webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · Urban
Zu wenig Bewertungen
129 Chs

Good Morning!

Totoong nasaktan si Yen.

Pero hindi ang damdamin at emosyon niya ang mahalaga.

Para sa kanya ay higit na mahalaga ang kompletong pamilya para kay Jesrael.

Kaya niyang magtitiis magkaroon lamang ito ng pamilyang buo.

Siyempre, dahil totoong mahal niya din si Jason at walang ibang magpapasaya sa kanya kundi ito.

Hindi siya epokrita.

Aminado siya na kahit shunga si Jason ay mahal niya ito.

Kahit na marami itong kakulangan ay tanggap niya ito.

Ang nais niya lang naman ay maramdaman at masiguro kung anu at saan ang lugar niya sa puso nito.

Wala naman siyang balak ipilit ang sarili dito.

Pero hindi pa naman kailangang sumuko. Saka nalang siya bibitaw kung mismo sa bibig ni Jason magmula na ayaw na nito at nais na niyang makipaghiwalay. Nalungkot siya sa bahaging iyon. Ayaw niya paniwalaan na kaya ni Jason gawin ang gayon. Pero bakit hindi? Nagawa nga siyang palayasin nito. Gayunpaman ay umaasa pa rin siya. Mabubuo sila, magiging masaya.

Dahil yon talaga ang gusto niya. Yon ang pangarap niya.

Makasama si Jason at maging masaya sila. Sana...

Habang nag uusap ang mag amang Rico at Yen, ay narinig nila si Sophia na sumabat.

" Yen-yen anak, may bisita ka."

Napalingon si Yen dito. Sanay na siyang tinatawag na anak ni Sophia. Noon pa man na katulong pa lang siya nito ay anak na siya nito kung tawagin na hindi man lang sinasawata ng mga kapatid niya sa ama.

Sa isiping iyon ay naisip na niya na baka matagal na nitong alam na kapatid niya ang mga ito. Kahit ang mga alaga niya ay hindi siya tinawag na Yaya. Sister ang tawag sa kanya ni Cloud. Ate naman ang tawag sa kanya ni Chloe. Samantalang sa ibang katulong ay Yaya, Nang... Sabagay di hamak na mas bata siya sa mga iyon.

Gayunpaman heto na...totoo nang pamilya niya nga ito. Totoo ngang tatay niya si Rico. Pero curious pa rin talaga siya kung papano nagkaroon ng Sophia si Rico. Hindi naman sa ayaw niya kay Sophia, naisip niya lang amg buhay niya kung sakaling walang Sophia at ang nanay niyang si Criselda talaga ang asawa ni Rico. Napangiti si Yen sa naisip. Muling nagbalik ang kanyang ulirat nang magtanong si Rico kung sino ang dumating.

Dug-dug! Dug-dug! Dug-dug!

Lumakas muli ang kabog ng dibdib ni Yen nang mapag sino ang dumating. Tila ba iyon ang mga unang araw nong naging magkasintahan sila. Hindi niya alam ang magiging reaksiyon. Naisip niya ang kanyang itsura. Kakabangon niya lang sa kama. Nag suklay naman siya at nag toothbrish pero wala pa siyang ligo.

Natawa si Yen sa sarili.

Bakit nga ba siya mababahala eh nakita na ni Jason sa kanya ang lahat?

Nakita na siya nitong tulo laway kung matulog.

Nakita na siya nitong magising at gulo gulo ang buhok.

Juice colored!

Kinakabahan siya pero pinilit niyang iayos ang sarili.

Nakita ni Jason si Yen na kausap ang ama.

Sandali niya itong pinagmasdan habang masinsinan ang pag uusap nito.

Marahil ay alam na ni Yen ang katotohanan.

Nakatalikod si Yen kaya hindi niya agad nakita ang mukha nito.

Nais na sana niya itong yakapin.

Subalit nagdadalwang isip siya.

Hindi niya alam kung ano ba ang sasabihin.

Mag so-sorry ba muna siya o magha-hi

Nagtatalo ang kanyang isip nang tumambad sa kanyang harapan si Sophia.

Ngumiti ito sabay tinawag ang pansin ng mag-ama.

Nakita niyang biglang natigilan si Yen nang makita siya.

Pero wala siyang mabakas na emosyon sa mukha nito.

Ngumiti si Jason.

" g-good morning! " bahagya siyang nautal.

" good morning iho. sandali palang si Yen dito sinundo mo kaagad. Di ko pa nasusulit ang oras ko sa anak ko babawiin mo na. " sabi ni Rico.

" s-sorry po... gusto ko lang po sana makausap ang anak ninyo. " nag aalangan sagot ni Jason.

" ok...yon ay kung ok lang sa anak ko na kausapin ka. " tumingin ito kay Yen. Kalmado ang ngiti nito.

Si Yen naman ay dahan dahang tumango.

Pagkatapos noon ay umalis ang mag asawang Sophia at Rico. Naiwan si Jason at si Yen sa harap ng garden na iyon.

Galit na galit na binalandra ni Gabriel ang lamesa.

Tinaob niya iyon at nangabasag ang mga nakapatong doon.

" Di ba sinabi ko sa iyo na wag mong hahayaan na makalapit si Jason kay Yen?!!! Bwisit ka talaga bobo ka!!!" sumisigaw si Gabriel habang nakadikit sa bibig ang ang cellphone nito.

" sorry sir! Hindi ho namen natunugan na darating siya. "

" gawan mo yan ng paraan. hindi sila pwedeng magkaayos at magkabalikan. "

" yes boss."

Sa kwarto ng mag asawang Villaflor.

" si Jason? palagay mo ba ay ok siya para kay Yen? "

" wen, kahit na mag alala ako, hindi ko pwedeng pang himasukan ang damdamin ng anak ko. Mahina ang anak ni Miguel alam ko yon pero mahal niya si Yen."

" gaano ka kasiguradong hindi na masasaktan ang anak mo? "

" hindi ako sigurado na hindi siya masasaktan. Ang magagawa ko lamang ay alalayan siya at bantayan. Suportahan kung kinakailangan. "

Buntong hininga na lamang ang naisagot ni Sophia.

Hindi pa din niya mapakalma ang sarili sa isiping tila ba wala namang kakayahan si Jason para protektahan si Yen. Pakiramdam niya ay si Yen ang magpapasan dito.

Gayunpaman ay totoong wala silang magagawa sa anuman ang maging desisyon ni Yen. Malaki na ito at may sarili nang pag iisip. Hindi din nila maaaring panghimasukan amg damdamin nito. Tama si Rico. Manonood na lamang sila sa malayo at aagapay nalang kung sakaling muli itong mabigo.

Tumalikod si Yen kay Jason.

Humarap siya sa garden at muling minasdan ang mga bulaklak.

Wala siyang maisip sabihin.

Hindi niya alam kung papano niya ito kakausapin.

Ilang sandali ang lumipas ay naramdaman niya ang pagyakap nito mula sa kanyang likuran. Humihikbi ito at hindi halos makapagsalita.

Hindi natinag si Yen sa pagkakatayo at ninamnam lamang niya ang pagkakalapat ng katawan nito sa kanyang likuran. Tahimik siyang nakikinig sa mga hikbi nito. Damang dama niya ang lungkot.

Lungkot ni Jason.

Pumihit siya paharap dito at bahagya itong itinulak palayo. Sapat na distansiya para makita niya ang mukha nito. Malaki ang ibinagsak ng katawan ni Jason. Halata sa mata nito na palagi itong walang sapat na tulog. Naawa si Yen. Pero hindi pa rin siya nakapag salita.

" a-ayaw mo na ba sa akin? " tanong ni Jason

" lalayo ka na ba?" dugtong nito. Habang hawak nito ang kanyang mga kamay at paulit ulit na hinahalikan.

" hindi mo na ba ako babalikan? " muling tanong ng lalaki.

Huminga si Yen ng malalim.

Muling ibinaling ang tingin sa ibang dereksiyon.

Mahal niya si Jason pero kung susuriin niya ang kanyang sarili ay ayos na siya kahit wala ito.

" kung wala tayong anak baka hindi na kailangan. Kung wala tayong anak, wala na sana tayong dapat pag usapan. Ok na sana ako na wala ka. Pero iniisip ko ang bata." sagot ni Yen.

" anuman ang nararamdaman ko ay hindi mahalaga. Dahil ang binibigyan ko ng halaga ay ang kinabukasan niya. " dugtong pa ni Yen.

" mahal kita. Pero hindi ko kayang magsakripisyo habang buhay. Hindi ko hahayaan na maubos ako dahil sa pambabalewala mo...kailangan ko ibuild up ang sarili ko para sa anak mo na umaasa sa akin. Hindi ko kayang magtiis habang buhay. Wala nang martir ngayon. Kaya wag mong asahan na porke mahal kita ay pwede mo nang gawin lahat ng maibigan mo. Kahit pa masaktan ako. Wag ka din umasa na paulit ulit kitang patatawarin kahit ilang ulit kang magkamali. Hindi ako diyos. May damdamin ako at hindi ako perpekto. Pero para sa anak ko, handa ako magsakripisyo. " titig na titig si Yen kay Jason nakayuko naman ang huli.

Para kay Jason ay hindi naman niya masisi si Yen. Siguro sa iba ay simpleng bagay lang iyong nangyari pero si Yen, binigay nito sa kanya ang buhay niya. Ang sarili niya, at minahal siya nito ng sobra sobra. Kung nagagalit man ito ngayon, yon ay dahil kasalanan niya. Kasalanan niya dahil tanga siya. Hindi siya marunong magpahalaga. Ang mahihiling niya lamang ay sana bigyan pa siya ni Yen ng isa pang chance.

" sorry na mahal... hindi ko sadya. Hindi ko alam... " wika ni Jason habang kinukulong siya nito sa kanyang mga bisig.

Napapikit si Yen.

Kahit naman hindi ito mag sorry ay hindi niya ito matitiis. Aminado naman siya na wala siyang gusto kundi ang makasama ito. Pero sana, siya lang...siya lang at walang iba.

" matagal akong naghintay. Naniniwala akong babalik ka. Kung saan saan kita hinanap. Kahit ang secretary mo ini-stalk ko mahanap ka lang. Hanggang sa nalaman kong nandito ka. Kaya nagmadali akong sumunod. Please.... bigyan mo pa sana ako ng isa pang chance. "

Alam ni Jason na si Yen ay madaling kausap.

Kung ayaw ay ayaw, at pag gusto ay gusto.

Kaya kinakabahan siya sa mga susunod na sasabihin nito.

" may magagawa ba ako?" sagot ni Yen.

Pagkatapos ay niyakap siya ni Jason ng mahigpit.

Hindi naman umalma si Yen.

Wala naman talaga siyang balak magpahard to get.

Dahil alam niya sa sarili niya na mahal niya ang lalaki.