webnovel

Chapter Four

   Walang pagsidlan ang saya ni Serene nang huminto ang bridal car sa tapat ng simbahan. Nakangiti siya habang taimtim na nagdarasal sa loob nito.

'Jacob, kung nasaan ka man. Patuloy akong hihingi ng tawad sa'yo. At buong buhay kong pasasalamatan ang panibagong buhay na binuksan mo para sakin.' Mariing nakapikit ang mga mata niya habang sinasambit ang mga katagang iyon. Alam niya na utang niya ang lahat kay Jacob dahil ito ang nagbigay ng daan upang mapalapit siya sa lalaking sobrang minamahal niya ngayon.

'Mama, alam kong masaya ka para sakin. Patuloy mo sana akong gabayan sa mga susunod pang mga araw na haharapin ko. Hindi lang bilang isang Serene Lastimosa kundi bilang isang Buenavidez. Mahal na mahal kita Mama.'

Pinigilan niya ang sarili niyang umiyak.

'Panginoon, maraming marami pong salamat sa lahat ng biyayang ipinagkaloob mo sa akin. Wala na po akong mahihiling pa.'

Huminga siya ng malalim at inayos ang kanyang sarili bago bumaba ng sasakyan. Mula sa kinaroroonan niya ay kitang-kita niya ang mga tao sa loob ng simbahan na kanina pa nag-aabang sa pagdating niya.

Lumakad siya ng marahan.

Nang marating niya ang entrada ng simbahan ay nagsimulang tumunog ang kampana. Kasabay noon ang wedding song na lalong nakapagpabilis ng tibok ng puso niya.

She saw Axel standing at the altar. He was there, smiling and waiting for her.

Nagsimula ang Wedding Ceremony.

Lumakad sa gitna ang mga Ninong at Ninang. Mga bride's maid. Pati na rin ang mga flower girls at ring bearer.

When it's time for Serene to walk down the aisle, she suddenly felt anxious. Hindi niya alam kung normal iyon sa ikakasal pero parang may parte ng pagkatao niya ang biglang nag-alala at natakot. Huminga siya ng malalim upang habulin ang bilis ng tibok ng puso niya.

Hindi siya lumilingon. Nakapako ang kanyang mga mata sa altar. Ramdam niya ang nag-umaapaw na paghanga ng mga tao sa kanya sa loob ng simbahan. At alam niyang hindi iyon makakatulong sa kaba na nararamdaman niya kung titignan pa niya ang mga ito.

Nang abutin ni Axel ang kanyang mga kamay at hagkan iyon ay hindi niya napigilang hindi mapangiti. Siya na yata ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa. Hindi dahil ikakasal siya kay Axel Buenavidez kundi dahil ikakasal siya sa lalaking mahal siya at sobrang mahal niya rin.

"I, Axel Buenavidez, take you to be my lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part." Saka nito isinuot ang singsing sa kanyang daliri.

"I, Katherine Ford, take you to be my lawfully wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part."

["Babe, let's get married." Bulong ni Axel sa kanya habang nakahiga sila sa kama nito. They have been sleeping together since that night he took her out from that club. Pero hindi siya nito ginalaw ni minsan. Nakuntento ito sa simpleng yakap at mga munting pagdampi sa kanyang mga labi.

"Ikakasal na nga tayo sa isang linggo, hindi ba?"

   "No, babe. I want to marry you. Now." Animo'y nakikiusap ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

"Nababaliw ka na ba?"

"Yes. At lalo akong mababaliw kung hindi ka magpapakasal sa akin ngayon." Anito.

"P-pero paano yung wedding natin?"

Axel bit his lower lips bago ito ngumiti sa kanya. "Then, I'm going to marry you twice."]

Sumilay ang matatamis na ngiti sa mga labi ni Serene ng biglang pumasok iyon sa kanyang isipan. A week before their wedding, right after Axel introduced her to his Mom, he asked her to marry him. They already had their civil wedding that night. Si Serene Lastimosa ay isa ng ganap na Buenavidez noong gabing iyon. At ngayon, ikakasal naman siya rito bilang si Katherine Ford, gaya ng napag-usapan nila ni Axel.

Hindi maaaring malaman ng mga Buenavidez na isa siyang Lastimosa. Pinanghawakan niya ang pangako ni Axel na hindi siya nito pababayaan. Kailangan lang niyang magtiwala sa mga plano nito.

"You have declared your consent before the church. You may now kiss the bride."

Iniangat ni Axel ang belo na tumatakip sa kanyang mukha. "You are mine now, Serene."

"Sa'yo lang ako, Axel. Sayong-sayo lang."

Ipinikit ni Serene ang kanyang mga mata nang dumampi ang mga labi ni Axel sa labi niya.

Napuno ng palakpakan ang buong simbahan.

Hindi sila iniwan ng kanilang mga bisita hanggang sa reception. Naisagawa ng maayos ang lahat ng ipinlano nila ni Axel ng kalahating taon. Ngunit unti-unti, napansin rin niya ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha nito.

"A-are you okay? Pagod ka na ba?" Tanong niya rito.

"I'm okay." Tipid nitong sagot.

"Are you sure?"

"I said, I'm okay." Tinapunan siya nito ng tingin bago ito tumayo at umalis palabas ng function hall.

Palinga-linga si Serene sa paligid. Halos dalawang oras na kasing wala si Axel sa reception. Huli niya itong nakitang may kausap sa telepono bago lumabas ng function hall. Magmula noon ay hindi pa ito bumabalik. Hindi naman ito nagpaalam sa kanya.

   "Where is Axel, Katherine?" Tanong ng ina ni Axel sa kanya ng hindi nito mahagilap ang anak.

"N-Nasa banyo po siguro, Mama." Nakangiti niyang sagot.

"Nag-aalisan na ang mga tao. Kanina pa siya wala." Nag-aalala nitong sabi.

"Ako na po ang bahala. Magpahinga na po kayo."

"Unbelievable!" The woman rolled her eyes. "Tell him to see me tomorrow, okay? Aakyat na ako sa silid ko dahil kanina pa ako inaantok."

Tumango lamang siya.

Natapos ang reception at nagsipag-uwian na ang mga bisita pero wala pa rin si Axel. Nagtanong na rin siya sa gwardiya ng hotel kung napansin nito na lumabas ang asawa. Hindi rin kasi nito sinasagot ang mga tawag niya. Hindi rin nagrereply sa mga text niya.

"Serene."

Napalingon siya ng marinig niya ang kanyang totoong pangalan.

"Caleb?"

May hawak itong bote ng alak at halatang marami na itong nainom.

"I … I tried to stop him, Serene. Believe me, I tried. But he didn't listen." Halos magbuhul-buhol na ang mga paa nito dahil paekis-ekis na itong lumakad.

"Anong sinasabi mo?" Nagtataka niyang tanong rito.

"Hinahanap mo si Axel, hindi ba?"

"Yes. Alam mo ba kung nasaan siya?"

Hindi nagsalita si Caleb. Bagkus ay itinuro lamang nito ang isang kubo sa tabing-dagat.

"Bakit mo naman siya iniwang mag-isa roon, Caleb? Halika, tulungan mo 'ko. Baka lasing na lasing na iyon." Aniya.

Caleb smirked. "No, Serene … you go and help him yourself."

Marahan siyang umiling habang pinagmamasdan ito. Lasing ito kaya hindi na niya ito kinulit pa. Tumawag na lamang siya ng bellboy na maaaring maghatid kay Caleb sa silid nito.

Nag-uunahan ang mga paa ni Serene nang puntahan ang kubong tinutukoy ni Caleb. Kailangan niyang mai-alis roon ang asawa dahil baka magkasakit iyon. Mamamatay ito sa lamig kung aabutin iyon roon ng umaga.

"Axel …" Mahina niyang tawag sa pangalan nito.

   "Aahh … oohh … Axel!"

Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata ng marinig ang mahinang ungol na iyon na nanggagaling mismo sa loob ng kubo. Hindi siya pwedeng magkamali. Pangalan ni Axel ang narinig niya.

   Akala niya'y guni-guni niya lamang ang lahat. Ngunit nagkamali siya. Mas lalong naging malinaw ang lahat sa pandinig niya ng tuluyan siyang makalapit sa kubong iyon.

"D-Don't stop, Axel. I'm begging you … uhh, don't stop!"

Hindi napigilan ni Serene na kagatin ang dulo ng kanyang daliri para pigilan ang sarili na magsalita. Nanatili siyang nakatayo sa isang gilid.

"I'm not going to stop till you say so, babe." Saglit na tumigil sa pagsasalita si Axel. "Uhh … I miss you so much!"

Mahinang paghikbi ang bumasag sa pananahimik ni Serene. Kahit na dinig na dinig niya ang pakikipagniig ng asawa mula sa loob ng kubong iyon ay pilit pa rin niyang kinukumbinsi ang kanyang sarili na hindi iyon totoo. Hindi iyon si Axel.

Hanggang sa nakakita siya ng isang maliit na siwang mula sa kinatatayuan niya. Alam niyang maaaring mas masaktan siya kung makikita niya pa ang nangyayari sa loob. And she chose to hurt herself more. Hindi niya napigilan ang sariling hindi silipin iyon.

Her heart has been shattered into pieces when she saw her husband on top of another woman. At kitang-kita niya kung paano nito angkinin ang katawan ng babaeng iyon.

Naka-angkla ang mga hita nito sa asawa habang mariin na nakakapit sa likod nito. "Did you fuck her? Huh? Is she better than me, Axel?" Sunud-sunod nitong tanong.

"Answer me!"

Sa halip na sumagot ay mariin na hinalikan ni Axel ang babae. Ngunit pinilit nitong makaalis sa mga bisig ng asawa maging sa halik nito. Nang pumaibabaw ito kay Axel ay nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang babaeng bumaboy sa kanyang pagtitiwala at pagmamahal.

"Kayleigh …" Mahina niyang sambit sa pangalan ng kaibigan. Naging maagap naman ang kamay niya sa pagtakip sa kanyang bibig. Sabay bagsak ng kanyang mga tuhod sa malamig na buhangin.

They should be spending the night together. Pero ayun ang asawa niya, nakikipagtalik sa ibang babae sa gabi na dapat sana'y honeymoon nila.

"I didn't fuck her. Hindi ako pumapatol sa mamatay-tao. At lalung-lalo ng hindi ako papatol sa aso." Narinig niyang sagot ni Axel.

Pakiramdam ni Serene ay tumigil sa pagtibok ang puso niya. Ngayon, alam na niya kung bakit hindi siya ginalaw nito. Axel didn't respect her. He despises her.

"Do you love me?"

"Of course. Mahal na mahal kita, Kayleigh. At lahat ng 'to ginagawa ko hindi lang para kay Jacob. Kundi para sa'yo."

Pinilit niyang habulin ang kanyang hininga. Alam niya na anumang oras ay maaari siyang bumagsak at mawalan ng malay. Hindi niya sukat akalain na sa ganito mag-uumpisa ang buhay niya bilang isang Buenavidez.

She pressed her hand on her chest.

Unti-unting lumabo ang kanyang paningin. Hindi niya alam kung dahil ba napupuno na ng luha ang kanyang mga mata o pilit nitong tinatakpan ang mga bagay na hindi niya na dapat makita pa.

Serene was slowly fading away. Hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak at nawalan ng malay.