webnovel

Chapter 11

Katatapos ko lang makausap ang anak kong si Kyle via skype. Eight years old na siya ngayon at nasa America pa rin siya kasama ang lolo't lola niya. Habang lumalaki si Kyle ay lalong nagiging kamukha ng kaniyang ama.

Kumusta na kaya 'yon? Wala naman akong balita sa kaniya at ayaw ko ring makarinig ng anuman tungkol sa kaniya. Siguro malaki na rin ang kaniyang anak? It's been 2 years since nang maghiwalay kami, bakit hindi man niya ako nagawang hanapin? Masaya na ba siya sa buhay niya ngayon? Maraming katanungan ang pumapasok sa aking isipan. Hindi pa rin naman ako nawawalan ng pag-asang makita ko siya ulit. Ang hirap ng ganito. Sana maayos na ang lahat.

---

Kausap ko ngayon si Mama sa telepono. Alam niya naman kung nasaan si Alex pero tinatago nila. May inutusan na akong private investigator para hanapin si Alex pero hinaharang lang nila ito. Hindi nila ako mapatawad sa mga nagawa ko kay Alex. Dahil do'n parang nawalan ng amor sa akin si Mama.

Nagsisisi na ako. Ayoko na ng ganito.

Gustong-gusto ko na siyang makita at mayakap. Alam ko, marami akong pagkukulang sa kaniya, bigyan niya pa sana ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan ang sarili ko sa kaniya. Oo, inaamin ko, mahal ko na siya ngayon, mahal na mahal. Napagtanto ko lang 'yon nang maghiwalay kami. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni Alex sa tuwing nasasaktan ko siya.

May nagpadala pala sa akin ng envelope. Puro pictures nina Akira at Rig. Hindi ko maiwasang magtaka. At may laman pa itong isang DNA test result ni Aki? Si baby Aki na anak namin ni Akira. Pero nakasaad dito na hindi kami magka-match ng dugo? Biglang nagdilim ang paningin ko. Ang tanga ko! Dali-dali akong pumunta sa condo kung saan nakatira ang babaeng bumilog sa ulo ko. Galit na galit ako sa kanila, pati sa sarili ko. Ang tagal kong nag-alaga ng ahas! All this time niloloko pala ako ni Akira. Pinalampas ko na nga ang panloloko niya noon sa akin! Ni hindi ko nagawang paniwalaan ang bestfriend ko noon na si Alex. Bob confirmed it to me na si Rig din daw ang ama ng anak na ipinaako niya sa akin noon. Ang saklap! I was blinded by her love. I didn't give Alex a chance! Fuck! And now naloko na naman ako ni Akira. Hindi ko na kayang sikmurain ang bagay na ito. Ipinaako niya ang anak niya sa akin na sa ibang lalaki naman pala!

Pabalibag kong binuksan ang pinto, dahil may key card naman ako sa unit ng babaeng kinabaliwan ko. Nakita ko sila sa kuwarto they are making out! Anong klaseng babae siya? Ganiyan ba siya kababa? Kung hindi pa ipinadala sa akin ang impormasyong 'yon, patuloy pa rin nila akong lolokohin ng dalawang ito! Namumula na ang mukha ko sa sobrang gigil.

Nagulat ang dalawa nang makita nila ako, hinila ko si Rig sa pagkakakubabaw niya kay Akira. Napatili pa si Akira nang pagsusuntukin ko sa mukha ang lalaki niya! Wala naman ginawa ang babaeng ito kundi sumigaw! Duguan na si Rig, hindi pa ako nakuntento at tinadyakan ko pa siya sa tiyan. Sumuka ito ng dugo. Hindi man lang lumaban si Rig sa akin. Sinalo lang nito nang sinalo ang bawat suntok at tadyak ko. Naisip siguro nito ang mga pagkakamali niya. I want to kill them! Nang matapos ako kay Rig ay hinarap ko naman si Akira na takot na takot. Nanlilisik ang aking mga mata sa sobrang galit. Na estatwa lang ito sa kinatatayuan niya. Hinila ko ang buhok niya at mariin kong piniga ang magkabilang pisngi niya.

"Sino ang ama ni Aki? Siya ba?!" Turo ko kay Rig na hinang-hina nang nakalupasay sa sahig.

"Bitiwan mo nga ako!" Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ko. Wala akong pakialam kung nasasaktan siya. Mas masakit ang ginawa niyang panloloko sa akin. Pinaniwala niya ako't pinaikot sa kasinungalingan sa mahabang panahon.

"Sino ang ama ni Aki?!" sigaw ko sa pagmumukha niya.

"Si Rig!" pasigaw na sagot niya. Binitiwan ko siya at sinampal ng napakalakas. Dumugo ang labi niya. Hindi pa ako nakuntento at tinulak ko siya ng napakalakas, sumadsad ang pang-upo nito sa sahig.

"How could you do that to me?! And now I am alone! Ang kaisa-isang babaeng totoong nagmamahal sa akin, wala na! Wala na! Puro ka kasinungalingan! I just realized you are a slut! Nakakadiri ka! I gave up everything just for you! Iniwan ko si Alex at hindi ko man lang naisip ang kapakanan ng sarili kong anak. And it's all because of you! At sa anak mo na hindi ko naman pala dugo't laman! I'm a stupid fool, ang galing mong artista, Akira. Are you happy now?" nanggagalaiting sabi ko. Sobrang sakit ng mga rebelasyong ito. Ang daming oras at panahong nasayang dahil sa babaeng ito. Pagkatapos kong sabihin kay Akira 'yon ay tumalikod na ako. Iniwan ko siyang humahagulgol. Wala na akong pakialam sa drama niya. Paano na ako ngayon?

Paulit-ulit kong inundayan ng tadyak ang gulong ng kotse ko. Umiiyak ako sa tindi ng sama ng loob na idinulot sa akin ni Akira. Ang babaeng minahal ko mula noon.

One week after that incident. Nabalitaan ko na lang na nagsasama na pala ang hayop na sina Rig at Akira. Good for them.

Si Mama pala ang nagpadala ng envelope na naglalaman ng kagaguhan nina Akira at Rig. Galit na galit nga si Mama kay Akira. Kaya heto ako ngayon hirap na hirap ako kung saang lupalop ako magsisimulang hanapin si Alexandra.

---

Masaya na ako sa buhay ko ngayon, napakasimple ng lugar na ito. Sigurado akong babalik at babalik ako dito. Ang tagal naman ng lalaking iyon? Ang yaman-yaman wala man lang magawang paraan para makita ako? Natatawa talaga ako. Tagal ko nang naka-moved on sa mga pinaggagawa niya sa akin. Ako kasi iyong taong madaling magpatawad. So mabait na ba ako no'n? Ayaw ko pang kunin ako ni Lord dahil sa kabaitan ko. Sa lugar na ito ko ibinuhos ang balde-balde kong luha. Dito ko naramdaman ang kapayapaan ng loob. Hindi ko matanggap noon na magkakabalikan si Akira at Lee. Halos malunod na ako sa sobrang lungkot ko noon. Kaya naman inabala ko na lang ang sarili ko sa lugar na ito. Natuto akong makisalamuha sa ibang tao.

Kapag iyon hindi pa nagparamdam sa akin. Ako na mismo ang pupunta sa kaniya, ang bagal kasi. Nandito lang naman ako sa isa sa mga resorts nila. Kung kailan maayos na ang lahat hindi man lang mag-effort na hanapin ako. Alam ko na ang lahat, noong isang araw, nakita ko si Akira kasama ang anak nito. Malaki na rin ang anak niya.

"Akira!" tawag ko sa kaniya. Lumingon naman ito habang hawak ang anak niya. Malungkot ang mga mata niya.

"A-Alexandra?" sambit niya.

"Ano'ng ginagawa n'yo rito?" tanong ko. Wala na akong maramdamang galit. Dahil matagal ko namang tinanggap sa sarili ko na siya ang mahal ni Lee.

"Siya na ba ang anak n'yo ni Lee?" tanong ko pa. Napayuko si Akira. "Ang cute naman ng baby n'yo. Ang laki na." Magiliw ko pang sabi sabay hawak sa ulo ng bata para hindi ko ito mausog. Ang tambok kasi ng pisngi ng baby nila. Nagkasalubong ang tingin namin ni Akira saka sabay na napangiti.

Tapos biglang may pamilyar na lalaki na lumapit sa amin saka ako nginitian.

"On vacation lang, Alex. Si Rig pala," pagpapakilala niya. "Daddy ni Aki..." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Lumaki pa nga ang mata ko. Para akong nabingi. Pero wala namang violent reaksyon. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ginu-good time lang ako nito.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Alex, I'm so sorry sa lahat."

"H-Hindi kita maintindihan?"

"Matagal na kaming wala ni Lee. Come back to him. He loves you." Iyon lang ang sinabi niya pagkatapos ay ngumiti pa siya sa akin at iniwan akong nakatulala.

Iyon ang huling pag-uusap namin ni Akira.

Masarap pala ang magpatawad.

---

Humanda ka sa akin Lee. Pinatagal pa

pag-eemote ko rito. Nagmadali na akong nag-empake at tumungo sa terminal. Excited na akong makita si Lee.

Kinakabahan akong kumatok sa pinto. Pinagbuksan naman ako ng mga gulat na gulat na kasambahay. Yumakap sila sa akin. Nagkumustahan, na-miss daw nila ako.

Masarap ang kuwentuhan namin. Nasa kusina kami ngayon pinagsisilbihan nila ako. Nagutom ako sa mahaba-habang biyahe.

"Anak, parang umitim ka?" sabi ni Manang.

"Wala po kasi akong ginawa do'n kundi mag-sun bathing," sabi ko sabay tawa.

"Marami bang hot and yummy do'n, ateng?" sabi ng mas batang kasambahay.

"Sobrang dami! Kaso hindi ko pinapansin e, mas type ko kasi iyong half naked, may yummy na abs, medyo chinito, matangkad," kinikilig na sabi ko.

"Tulad ba ng nasa harapan mo ngayon?" Tukoy ni Manang sa nasa harapan ko.

"Nasaan ba, Manang? Naku, wala akong makita?

Lee nariyan ka pala?" sabi ko sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.

Teka, bakit hindi siya kumikibo? Lumabas muna sila Manang.

Bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit. Naiilang ako sa half naked niyang katawan.

"Akala ko hindi ka na babalik?" maluha-luhang sabi niya. Saka niya hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Ang tagal mo naman kasi?" maktol kong sabi. Tulad niya'y naluluha na rin ako.

"Pupuntahan naman kita dapat doon, kaso lang medyo nahihiya pa ako. Nag-iipon lang ako ng lakas ng loob para kausapin ka. Sinabi na rin kasi ni Mama kung nasaan lugar ka. Hindi rin nakatiis. Naawa yata?" sabi niya na sumisinghot-singhot pa. "Sorry sa la-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. That's enough. Malinaw na sa akin ang lahat at wala na siyang dapat ipaliwanag pa.

"You're already forgiven, Lee. Ang importante ay naririto ka na sa tabi ko ngayon." Kinintalan ako ng mabilis na halik sa labi ni Lee.

"Thank you for giving me another chance again. Kung ibang tao ka nga lang siguro, malamang tuluyan mo na akong kalimutan at iwanan."

"Nagpahinga lang ako pero hindi sumagi sa isipan ko na basta na lang kita sukuan. Gusto ko ring kasing matuto ka sa mga pagkakamali mo. Ngayong back to zero na naman tayo, siguro bigay todo na natin ang pagmamahal natin sa isa't isa. Most of all igitna natin sa relasyon natin si Lord for a new start." Lee smiled at me. Napakamot pa ito sa ulo niya.

---

Maayos na ang pamilya namin ngayon.

Buong-buo na ang atensyon ng asawa ko sa akin at siyempre pati na rin sa anak kong si Kyle. Actually, umuwi na sila kasama ang mga biyenan ko. Dito na talaga maninirahan ang matatanda. Saka mas maganda naman iyon kung nandito kaming lahat para hindi naman malungkot tumira rito ng kaming dalawa lang. We planned to have a baby again kapag nag-ten na si Kyle. Si Daddy ay may improvement na rin ang pagti-theraphy nito. Konting panahon na lang ay makakalakad uli siya. Katuwang pa rin niya si Mommy na matiyagang nag-aalaga kay Daddy.

Bumungad sa akin ang aking guwapong- guwapong asawa at may inaabot sa akin.

Documents ng bahay at lupa namin.

"Bakit mo pa ito sinasauli?"

"Basahin mo muna kasi."

Nanlaki ang mga mata ko at niyakap ko siya. Nakapangalan na sa akin ang bahay at lupa namin na tinubos niya. May bait naman pala siya? Napangiti ako't nagyakap kami ng mahigpit. Sa ngayon ay kuntento na kaming magkasama. Wala nang pretension ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Inangat niya ang mukha ko't siniil niya ako ng halik sa labi. Napakasarap nang pakiramdam niyon. Napakatamis at napakaligaya ko sa piling ni Lee.

Naging mabuti rin pala ang naidulot ng paglayo ko sa kaniya. Wala na akong mahihiling pa. Kapag mahal mo kasi ang isang tao babalik at babalik pa rin kayo sa isa't isa. Marahil biktima lang kami ng maling pagkakataon, pero maitatama rin naman iyon.

Minsan talaga madrama ang buhay pag-ibig. Minsan magulo, minsan masaya. Maraming pagkakataon na susubukin ka nito, kung hanggang saan ang katatagan mo. But we have to learn and face the reality.

Sabi ko nga noon ang hirap talagang mag-move on pero hindi naman puwedeng lagi na lang tayong iiyak at magmukmok sa isang sulok, na akala mo'y pasan mo ang buong daigdig. There's so much more to life, move on, forgive those people who hurt you nang sa ganoon ay makalaya ka na sa sakit. Mas magiging mabigat lang kasi ang problema lalo na kung parati mo na lang itong iniisip. Kailangan natin bumangon at maging matatag para sa mga taong minamahal natin. Paano nga ba ang mag-move on? It's a long time process, pero kung isa ka sa mga taong marunong magtiis at magparaya. Siguradong sa huli'y may magandang maidudulot iyang pag-iyak mo ng maraming beses kahit pa sabihin nila na napakatanga mo at sobrang martyr mo, ikaw pa rin ang magdedesisyon sa magiging kapalaran mo.

Lee is the person who hated me most back then, and he is now the person who wholeheartedly loves me at this very moment.

And we already moved on.

XXXXXXXXXXXXXXXXXENDXXXXXXXXXXXXXXXX