webnovel

Chapter 3

Bumangon ako sa kama para kunin sa drawer ang isang bagay, maliit na frame na may larawan. Ang cute niya talaga, kapag handa na akong panindigan ka, kukunin na kita, hindi muna ngayon, patawarin mo ako. At tuluyan na akong nakatulog ng may luha sa mga mata yakap ang picture frame.

---

"Hindi kita mahal! Bakit lagi mo na lang pinagsisiksikan ang sarili mo sa akin! Gumising ka nga! Gano'n na lang ba ah, Alex? Sisirain mo lang ang pagkakaibigan natin! Kapatid lang ang turing ko sa iyo, naiintindihan mo ba?!" galit na galit na sabi ni Lee. Niyugyog niya ang mga balikat ko sa sobrang galit niya at napapadiin ito. Pero wala akong maramdaman, kahit yata anong sabihin o gawin niya sa akin, manhid na ako, masokista man ang tawag do'n, pero wale e, nagmamahal lang naman kasi ako.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero, bigla ko na lang siyang hinalikan sa mga labi niya. Nagulat siya sa ginawa ko dahil do'n dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. Nang makabawi si Lee humingi siya ng sorry sa akin. Umiyak ako at dali-daling umalis sa harapan niya.

---

"Mag-usap tayo, Lee," sabi ko. Kinakapalan ko na ang mukha ko. Kasi desperada na ako at nahihibang sa kaniya.

"Para saan pa?! Tumigil ka na nga sa kahibangan mo! Hindi ka na nahiya? Ikaw pa naghahabol sa lalaki!" singhal niya.

"Lee, hindi ko gustong maramdaman ito, pero mahal kita. Please, makinig ka naman sa akin. Parang awa mo na ako na lang. Niloloko ka lang niya," lakas-loob kong sabi. Nakagat ko ang ibabang labi para pigilin ang pagluha ko.

"And now your telling me a lie!" sigaw niya na may halong sarkasmo.

Humarap siya sa akin at dinuro niya ako kulang na lang duraan niya ako sa mukha. Hindi na siya ang dating Lee na kilala ko.

"Hindi ako nagsisinungaling, dahil nakita ko talaga siyang may kahalikang iba! Masyado kang mabait para lokohin ka niya. Hindi siya nababagay sa iyo!" Tumaas na rin ang tono ng pananalita ko. Totoo naman kasi ang lahat nang nakita ko, pero ayaw niya talaga akong paniwalaan.

"At sinong nababagay sa akin, ikaw? Pwe!" pang-iinsultong sabi niya. Matalim ang mga mata niyang tumitig sa akin.

Pinigilan ko siyang umalis at hinawakan ko siya sa braso niya. Hilam sa luha at unti-unti akong lumuhod sa harap niya, wala akong pakialam kung may makakita man sa aming ganito, kahit may nagdadaan pa rito sa school backyard.

"Maniwala ka naman sa akin, please," pagmamakaawang sabi ko sa kaniya. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Ganoon pala kapag hindi ka magawang paniwalaan ng taong mahal mo.

Biglang may dumating na babae, si Akira nadatnan niya kami sa ganoong eksena.

"So kaya pala? Noon pa man ay may naamoy na akong hindi maganda kasi meron ka pa lang gusto sa boyfriend ko, tama ako diba?" naiinis na sambit ni Akira. Ipinagdiinan pa talaga niya ang salitang 'boyfriend' saka niya ako tiningnan ng matalim.

Sa inis ni Akira sa akin ay sinabunutan niya ako na ikinatayo ko, nabigla ako, malakas ko siyang naitulak dahilan nang pagkakabagsak niya, tumama ang pang-upo niya sa may malaking bato.

Nataranta kami pare-pareho, bigla na lang kasing may tumulong dugo sa paanan nito. Umiiyak siya, nagmamadali akong humingi ng tulong sa kapwa estudyante ko. Meron naman sumaklolo. Mabilis siyang dinala sa malapit na hospital.

Saka ako sumunod sa kanila. Nadatnan ko si tita at tito, marahil hindi pa nila nasabi ang mga nangyari kanina. Ngumiti ako at pinapasok sa private room kung saan naka-admit si Akira. Tulog pa ito pero si Lee tiim bagang napatingin sa akin, mukhang galing lang sa pag-iyak. Lumapit siya sa akin at inakay niya ako palabas ng kuwarto. Nagpaalam siya sa parents niya, at bantayan muna raw si Akira, mag-uusap lang daw muna kami. Pumunta kami sa labas ng hospital.

"Hindi ba kaya nang konsensiya mo at nandito ka?"

"Lee, I'm sorry, tell her I'm so so sorry."

"Puro ka sorry, huli na ang lahat. Hindi mo na mababago pa ang mga nangyari! She is pregnant! You don't know that for sure! Pero wala na ang magiging baby sana namin! Dahil sa 'yo!" matigas na sabi niya. Puno ng galit ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Bigla na lang may tumulong luha sa mga mata niya. Ngayon ko lang na-realized na sobra-sobra ang pagmamahal niya sa babaeng 'yon. Ang laki ng inggit ko.

Hindi ko na rin kaya ang mga sinabi niya, pero sa kabila ng lahat nanaig pa rin dito sa puso ko ang pagmamahal na one sided lang talaga.

"Umalis ka na! Baka kung ano pa ang magawa ko sa 'yo!" bulyaw niya.

Umalis akong lumuluha.

---

Nabalitaan ko sa ate ni Pat na nag-migrate na raw sa america si Akira. Hindi raw nito nakaya ang pangungutya sa kaniya dahil nalaman nilang nabuntis at nakunan ito. Pero kasalanan ko ba iyon? Hindi ko alam at hindi ko naman iyon sinasadya. Pananagutan naman dapat ni Lee iyon kaso tumanggi na rin si Akira at ang pamilya nito. Si Lee kahit nagkakasalubong kami sa hallway ng school, hindi niya ako pinapansin, kahit sulyap, wala. Ano pang aasahan ko e, sukdulan ang pagkasuklam niya sa akin. Naging pabaya na rin ito sa pag-aaral niya, nabarkada, natuto ng mag-alak at mambabae. Nagkabisyo siya nang dahil sa akin. Kasalanan ko ang lahat kung bakit siya naging ganoon.

Hanggang isang gabi, naglalakad ako papunta sa sakayan nang biglang may humintong kotse sa tapat ko, pamilyar ito kaso hindi ko maaninag kung sino ang may-ari, tinted kasi. Biglang bumukas ang pinto ng kotse, si Lee pala, pinapasakay ako, nag-hesitate ako pero biglang tumaas ang boses, madilim ang mukha niya.

"Sasakay ka ba o tutunganga ka na lang d'yan?!"

Pumasok na lang ako para maayos na ang gusot sa amin. Nilagay niya ang seatbelt sa akin. Amoy alak siya. Nag-drive siya, pero iba ang way ng dinaanan namin pauwi.

"Maling liko ka. Lee, saan mo ako dadalhin?" ninenerbiyos na sabi ko. Kinakabahan talaga ako.

"Sa heaven," nakakalokong sabi niya.

"Alam ko, hindi tayo in good terms ngayon pero huwag mo naman sana akong takutin," malungkot kong saad. Bigla akong napaluha.

Huminto kami sa isang apartment, hinila niya ako papasok sa loob. Pabalibag niyang sinara ang pinto. Tinulak niya ako sa may kama na may double deck. Mukhang walang tao dito, kami lang.

"Ano ba'ng problema mo?!" pasigaw kong sabi.

"Ikaw!" pasigaw rin niyang sagot.

"Humingi na ako ng tawad sa iyo! Kulang pa ba iyon?!"

"Oo, dahil sa iyo, iniwan na ako ni Akira!"

"Ano pa ba'ng gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?" naiiyak na sabi ko. Luluhod na sana ako nang bigla niya akong itinayo. Kinulong niya ang mukha ko sa dalawang palad niya, and he tell me straight to my face.

"Be my whore."

Nanindig ang mga balahibo ko sa buong katawan ko, hindi ko alam kung anong dapat gawin, pero ang makasama ang lalaking ito, kahit sa isang gabi lang ay gustong-gusto ko. Kahit ito'y mali tatanggapin ko ang hiling niya. Dahil siya lang ang gusto kong makakuha ng tanging iniingatan ko. Dahil mahal ko siya ng sobra-sobra higit pa sa buhay ko, anuman ang kahahantungan nito'y tatanggapin ko. Handa akong magpakatanga, kahit ilang beses pa akong mabaril sa luneta ay wala akong pakialam.

Kahit umiyak man ako ng dugo.

"I said, be my whore," walang emosyong ulit niya pa.

Puno nang pagnanasa ang kaniyang mga mata na nakatitig sa akin. Sa isang iglap lang ay magkalapat na ang aming mga labi. Hindi ako makagalaw, para akong tuod na nakatayo, hindi ko alam kung paano ko siya sasabayan sa ginagawa niyang paghalik sa akin. Diniinan niya ang paghalik sa akin, dahilan upang umawang ang bibig ko. Ipinasok niya ang kaniyang dila sa bibig ko at sinipsip nang matagpuan niya ito, saka niya nilaro-laro. Nalalasahan ko ang alak sa kaniyang bibig. Hindi ako makahinga sa lalim ng paghalik niya. Unti-unti ko nang nagagaya ang mga galaw niya. Nakakapit ako sa leeg niya. Giving him more access, kung saan-saan dumadapo ang isa niyang kamay. Inilapat niya ako sa higaan without breaking our kiss.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko, he unbutton my blouse, and then my bra. He suck my nipple and cupped my other breast. I feel something inside me na parang gustong kumawala, I'm enjoying the sensation, kinapa niya ang palda ko, napasinghap ako ng dumako ang kamay niya sa loob ng underwear ko. Ganito ba talaga ang pakiramdam nito? Patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin hanggang tuluyan na niyang nahubad ang natitira kong saplot sa katawan. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Tumigil siya sandali saka pinagmasdan ang kabuoan ko. Naiilang na tinakpan ko ng mga kamay ko ang maseselang parte ng aking katawan. Bigla akong nahiya at umiwas ng tingin sa mapagnasa nitong mga mata. Hindi ako naging handa nang dahan-dahan niyang pasukin ang aking lagusan. Nakagat ko ang aking ibabang labi nang pilitin niyang idiin ang matigas niyang pagkalalaki sa akin. Napapangiwi ako sa sakit, ilang ulit niyang sinubukan at unti-unting nagtagumpay sa pagpasok sa aking kaibuturan. He is my first time, pero wala akong pinagsisisihan.

Unti-unting nababalot ng ginhawa ang paglabas masok niya sa akin. Nagpatuloy lang siya, he guide me, hanggang sa pareho na kaming sumasabay sa ritmo at nakarating sa sukdulan.

Kung ito man ang magiging kabayaran sa lahat ng sakit na nagawa ko sa kaniya, hindi ko ito pagsisihan. Mahal ko siya iyon lang 'yon. Tanga na kung tanga. Love is something you cherish, I did it with the man that I love.

Pagkatapos ng pinagsaluhan namin, nakahiga na kami dala ng pagod. Nakainom ito, hinalikan niya ako labi at sinabing, "I love you..." matutuwa na sana ako kaya lang nagsalita pa siya ng nakapikit... "Akira."

Ang sakit, sobrang sakit. Tumalikod ako sa kaniya at tahimik na ngumiti ng mapait. Lumuluha man ay kailanma'y hindi na mababago na si Akira pa rin ang minamahal niya.

Pumayag ako sa set-up namin ni Lee, yes when he fucking needs me, he will call just for what? Just for sex! Ganiyan ko siya kamahal. Kung anuman o kung saan man ang kahahantungan nang kahibangan ko wala na akong pakialam. Kahit marami pa akong kahati sa kaniya, makasama ko lang siya at kung saan siya masaya, do'n ako.