webnovel

Chapter 8

Inis na inis ako sa sarili ko. Hindi pa ako maka-get over sa Ethan na iyon. Ang hinayupak

magkaka-anak na pala! Kung alam ko lang e di sana wala ako sa sitwasyong ito, ngawa ako nang ngawa! Shit lang! Ano'ng laban ko do'n e siya ang unang minahal. Wala pa man kaming isang taon eh! Sabi ng ugok na si Ethan. Bago lang daw niya nalaman na buntis pala 'yong babae. Kasi pinagtaguan daw siya ng ex niya. Desperado ang pucha, niligawan ako!

Takot ang ugok kapag hindi niya pinanagutan si girl, babawiin daw ng Daddy ni girl ang shares nila sa company nila Ethan, na threaten ang sira ulo! At ako naman nganga na lang! Kainis.

Busy ako ngayong araw na ito. Paano ako makaka-relax sa lintik na buhay na ito?!

Pumunta muna ako sa canteen at magko-coffee muna, wala naman pila. Kumuha ako ng 2 cups of coffee, gusto ko gising na gising ang diwa ko ngayong araw. Ayaw ko muna ng drama, kahit sa totoo naman malungkot ako. Pinili ko 'yung bakanteng mesa sa may malapit sa entrance at umupo na rin. Biglang uminit ang ulo ko kasi pumasok ang guwapong si Ethan. Wala man lang paalam na umupo sa tapat ko, prenteng nakangiti pa ito. Inismiran ko nga siya, mamatay na siya riyan o kaya'y mangisay na lang. Wala siyang kaalam-alam na pinapatay ko na siya sa aking isipan.

"May kailangan ka?" naiinis kong tanong.

"Yeah, actually." Inabot niya sa akin 'yung puting sobre. Nanlaki ang mga mata ko.

"Invitation? Ikakasal ka na?" malungkot kong sabi.

"Yes, that's why I'm here, I'm inviting you."

Tumayo ako sa inis. "So, ganoon lang 'yon?"

"I'm sorry for what I've done," sinsero niyang sabi.

Bumalik ako sa pagkakaupo. "Mahal pa rin kita, Ethan," naluluhang sabi ko.

"I know." Huminga siya ng malalim.

"Paano naman ako, Ethan?"

"Alex, alam ko nahihirapan ka. Pero may mga bagay na hindi na puwedeng ipilit pa. Ang daming iba riyan, huwag ako, kasi gago ako. Akala ko mahal kita, pero nagkamali ako. Para nga lang kitang kapatid, hindi pang-girlfriend material."

"W-What?!"

"Alex, please, huwag kang magalit."

"Ang kapal naman ng mukha mo, sinong hindi magagalit?! Gago mo, matapos mo akong mahalikan, ganiyan pa sasabihin mo?!"

"I'm sorry, but it's true," kalma niyang sabi.

"Then fine! Isaksak mo sa baga mo 'yan!" sigaw ko sabay hagis ng invitation sa mukha niya.

Tumayo na ako. "Baka naman sa susunod na punta mo rito e kunin mo naman akong ninang ng anak mo!" padabog kong sabi sabay tapon ng mainit na kape sa lower part niya! Nabigla siya saka tumayo, hindi magkanda-ugaga sa pagpagpag ng pantalon niyang nabasa sa mainit na kape. Buti nga sa kaniya.

---

Five months later...

Nasapo ko ang ulo ko nang maramdaman kong kumirot ang sintido ko. Sobrang sakit, nasobrahan ako sa alak. Bigla naman akong napangiwi dahil may kamay na nakayakap sa akin. Umayos ako sa pagkakahiga, hindi na muna ako bumangon, pilit kong inalis ang kamay na nakayakap sa akin, pero ayaw alisin ng kung sinong may-ari noon. Humarap ako para makita kung sino ang katabi ko.

Para akong nahipnotismo sa aking nakikita, ngayon ko lang napagtanto, maganda pala ito, hindi ko lang siguro napapansin, bumaba ang tingin ko sa kaniyang mapupulang labi, para itong masarap halikan tulad noon. Nawawala yata ang kalasingan ko sa pagtitig sa maamo niyang mukha. Honestly, hindi ko talaga siya gusto kahit noon pa, pero bakit parang attracted ako sa kaniya ngayon?

Humigpit lalo ang kaniyang pagkakayakap, dahilan para lalong lumapit ang aming mga mukha. Ramdam ko ang paghinga niya, napakainit nito. Nabalik lang ako sa huwisyo nang bigla itong magmulat ng kanyang mga mata. Ngumiti pa nga siya sa akin na lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko at muling pumikit nanaginip ba ito? Konting galaw lang namin dadampi na ang labi ko sa labi niya. At ganoon nga ang nangyari. Dumilat ang mga mata niya, bigla itong napabalikwas. Nakatitig lang sa akin na para bang hindi makapaniwala. Bumangon ako tumalikod na naupo sa side ng kama. Wala pa ring nagsasalita sa amin, nabaling ang paningin ko sa loob ng silid, malinis na, wala na akong makitang kalat. Pati damit na suot ko napalitan na rin.

"Did you change my clothes?" lakas loob kong tanong.

"Ye-yes," nauutal niyang sagot. Napangisi ako.

"Till now your lusting on my body." I said and smiled at her.

"Hi-hindi... assuming ka naman!" nagalit siya.

"Noon oo, pero hindi na ngayon," narinig ko pang bulong niya. "Pinalitan ko, pero nakapikit naman ako," malumanay na niyang sabi.

"Talaga lang, ha?" sabi ko na nagdududa.

"Lee, hindi ako nagpunta rito para makipag- diskusyon sa 'yo. Imbis na magtaray-tarayan ka riyan, bakit di ka na lang magpasalamat."

Hindi ako nakakibo. Ibang klase talaga itong babaeng ito.

"Why are you here?"

"Kakausapin ka kung puwede sana huwag ka nang magmukmok dito. Pinakiusapan lang ako ni Tita Angela na puntahan ka rito."

Tumayo ako at hinarap ko siya. "Kung makapagsalita ka, daig mo pa ang nanay ko!"

"Ano ba'ng problema mo? Bakit ka ganiyan?" singhal niya.

"Puwede ba huwag mo nga akong pakialamanan!" sigaw ko at naiinis na naman ako sa kaniya.

"I'm still your bestfriend," mariing sabi niya. Tinapunan niya ako ng masamang tingin.

"Tsk... correction ex-bestfriend!" sigaw ko sa pagmumukha niya. Biglang lumungkot ang mukha niya at tutungo na ng pinto.

"Okay I am just nobody to you! Are you damn happy now?" galit na sabi niya. Nangislap ang mga mata niya. Nagbabadyang pumatak ang luha mula roon. Pero parang pinipigil niya iyon.

"You know what? Bakit hindi ka na lang kasi mawala sa buhay ko?! Ibigay mo na lang sa akin ang anak natin!" Mabilis na lumapit si Alexandra sa akin at sinampal ako sa kaliwang pisngi ko. Pumaling ang mukha ko. Ramdam ko ang bigat ng kamay niya.

"You selfish bastard! You don't have the right to treat me like that! Wala kang alam sa paghihirap ko sa anak ko! Anak ko lang siya! Akin siya! Siguro nga may partisipasyon ka sa pagbuo sa kaniya, pero hanggang doon ka na lang. Wala kang awa! Tapos ngayon gusto mo ibigay ko na lang

basta-basta ang anak ko sa 'yo?! No way! Ano ka sinusuwerte?!" nanggagalaiting sabi niya. Ramdam ko ang pait sa tinig nito.

"Alexandra, wala kang alam sa mga nararamdaman ko! Si Akira, siya lang ang bumuo sa pagkatao ko! Iniwan na naman niya ako! She wants me to choose, between her and our son! Now, tell me, what should I do?" nahihirapan kong sabi. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Ang hirap mamili lalo na't dalawa silang mahalaga sa buhay ko. "What is right? Please... tell me?!" Tuluyan na akong napaiyak na parang bata. Napaupo ako sa malamig na tiled floor. Naninisi ako ng ibang tao dahil sa pagmamahal ko sa isang babae. I'm so bad.

Biglang lumapit si Alexandra sa akin at umupo rin sa tabi ko. Inalo niya ako at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti rin ako ng yakap para maibsan ang lungkot na nararamdaman ko. Pumantay ako sa mukha niya. Kitang-kita ko ang sobrang lungkot na nararamdaman niya dahil sa mga sinabi ko. Bigla ko siyang tinanong.

"Do you still love me?" Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Yes," walang gatol niyang sabi at naluluha siya.

"Then marry me..." I said seriously.

"Are you kidding me?" nagtatakang sabi niya.

"No, help me fix my broken heart." It sound so baduy but I just want her to help me fix my whole self.

Tumango lang ito at naglapat nang matagal ang aming mga labi. Tuluyan nang bumuhos ang mga luha namin. Maybe we should try. I wiped away her tears, Alexandra smiled at me while crying her heart out. I can feel that she's overwhelmed right this very moment. And I should be happy, because once again, she accepted me with all her heart.

---

Naganap na rin ang kasal namin ni Lee. Sa una nagtataka ang mga tao sa paligid namin, kung bakit naging biglaan ang naging desisyon namin. Marami silang katanungan, nagpaliwanag naman kami ni Lee. Basta ang sinabi namin ay para sa anak namin. Na ayaw na namin maging broken ang family namin. Nakahinga na ako nang maluwag dahil wala na iyong 'mana' issue. Wala nang pagpapanggap na magaganap. This time, it's all for real.

Puno ako ng pangamba. Paano kung hindi

mag-work ang ganitong klaseng relasyon?

Wala eh, nandito na rin ito, wala nang urungan. Susubukan namin dalawa malay namin gumana. Natatakot naman ako baka isang araw kung kailan may nararamdaman na si Lee sa akin, e bumalik na naman ang ex-girlfriend niya. Ano ang gagawin ko? Oo nga't mag-asawa na kami, pero may posibilidad ba na bumalik ulit ang dating feelings niya kay Akira? Baka naman magising siya isang araw, mauntog siya sa katotohanan na mali pala ang ginawa niyang desisyon na pakasalan ako. Saan na naman ako pupulutin no'n? Sa kangkungan?

---

Alam ko mali ang pagpapakasal ko sa kaniya, I have my own purposes, she's the mother of my child or maybe I'm taking the risk of falling for her, to get over with Akira. Hindi ko alam kung ano'ng kahahantungan ng kabaliwan kong ito. Pero susubukan ko.

For now, I don't want to talk about Akira.

Dito na rin tumira sa malaking bahay ang mag-ina ko. Pero nakiusap muna si Mama at Papa na dadalhin muna nila si Kyle sa America at doon pag-aralin. Para hindi raw ma-bore si Mama at Papa doon. Tuwang-tuwa naman ang aking anak. Hindi siya takot malayo sa Mommy Alex niya. Parang sanay naman kasi ang bata sa ganoong set-up. So meaning to say, kami lang dalawa ni Alex dito. May akward factor pa nga kami, nahihiya pa kami sa isa't isa pero kalaunan magkakapalagayan din kami ng loob.

Masayang-masaya naman ang both parties sa desisyon namin. Lalo na ang parents ko na malaki talaga ang pagkagusto kay Alex kahit noon pa man.

"Alex, what are you doing? Just leave that." Kasalukuyan kasi itong naghuhugas ng mga pinagkainan namin.

"Naku, konti lang ito. Iaasa mo pa ba sa iba?" nakangiting sabi niya.

Lumapit ako sa kaniya. Niyakap ko siya mula sa likuran at inamoy ang leeg niya.

"Kahit na, ayoko lang mapapagod ka," sabi ko na nangingiti rin. Lalo ko pang diniin ang mukha ko sa leeg niya.

"Oa mo ha." Humarap siya sa akin at nilagyan ng bula ang ilong ko.

"Come on, lets go upstair." I said and she giggled.

"Kulit mo rin, ano? Mauna ka na do'n. Patapos na rin ito," sabi niya at nagpunas muna ng kamay. Tinitingnan ko lang siya. I crossed my arms.

"Tara na, Hon, gawa na tayo ng baby," biro ko.

Lumapit siya sa akin at ikinawit ang mga kamay niya sa leeg ko.

"Okay sige, ilan ang gusto mo?" sakay niya sa biro ko.

"Isang basketball team?" sabi ko na ikinatawa na naman ni Alexandra.

"Talaga? Baka manghina ka niyan?" nanlalaking mata na sabi niya't kinintalan ako ng mabilis na halik sa labi.

Sa simpleng halik na 'yon ay may pumukaw sa aking damdamin. Maybe I want so much more of her.