webnovel

Tamang Pagkakataon

Third Person Point of View

MARAMING araw pa ang lumipas at hindi na nga nagkikita sina Laine at Nhel.

Malapit ng matapos ang summer vacation at enrollment na.

Nakapag enroll na si Nhel kasama sina Pete at Wil at gayun din si Rina dahil sa iisang high school lang sila pumapasok.

Umuwi na rin si Lovie ng Manila at nagpahatid pa ito kay Nhel sa bus station.Medyo nakahinga na rin ng maluwag si Nhel dahil hindi na sya nag-aalala para kay Laine ngayong nakaalis na si Lovie.

Nakapag enroll na rin si Laine sa isang exclusive school for girls dito sa probinsya na branch naman ng dati nyang school sa Manila.Wala naman syang naging problema sa requirements dahil lumipat lang naman sya ng branch from main.At pati ang uniform hindi na rin sya nagpalit dahil pareho lang din.

Ilang araw na lang at pasukan na.Medyo excited na si Laine, naisip nya na mas kailangan nyang mag focus ngayon dahil high school na sya.Kailangan nyang ma-maintain ang mataas na grades dahil iba na pag nasa high school.Kahit pa Valedictorian sya nung mag-graduate sa grade school, mahigpit ang laban dahil makakasama nya yung ibang Valedictorian na nag-enroll din sa school na papasukan nya.

At isa pa, mas mabuti na rin yung maging busy sya para hindi na nya maalala ang bestfriend nya.Si Nhel.

Sa wakas pasukan na sa school!

NAGMAMADALI si Nhel dahil kailangan pa nyang alamin kung anong section sya ngayong third year sya.

Kasama si Wil , hinanap nila kung saang section sila at fortunately, magkaklase uli sila sa first section.Matalino rin kasi si Nhel lalo na sa Math at varsity rin sya katulad ni Wil.

So far, naging maayos naman ang first day ni Nhel.Kaklase pa rin nya yung mga dati nyang kaklase last school year.Medyo ang hindi okey ay nung makita nya si Jessica na kaklase pa rin nya.

Si Jessica, ay na link sa kanya last school year.Muse ito at sya ang escort.Tinutukso sila ng buong klase at sinasakyan na lang nya kaya naman nag- assume ito na may gusto sya dito.At dahil likas ang pagiging gentleman nya, ayaw nya itong mapahiya kaya hinayaan nya na ito sa pag- aassume na may gusto sya dito.

Nagulat na lang sya ng isang araw mabalitaan nya na sila na daw at yun ang sinasabi ni Jessica sa lahat.At hayun, may instant girlfriend na naman sya ng hindi sya nanligaw.

Naging sila nung halos buong school year na yon at para sa kanya,ganun lang pag nasa school lang sila.Hindi nya ito hinahatid o pinupuntahan sa bahay nito basta dun lang sila sa school.Okey na sa kanya yon dahil wala naman syang feelings dito,pinakikisamahan lang nya ng maayos dahil hindi nya ito kayang ipahiya.

At bago matapos ang school year nakipag hiwalay na ito ng kusa sa kanya dahil parang wala naman daw itong napapala sa kanya bilang boyfriend at masama ang loob sa kanya.

Ganyan rin ang naging sitwasyon nya dun sa dalawa pang nauna kay Jessica.Ewan ba nya, kahit ilan na yong na link sa kanya wala talagang nakapag-patibok ng puso nya.Not until Laine came and his heart went wild.

Naging maayos rin naman ang first day ni Laine sa school.Mababait naman ang mga classmates nya at masaya syang  tinanggap ng buong school lalo na ng malaman nila na galing sya sa main branch sa Manila.

Ang ganda nya sa suot nyang uniform,yun pa rin naman yung dati kaya lang dito tinernuhan ito ng jacket dahil malamig ang lugar kasi full blast ang aircon sa mga classrooms nila.

May mga nakipag kaibigan na rin sa kanya pero mas naging malapit sya sa seatmate nya na si Regine Guevarra.

Maganda ito at simple at pareho silang may sense of humor kaya madali nya itong nakagaanan ng loob.

Nang hapon na ay sinundo na sya ng driver nila na si Mang Gusting pagkatapos sunduin ang mga brothers nya sa school ng mga ito.

Lumipas pa ang mga buwan ng hindi nila namamalayan.Totally adjusted na si Laine sa bagong school at ngayong darating na foundation day ng school, siya ang napili sa year nila na lumaban para sa title na Miss Campus Queen.

Pumayag naman ang daddy at mommy nya dahil madalas naman na sumali si Laine sa mga ganung pageant ng school.

Sa panig naman ni Nhel, dahil third year na sya, sumali sya sa COCC sa CAT class nila para maging cadet officer sya pagdating ng fourth year.

Kaya madalas gabi na sya nakakauwi dahil may activity pang pinagagawa sa kanila ang mga officers nila.At maganda na rin siguro yon para hindi nya masyado naaalala yung sitwasyon nila ni Laine.

Madalas pa rin namang nakakasama ni Laine ang mga kaibigan sa mga lakad kapag walang pasok  pero kapag alam nyang kasama si Nhel hindi sya sumasama.

Ganon din naman si Nhel, kapag may lakad ang barkada na alam nyang kasama si Laine, nagpapaiwan na lang sya.

Naintindihan naman ng barkada nila ang kagustuhan nila pareho kaya kahit nahihirapan sa sitwasyon na hindi sila buo, nirerespeto pa rin nila ang desisyon ng dalawang kaibigan nila.

Ngunit hanggang kailan sila magiging ganon?Umaasa ang mga kaibigan nila na sana bumalik na uli silang dalawa sa dati.

At naisip nila na kailangan na nilang gumawa ng paraan.Kailangan lang ng tamang pagkakataon at tiyempo.

At kailangan na nilang pag planuhan kung paano.