Ria
14
Parañaque
I was 12 years old at the time na may nangyaring kakaiba sa amin ni Mama. Month of October po 'yun, 2017, bandang alas kwatro ng umaga.
Nasa baba si Mama nun, nanunuod ng TV. So sumunod din ako sa kanya sa sala at humiga ako sa hita niya.
Maya-maya, napansin ko si Mama na nakatingin sa hagdan, which is hindi gaanong mahaba. Tumingin din ako, and nakita ko si Daddy. Tatawagin ko sana siya, kaso sinenyasan ako ni mama na 'wag daw magsasalita. So pinanuod lang namin si Daddy bumaba ng hagdan, kasi napaka-unusual ng galaw niya. Sobrang bagal niya, tipong nagiingat siya para walang makarinig. Nung nakababa na siya, lumabas siya ng pinto at sa mismong gate namin; umalis siya ng bahay. Mas lalo kaming nagtaka ni mama kasi bakit siya umalis ng walang paalam.
Maya-maya naman, bumaba si Ate Almira (ate ko). Hawak-hawak niya 'yung susi ng gate, so tinanong ni mama kung nasan daw ba si Daddy. Sabi ni Ate, nasa kwarto, natutulog. So lumabas siya at inunlock 'yung gate.
Pero hindi pa diyan natapos. Last year, October 14, 2018. 'Yung lalaki kong kapatid na si Beng (pangatlo sa amin). Natutulog ako nun magisa, kasi nagkaroon na ako ng sariling kwarto. Eh 'yung kwarto ko, sa gitna may CR, tapos sa gilid ang kwarto ni Beng. That means, bawat kwarto namin, may connect doon sa CR.
Nagising ako kasi bumukas 'yung pinto ng kwarto ko. Nandun si Beng. Kaso may iba sa kanya. 'Yung mga mata niya, parang hinihigop ako. Hinayaan ko na lang. Nagtatanong ako sa kanya, pero hindi siya nagsasalita, at lumabas na lang siya. Bale ang labas niya, sa sala na, eh nandun pa si Mama. May kausap na katrabaho. Lumingon siya sakin at tinanong ako bakit ako lumabas. Tinuro ko si Beng sa labas ng pinto ng kwarto niya, pero wala siya. Kinilabutan ako.
Sabi ko, "Si Beng, ginising ako."
Sagot niya, "Tulog kapatid mo, 'nak."
So pinuntahan ko nga si Beng sa kwarto niya. Tulog nga!
Nalaman pala namin na on the 14th of October, may pinatay na dalagang babae sa bahay namin. Hindi lang namin alam kung bakit siya pinatay.