webnovel

HYEORAEK

What will happen if a serious woman, Alice Claire Gordon, who has PTSD, and Ali Madrigal, who has two personalities, cross paths during the Apocalypse? Will they help each other to fight the undead or will their personalities clash once they find out who they are? Seven men, along with four have women, different perspectives and identities. Will they be able to succeed in these catastrophes? "They're the real zombies, infected by a pestilential disease." -Erros

BernSooyah · sci-fi
Zu wenig Bewertungen
10 Chs

Chapter 10

"A-ano.. nga.. ngayon k-ko lang kasi naala--"

"Kuya!" I shouted.

Mabilis kong hinarang ang sarili ko kay kuya bago pa niya sugurin ulit ng malakas na suntok si Drew. Pilit ko siyang pinipigilan na pumunta sa nakaupo na sa sahig na si Drew. May tumulo pang dugo sa ilong nito. I'm also mad to Drew but not to the point na sasaktan ko siya.

God! How did I end up in this kind of situation?

"It's all your fault! If you just give that map to us as early as possible then we will know that this f*cking door is broken. You b*llsh*t!" galit na sigaw ni kuya sa lalaki.

I saw how my kuya clenched his two hands and giving a dagger looks to Drew.

Sumusulyap lang sa amin ang tatlo habang nakakunot na ngayon ang mga noo at parang nagtatanong.

"Bakit? Anong ginawa ng isang 'to sa inyo?" nagtatakang tanong ni Xavier. Right, they don't know what just happened.

"He trap us in the Chief Office. Where the zombie Chief is in there," I explained to them. Nakita kong pinunasan na ni Drew ang duguan niyang ilong at napayuko.

"Abay, g*go pala ito eh!" Napaawang ang labi ko ng makitang papasugod na rin sana si Xavier kay Drew mabuti na lang at agad siyang napigilan ni Matt. Habang si Ali naman ay masamang tingin lang ang pinupukol kay Drew.

"Wag bro," 'Yun lang ang sinabi ni Matt pero nagmistulang magic word iyon para tumigil si Xavier sa pagsugod kay Drew at binigyan niya lamang ito ng nakakamatay na tingin. Ngayon ko lang ata nakitang magalit si Xavier, and it scares me too.

"Please Kuya. Calm yourself. Wala ng magagawa pa ang galit mo kung nangyari na naman ang dapat mangyari," baling ko naman kay kuya.

Tinignan niya lang ako sa mga mata bago tumango at nagsimula ng kalmahin ang sarili.

Lumapit naman agad ako kay Drew at agad na kinuwelyuhan ito.

"Just tell me there's another way out here, and I'll spare your life away," I threatened him and hold the collar of his clothes tightly.

He is our only hope here, at kahit na niloko niya kami kanina isusugal ko ulit ang tiwala ko sa kanya makalabas lamang sa lugar na ito dahil kailangan ko pang mabuhay, hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa pamilya ko.

"S-sa chief office... m-may s-sirang bintana roon p-palabas ng station," nauutal niyang sabi.

Nakita ko ang takot sa mga mata niya kaya binitawan ko na siya at tumayo na. I offer my hand to him, gaya ng ginawa ni kuya sa kanya. I saw how he's eyes narrowed up to me with confusion.

"Let's go. We're not gonna hurt you if that's what you think," blanko kong sabi sa kanya.

Kahit na nagtataka sa inakto ko ay agad naman niyang hinawakan ang kamay ko at malakas ko siyang nahila patayo. Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga kasama ko at ang paglapit naman sa 'kin ni kuya, he patted my head and my shoulder.

He's calm now.

"Wala na tayong oras. We really need to get out of here bago pa maubos ang mga bala namin," kalmado niyang sabi.

Tumango kaming lahat sa sinabi ni kuya. At kahit na mukhang may aftershock pa rin si Drew ay nagawa na rin naman niyang tumango sa amin.

"Tama... ah...d-dito ang daan." Nanginginig siya habang sinasabi iyon.

Agad siyang naglakad papunta sa Chief office na sira na ngayon ang pinto dahil sa malaking impact ng pagsabog kanina. We followed him at nakasunod lamang ako kay Drew habang nasa likod ko naman ang tatlo at si kuya. They still shooting the zombies who are coming to us.

Pagkapasok pa lang namin sa loob ng silid ay parang nagflashback sa 'kin ang lahat. Hindi ko akalain na makakaligtas pa kami sa laki ng zombie na kalaban namin kanina. Thanks to the gun that kuya's holding now.

"Wow! Napatumba niyo ito?!" Nanlalaki ang mata ni Ali at tinuro pa ang chief na bulagta na ngayon sa sahig.

"No way..." hindi makapaniwalang sabi ni Xavier.

Sari-saring komento ang narinig namin kay Xavier at Ali, tahimik lang si Matt. Sinundot-sundot pa ni Ali ang pisngi ng Chief at parang batang naglalaro lang. Nothing surprising, he acts like a kid anyway.

"Dito!" sigaw ni Drew samin. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad papunta sa bintana na tinuro ni Drew. Wala na itong pantakip at gawa lamang sa kahoy. Sinilip ko ang labas at hindi naman kataasan ang tatalunin namin. Madilim na rin ang labas at buwan lamang ang nagsisilbing liwanag sa kapaligiran.

"Mauna na ako ha?" Agad na tumalon si Drew sa bintana na hindi man lang hinintay ang sasabihin namin.

"Wow! Mas nauna pa siya kay Alice babes ah!" mapaklang sabi ni Xavier.

"Tsk. Subukan niya lang tumakas, ipapakain ko talaga siya sa mga zombies rito sa loob," galit at nagtitimpi na sabi ni Kuya.

Napailing ako sa tinuran nila at sumampa na rin sa bintana saka tumalon palabas. Muntik na akong matumba dahil hindi ko agad na balanse ang sarili ko nang may biglang humawak sa braso ko at tinulungan agad akong tumayo.

"Ayos ka lang, Miss Alice?" Napalingon ako kay Drew na inakala kong tumakas na. I nodded and he immediately let go of my hand.

"How did you know my name?"

tanong ko naman sa kanya. I can't remember na sinabi ko ang pangalan ko sa kanya.

"'Yun ang tawag nila sayo eh... at uh.. sorry--"

"Hoy! Anong ginagawa mo kay Misis?" Naramdaman ko naman sa kaliwa ko ang paghatak ng isang tao sa 'kin palayo kay Drew. I'm one hundred percent sure na si Ali iyon. Tsk. Misis na naman.

Dahil sa madilim ay i-on ko 'yung flashlight ko at aksidenting na iharap 'yun sa mukha ni Ali. Napapikit naman siya agad.

"Ano.. wala," sagot na lamang ni Drew.

Binitawan na ako ni Ali kaya sumilip agad ako sa loob gamit ang bintana. Nasa loob pa rin si Matt, Xavier at kuya. Nagsisimula na ring lumabas sa bintana si Matt at naiwan ang dalawa sa loob.

"Pandak na singkit, lumabas ka na riyan!" sigaw ni Ali kaya nabatukan siya bigla ni Matt at sinabihang 'wag mag-ingay o sumigaw.

"Kuya, get out now!" tawag ko rin kay kuya ng mapansin na hindi pa rin sila lumalapit sa bintana.

Nang walang sumagot sa dalawang nilalang sa loob ay agad akong humingi ng isang granada kay Matt na may suot na backpack.

"Give me a bomb," ani ko.

Nilahad ko ang palad ko sa kanya at mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko dahil sa paglaki nang bilugan niyang mata.

"Hala Misis, nandoon pa 'yung--" naputol ang sasabihin sana ni Ali ng tinignan ko siya ng masama. What the hell is he thinking? Ihahagis ko itong bomba sa loob habang nasa loob pa rin ang dalawa, seriously? Nasaan ba ang utak ng isang 'to?

Matt still hand a bomb to me then I turned my head to the window again.

"I'll throw a bomb inside at kapag hindi pa kayo lumabas diyan, you will burn together with the zombies!" malakas kong sigaw sa dalawa na nasa loob pa rin.

Gumaan ang loob ko nang makita kong sumilip si Xavier sa bintana at nag mouth ng 'Roger Ma'am!'. Unang lumabas si Xavier at sumunod na si kuya, binabaril naman ni Matt at Ali ang mga nilalang na papalapit sa dalawa.

Saktong pagkaapak ni kuya sa lupa ay ang paghagis ko naman sa loob ng granadang hawak ko. Mabilis kaming tumakbo papunta sa van at narinig ang malakas na pagsabog ng granada na hinagis ko sa loob.

"Aray!" rinig kong sigaw ng isang kasama namin.

Napatigil kami sa pagtakbo at nilingon si Drew na nakasobsob na ngayon ang mukha sa batuhang lupa.

"Karma!" natatawang sabi ni Ali. Agad naman na pinalo ni Matt ang bibig ni Ali para patahimikin ito. Pero katulad ni Ali ay tinawanan rin nila kuya at Xavier ang kawawang si Drew, kaya napailing na lang ako.

Nasa bingit na kami ng kamatayan pero nagagawa pa rin nilang tumawa kahit papaano. How about me? Why I can't laugh out loud just like them? Can I even laugh?

"'Yan, ang lampa kasi.." sermon ni Xavier sa lalaki.

Hinawakan ni Xavier at Matt si Drew sa magkabilang braso at tinulungang tumayo ito. Hindi pa rin tumitigil sa pagtawa si Ali at nakahawak na ito ngayon sa tiyan niya.

We continue to run inside the van. Umupo ulit ako sa passenger seat at si kuya sa driver seat again. Nasa likod naman namin ang apat at rinig ko pa ang reklamo ni Ali na kesyo masikip na raw masyado dahil nadagdagan pa ulit sila ng isa. They can occupy the third row of the chair but they insisted to sit together in second row. Hindi ko makita ang reaksiyon ni Drew at hindi ko rin narinig na magsalita ito.

Nagsimula na kaming lumayo sa Police station at madilim na paligid ulit ang nadadaanan namin.

Napahinga ako ng malalim at niyakap ang sarili ko. Pagod na ako at natatakot sa susunod pang araw na kahaharapin namin. We may be safe tonight but tomorrow will be another survival day.

Napapikit ako ng mga mata ko and I was about to sleep.

"What the...." I heard kuya mumbled.

Bumagal ang takbo ng sasakyan namin hanggang sa tuluyan na nga itong tumigil sa pag-andar. Napalingon lahat kami kay kuya.

"F*ck?" tuloy niya sa sinabi niya.

Sh*t! Hindi pa nga dumadating ang panibagong umaga pero meron na naman problema.

We were out of gas now.

"Patay...."