman! Ako yung ginaya mo no!" singit agad ni besty.

"Psh, galit agad e. Oo na. Ako pala nanggaya. Hahaha!" sinundot pa ni Suho ang tagiliran ng masungit na si besty.

"E-eh si ano nga pala..." umubo pa si Ella habang sinasabi yon. Napakamot rin siya sa ulo. "S-Si... Santi...?—"

"Ah! Dito rin siya sa UP! Ang alam ko, Entrep siya e?" sagot ni Suho. "Bakit mo natanong si Santi, ha, Ella?"

Agad na lumaki ang mata ni Ella.

"Wala naman! Wala naman. Mabuti at hindi siya nag-AB Theater. HA! Ayoko nang makita ang pagmumukha niya no!!!"

Sumuntok-suntok pa sa hangin si Ella na parang timang.

"Ayon si Santi oh!!!"

Agad ring napalingon si Ella, kaya naman nagsitawanan kamin lahat.

"HAHAHAHA! Ayaw palang makita ah?!" pangaasar ni besty.

"Ikaw Luisa pala-bawi ka ah!!!" inambahan niya pa ng palo si besty pero tinawanan lang siya nito.

"Eh si Richard nga pala kamusta?"

Natahimik kaming tatlo nang tanungin iyon ni Ella. Inasahan ko na rin na darating doon ang tanungan na nagaganap, hinanda ko na ang sarili ko kanina pa. Ang awkward lang e, sila mismo ang nananahimik at tumitingin sa akin na parang sinasabing 'baka' affected pa rin ako hanggang ngayon.

"A-Ay... Sorry—"

"Baliw, ano ba kayo! Okay na ako! Hahahaha!" sagot ko.

Okay naman na talaga ako.

Ngumiti na lang rin sina besty at Suho.

"Si RJ...?" panimula ni Suho. "Honestly, after graduation sa Lee University, hindi na namin ulit siya nakita nila Santi..." aniya.

Ayoko na sanang marinig pa ang sasabihin niya pero hindi ko maiwasang marinig.

"Ang alam ko, bumalik siya sa Korea. So... posibleng doon na rin siya mag-college."

Ngumiti lang ako nang tignan ako ni Suho.

"Okay yun!" sagot ko.

"Hindi man lang siya nagsabi kung kailan siya babalik dito?" tanong na naman ni Ella.

Hindi ko alam kung bakit gusto ko nang busalan ang bibig ni Ella e.

Bago ko pa gawin ay mukhang inunahan na ako ni besty. Binatukan na nga niya si Ella.

"Aray naman!"

"Ang sabi niya, baka hindi na raw e." sagot ni Suho na sa akin na naman tumingin.

Nakakainis. Bakit kailangan sa akin tumingin?

"O siya! Tama na ang kamustahan! Kayong dalawa, hanapin niyo na mga kaklase niyo!" pagiiba ng usapan ni besty.

"Oops! Ayun. Sakto! Ayun yung mga kaklase ko! Kilala ko yung isa don e, pinakamaingay sa GC! Sige na ah babyeeee!" saka na tumakbo palayo si Ella.

Okay, ako na lang ang walang kasama. Huhu.

Chineck ko ang GC ng mga future classmates/coursemates ko, at wala pang update.

"Sige na, mauna na kayo sa mga classmates niyo besty." sabi ko.

"Baliw hanapin mo muna mga magiging classmates mo. Mahirap maligaw sa school na 'to noh, lalo pa't General Assembly ang daming tao!—"

"Ayra!"

Napalingon kaming lahat sa taong tumawag sa akin. At halos malaglag ang panga ko sa taglay niyang kagwapuhan.

Malawak siyang nakangiti sa akin at suot pa rin ang bonet at black eyeglasses niya.

"Ayan, may kasama na pala si besty." sabi ni Suho. "Tara na honey!"

Saka niya pa hinila si besty.

"Uy! Besty! Babye— Jayvee, ingatan mo 'yang besty ko ah! Tutuktukan kita talaga—" sabi ni besty bago pa siya tuluyang nakalayo talaga.

Halakhak ni Jayvee ang nangibabaw sa pandinig ko. Katulad ng dati ay nakakamangha pa rin marinig ang halakhak niya, pero hindi gaya dati, ngayon ay wala na itong epekto sa akin.

Hindi na ako kinikilig. Hindi na ako kinakabahan.

Napatawad ko na si Jayvee sa nagawa niya noon, kaya naman magkaibigan na ulit kami ngayon. Magkapareho kami ng hilig na taong 'to kaya naman hindi na ako magtataka na pareho kami ng course na pinili. All about business.

New school year. New school. New memories... new people.