webnovel

Chapter 5

Hindi ko mapigilang tumawa, kinukuwento ko kay Bob ang katangahan ni Alex. He knew all about her. Nakaupo ako sa swivel chair at si Bob sa katapat ko. Sumasakit na ang mga tiyan namin sa kakatawa.

"Brod, alas singko na, ibigay mo na ang pera ng sekretarya mo, maya niyan magbigti pa sa harapan mo iyon," tatawa-tawang sabi ni Bob.

Biglang may kumatok. "Pasok!"

"Sir, iyong pera ko bayaran mo na?" hindi mapakaling sabi ni Alexandra.

Lumipat naman ng upuan si Bob para makakita ng entertainment. Hinugot ko ang wallet ko at binuksan ito. Humahaba ang leeg ni Alex, sinisilip kung may laman ang wallet ko. Bigla itong nadismaya dahil binalik ko ulit sa bulsa.

"Wala akong cash, sorry..." sabi ko.

She rolled her eyes.

"Do you prepare cheque?" tanong ko pa.

"Anak ng tinapa!" sigaw niya at napasipa sa mesa.

"Easy lang!" sabay namin turan ni Bob, piniplit namin huwag tumawa.

Nakatingin lang siya sa akin, habang nilalagay iyong amount na tumataginting na 300 pesos ang tseke, tapos pinirmahan ko na. Binigay ko at tinaggap naman niya.

"Bukas mo na ipapalit 'yan, wala ng bangko ngayon sarado na," kunwari'y masungit na sabi ko.

"Alam ko, hindi naman ako tanga, no!" sabi niya at sabay walk out nito. Pero bumalik din agad.

Sampung piso meron kayo?!"

Nagkatinginan kami ni Bob at humalagpak ng tawa sa harapan niya. Napasimangot ito at umalis na rin ng walang kapera-pera. Kawawang Alexandra, mukhang mahaba-habang lakaran ang daranasin nito.

---

Maaga akong pumasok ngayon para makapag- start na ako sa mga papers, sobrang daming pending. Himala wala ng oras sa pang-aasar at pang-aalipusta si Lee sa akin, si Lee na masungit, si Lee na mayabang, si Lee na sobrang yummy at sobrang maka-demi God ang kabuuan.

Nag-matured ang mukha at lahat sa kaniya. Pinagnanasahan ko ba siya? Malamang sabi ng isip ko. Kaso laging nakakunot ang noo no'n, pero guwapo pa rin. Hindi rin ako makapahinga sa sobrang daming utos niya, na kala mo nagtitrip lang. Tapos kung makasigaw, para akong mabibingi.

Ano ba naman ako? E, hamak na empleyado lang naman ako. Just wondering why? What if hindi ako nagsabi ng feelings ko noon, e di siguro lagi siyang nakangiti ngayon? Pumasok ako sa loob ng office niya. Nagpunas-punas ako ng mga estante, sinalansan ko 'yung mga files sa mga drawer, sunod ang mesa. Nang may mahagip akong blue folder, hindi ko dapat pakialaman pero, na curious ako. Binuksan ko na, tumambad sa akin ang mga litrato, litrato ng pamilyar na babae. Si Akira, bigla akong kinabahan, hanggang ngayon siya pa rin ba?

Biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang lalaking nakasuot lang ng faded jeans at v-neck gray shirt, mas lalong gumuwapo. Hindi yata naka coat and tie ngayon? Napansin niyang hawak ko ang blue folder, biglang nag iba ang anyo nito, nakakatakot. Nakalapit siya sa akin at hinablot ang folder. Mariin niyang hinawakan ang braso ko. Nasasaktan ako.

"Bakit mo pinapakialamanan 'yan?! It's confidential!" galit na sabi niya.

"Sorry," nanginginig na sambit ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya.

"You're such a mess! Get out! And bring all your things! Because you are fired!" galit at sigaw niyang sabi.

Nagmamadali kong kinuha ang mga gamit ko. Ayoko na rin magpaliwanag pa, para ano pa? Hindi naman siya makikinig. Fired agad-agad?! Masakit lang isipin na kahit ilang taon na pala ang lumipas siya pa rin! Mahal niya siya, mahal ko siya! Paano naman ako?! Namputsa naman! Ako na tanga, simpleng picture lang, tinamaan na naman ako! Sobrang sakit na 'to, tang ina!

"Ma," malungkot na bungad ko kay Mommy. Gulat ang reaksiyon nito.

"Bakit ang aga mo?" tanong niya.

"Wala na akong trabaho, Ma," nakasimangot na sabi ko.

"Bakit? Ano'ng nangyari?" tanong uli ni Mommy.

"Kasi Ma, may nakita akong folder sa mesa ni Lee. Na-curious ako kaya pinakialamanan ko." Parang may bumabara sa aking lalamunan. Gusto kong magmura pero useless din naman.

Alam ng mga magulang ko lahat ng nangyari sa amin ni Lee, pati rin ngayon alam nila na siya ang bagong Boss ko.

"Mga pictures ni Akira ang laman ng folder, Ma, and other information regarding her," sabi ko pa at pilit akong ngumiti kay Mommy.

"Anak, mas makakabuti pa siguro na kalimutan mo na siya at magsimula kang muli."

"Ma, siya pa rin kasi hanggang ngayon, umaasa ako sana isang araw, maging parte siya ng buhay ko,"naluluha kong saad.

Biglang tumayo si Mommy at tumapat sa may bintana.

"Dapat noon ko pa sana ginawa ang tama, Anak. Ang tagal nating nananahimik, hindi lang siya ang naghirap ng kalooban. Ikaw ang siyang labis na nasaktan dito, Anak," malungkot na sabi ni Mommy sa akin. Malaki ang pasasalamat ko sa pamilya ko lalo na kay Mommy dahil sa lahat ng pagluha ko, lagi siyang karamay ko.

"Natatakot ako sa mga posibilidad, Ma," mahinang sambit ko.

"This is the right time, Anak. Naawa na ako sa iyo."

"Pero, Ma."

"Maayos at maitatama rin natin ang lahat, Anak. Walang dapat ikatakot, naririto lang kami sa likod mo." Pagkasabi no'n ni Mommy ay lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing pinapalakas ni Mommy ang loob ko. Parang nabawasan ang burden ko.

---

Wala na akong choice, nag-file na ako ng resignation letter. Kailangan ko na naman makahanap ng trabaho sa lalong madaling panahon. Pauwi na ako ngayon, kasi si Daddy iniluwas muna ni Mommy kina Kuya, doon muna daw siya. Welcome naman siya doon. Si Mommy at ako lang niyan ang nasa bahay. Wala na rin akong pakialam sa Lee na 'yun! Teka, bakit ang liwanag sa loob? At mukhang may mga tao. Nakaparada rin dito sa labas ng gate ang kotse sa kabilang bahay. Talagang hindi naglalakad ang mayayaman? Eh, ang lapit lang dito. Bakit pati ang kotse ni Kuya nandito?

Nasa harap na ako ng pinto nang biglang bumukas ito, bumungad sa akin si Kyle.Tigagal akong napatingin sa loob ng salas. Nagpalipat-lipat ako ng tingin. Sina Tita at Tito, tapos si Lee. Si Kuya Sander at Mommy, napatingin ulit ako sa batang nakakawit ang leeg sa akin.

"Mommyyyyy!" tawag niya sa akin. Nagniningning ang mata nito saka mabilis na humalik sa labi ko.

Ngimi naman akong ngumiti sa kanila parang alam ko na.

"Kumusta po kayo?" naiilang kong bati sa kanila.

Inakay naman akong umupo ni Kuya. Sa tapat pa talaga ni Lee? Nakatingin lang siya sa akin, parang pinag-aaralan niya ang kilos ko. Para naman akong maiihi sa salawal ko.

"Hija, sinabi na sa amin ng Mommy at Kuya mo ang lahat. Natutuwa ako kasi matagal na pala kaming may apo, kamukhang-kamukha pa ni Lee," masayang sabi ni Tita. Akala ko magagalit siya. Buti na lang open minded si Tita.

Hindi man lang umiimik si Lee.

"Kyle, apo dito ka nga," sabi ni Mommy.

"Opo, Lola," sagot naman ng Anak ko, tapos ay tumabi siya kay Mommy.

"Meet your Grandpa and Grandma." Pagpapakilala ni Mommy kay Kyle sa lola't lolo niya.

Nagmano naman ang anak ko sa dalawang matanda.

"And your Daddy..." dagdag pa ni Mommy.

"Daddy?" naguguluhang sambit ni Kyle. Tumingin siya sa akin, pagkatapos ay kay Lee naman. Pero

lumapit siya kay Lee at niyakap ito, parang hindi naman mapakali si Lee kaya kalaunan rin ay gumanti na rin siya ng yakap sa bata.

"My son..." kinakabahang sambit ni Lee sa anak namin.

Nag-usap-usap na ang matatanda. Nag-alok ng kasal sa akin ang parents niya pero tumanggi ako. Puwede naman nilang hiramin si Kyle kung gusto nila. Nasa kuwarto kami ngayon, tulog na si Kyle nakatunghay sa kaniya si Lee. Ako nama'y nakaupo sa paanan ng kama.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may anak na pala tayo?" sabi niya. May pagdaramdam sa boses nito.

"Kung sinabi ko ba noon, may magbabago ba?" sabi ko. Masama rin ang loob ko. Dahil kung ibabalik man ang panahong nagdalang-tao ako at kung sakali ngang nasabi ko ang tungkol sa ipinagbubuntis ko, may posibilidad bang magkasama kami ngayon? Siguro, puwede. Puwede ring hindi, dahil sagad sa buto ang galit niya sa akin. Kaya nga rin pinilit ko na lang itago. Dahil alam kong masasaktan lang ako. Kaya tama lang ang ginawa kong pagtatago sa anak namin. Baka nga itanggi niya pa ang anak namin kung sakaling sinabi ko sa kaniya noon.

Hindi kumibo si Lee.

"Bakit mo tinanggihan ang kasal na inaalok sa iyo ng parents ko?" tanong niya.

"Kung ikaw sana ang mag-aalok, wala pang alas kuwatro, oo na ako," bulong kong sabi.

"May sinasabi ka?" sabi niya. Nakatunghay siya kay Kyle.

"Wala," sagot ko. Umasim ang mukha ko.

"Bakit ka nga tumanggi? Na sa iyo na ang pagkakataong makasama ako," pag-ulit niya sa tanong kanina.

"Ayaw ko naman kasing maikasal lang dahil may anak tayo," sabi ko. Yumuko ako.

"Mahal mo pa ba ako hanggang ngayon?" nakangising tanong niya. Obvious ba? Manhid talaga niya.

Tumayo na ako, pahakbang sa pinto bigla niya akong hinigit paharap. Tiningala niya ang mukha ko. Bigla akong umiwas.

"Lee..." mahinang sambit ko.

"Lets give it a try? For our son," sabi niya na ikinagulat ko. Ano'ng masamang nakain nito?

He cupped my face and lowered his lips to mine, he gave me a long and passionate deep kiss. Natulala ako nang binitawan niya na ako.

"I'll pick you up tomorrow, good night." Tumango na lang ako sa sinabi niya.

Before he left, again, he gave me a peck on my lips.

Kinikilig akong isinarado ang pinto. Napa-walling pa ako sa likod ng pinto. Nakakawindang ang nangyari sa araw na ito. Tomorrow is a life changing moment. Sumampa na ako sa kama at tumabi na ako sa anak ko, makakatulog ako nito ng may ngiti sa labi.