webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · Urban
Zu wenig Bewertungen
129 Chs

Trixie's POV

Tinawagan siya ng tatay ni Jason at pinakiusapan na bantayan ito sa ospital dahil wala daw pupwedeng magbantay dito. Ang kanyang ina ay nagpapalakas pa at ang kapatid niya naman ay may kailangang asikasuhin sa kompanya.

Ang tatay naman ni Jason ay palipad papuntang Singapore para sa business meeting. Hindi naman daw grabe ang kaso ni Jason. At hindi daw nito pwedeng maipagpaliban ang meeting sa bagong investor.

Matagal nang hinaing ni Jason ang kawalan ng panahon sa kanila ng kanyang ama. Alam niya na naghihinampo ito pero ngayon ay hindi na iyon masyadong issue dahil may sarili na din itong buhay. Pinili nga nito magtrabaho sa ibang kompanya kesa sa kompanya ng kanyang ama.

Kung hindi nga lang sana siya sumama kay Lester ay baka mag asawa na sila ni Jason ngayon. Siguro ay buntis na siya at nakasal na sila.

Iyon naman dapat ang plano nila. Kaya nga ito nagpundar ng bahay dahil gusto nito na lumagay na sila sa tahimik. Natukso lamang siya kay Lester.

Noong mga panahong iyon ay abala silang pareho sa trabaho. Bihira silang magkasama at text lang at tawag halos ang kumunikasyon nila. At wala siyang ibang magawa kundi maghintay kung kailan sila magkikita. Hindi naman ito nagkulang sa pagmamahal sa kanya. Pero meron siyang hinahanap dito na kay Lester niya nakita.

Palagi siyang naiiwan mag isa. Pag nag restday naman nito ay may pasok siya. Madalas umaabsent na lamang siya para masabayan ang rest day nito at makasama. Pero hindi naman pwede ang palaging ganon.

Minsan ay umingit siya dito na gusto niya mamasyal. Wala siyang pasok noon. Ang gusto niya sana ay ito naman ang mag leave para sa kanya. Siya naman ang mag adjust. Pero talagang importante dito ang trabaho kesa sa kanya. Pakiramdam niya ay hindi siya kabilang sa priority nito.

Bagamat palagi nitong sinasabi na naghahanda siya para sa future nila, iba pa rin ang pakiramdam niya. Yung kagustuhan niyang makasama ito nang matagal ay hindi nito nagagawan ng paraan.

Pakiramdam niya ay may iba na itong gusto. Kahit paulit-ulit nito sinasabi na majority ang boys ang trabaho niya ay hindi niya pa rin maiwasang mag isip. Lalo na at madalas daw itong inaaya ng boss sa inuman.

Kaya naman ay naghanap siya ng mapag lilibangan. Nawili siya sa pagsama sa mga night out. Gumigimik sila ng barkada niya paglabas ng trabaho at doon niya nakilala si Lester. Gwapo ito. Matipuno at mukhang matured. Hindi kagaya ni Jason na medyo bata pa. Mas may edad kase siya kay Jason kaya parang mas gusto niya ay yaong kaedad o mas may edad kesa sa kanya. Si Lester ay mas matanda sa kanya ng dalawamg taon.

Matured ito at malambing. Palaging nariyan kapag malungkot siya. Matiyaga itong nakikinig sa kwento niya. Araw araw siya nitong sinosorpresa. Na hindi gingawa ni Jason sa kanya. Kahit minsan nga ay hindi siya nabigyan ni Jason ng bulaklak. Nililibre lang siya nito sa kainan ang rason nito ay hindi naman daw nakakain ang flowers nasasayang lang ito pag nabulok. Maliban sa singsing na pinagawa nito sa kanya, wala na itong ginawa para pasayahin siya.

Si Lester ay araw araw may pakulo. May love letters at pabulaklak at chocolate sa locker, may pa-teddy bear. Hinaharana pa siya nito.

Singer si Lester. Kasama niya ito sa trabaho pag umaga at kumakanta naman ito sa mga bar pag gabi. Gwapo ito at matipuno. Ito yung mga tipo ng mga babae may matitigas na dibdib, muscles... nakaka inlove ito umawit.

Pag nag umpisa na ito magperform sa stage, marami ang babaeng tumitili dito.

Noong naging boyfriend niya ito, marami ang naiinggit sa kanya. Sikat ito. Pakiramdam niya ang ganda ganda niya. Napaka sweet nito noon. Talagang nahulog ang loob niya dito.

Pag kasama niya ito ay nakakalimutan na niya si Jason. Hanggang isang araw ay nakasama nila ito sa gimik. Nagperform ito at ang inawit nito ay dinedicate pa sa kanya. Alam niya na gusto siya nito pero boyfriend na niya si Jason.

Nong gabi ding iyon ay nilunod niya ang sarili sa alak. Nalulungkot siya dahil si Jason ay namimiss niya. Hanggang text at tawag lang ito. Dahil sa trabaho niya.

Naparami ang inom niya non, anupa't hindi na siya makapaglakad ng tuwid. Nasa isip niya na baka tumakbo si Jason at sunduin siya. Pero nasa trabaho pala ito. Namimiss niya ang halik at yakap nito subalit wala itong oras para doon.

Si Lester ang napaghingahan niya ng sama ng loob. Ito ang nagpapagaan ng loob niya. Palagi. Kaya hindi na siya magtataka kung isang araw ay mahulog ang loob niya dito. Ihinatid siya nito sa bahay niya. Mag isa lang siya doon. An kanyang ina ay nasa bahay nila sa tagaytay kasama ang kanyang ama. At nung gabing iyon, may nangyari sa kanila.

Isang beses lang iyon na nasundan nang nasundan hanggang sa hinahanap hanap na niya. Halos doon na nga siya umuwi araw araw sa bahay nito. Iba ang epekto sa kanya ni Lester. Talagang sa kanya ay satisfied si Trixie. Maligaya siya dito. Iba talaga siguro kapag mas matured ang karelasyon mas masaya, mas exciting, at mas naa-appreciate ka. Nabulag siya nito.

Pumayag siya na magsama sila.

Tinalikuran niya si Jason.

Na totoong nagmamahal sa kanya.

Ngayon ay nagsisisi siya. Kung anong ganda ang pinakita nito sa kanya noon ay empyerno naman ang binigay nito sa kanya ngayon. Sadista ito. Baliw. Pag nagtatalik sila ay sinasaktan siya nito. Binubugbog. Walang araw na hindi siya nasasaktan. Samantalang si Jason ay hindi siya sinaktan kahit na minsan. Hindi mo ito pwedeng kontrahin. Dahil pag ginawa mk yon bugbog ang aabutin.

Hayagan din ang pambabae nito. Minsan ay inuuwi pa nito sa bahay ang babae nito. Natorture siya nang husto. Pisikal, emosyonal... Hanggang ngayon ay hindi siya nito tinitigilan. At pakiramdam niya ay si Jason lamang ang makakapagsalba kanya. Kapag bumalik sa kanya si Jason ay ipagtatanggol siya nito. At pag nakasal sila ay baka tigilan na siya ni Lester. Wala siyang ibang magpasabihan, wala siyang ibang alam na pwedeng lapitan. Si Jason lang. Na alam niyang nagmamahal sa kanya ng buong puso.

Si Jason lang na sobra siyang mahal ang laging handa na tulungan siya. Pero hindi na niya ito makausap. Masyado niya itong nasaktan. Na nagtulak dito para magalit sa kanya ng ganito. Naisip niya nga na pinipilit lamang nitong ibaling sa iba ang atensiyon. Dahil kahit sinasabi niya na may girlfriend siya, hindi naman ito visible. Hindi pa nga niya nakikita si Yen kahit tatlong taon na ang lumipas.

Mula nang magkasakit ang kanyang ina, ay halos araw-araw niya itong pinupuntahan. Yon yung down moment ni Jason na kailangan niya ng aalalay at mapaghihingahan ng pasanin sa buhay. Subalit wala siyang nakitang Yen na lumabas para kalingain siya. Pakiramdam niya ay palabas lang nito ang tungkol sa Yen na yon.

Gayunpaman, wala siyang balak sumuko. At kung sino man ang Yen na ito, gagawa siya ng paraan para mailayo si Jason dito. Sa kanya si Jason at alam niya na siya ang may ari ng puso nito.

Napansin niya ang mga ngiti ni Jason habang may kausap sa cellphone. Kaya naman dali dali niya itong nilapitan

" babe, wag ka muna mag cellphone. Kailangan mo magpagaling." sadya niyang nilakasan ang boses niya para marinig ng kausap ni Jason. At effective dahil nagbaba ito ng telepono. (Nalobat si Yen.)

Matalim ang tingin ni Jason sa kanya. Hindi siya nakapagsalita. Sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang nakitang ganon si Jason. Sobra siguro talaga ang galit nito. Ang bigat bigat na ng kanyang dibdib. Naninikip na sa sobrang pagpapanggap na ayos lang siya. Hindi niya napigilang mapaluha.

" pwede ba? lubayan mo na ako!! " galit na sabi ni Jason sa kanya.

Hindi na siya nakapagsalita. Tuloy tuloy na siyang lumuha. Sa halip na i-comfort siya ay tiningnan lamang siya ni Jason at muli itong humiga.

" umuwi ka na. hindi naman kita kailangan dito. " sabi nito.

Nauunawaan niya kung bakit sagad ang galit nito sa kanya. Pero hindi siya titigil hanggang mapatawad siya nito at muling tanggapin at mahalin.