webnovel

Chapter: 64

KINABUKASAN ala siyete palang ng umaga ay sinundo na sila ni mang Arthur. Baka gabihin daw sila kapag tanghali na sila umalis. Buhat-buhat niya ang kanyang anak na si Lucas ng magpaalam siya sa kanyang mga magulang na magbabakasyon lang sila ng ilang araw.

Natuwa naman ang kanilang mga magulang dahil kailangan daw niyang mag enjoy din sa buhay lalo na ngayong nakalabas na ang kanyang ama ng ospital at  nag bagong buhay na rin ang kanyang tiyahin na si Victoria. wala na daw dapat silang alalahanin kundi ang magsaya.

Buhat niya parin si lucas ng sumakay sila ng kotse. Tulog pa kasi ang bata ng mga orasan na yun. Isinama niya rin ang yaya nito. Habang nasa biyahe ay nakatulog ding muli si eloisa.

Naramdaman niya nalang na may tumatapik tapik na sa kanyang braso.

"maam gising na po.. Nandito na daw po tayo sabi ni mang Arthur.." saad sa kanya ng yaya ni Lucas.

Agad niyang nilinga linga ang paningin niya sa paligid nakita niyang naka hinto na nga ang kanilang sinasakyang kotse. Maging ang kanyang anak na si Lucas ay gising na rin at tumatalon talon pa ito habang hawak sa kamay ng kanyang yaya rose.

Kaagad ding bumaba ng sasakyan si eloisa Nang maibaba na lahat ng kanilang mga bagahe ay nagpaalam na rin si mang Arthur at babalikan nalang daw sila kapag babalik na sila ng maynila.

Nang umalis na ang sasakyan ay agad nilang hinanap ang kanilang magiging kuwarto. Nang mahanap na nila ang kuwarto ay agad silang pumasok upang ilapag lang ang kanilang mga dala dalang bagahe. Pasado alas dose na kasi ng tanghali kaya halos lahat sila ay nakaramdam na ng gutom. Bumaba sila mula sa ikatlong palapag ng Tutuluyan nilang kuwarto at naghanap ng kanilang pagkakainan.

Hindi naman sila na hirapang maghanap ng makakainan dahil pagka baba palang nila ng lobby ay may nag assist na kaagad sa kanila at sinamahan sila kung saan matatagpuan ang mga naka hilerang mga restaurant.

Umupo sila sa may bandang sulok ng restaurant. Malaki ang restaurant na kanilang pinasukan. Glass ang paligid ng restaurant kaya kitang kita mo ang mga taong dumaraan sa gilid ng beach habang kumakain.

Nang dumating ang kanilang mga inorder na pagkain ay agad nila itong nilantakan. Maging ang batang si Lucas ay sarap na sarap din sa inorder nilang mga pagkain. Nang matapos na silang kumain ay sinenyasan ni eloisa ang waiter upang bayaran na ang kanilang bill. Ngunit sinabi ng waiter na wala na daw siyang babayaran dahil bayad na daw ang kanilang kinain.

Nang tanungin naman ni eloisa ang waiter kung sino ang nag bayad ay hindi daw alam ng waiter kung sino. Basta nag automatic paid daw ang kanilang bill. Naisipan namang tawagan ni eloisa ang kanyang kuya david upang tanungin kung may alam ba ito kung bakit hindi sila siningil sa mga kinain nilang pagkain.

Naka isang dial palang si eloisa ng sumagot ang lalake. Sinabi niyang nasa resort na sila at tinanong niya rin agad dito kung sino ang nag bayad ng kanilang mga kinain. Narinig niyang tumawa ang kanyang kuya david sa kabilang linya at Sinabi lang nito kay eloisa na basta del Castillo daw ang kumain ay wala daw talagang babayaran.

Nagtaka si eloisa sa sinabi ng kanyang kuya. Tinanong niya dito kung paano daw nalaman ng mga tao doon na del Castillo ang apelyido nila. Samantalang hindi naman din del Castillo ang apelyidong nasa mga i.d's niya dahil apelyido ng nanay niya ang kanyang gamit na apelyido.

Ang sagot naman ng kanyang kuya ay tinawagan daw kasi nito ang may-ari ng resort, hotel at maging mga restaurant upang abisuhan na darating sila. Kaya huwag na daw silang magtataka kung hindi na sila sisingilin sa mga magiging bills nila. Natuwa naman si eloisa sa narinig sa kapatid. Akala niya kasi ay mababawasan ang pera na inipon niya. Panay kasi ang ipon niya para kay lucas upang paglaki daw nito ay may panggastos na ito sa kanyang pag-aaral.

Ang alam niya rin kasi ay sagot lang ng kanyang kuya ang hotel na tutuloyan nila at hindi kasama pati ang mga pagkain na kakainin nila. Nang masagot na lahat ni david ang lahat ng kanyang mga katanungan ay nag paalam na siya sa kanyang kuya david. Matapos mawala sa kabilang linya ang kanyang kuya at sumunod naman niyang tinawagan ay ang kanyang mga magulang upang ipaalam din sa mga ito na dumating na sila sa resort na sinasabi ng kanyang kuya david.

Matapos makausap ang mga magulang ay agad na rin niyang niyayang tumayo na ang dalawa niya pang kasama na sina yaya rose at baby Lucas. Naglalakad sila pabalik ng hotel ng may narinig siyang tumatawag sa kanya. Agad niyang nilingon ang taong tumatawag sa kanyang pangalan.

Si adrian ito ang tumatawag sa kanyang pangalan at nakita niyang mabilis itong naglalakad palapit sa kanila.

"hi loisa!.. Sabi ko na nga ba ikaw yung nakikita kung magandang babae kanina dun sa loob ng restaurant.. Kanina ko pa sana kayo Lalapitan pero nahihiya ako. Pero nagka lakas ako ng loob ng makita kung wala kayong ibang kasama!.." bungad ni adrian sa kanya.

" ikaw talaga adrian ang lakas mo parin mambola! " tugon ni eloisa sa lalaking si adrian. Hinampas niya pa ito sa braso habang tumatawa.

Tumawa rin si adrian bago ito nagsalita ulit.

"ang totoo kasi niyan loisa nahihiya ako sayo.. Kasi diba bigla nalang akong hindi na nagpakita ulit sayo... Tapos ngayon heto ako sa harap mo at kinakausap ka nanaman.."

"oo nga eh! Nagtaka nga ako noon sayo kung bakit hindi kana nagpakita pa sa akin. Kahit text or tawag hindi ka na rin nagparamdam.. Eh bakit nga ba? Nagalit ka ba sakin nun?!" Tanong ni eloisa kay adrian.

"naku huwag mong isipin yun. Wala naman akong dapat na ika galit sayo noh.. Ang bait mo nga sa akin.. May mga dahilan lang ako kaya itinigil ko noon ang balak ko sanang panliligaw.." paliwanag ni adrian kay eloisa.

Mag sasalita pa sana si eloisa ng may humawak sa kanyang kamay. Nang tingnan niya ito ay si Lucas ang nakahawak. Agad niyang binuhat ito.

" sino yang batang yan? Ang gwapo naman niyan!.. " Tanong ni adrian kay eloisa.

"ay si Lucas nga pala anak ko!" pa kilala ni eloisa sa bata. Nang mga sandaling iyon ay yumakap sa kanya si lucas at ipinatong nito sa kanyang balikat ang baba nito.

"naku inaantok na tong anak ko!.. Sandali lang adrian ihahatid ko lang sa kuwarto namin.." paalam ni eloisa kay adrian.

"okay sige, samahan ko na kayo sa kuwarto niyo para alan ko na rin kung saan kita hahanapin.." tugon ni adrian.

Hindi na nagsalita pa si eloisa humakbang na ito pabalik ng kanilang kuwarto. Nakasunod lang si adrian sa kanila. Nang mailapag niya sa kama ang kanyang anak ay iniwan niya na ito kasama ang yaya nito na si rose.

Pag labas niya ng pintuan ay nakita niyang nandoon parin si adrian sa gilid ng pintuan at naka tayo. Niyaya siya ng lalake na maglakad lakad sa Beach dahil ng mga sandaling iyon ay medyo makulimlim.

Habang naglalakad sa gilid ng dalampasigan ay panay ang kuwentohan nilang dalawa. Nakaramdam din ng pagka mis si eloisa dito dahil masarap kausap ang lalake. Napag alaman ni eloisa na kaya pala ito nandoon sa resort ay upang magbakasyon lang din. Nauna lang ito ng dalawang araw sa kanila. Tinanong din ni adrian kung sino ang ama ng anak niyang si Lucas. Inamin naman dito ni eloisa na si jordan ang ama ni Lucas. Bahagya pang Natawa si adrian ng malaman niyang si Lucas ang tatay ng anak niya.

Hindi na muling nagtanong pa sa kanya ang lalaking si adrian. Ilang segundo pa ang lumipas ng marinig niya itong nagsalita ulit.

"loisa... Pwede ba akong manligaw ulit sayo?.. This time promise — hindi na ako uurong pa.. Gusto parin kita hanggang ngayon... Sana bigyan mo pa ako ng chance..." saad ni adrian kay eloisa.

Pagkasabi niyon ay hinawakan nito sa kaliwang kamay si eloisa. Hindi naman nakapag salita agad si eloisa. Sa halip ay huminto ito sa pag hakbang. Huminto na rin sa pag hakbang si adrian at umikot ito paharap kay eloisa.

Tipid itong naka ngiti habang nakatitig sa kanyang mukha.

"loisa..." tawag nito sa kanyang pangalan.

Nag angat ng mukha si eloisa at tumitig din dito.

"ahmmm.. Adrian hindi ko pa sigurado kung handa na ba akong mag Entertain ng manliligaw.. Mas Importante kasi sa akin ngayon ang anak ko..." tugon ni eloisa kay Adrian.

Hindi parin nawawala sa labi ni adrian ang ngiti nito.

"okay lang loisa... Maghihintay ako.. Atlis ngayon alam mo na na naka abang lang ako.. Gusto ko rin kasi maging ama ng cute at gwapo mong anak!.. Kaya sana may chance pa ako sayo!.." Pagkasabi niyon ay tumawa ang binata. Maging si eloisa ay natawa na rin.

Nagpatuloy sina eloisa at adrian sa paglalakad. Marami pa silang pinag kuwentohan. Bago sila maghiwalay nito ay halos pagabi na. Niyaya pa siya nitong lumabas mamayang gabi ngunit tumanggi si eloisa na hindi muna dahilan niya ay napagod sila sa biyahe at gusto niya munang mag pahinga. Nangako naman siya sa binatang doktor na bukas ay pwede na siya nitong yayain ulit.

Nakangiti naman ang binatang doktor ng magpaalam ito sa kanya. Hinatid pa siya nito sa kanilang kuwarto at nag sabing babalik daw ito bukas ng umaga upang sumabay sa kanilang mag agahan.