webnovel

Instant Wife

Nakasuot ng kulay maroon na long sleeve na polo ang lalaki, nakabukas ang tatlong butones niya sa dibdib. Sumisilip ang matipuno niyang katawan. Nakagat ko ang mga labi. Ano kaya ang pakiramdam ng mahawakan ito?

Tumikhim ang lalaki. Nahihiyang itnaas ko ang tama sa mukha niya, matangkad kasi ito. Naiirita ang mukha nito. Hindi niya gusto ang titig ko.

"Maiwan ka muna dito. Magtatanong ako sa labas kung may naghahanap din ba sa iyong kamag-anak. May isda diyan iprito mo na lang at magsaing ka. Mamayang hapon pa ako uuwi"

Bakit pakiramdam ko ay para kaming mag-asawa.

"Sige" kinuha nito ang sobrero at lumabas ng bahay. Tinignan ko ang papalayong pigura niya.

Huminga ako ng malalim at nagpunta sa kusina. Hindi ko alam ang gagawin ngunit kusang gumalaw ang kamay ko at ginawa ang sinabi ng lalaki, nagprito at nagsaing.

Pagdating ng hapon. Nakaupo ang lalaki sa mesa at hinihintay ang paghain ko ng pagkain ngunit natagalan ako. Hindi dahil sa makupad ako kumilos kundi ay nahihiya ako, sunog ang prinito kong isda at basa ang kanin na parang nag-alanganin na lugaw.

Kinagat ko ang labi. Nakakahiya. Sinilip ko ang mukha ng lalaki. Nakatitig ito sa akin na parang alam kung bakit ako natagalan. Nataranta ako at hindi sinasadyang nakawakan ang mainit na kaldero.

"ahh" daing ko. Lumukso ito sa mesa at lumapit sa akin, hinablot niya ang kamay ko at binuhusan ng malamig na tubig hanggang sa mawala ang hapdi.

Wala itong sinabi. Tinignan ko ang kamay namin, sobrang liit ng kamay ko kumpara sa kaniya.

"Umupo ka na, ako na ang maghahain" pero nag-aalanganin ako. Malalaman niya ang palpak kong luto.

Wala akong nagawa ng tignan niya ang kaldero ng kanin, nagsalubong ang mga kilay niya. Bumilis ang tibok ng puso ko at mariin na kinagat ang labi.

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Kateeriacreators' thoughts