webnovel

Chapter: 51

Samantala sa kabilang dako.

" hayop ka victoria! Pakawalan mo ako dito!.. Hindi ka parin nag babago hanggang ngayon! Sakim ka parin! Na sayo na ang lahat victoria magandang buhay, si ramon at pati ang isa kung anak na sayo rin! Ano pa bang gusto mo...?! Maawa ka naman sa akin.. Wala ka na ba talagang konsensiya?! Tao ka pa ba? Pakawalan mo ako dito victoria! Ibalik mo ako sa anak ko! "

Kaagad na bungad ni sonya kay donya Vicky pagka kita niya palang dito. Matapos ang isang taon ay Pinaliguan siya ng mga tauhan ng donya dahil darating daw ito at ayaw maka amoy ng mabaho kaya heto siya ngayon nasa harapan ni Victoria bagong ligo na bahagya pang tumutulo ang tirang tubig na nagmumula sa kanyang mahabang buhok na halos umabot na sa bewang dahil sa isang taong walang pag putol na nangyari sa kanyang buhok.

Matapos siyang paliguan at palitan ng damit ng mga tauhan ni Victoria ay hindi man lang siya pinag kaabalahang suklayan ng buhok. Nang dumating si Victoria ay basta na lang siyang pinaupo sa silya at tinalian ang dalawa niyang kamay.

" ha haah!.. Sorry sonya.. Sayo lang ako nakaka ganti sa mga pasakit sa akin ni ramon. At lahat ng yun ay dahil sayo! Kung bakit pa kasi sumulpot ka pa sa buhay ni Ramon!? At ngayong alam niyang buhay ka pa ay kaagad ka niyang pinahanap sa mga tauhan niya! Malas niya lang dahil naunahan ko siya!.. "

Agad na tugon ni Victoria kay sonya habang naka ekis ang mga braso nito sa harapan ng kanyang dib-dib. Ngumisi pa ito na parang aso pagkatapos na sabihin iyon sa kanyang kapatid.

Si Vicky at si sonya kasi ay mag kambal. Ipinanganak silang mag kamukhang magkamukha hindi tulad ng ibang kambal na may kaunting pagkakaiba. Sila ay halos iisa ang kanilang mukha maging ang kanilang katawan at taas. Ngunit kahit magkatulad sila na magkatulad ay magkalayong magkalayo naman ang ugali nila sa isa't isa si sonya kasi ay ubod ng bait. Isa siyang mapagmahal na anak at ina at lahat ay kaya niyang tiisin huwag niya lang makikitang nasasaktan ang kanyang mga anak.

Habang si victoria naman ay Sakim at puro inggit sa katawan. Gusto niya siya palagi ang lamang sa kanilang magkapatid. . Bata palang sila ay na pansin na iyon sa kanya ng kanilang mga magulang. Kung kaya't lumaki silang dalawa na tanging kay sonya ang simpatya ng kanilang mga magulang at madalas na si Victoria ang palaging nasisita o di kaya'y napapagalitan.

Dahil din doon ay lumaki silang magkalayo ang loob sa isa't isa. Bukod sa kanilang dalawa ay wala na silang naging kapatid dahil nagkaroon ng sakit sa puso ang kanilang ina at pinagbawalan na ito ng doktor na mag buntis pang muli kung kaya't matapos silang ipanganak ng kanilang ina ay hindi na ito muling nag balak pa na mag buntis ulit.

" victoria maawa ka naman sa akin.. Wala akong kalaban laban sayo.. Bulag ako at tanging ang isa kong anak nalang ang kasama ko sa buhay.. Ano pa bang gusto mo.. Nanahimik na nga lang ako ng kunin mo sa akin ang isa ko pang anak.."

Pag susumamo ni sonya kay Vicky habang pilit na kumakawala sa pagkakatali sa kanyang dalawang kamay. Hindi sumagot si donya vicky tahimik itong nag palakad lakad sa harapan ni sonya habang naka ekis parin ang mga braso nito sa tapat ng dib-dib nito.

" na sayo na si ramon Victoria ikaw ang palagi niyang kasama.. Sana ginawa mo ang makakaya mo para mahalin ka niya.. Matagal na akong wala sa buhay niya.. Na sayo ang anak ko at may sarili din kayong anak.. Ano pa ba victoria.. Nanahimik na ako at nagpaka layo-layo diba.. Kasalanan ko bang nalaman niyang buhay pa ako victoria?! Lahat nalang kasalanan ko?! Lahat nalang din ba ng nangyayaring hindi maganda sa buhay mo ay kasalanan kOoo?!!!"

Pagkasabi niyon ni sonya ay dali-dali siya sumugod sa nakatayong si Victoria at pinag kakalmot ito sa mukha at sa braso. Hindi nila namalayan na natanggal na pala ni sonya ang dalawa nitong kamay mula sa pagkaka tali.

Dahil taon naring hindi nagugupitan ang mga kuko sa kamay ni sonya kaya't humaba na ito ng husto. At dahil doon ay nagka sugat sugat ang mukha at braso ni Victoria sa ginawa niyang pag kalmot. Nabigla naman si Vicky sa ginawang pag sugod sa kanya ni sonya. Hindi niya inaasahang makaka tayo ito mula sa kinauupuang silya.

" hayop ka! Hayop!" sigaw ni sonya dito. Nagsisi-sigaw naman si donya victoria sa ginawa sa kanya ni sonya. Dali-dali namang nag lakad palapit ang noo'y nabigla ring tauhan ni Vicky sa loob ng kuwarto na kasama nila. Nang makalapit ito ay agad nitong hinila ang kamay ni sonya at itinulak palayo.

Tumalsik naman ang matandang si sonya at bahagya pang tumama ang likurang bahagi nito sa pader na nasa kanyang likuran. Namilipit sa sakit si sonya hindi dahil sa tumama niyang likod kundi napasama ang pagbagsak niya sa sahig dahil naipit ang kaliwang paa niya at dahil doon ay hirap siyang makatayo. pinipilit nitong makatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig na kanyang pinag talsikan ngunit hindi niya magawa.

Habang si donya Vicky naman ay nagsisi-sigaw ito sa hapdi na kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Mahahaba at may malalalim pang parte ang nagawang pag kalmot sa kanya ni sonya.

" lintik! Mga bobo kasi kayo! Bakit hindi niyo hinigpitan ang pagkakatali sa kanya!"

Singhal nito sa kanyang tauhan na umakay sa kanya palabas ng kuwarto. Kahit na nasa labas na ito ng kuwarto ay panay parin ang talak nito.

" tingnan niyo ang nangyari sa akin! Mga bobo! Kapag nakita ako ng asawa ko tiyak na mapapansin niya to! Sa tingin niyo anong idadahilan ko nito?! Huh! Kung hindi ba naman kayo mga saksakan ng tanga!"

" ma'am sorry po talaga hindi naman po kasi namin akalain na may lakas pa pala yung matanda na yun.. " paliwanag kay Vicky ng kanyang kanang kamay habang pinapahirapan nito ng gamot ang mga parteng nakalmot ni sonya.

" lintik ka! May gana ka pang Mag paliwanag sa mga katangahan niyo! Mga palpak! Sayang ang malaking ibabayad ko sa inyo! Mga bobo! "

Halos paulit ulit na bulyaw ni Victoria sa kanyang mga tauhan. Hindi naman na muling nag salita pa ang kanyang tauhan na nagpaliwanag sa kanya. Nagtinginan nalang ang mga ito at kakamot kamot sa kanilang mga ulo.

" diyan na nga kayo! Siguraduhin ninyong hindi makakatakas yan huh! Kapag may kapalpakan nanaman kayong ginawa ay babawasan ko ang ibabayad ko sa inyo!

At isa pa huwag ninyong pakakainin yan ngayong araw na ito! Hayaan niyo siyang mamilipit sa gutom! Lintik siya! Maliwanag ba!? "

Hindi kaagad nakasagot sa kanya ang kanyang mga tauhan. Naaawa na rin kasi ang mga ito sa matandang bihag nila.

" ano?! Mag si sagot kayo!!! " muli pang bulyaw sa mga ito ni Victoria.

" yes ma'am masusunod po lahat ng ipinag uutos ninyo.. " halos sabay sabay na tugon ng limang kalalakihang kanyang inutusan upang kidnapin at bantayan si sonya.

Matapos na marinig ni Vicky ang isinagot sa kanya ng kanyang mga tauhan ay dali-dali na ito naglakad palabas ng pinto. Agad namang naglakad at sumunod sa kanya ang kanang kamay niya sa mga ito. Nang marating ni Vicky ang kanyang sasakyan na nakaparada sa di kalayuan ng bakanteng lote na iyon ay muli pa itong nag salita bago sumakay sa kanyang sasakyan.

" siguraduhin ninyong hindi makakatakas ang babaeng yun?! At lahat ng nangyayari dito ay dapat na I-report niyo kaagad sa akin. Maliwanag ba?!" Tanong nito sa kanyang kanang kamay na si brando.

" oho ma'am huwag ho kayong mag alala pag sasabihihan ko ho palagi ang mga tao natin na mag bantay ng maige. Kelan nga ho pala ulit ang balik niyo ma'am? "

Tugon at tanong kay Vicky ng kanyang kanang kamay na si brando.

" hindi ko pa alam dahil mukhang nakakahalata na ang asawa ko sakin. Huwag kayong mag alala hindi naman ako papalya sa pagpapadala sa inyo ng inyong mga pang gastos. Tatawag nalang ako sayo kapag pupunta ako dito.." huling saad ng donya bago tuluyang sumakay sa kanyang sasakyan. Muli pa itong lumingon sa lumang bahay na kanilang pinanggalingan. Matapos niyon ay pinaandar na nito ang makina ng kanyang sasakyan.

Samantala si don ramon naman ay katatapos lang na uminom ng gamot ng tumunog ang cellphone nito. Agad niya itong sinagot.

" hello don ramon.. Si capt. Del gado to.. Sumama ako sa pag iimbistiga ngayon sa pinapahanap ninyong si sonya.. Napag alaman namin na yung sinasabi nung importante na nakita niya raw si sonya na nag lalakad dito sa bakanteng lote ay hindi si sonya yun. Yun pala ang asawa ninyo.. At ngayon ngang araw na ito nang tumawag kayo kanina at sinabi ninyong umalis ang asawa ninyo ay kaagad kung pinasundan sa mga tao ko..

At alam niyo ba kung saan siya nag punta? doon sa lumang bahay dito sa may bakanteng lote.. Nandito kami ngayon at kakaalis lang ng asawa ninyo.. Ano ho bang gusto ninyong mangyari?.. Susugod na ho sana kami ngayon sa lumang bahay na pinang-galingan ng asawa ninyo. Malamang kasi nandoon nila Tinatago ang taong pinapahanap ninyo.. " kaagad na bungad kay don ramon ng taong tumawag sa kanya sa kabilang linya.