webnovel

Dirty Thoughts

Magkaharap kami sa mesa. Sa mesa ay may dalawang plato ng basang kanin at sunog na isda.

Wala mang sinabi ang lalaki pero alam kung bigo siya sa akin. Nagsimulang manubig ang mata ko, pinisil ang laylayan ng damit. Nahihiya talaga ako sobra. Pakiramdam ko ay pabigat ako sa kaniya.

Suminghot ako.

"Ba't ka umiiyak, wala naman akong sinabi" pero mas lumakas ang iyak ko. Nakita kong nataranta ang lalaki.

"Kasi simpleng bagay hindi ko magawa ng tama. Eh, hindi ko naman maalala kung paano magluto" pinahid ko ang luha sa pisngi.

"Hayaan mo na. Makakain naman to eh" itinulak niya ang plato sa harap ko. "kumain ka na"

Tumango ako. Umiiyak habang kumakain. Naunang natapos ang lalaki kaya ako ang naiwan sa mesa. Naghugas ako ng plato at nag-ayos ng higaan. Nakita ko ang lalaki na nakaupo, nakasandal ang ulo sa upuan at hinihilot ang noo. Nakapikit ito.

Naglandas ang makasalanang mata ko sa leeg niya at sa katawan. Nakasuot ito ng putting t-shirt na medyo hapit kaya bakat ang maskuladong katawan. Bumaba ang tingin ko sa kandungan niya. Malaki din kaya siya gaya ng kamay niya.

Nanlaki ang mata ko ng makitang biglang bumakat ang pagkalalaki niya. Kita ang malaking linya nito. Napalunok ako. Bumilis ang tibok ng puso at uminit ang ibabang bahagi ng aking tiyan. Hindi ko namalayan na ikiniskis ko ang dalawang hita para magkaroon para ibsan ang init sa pagitan ng mga binti ko, kung saan ang basang pagkababae ko.

Naitulos ako sa kinatatayuan ng makitang nakatitig din pala ito sa akin.

Makapal ang tensyon sa pagitan namin. Hindi maipagkakaila na may atraksyon kami sa isat-isa. Ang mga titig ng lalaki ay bumaba sa lantad kong hita. Maliit kasi ang boxers na binigay niya at ang t-shirt ay hanggang gitna lang ng hita ko. Nagpakasasa siya sa pagtingin. Nakita ko ang pagtaas-baba ng adams apple niya.

"Matulog ka na" medyo ipit niyang boses na parang nahihirapan huminga.

Tumayo ito.

"saan ka matutulog?" agad kong tanong.

"Sa labas" maikli niyang sagot habang binuksan ang pinto.

"Pero hindi ba malamig, nakakahiya naman sa iyo kung ang may-ari ang matulog sa labas—"

"Ayos lang" tumikhim siya.

"Kasya naman tayo dito sa lantayan" ewan ko kung bakit ko sinabi iyon.

Ngumiwi ito. "Hindi ako sigurado kung magandang plano iyan. Matulog ka na" mabilis itong lumabas ng bahay.

Wild Lily~

Kateeriacreators' thoughts