webnovel

Chapter 10

Naalimpungatan ako nang naramdaman kong may nakayakap sa akin. Pumihit ako paharap sa kaniya, napakahimbing nitong matulog. Hinalikan ko ang tungki ng kaniyang ilong, kasunod ang mapupula niyang labi, dahan-dahan lang para hindi siya magising. Niyakap ko siya ng mahigpit at bumalik na rin sa pagtulog.

Pagkagising ko'y wala na akong katabi, bumangon ako para hanapin siya. Nang hindi ko makita sa loob ng kuwarto, naisip kong baka nasa ibaba na siya. Ginawa ko na muna ang morning routine ko, pagkayari ko dumiretso ako sa kusina. At hayun nga si Alex, naghahain na ng breakfast. Sumenyas lang siya sa akin na maupo. Nakakapanibago hindi niya ako inaasikaso ngayon. Hindi rin siya kumikibo. Tahimik lang kaming kumakain. Wala yata siyang balak magsalita? Pagkatapos namin, mataman ko lang siyang tinitingnan sa pagliligpit nang kinainan namin. Parang malungkot siya? Hindi pa rin ba niya makalimutan ang nangyari sa amin ni Akira? Hindi ako sanay sa ganito. Namalayan ko na lang wala na pala siya. Nagtungo pala siya sa library nakita ko siyang may binabasa. Sumandal ako sa likod ng pinto.

"Bakit tahimik ka yata ngayon?" tanong ko.

Sinarado niya ang librong binabasa niya. Saka tumingin sa akin at ngumisi siya.

"May masama ba sa pananahimik ko? Napansin mo pala ako?" sagot niya.

"Hindi kasi ako sanay," nagtatakang sabi ko.

"Puwes! Masanay ka na!" galit na sabi niya.

"Ano ba'ng problema mo?!" naiiritang sabi ko. Ano naman ba'ng ginawa ko?

"Ikaw ang problema ko!" galit na sigaw niya.

"Is this about Akira again?" Napabuntong-hininga ako.

"Yes!" maikling sagot niya.

"I already said sorry for that," nagtitimping sabi ko.

"Yes, you're so sorry! Pero dapat panindigan mo!" Tumayo siya at lumapit sa akin. Nakataas ang isang kilay niya.

"Alex, can we just clear things here? Why so jealous of her? Ikaw na nga ang pinakasalan ko, 'di ba?" Kulang na lang sasabog na ako sa frustration ko.

"Salamat at pinakasalan mo ako. Kasama nga kita pero nasa iba naman ang puso mo at hindi ko makuha iyan ng buong-buo." Ngumiti siya ng mapakla. Puno ng pait ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa kaniya.

"Okay, again, I'm sorry Alex, siguro masyado akong nagmadali. Give me time to be sure about my feelings for you," malungkot kong saad.

"So all this time pinapaniwala mo lang pala akong mahal mo ako, gano'n ba?!" nasasaktan niyang sabi.

"Alex, listen. Hindi iyon ganoon kadali. Pinag-aaralan ko pa, I'm sorry." There I said it to lessen my baggage. Ang sama ko. Pero mas lalo lang siyang masasaktan kung patuloy ko pa rin siyang ikukulong sa aking kasinungalingan.

"Enough for your sorry. Naiintindihan ko."

Bakas ang panlulumo sa mga mata niya. Maraming beses ko na siyang nasaktan. I'm not sure about my feelings anymore.

Hindi kami nagpapansinan ni Alex buong linggo. Masama pa rin siguro ang loob niya sa akin.

---

Nakipagkita ako kay Pat sa isang coffee shop.

"Ano'ng sinisintimiyento mo riyan?" tanong sa akin ni Pat.

"Si Lee kasi," sabi ko saka ako marahas na napabuga ng hangin.

"Bakit? Anong meron?" Kulit ni Pat.

"Hindi kasi kami nag-uusap."

"May m.u na naman?"

"Minsan nakakapagod nang ipilit mo pa ang sarili mo sa taong hindi ka naman talaga minahal. Ang mas masakit pa rito, talagang ipamukha pa sa iyo na hanggang ngayon kinakapa pa rin niya kung ano bang nararamdaman niya para sa akin." Madamdamin kong pagkukuwento.

"Pektusan mo kaya para matauhan na 'yang Lee na 'yan!" biro ni Pat sa akin.

"Mahina ang pektos, dapat talaga mabagok na ang ulo no'n." Humagikgik si Pat sa sinabi ko. "Hindi ko talaga alam kung saan ako lulugar?" dagdag ko pa.

"Bawal na ang martyr ngayon, ipababaril na lang kita sa luneta girl, type mo?" pang-aalaska ni Pat.

"Ayoko nga. Seryoso, ano ba gagawin ko?"

"Chill ka lang diyan girl. Huwag mo siyang pansinin, tingnan mo siya pa magkakandarapa sa 'yo."

"Advice ba 'yan? Parang katangahan mo lang?"

"Wala akong maisip eh, yaan mo na. Layasan mo kaya para alam niya na you worth it!" sabi ni Pat na parang tanga. Napailing na lang ako.

---

Bored ako ngayon kaya after office niyaya ko si Bob at iyong ibang buddy namin na mag-bar. Ayoko munang umuwi ng maaga, wala naman akong makausap doon. Paano si Alex laging umiiwas sa akin, laging nakasimangot, hindi man ako kinikibo. Well, it is also may fault, bakit ko pa kasi nasabi iyon? Ngayon imbis na may kayakap ako every night, nagtitiyaga na lang ako sa unan. And to think, tigang na ako. Ayaw ko naman puwersahin si Alex lalo na galit pa sa akin 'yon, mahirap na at sapukin pa ako no'n.

Umiinom na kami. Mga eye catcher talaga kami. Maraming lumalapit sa amin na mga babae. Kaso puro tanggi lang ang ginagawa namin.

"Bro, how's your wife?" tanong ni Bob.

"Okay lang maganda pa rin," sagot ko.

"Wow... buti na-appreciate mo na ang ganda niya ngayon?" biro niya.

"Gano'n talaga." Natatawa ako sa pinagsasabi ko.

"And magaling din siyang kumanta. Remember do'n sa isang party na pinuntahan natin? Kinukuha nga ni Martinez number ni Alex. One of the pervert boys. Sabi ko off limits." Kuwento ni Bob.

"Nagmalinis ang hindi manyak!" kantiyaw ng isa sa mga kasama namin at nagkatawanan lahat.

"Rig Martinez?" Ulit ko sa pangalang iyon. "Iyong lalaking kasama sa recent party na dinaluhan natin?"

"Oo, siya nga," sabi ni Bob.

Si Rig na kasama ni Akira sa recent party may hitsura at mukhang may kaya rin 'yon sa buhay. Di hamak naman na mas guwapo ako ro'n. At bakit naman gugustuhin niya pang makuha ang number ni Alexandra?

---

Sinundan ko si Lee papunta sa bar. Nakaupo ako sa isang sulok at tinitingnan bawat kilos niya. Hahayaan ko muna siyang malasing para magamit ko na ang pagkakataon na ito. Dahil itaga niya sa bato akin ang huling halaklak! 'Yung babaeng iyon, pupulutin 'yan sa sapa at maglilimas ng isda. Dahil sa laban na ito ako ang magwawagi! At siya'y uuwing luhaan at talunan! Sisiguraduhin kong luluhod siya sa paanan ko! And now here is the right moment. Lumalalim na ang gabi, nagpaalam na ang mga kasama niya. At siya ang huling lumabas ng bar. Gumegewang na nga paglakad nito patungo sa parking.

Napasandal ito sa kotse't parang hilo na, kaya naman ikinawit ko ang braso niya at binuksan na ang pinto ng kotse. Ako na ang magda-drive. Lasing na lasing ito. Diniretso ko na lang siya sa loob ng condo ko. Hiniga ko sa kama at hinubaran, as in wala akong itinira. Sinunod ko rin tanggalin lahat ng damit ko. Tumabi ako sa kaniya at yumapos. Hinalikan ko siya sa labi pero walang tugon.

Gumising akong masakit ang ulo. I am confused, parang hindi naman ito ang kuwarto ko? Maling bahay yata nauwian ko?

Babangon na sana ako ng biglang may sumiksik sa akin. "A-Akira?"

"Hello, lover boy!"

"What am I doing here?!"

Tiningnan ko siya sa ilalim ng kumot wala kaming mga saplot. She just smiled at me.

"You are drunk last night and we had a very wild sex, Sweetheart. Rooaarrr!"

Nasapo ko ang ulo ko.

"Akira, this is not the time to make a joke, okay?"

"Mukha ba akong nagbibiro? Sabi mo nga kagabi mahal na mahal mo ako, umalis na lang tayo?"

Ayaw ko munang sagutin siya.

"We will talk later. I'll go home for now."

Nagmadali na itong nagsuot ng mga damit niya. This man cannot resist me! Uto-uto talaga.

---

Nagpatuloy lang kami sa ganoong set-up. Talagang iwas to death. Minsan hindi na rin natutulog ang lalaking iyon dito sa bahay. Ayaw ko na rin magsalita pa. I don't like to sound like a jealous wife. Hayaan na lang natin siya kung saan siya masaya.

---

Maraming trabaho sa office for this past few months kaya nga lagi akong overtime sa overload na mga papers na ito.

Hindi na rin kami nagkakausap ni Alex.

Gustong-gusto ko na tuloy siyang yakapin.

Hindi ko muna aaminin nasa loob ko kung hindi pa ako sure sa sarili ko. Tinawagan ko ang sekretarya ko para magpa-deliver ng flowers and chocolate kay Alex. Sana matuwa siya. Tapos nag-text ako sa kaniya na susunduin ko siya after work.

---

Nasa harap na ako ng pinto, inaabangan ko ang pagdating ni Lee. Susunduin daw ako, malamang may pupuntahan kami.

Ano kayang drama niya? May pa-flowers flowers pang nalalaman with chocolates pa. Pero okay na rin iyon 'di ba, at least nag-effort siya ngayon.

Bigla naman may bumusina, dahil excited ako lumabas na ako at madaling nakapasok sa loob ng kotse. Natatawa pa nga ang lalaking kaharap ko ngayon sa inasta ko.

"Suot muna ang seatbelt mo. At huwag nang maraming tanong."

Aba't yabang nito! Kung saan man kami pupunta wala akong ideya.

"Nagustuhan mo?"

"Yup! The food is so good! Saka very refreshing ang ambience dito."

Ngiti lang sagot niya akin.

"We have to go, Hon."

"May pupuntahan pa ba tayo?"

Hindi man lang nagsalita. Anak ng tinapa!

Ano'ng balak nito? Huminto ito sa isang sikat na hotel. Nagpa-reserve pala ito ng suite. Maganda sa loob ng kuwarto, mabango pa. May petals effect pa. Love making mode ba ito? Nakakatakot naman.

"Come on, Hon, it's your turn now."

Tinuro niya ang bathroom, mag-shower na raw ako. Hindi ako maka-recover sa abs na puwedeng ulamin, may kanin ba kayo diyan?

Binalandra pa talaga ang half naked body niya. Paano nakatapis lang ng towel.

"Hon, laway mo kanina pa tumulo," nakangising sabi niya.

"Bakit kasi ganiyan ka? Ano ba 'yang drama mo?" tanong ko.

"I just want to relax kasama ka," nakangisi niyang sagot sabay kindat. Natawa ako.

"Puwede naman sa bahay na lang matulog, may

relax-relax pang nalalaman mo diyan!"

Alam ko naman, gusto lang niyang maangkin ang katawan ko, ano pa nga ba? Iiwan ko na sana siya at maliligo na nang bigla niya akong kabigin paharap at siilin ng halik. "I want you now." Sabi niya na para bang nag-uutos. Gumanti ako sa mga halik niya, miss ko na rin naman ito. Ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya para mas lalong lumalim pa ang halik na ibinibigay niya sa akin. Hindi pa siya nakontento nang bigla niyang kagatin ang ibabang labi ko. Napaawang ang bibig ko dahil nasaktan ako sa ginawa niyang pagkagat. Saka siya nakakuha nang pagkakataong sakupin ang bibig ko. Ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa niya. Nang magtagpo ang aming mga dila ay sinipsip niya ito na lalong nagpapatindi sa sensasyong nararamdaman ko. Pakiramdam ko'y init na init ako. Hindi ko maiwasang maging sensitibo nang dumampi pababa sa leeg ko ang kaniyang labi, hanggang sa matagpuan na rin nito ang aking dibdib at salitang inangkin ang malarosas kong tuktok. Napapaungol ako sa bawat haplos at pagdampi ng kaniyang labi sa aking buong katawan. Wala na kaming pakialam kung malakas ang ungol na maririnig sa amin.

Hanggang sa tuluyan na kaming natupok ng init na nararamdaman namin na naghatid sa amin sa kasukdulan. Napakabilis ng mga pangyayari. Para akong nasa ulap pagkatapos ng nangyari. Sobrang saya ng pakiramdam ko.

Siya lang ang lalaking minamahal ko, kaya madali sa akin ang magpaubaya.

---

At last, nakabawi na ako kay Alex. Sana good mood na siya lagi. Sana hindi siya magsawa sa akin at intindihin ako. Hindi ko yata alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin. Bigla naman nag-ring ang cell phone ko. Nakita ko ang user i.d ni Akira nang umilaw ang cell phone ko.

Bakit naman ito tumatawag? May problema na naman ba ito? Magkita daw kami sa may coffee shop at may importante raw na sasabihin.

"So, anong meron at nagde-demand ka na naman diyan?"

"Here."

Nilapag niya ang isang white paper.

"Ultrasound?" Bigla akong naguluhan.

"I am pregnant, and you are the father."

"What?!" Nagulat ako.

"May nangyari sa atin, remember?"

Napasabunot ako sa buhok ko at parang sumasakit ang ulo ko. Kung kailan maayos na kami ni Alex, doon na naman may aberya. Oo nga, may nangyari sa amin pero wala akong matandaan na detalye kung nagsasabi man siya ng totoo.

"Kung hindi mo ako pananagutan, I have two options, hindi mo na makikita ang anak mo o magpapakamatay na lang ako?!"

"Akira, don't do that!"

"I can do it, Lee!"

"Hindi mo gagawin 'yan, basta alagaan mo ang magiging anak natin, I'll give you support. Wala munang makakaalam nito."

Ngumiti si Akira sa akin at niyakap ako. Gumanti na rin ako ng yakap sa kaniya. Curiosity kills me. Hindi ko nagawang magpakatatay sa anak kong si Kyle noon. Paano kaya kung sa magiging anak namin ni Akira? I know this would not be fair on Alex but I want know that feeling. Maybe, I'm a crazy.

---

May nag-text sa akin at pinapapunta raw ako ni Lee sa address na iyon. Akala ko, may surprise na naman si Lee, ngayon pala, ako ang masosorpresa sa mga nakita ko.

Naiiyak akong nag-aabang ng masasakyan ko. Hanggang ngayon pala ay nagkikita pa sila? Mapait akong napangiti, paulit-ulit na lang akong nasasaktan. Kailan ba ako magiging masaya? Hindi ko pa rin hawak ang puso niya. Nakakapagod na. Tuluyan nang naglandas sa pisngi ko ang mga luha ko. Hindi ko na kaya ang ganitong pakiramdam. Para lang akong basahan na kapag hindi na kailangan ay isasantabi na lang o 'di kaya'y tuluyan ng ibabasura. Si Lee na lagi kong iniintindi sa lahat ng bagay. Sana pala ay hindi ko na lang siya nakilala pa noon.