webnovel

Holymancer (Tagalog-English)

Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible ng mangyari ay magiging abot kamay niya sa isang iglap.

Kurogane_Hiroto · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
29 Chs

Chapter 2, part 3 : Dual dungeon incident

"Susubukan kong silang kausapin. Titingnan ko kung magkakaintindihan ba kami. Mukha naman silang matatalino. Sana lang ay naiintindihan nila ang lenggwahe natin." Sabi ni Clyde sa mga kasamahan.

"Atake na Ron!" Sigaw ni Crooked Nose, kasabay noon ang pagtama ng pulang-pulang apoy sa ilan sa maraming mga duwende na nasa harapan. Agaran nitong kinitil ang mga tinamaan ng fireball.

Bumunghalit sa tuwa si Crooked Nose sa matagumpay na pagkamatay ng ilang mga duwende.

Kasabay noon ang matinding sigawan mula sa lahat ng mga duwende at mga makukulay na linyang pagala-gala sa paligid. Halatang punong-puno ng galit at hinagpis ang kanilang mga sigawan.

"Bakit n'yo ginawa 'yon Crooked Nose?" Bulalas ni Clyde sa galit kay Crooked Nose.

"Tanga ka ba? Sa tingin mo susunod ako sa'yo? Isa pa, hindi mo ba narinig na hindi rin natin maintindihan ang mga sinisigaw nila. Malamang hindi rin tayo magkakaintindihan. Mas mabuti ng atakihin natin sila at unti-unting ubusin." Sagot ni Crooked Nose.

"Ngayon hindi na natin madadaan ito sa mapayapang paraan. Napakawalang-hiya mo talaga Crooked Nose." Punong-puno ng sama ng loob na daing ni Clyde.

"Mamamatay na tayo!" Paulit-ulit na usal ni Rachel sa likuran nila Clyde.

Hinila ni Clyde sa tabi n'ya si Rachel habang nakipagtalikuran s'ya kay Gen para maprotektahan nila ang isa't-isa sa pagsalakay ng napakaraming kalaban. Sa tabi naman ni Rachel ay nagtalikuran din dalawang miyembro ng Dark Resurgence.

Galit na galit na sumusugod ang mga armadong duwende sa kanila.

Mukhang dito na matatapos ang lahat. Mukhang mauulila ka na naman Gaea. Patawad kapatid ko. Yan ang mga naglalaro sa isip ni Clyde sa mga panahong 'yon habang nagpakawala muli ng isang fireball si Ron sa isang grupo ng mga duwende.

Samantalang habang abala sila sa nangyayari sina Clyde merong isang kakaibang pangyayari sa isa sa mga nakahelerang puno ng saging.

Sa tuktok nitong puno, isang kayumangging lalaki ang nakaupo sa isang malapad na dahon. Para bang wala siyang timbang, sapagkat tanging dahon lamang ang nakasuporta sa bigat n'ya.

May isang malapad na ngiti sa mukha nitong kayumangging lalaki. Nakade-cuatro pa nga ito at nakapangalumbaba. Tila ba ay nasisiyahan s'ya sa panonood ng isang kakatwang palabas.

Nang pakawalan ni Ron ang ikalawang fireball doon na umaksyon ang misteryosong lalaki.

"Tama na 'yan." Walang ganang usal nito. Dapat ay hindi ito maririnig ng lahat dahil halos pabulong lang ang pagkakasabi n'ya roon. Pero sa hindi maipaliwanag na paraan. Napahinto ang lahat, lalo na ang dalawang uri ng mga duwende. Sila'y tila na estatwa sa umpisa.

Kasabay noon ang misteryosong pagkawala ng itinirang fireball ni Ron.

Nang makabawi, lahat sila ay bahagyang nagsiyukod sa direksyon ng lalaki bilang pagbibigay pugay.

Walang interes na ikinumpas ng lalaki ang kaliwang kamay. Para bang tahimik niyang sinasabi sa kanilang wala akong interes sa inyo, magsialis na kayo.

Matapos noon ay unti-unti na nga silang nagsihawan at tuluyang naglahong parang mga bula.

Habang nagaganap 'yon, sina Clyde naman ay may hindi maipaliwanag na pakiramdam. Simula ng mapansin nila ang lalaki, hindi na komportable ang pakiramdam niya sa sarili. Nabibigatan s'ya sa kanyang katawan. Nahihirapan na s'yang huminga. Bahagyang nanginginip ang kanyang kalamnan.

Hindi maalis ni Clyde ang kanyang paningin sa lalaki kahit na gustuhin n'ya mang iiwas ang tingin n'ya rito. Tila ba ay may kung anong pwersa o mahika ang nag-uudyok sa kanya na parang bang sinasabing tumingin ka lang sa kanya ng mabuti.

Hanggang sa nakita 'yon ni Clyde. Tumalon mula sa dahon ang lalaki, ngunit imbes na bumulusok pababa, dahan-dahan itong bumababa na para bang ang hangin sa paligid n'ya ay kanyang kontrolado.

Napawi naman ang konsentrasyon niya sa lalaki ng biglang magsalita si Crooked Nose.

"Isa 'yang flight magic. Hindi ako maaaring magkamali." Nanginginig ang boses na saad ni Crooked Nose.

Flight magic, isang ekslusibong magic spell ng mga wind magicians. Ang nasabing magic spell ay isang intermediate level spell. Sa madaling salita, mga rank C o B hunter na mage type lang ang nakakagamit.

'Ibig sabihin, posibleng mas malakas pa ang lalaking ito kay Crooked Nose? Base sa inasta ng mga duwende, tauhan n'ya ang mga ito. Ibig sabihin kalaban s'ya?' Nagimbal si Clyde sa mga reyalisasyon sa isip n'ya.

"Pero Lando, napansin mo naman siguro 'yung presensya niya? Hindi ba yung ine-emit niyang pressure ay kasing lakas ng sa ating guild master at vice guild master?" Nagmamadaling tugon ni Ron kay Crooked Nose.

"Hindi!" Maagap na sagot na agad n'ya ring dinuktungan.

"Hindi hamak na mas malakas ang sa isang to." Sagot ni Crooked Nose na agad pumatay sa pag-asa ng mga hunter.

Ang mga major guilds kasi sa loob at labas ng bansa ay kadalasang may dalawa o higit pang maaalamat na rank S hunter.

Hindi sikreto sa lahat ng hunters na ang guild master at vice guild master ng mga major guilds ay pulos mga rank S hunter.

"Kung halimaw s'ya at mas malakas pa s'ya sa mga leader ng Dark Resurgence, anong ginagawa n'ya sa loob ng isang Class D dungeon?" Tanong ni Clyde na hindi n'ya inaasahang sasagutin ng pinaka hindi inaasagang indibidwal.

"Unang-una, hindi naman ito Class D dungeon. Isa itong ibang dungeon na kumunekta sa Class D dungeon na pinanggalingan n'yo." Nakangiting tugon ng lalaki habang nakatitig kay Clyde.

Nagulat si Clyde sapagkat may kalayuan pa ang lalaki sa kanila at pabulong lang ang tanong n'ya na para sa mga kasama.

"Mukha kang gulat na gulat, sa totoo lang kahit 'yung mga rank S hunter ng guild nila ay maririnig din ang usapan n'yo. Ang mga rank S hunter ay nasa lebel na kung saan hindi mo na maipapaliwanag ng common sense ang mga kakayahan." Turo n'ya kina Crooked Nose at Ron habang hindi inaalis ang tingin kay Clyde.

"Kung ganun, sino ka?" Hindi alam ni Clyde kung saan n'ya hinugot ang tapang n'ya. Siguro dahil naihanda na n'ya ang sarili sa tiyak na kamatayan.

Mahina namang natawa ang kayumangging lalaki na merong medyo may kahabaang buhok na kapantay ng kanyang balikat.

Marahan s'yang naglakad patungo kina Clyde pagkalapag ng paa n'ya sa lupa. Hindi n'ya sinasagot ang tanong ni Clyde.

"D'yan ka lang!" Sigaw ni Crooked Nose sa misteryosong lalaki.

Napahinto ang lalaki sa paglalakad. Ang ngiting palagiang nasa labi nito simula pa lang ay nabura sa mukha n'ya. Kumunot ang noo nito. Tinapunan n'ya na rin ng pansin si Crooked Nose.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Malamig na tanong nito na may malamig na ring mga titig kay Crooked Nose.

Hinila kasi ni Crooked Nose si Rachel papunta sa kanya. Kinulong n'ya ang babae sa bisig n'ya gamit ang kaliwang kamay. Nakatalikod si Rachel kay Crooked Nose. Habang nakakulong ang babae gamit ang kaliwa n'yang braso, ang kanang kamay n'ya naman ay nakahawak sa espada na nakatutok sa leeg ni Rachel.

"Huwag kang lalapit sa'kin. Palabasin mo ako rito ngayon rin. Kung hindi papatayin ko ang babaeng ito." Pagbabanta niya sa misteryosong lalaki.

Pinagtawanan lang s'ya ng lalaki.

Sa panahon ding 'yon, hindi makapaniwala si Clyde sa inasta ni Crooked Nose. Alam n'yang masama ang lalaki pero hindi n'ya inaasahang aabot sa puntong gagamit s'ya ng hostage para lang isalba ang sariling buhay.

Umabot na sa sukdulan ang galit ni Clyde sa dalawa. Maging si Ron kasi ay kasabwat pa rin ni Crooked Nose. Nakatutok ang kamay niya sa misteryosong lalaki. Laging nakahanda para gumamit ng spell sa oras na kumilos ito ng kahina-hinala.

'Paslangin mo na ang masamang taong 'yan na sukdulan na ang kasamaan. Walang malulungkot mawala man 'yan sa mundo. Mas makabubuti pa nga 'yon para sa lahat. Saksakin mo na s'ya habang nakatalikod.' Yan ang sabi ng nangungusap na galit ni Clyde sa kanya.

Nanginginig si Clyde sa takot sa misteryosong lalaki pero mas higit ang panginginig n'ya sa matinding galit sa kasamahang hunter.

Hinawakan n'ya ang kanyang espada. Ngunit natauhan din s'ya at naikalma ang sarili.

'Kahit kailan hindi sagot ang pagkitil ng buhay kahit gaano pa kasama ang isang tao. Pabayaan mo na ang Diyos ang humusga sa kanya.' Paulit-ulit na sabi ni Clyde sa pinakakalmang sarili.

"Bata! Masyado kang mabait. Hindi naman kawalan sa mundo ang mga katulad nila." Sabi ng misteryosong lalaki matapos noon ay bigla s'yang naglaho.

Alam ni Clyde na s'ya ang kausap ng lalaki kahit hindi noon banggitin ang pangalan n'ya o tingnan s'ya.

Sa muling paglitaw ng lalaki, dalawang sigaw ang umalingawngaw sa kapatagan.

Isang sigaw ng histerya at isang pinaghalong galit at takot.

Ang naghihisterya ay si Rachel. Takot na takot s'ya para sa buhay n'ya ng kunin s'ya ni Crooked Nose at gamiting hostage.

Matapos noon ay nagulat s'ya sa sumunod na mga nasaksihan.

Bigla na lang lumitaw ang misteryosong lalaki sa tabi n'ya. Bago pa siya o sinuman sa kanila ang makapag-react, hiniwa na nito ang kanang balikat ni Crooked Nose gamit lang ang sariling kamay.

Nakawala s'ya sa pagkakahawak ni Crooked Nose. Nawalan siya ng lakas. Napasalampak siya sa lupa. Napatili at nag-iiyak sa sunod na mga pangyayari.

Nang makita ni Crooked Nose sa kanang gilid n'ya ang lalaki ay nanlaki ang mga mata n'ya sa pinaghalong gulat at takot.

Balak n'ya sanang magmakaawa, pero bago pa s'ya makapagsalita ay naputol na ang kanang balikat n'ya. Napahiyaw s'ya sa sakit. Nakawala rin sa bisig n'ya si Rachel pero wala s'yang pakialam doon.

Ang mahalaga lang sa kanya sa ngayon ay yung banta sa harapan n'ya. Galit na galit s'ya. Nakita n'yang pasugod muli ang lalaki.

'Kung mamamatay ako. Isasama kita.' Sabi ni Crooked Nose dahil sa bugso ng damdamin. Hindi niya naisip na wala s'yang laban dito dahil sa puno na s'ya ng galit.

Tinapunan n'ya ng napakalakas na suntok ang lalaki gamit ang natitirang kamay.

Hangin lang ang tinamaan n'ya. Matapos noon ay may kung anong pwersa ang nagbalibag sa kanya. Sinundan 'yon ng matinding pagkapaso sa katawan n'ya. Nasusunog s'ya, 'yan ang huli n'yang nasambit bago nagpaikot-ikot ang paningin n'ya.

Bumagsak s'ya sa lupa. Pero may kakaiba s'yang nakita bago tuluyang mawalan ng malay. Nakita n'ya ang wala ng ulong katawan na natutupok sa apoy.

Si Ron naman ay matulin na nagtatakbo. Tinira n'ya kasi ng Fireball ang misteryosong lalaki ng napansin n'yang pinutol na noon ang kamay ni Crooked Nose.

Sa kasamaang-palad, nakita pala ng lalaki ang palihim na atak. Binato niya si Crooked Nose matapos niyang pugutan ang hunter at ginamit ang katawan na pananggalang sa apoy.

Matulin itong tumatakbo patungo kay Ron. Masyadong matulin ang mga pangyayari.

Nakagamit pa si Ron ng isang firewall bago s'ya malagutan ng hininga. Marahil ito ang dahilan kung bakit hindi n'ya nalaman na nasa likuran na n'ya ang lalaki. Natabingan ang kanyang nakikita sa harapan.

Huli na ang lahat bago n'ya mapagtanto ang lahat ng iyon. Napatingin na lang s'ya sa dibdib n'ya. Doon, nakita n'ya ang isang kamay na nakatagos na mula sa likuran n'ya.

Hinugot ng misteryosong lalaki ang kamay n'ya sa likuran ni Ron. Matapos noon, otomatikong bumagsak sa lupa si Ron ng wala ng buhay.

"Ayan! Wala ng mga iistorbo sa'tin. Ituloy na natin ang nagambalang pag-uusap natin." Nakangiting turan ng lalaki.

Kinilabutan ng husto sina Clyde sa lalaki. Habang sinasabi kasi n'ya ang mga 'yon ay punong-puno ng dugo ang kanyang kanang kamay abot hanggang braso. Maging ang kanyang mukha ay may mga bahid ng dugo.

"Sino ka? Anong kailangan mo sa'min. Sa tingin mo magtitiwala kami sa'yo matapos ng walang habas mong pagpaslang sa dalawa." Nagtatapang-tapanggang sagot ni Clyde.

"Clyde, tama ba? Nakakatuwa ka talaga. Ano ka ba talaga? Duwag o matapang? Hindi kita maintindihan." Nasisiyahang sabi ng lalaki.

Hindi pinansin 'yon ni Clyde bagkus seryosong naghintay sa sagot ng lalaki.

"Ang killjoy mo naman." May palatak na sagot pa ng lalaki.

"Let's see. Umpisahan natin sa, itago mo na lang ako sa alyas na Red." Mapaglarong sagot nito.

"Para naman sa pangalawang tanong mo, nagkataon lang sinwerte kayo. Sabihin na lang nating nasa tamang lugar kayo, sa tamang oras." Patuloy nito.

'Seryoso ba s'ya? Sinwerte? Nasa tamang lugar? Sa tamang oras? Iniinsulto mo ba kami?' Galit na sagot ni Gen.

Syempre, sa isip lang niya 'yan. Hindi naman siya baliw para magpakamatay. Kahit si Crooked Nose nga na isang rank C hunter ay madali n'ya lang naidispatsa.

"Isa pa." Sa isang pitik ng kanyang daliri, biglang nagkalamat ang hangin?

At nang tuluyang mabasag ang hangin doon napansin nila Clyde na buhay pa sina Crooked Nose at Ron. Bagamat tulog, ang mahalaga ay buhay pa rin sila at walang kagalos-galos.

Tinapunan nina Clyde, Gen at Rachel si Red ng isang gulat na tingin na agad naman nitong pinaunlakan.

"Simula ng ginawa s'yang hostage ng lalaking 'yon, nag-cast na agad ako ng isang illusion." Paliwanag n'ya. Magkasunod n'yang tinuro sina Rachel at Crooked Nose.

"Huwag din kayong mag-alala. Hindi ko man sila pinatay, siniguro kong hindi na sila makakapaminsala hanggang nabubuhay ako." Pangungumbinsi ni Red sa kanila.

"Wag na natin silang pag-usapan. Umpisahan na natin ang pagsusulit." Makahulugang sabi ni Red.

"Pagsusulit?" Sabay-sabay na tanong ng tatlo.

"Oo." Maikling sagot n'ya.

"Bakit may pagsusulit at para saan?" Tanong ni Rachel na medyo nakabawi na sa naramdaman niyang takot.

"Sa totoo lang, simula pa lang ng pumasok kayo sa dungeon ko nag-umpisa na ang mga pagsusulit n'yo. Nang dumating kayo sa may parang, nang namahinga kayo roon sa tree of life, at nang lumapit sa inyo ang mga hayop sa loob ng dungeon. Iyon ang hudyat ng unang pagsusulit. O mas tamang sabihing ang reaksiyon n'yo sa kanila ang unang pagsusulit." Nakangiting saad ni Red.

Sa mga binunyag ni Red marami ng naglalarong tanong sa isip ni Clyde.

"Umpisa pa lang bagsak na sina Crooked Nose at Ron. Kayong tatlo naman ay pasado. Ipinaglaban n'yo ang tama, kasi ang bawat buhay ay mahalaga. Kahit nagkawatak-watak ang grupo n'yo dahil doon, ang mahalaga ay ginawa n'yo ang sa tingin n'yo ay tama." Paliwanag ni Red.

"Naipakita n'yo sa unang pagsusulit ang busilak n'yong mga puso. Na ipaglalaban n'yo ang bawat may buhay na nilalang sa gustong umagrabyado rito." Pahabol pa ni Red.

"Ang ikalawang pagsusulit naman ay nang kayo ay hinabol at pinalubutan ng pagkarami-raming mga duwende. Isama n'yo na rin ang pagdating ko. Sinadya kong iparamdam sa inyo ang matinding presensya ng lakas ko." Sandaling huminto si Red para bigyan ng makahulugang tingin ang bawag isa sa kanila. Matapos noon ay muli siyang nagpatuloy.

"Ang sinusubok ko sa ikalawang pagsusulit ay ang inyong katapangan. Sa isang desperadong sitwasyon, ang tunay na pag-uugali ng bawat nilalang ay lalabas. Clyde! Sa inyong lahat ikaw ang may pinakamatapang na pagkatao. Sinubukan mong daanin sa diplomasya ang lahat. Hindi mo iniisip na delikado ang paglapit sa maraming kalaban ng walang kasiguruhan. Hindi lang 'yon natuloy dahil umatake na ang dalawa n'yong kasamahan. Nang hinostage ni Crooked Nose si Rachel, naramdaman ko ang killing intent mo na nakadirekta sa kanya. Maaari mo s'yang mapatay dahil sa'kin nakatuon ang atensyon niya. Subalit, imbes na samantalahin, minarapat mong ikalma ang sarili para hindi ka madala ng bugso ng iyong damdamin." Nakangiting sabi n'ya kay Clyde.

"Hindi ako matapang. Inisip ko lang na kung ito na ang huling sandali ng buhay ko, dapat gumawa na ako ng mabubuting bagay." Nahihiyang paliwanag ni Clyde.

"Kakaiba ka talaga. Nakakatuwa ka. Pwede mo namang hindi sabihin ang saloobin mo. Naisip mo naman sigurong kung may pagsubok ay may mga gantimpla rin, di ba? Sana hindi ka magbago." Natatawang sagot ni Red sa paliwanag ni Clyde.

"Pero iyon kasi ang totoo." Sagot pa ni Clyde. Tila meron din s'yang biglang naalala.

"Red! Pwede bang magtanong?" Tanong ni Clyde.

"Oo naman." Sagot ni Red.

"Sabi mo kasi kanina dungeon mo ito. Kung ikaw ang may-ari ng lugar na ito, ano at sino ka?" Medyo kinakabahang tanong ni Clyde.

Biglang natahimik si Red na agad nagpataas ng tensyon sa tatlong gising na hunters.

"Isa akong dungeon master." Pambungad nito.

"Ang nag-iisang dungeon master mula sa earth." Sabi ni Red. Matapos noon ay hindi na s'ya kumibo.

Naguluhan sina Clyde sa mga sinagot ni Red. Wala silang maintindihan dito.

"Ano ang dungeon master?" Sinubukan pang mas mag-usisa ni Clyde.

Sandaling nag-isip muna si Red bago muling bumuka ang kanyang bibig.

"Sa tingin ko bilang mga dungeon hunter karapatan n'yong malaman ang impormasyong 'yon. Ang dungeon masters ay ang gumagawa at nagpapatakbo ng mga dungeon." Sagot niyang talagang gumimbal sa tatlo.

"Kung isa ka sa namamahala ng mga dungeon na kumikitil sa buhay ng mga tao, ibig sabihin ba noon ay masama ka?" Ninenerbyos na tanong ni Clyde.

"Hindi." Tipid na tugon ni Red.

"Kung ganun paano ka naging isang dungeon master? Ano ang hangarin n'yo bilang mga dungeon master?" Pang-uusisa ni Clyde rito.

"Hindi ko masasagot ang mga tanong na 'yan. Dalawang impormasyon lang ang maaari kong sabihin sa inyo. May seventy-two dungeon masters in total. Pangalawa, ang dungeon master ay maaaring mapalitan. May pinalitan akong isang dungeon master. Hanggang d'yan lang ang masasabi ko. May batas din kaming sinusunod." Paliwanag nito na imbes magbigay ng mga kasagutan ay nagbigay pa ng mas maraming tanong sa isip ni Clyde.

"Kayo na ang may responsibilidad na tumuklas ng mga sikreto ng dungeons kung interesado kayo." Pahabol pa ni Red.

"Ipapaliwanag ko ang ikatlo at huling pagsusulit ha?" Pag-iiba ng topic ni Red.

"Ang ikatlong pagsusulit ay susubukin ang inyong mga talino. Magbubugtungan tayo!" Dagdag pa ni Red.

"Isa pa nga pala. Nakalimutan kong sabihing si Clyde na lang ang kasali sa bugtungan." Yan ang sinabi ni Red bago s'ya maglaho.

Bago pa maka-react si Clyde ay nakarating na si Red sa tabi ng mga kasamahan. Bumagsak ang dalawa sa lupa matapos tirahin ni Red sa batok ang dalawa.

"Mapa-tao o mapa-hayop man ay kinatatakutan at iniiwasan s'ya. May mangilan-ngilan namang nakikipaglaro pa sa kanya. Marami s'yang anyo. Matulin o mabagal. Tahimik, payapa o brutal." Sumulpot siyang muli sa harapan ni Clyde. Agad na bigay ni Red sa unang bugtong habang nakangiti. Tila ba wala s'yang ginawang kamalian ngayon lang.

Isip na Clyde.

Ano ba ang pinagkatulad ng tao at hayop?

Pareho silang nabubuhay.

Matulin, mabagal, payapa, tahimik o brutal. Hmm?

Alam ko na ang sagot.

"Kamatayan. Kamatayan ang sagot ko." Kumbinsidong sagot ni Clyde.

"Tama!" Maiksing pagkumpirma ni Red sa sagot ni Clyde.

"Nilalamon nito ang anuman; mga hayop, halimaw, mga puno o halaman. Nginangatngat nito ang bakal. Kinakagat ang asero. Kumikitil din ito ng mga hari at sumisira ng mga bayan. Ano ito?" Walang sinasayang na oras na bitaw niya ng ikalawang bugtong.

Ibubuka na sana ni Clyde ang kanyang bibig ngunit bigla s'yang pinigil ni Red.

"Hep! Hep! Teka lang! Nabanggit na lang din ang kamatayan, bakit hindi tayo magdagdag ng bagong rule?" Pagpigil ni Red sa sagot ni Clyde.

Tinuro ni Red ang mga kasamahan ni Clyde.

Ang ngiti sa mukha ni Red ay napalitan ng isang ngisi. Maging ang presensya n'ya ay muling nagpabigat sa pakiramdam ni Clyde.

Tinaas ni Red ang kanang kamay. Ang porma nito ay yung parang may hawak. Nang biglang umangat sa hangin si Rachel tsaka lang napagtanto ni Clyde kung ano ang balak ni Red.

Sa isang iglap, sakal-sakal na ni Red si Rachel.

"Sa bawat maling sagot may mamamatay kang kasamahan." Deklara nito sa dingdag na bagong rule ng laro.

"Huwag mo na ring tangkaing bunutin yang espada sa baywang mo. Wala kang laban sa'kin. Isa ka lang rank E hunter." Pahabol pa ni Red ng mapansin ang balak ni Clyde.

"Kung masasagot ko ang tanong mo palalabasin mo ba kaming lahat dito ng buhay?" Naglalakas-lakasan lang ng loob na tanong ni Clyde. Alam n'ya kasing wala ng ibang paraan kundi ang manalo sa laro o pagsubok ni Red.

"Oo naman. May bonus pa kung masasagot mo nga lahat ng bugtong. Meron gantimpalang naghihintay sa'yo." Nanunuring titig ni Red kay Clyde.

"Anong gantimpala?" Tanong ni Clyde.

"Isa 'yong sikreto. Mawawalan na ng element of surprise kapag sinabi ko sa'yo kung ano 'yon. Boring." Sagot ni Red.

Bumalik si Clyde sa pag-iisip ng sagot.

Nilalamon nito ang anuman?

Kalamidad?

Nasisira ba ng kalamidad ang bakal at asero?

Hindi yata?

Kinikitil nito ang mga hari.

Sinisira nito ang mga bayan.

Digmaan?

Pasabog o mga bomba?

Bomba kaya?

"Ang tagal naman Clyde. Nauubusan ka ng ng oras. Mamamatay itong kaibigan mo." Babala ni Red.

Teka!

Oras?

Ano bang kayang lumamon sa mga may buhay at mga walang buhay?

Na parehong kayang gumapi ng mga hari at mga sibilisasyon ng walang hirap?

Oras? O mas tamang sabihing panahon.

"Panahon! Panahon ang sagot ko." Kabadong sagot ni Clyde kahit sigurado s'ya sa sagot n'ya.

"Sigurado ka na ba sa sagot mo?" Nanliliit na matang tanong ni Red. Iminostra pa n'ya ang kamay sa mga kasamahan ni Clyde. Tila ba nagpapahiwatig na, isang maling sagot isa sa kanila ang mawawala.

Kinakabahang napaisip si Clyde. Wala naman s'yang ibang maisip na mas tamang sagot bukod doon.

Tumango s'ya.

"Tsk!" Palatak ni Red sa sagot ni Clyde.

"Tama!" Parang naagawan ng laruang batang reaksyon ni Red. Kasabay noon ang pagbitaw niya kay Rachel.

"Pangatlo." Labas sa ilong na sabi ni Red.

"Kasing gaan ng balahibo, pero kahit ang pinakamalakas na lalaki sa mundo ay hindi kayang pigilan sa isang minuto?" Nakangising tanong ni Red.

"Hangin." Siguradong sagot ni Clyde.

"Mali!" Ngiting tagumpay na sabi ni Red.

"Paanong mali? Eh hindi naman talaga kayang pigilan ng tao ang hangin? Ano bang sagot?" Pagproprotesta ni Clyde.

"Hoy! hoy! Kalma! Sasagot na. Ang hininga n'ya." Napapailing na sabi ni Red.

"Parehas lang naman 'yon ah?" Pagpupumilit ni Clyde sa sagot n'ya.

"Sige na! Sige na! Pasok na sagot mo!" Pagtanggap nito sa sagot ni Clyde.

"Nakatatlong tama ka na. Isang bugtong na lang ay ligtas na kayong makakauwing lahat. Mababago rin ang buhay mo sa gantimpalang makakamit mo kapag nasagot mo ang huling bugtong." Deklara ni Red.

"Huling bugtong. Maaaring kaaway o tagapagtanggol. Gumagamit ng tapang at dahas sa kanilang pinaglalaban. Namamatay ng may dangal para sa pinaniniwalaan. Sila ay umuusbong sa panahon ng krisis." Dahan-dahang bigkas ni Red.

Kaaway o tagapagtanggol?

Ibig sabihin tao?

Tao kaya ang sagot?

Kaso hindi naman lahat ng tao gumagamit ng dahas.

Pwedeng grupo o klasipikasyon ng mga tao?

Sundalo?

Rebelde?

Pero hindi naman siguro bansa 'no?

Hindi! Hindi!

Let's see.

Sa panahon ng krisis lumalabas ang mga taong 'to.

Sa panahong madugo at puno ng karahasan.

Isa lang naman ang naiisip ko rito.

Ang panahon ng digmaan.

Ano ba ang pagkakatulad ng dalawang panig sa digmaan?

Nang mga sundalo? Nang mga rebelde?

Pare-pahehas silang mga mandirigma.

Mga mandirigma ng kanilang prinsipyo.

"Mandirigma!" Sambit ni Clyde. Dumausdos ang kanina pang butil-butil na pawis sa noo n'ya papunta sa kanyang baba.

Marahan s'yang tinitigan ni Red. Ang seryosong mukha n'ya ay nagkaroon bigla ng isang malapad at sinserong ngiti.

"Congratulations Clyde. Natapos mo ang mga pagsubok." May galak sa tono ng pagbati ni Red kay Clyde.

"Ibig sabihin ba noon makakalabas kaming lahat ng buhay sa dungeon mo?" May kabang tanong ni Clyde na wari'y hindi makapaniwala sa tagumpay.

"Oo naman. At eto pa." Inihaya ni Red ang kanyang kanang palad kay Clyde.

Magtatanong na sana si Clyde kung anong meron sa palad n'ya ng biglang lumitaw iyon.

"Ano 'yan?" Nagtatakang tanong ni Clyde kay Red.

"Iyan ang gantimpala mo." Sagot ni Red.

"Kunin mo." Utos ni Red.

Nagdadalawang-isip na inilahad ni Clyde ang kanyang palad. Inilagay doon ni Red ang maliit, puting bilog na transparent na bagay?

Nagpapakawala ito ng kakaibang enerhiya. Hindi iyon maipaliwanag ni Clyde. Ang alam lang n'ya, sa pagdampi noon sa balat ng palad n'ya binigyan s'ya nito ng hindi maipaliwanag na saya at kapayapaan sa damdamin n'ya.

Itatanong sana ni Clyde kung ano ang mahiwagang bagay na inabot sa kanya ni Red, nang biglang matulin na umalis sa kamay n'ya ang puting bagay. Nakita na lang ni Clyde sa isang slow motion na galaw ang pagpasok nito sa dibdib n'ya.

Sobrang init ng katawan ko. Pero nakakapagtakang hindi ako napapaso.

Saglit lang naganap ang bagay na 'yon. Maging ang pakiramdam ay nawala rin agad na parang walang nangyari.

"Anong nangyari?" Kinakabahang tanong ni Clyde. Iniisip n'yang baka bumagsak na s'ya sa isang patibong ni Red.

"Anong nararamdaman mo? May sumakit ba sa'yo ng pumasok ang puting bagay sa katawan mo?" Naninimgkit na matang tanong ni Red.

"Ha? Wala naman. Saglit lang, pero nakaramdam ako ng matinding init sa buong katawan ko. Ang nakapagtataka ay hindi ako napaso." Naguguluhang paliwanag ni Clyde.

"Good kung ganun. Binabati ulit kita. Tinanggap ka ng kapangyarihang pumasok sa'yo." Pumapalpak pa si Red na para talagang natutuwa na ikinagulo ng isip ni Clyde.

Ano bang meron sa bagay na 'yon? Anong kapangyarihan 'yon?

Naguguluhang napaisip si Clyde.

"Mukha kang hindi natunawan sa itsura mo. Ipapaliwanag ko na sa'yo ang kapangyarihang natanggap mo. Sa totoo lang nakakainggit ka. May potensyal kang pinakamalakas sa buong mundo. At kung papalarin baka maging sa buong kalawakan pa. Napakaswerte mo sa kapangyarihang 'yan. Sabihin mong status." Paiba-ibang itsura ng ekspresyon ni Red.

"Status." Mahinang sambit ni Clyde. At biglaan na lang nagsilabasan ang mga salita sa harapan ni Clyde.

.....

[Holymancer System]

Player's name : Clyde Rosario

Sex : Male

Age : 26

Occupation : Holymancer

Level : 1

Stats :

Health : 100/100

Mana : 100/100

Strength : 10

Vitality : 10

Agility : 10

Intelligence : 10

Perception : 10

Undistributed Stat Points : 5

Skills :

Special :

Holymancer's Attribute (Max Level/Passive) :

Adds Life and Death attribute to the holymancer and his summons.

Gives complete immunization against evil, demonic, death, holy, and life attribute or skills.

Amplifies the use of holy and life related attribute and skills greatly.

The boost is a hundred percent of every summon individual.

Holy and life attributed skills effectiveness doubles.

For example, a healing skill that heals ten percent would be twenty percent or a hundred health points recovered would instead be two hundred.

Holymancer Realm (Passive/Active) :

A special dimensional realm specially tailored for the holymancer army where they would wait to be summoned. The holymancer realm can only house eighty percent of the number of summons the holymancer is capable of contracting with concurrently.

.....

Napamaang si Clyde kay Red.

"Anong klaseng kapangyarihan to?" Dumadagundong ang dibdib ni Clyde habang tinatanong n'ya si Red.

"Interesante hindi ba?" Makahulugang tanong ni Red sa nanlalaking matang kaharap.

"Oo naman. Kumbaga magiging isa akong gamer? Ganun ang kapangyarihan ko?" Hindi n'ya maikubli ang sayang nadarama sa tono ng pananalita n'ya.

"Oo. Ikaw lang ang may ganyang kapangyarihan. Makakapag-level-up ka. May kakayahan kang lumakas hindi gaya ng ibang mga hunters." Paliwanag ni Red.

"Inspeksyunin mo rin ang iba pang features ng kapangyarihan mo." Tip ni Red kay Clyde na sinunod naman nito.

.....

[Holymancer Shop]

- Welcome dear customer! -

-> For the commemoration of your first visit in the shop, I'll give you one free item, equipment or skill of any grade to your liking.

.....

Isa-isang sinuri ni Clyde ang bawat opsyon sa shop. Item, skills at equipment section.

.....

[Items]

Health potion section

Mana potion section

...

...

...

.....

[Equipment]

Weapon section

Armor section

Accessory section

Armament section

.....

[Skills]

Offensive skill section

Defensive skill section

Movement skill section

Support skill section

Crafting skill section

.....

Matulin lang ini-scan lang ni Clyde ang mga paninda sa shop. Ang napansin n'yang pagkakatulad ng mga ito ay yung grades nila. Lahat ng rank 1 ay pinakamababang uri at pinakamura. Ang rank 10 naman ang pinakamataas at pinakamahal sa lahat.

.....

[System Storage]

Empty

.....

Meron din s'yang nakitang storage. Kada diskubre n'ya ng mga feature nitong holymancer system mas lalo s'yang nakukumbinsing para talaga itong laro.

.....

[Messages]

You have two unread messages.

[Welcome]

Read or Delete

[Daily Quest]

Read?

Yes or No

.....

Una n'yang binuksan yung welcome message. Wala naman s'yang interesanteng nakita roon. Kaya agad n'ya ring isinara 'yon. Mas interesado s'ya sa isang mensahe. Binuksan n'ya yung daily quest.

.....

[Daily Quest]

Cleanse 100 souls daily.

Note : Failure to accomplish the said quest guarantees a severe punishment.

.....

"Nakita ko na lahat." Pagtawag ng pansin ni Clyde kay Red.

"Siguro naman excited ka sa mga nakita mo?" Pagtatanong ni Red.

"Oo naman. Isama mo na rin yung pagtataka. Bakit napakakaunti naman ng paliwanag tungkol sa kapangyarihang ito. Mawalang galang na Red. Kung talagang parang laro ang pagkakadisenyo sa kapangyarihang ito, hindi ba dapat mas detalyado ang mga impormasyon nito?" Pasubali ni Clyde patungkol sa pagpuna n'ya holymancer system.

Umaatake na naman ang pagiging hardcore gamer ni Clyde. Hindi n'ya mapigilang punahin ang mga sa tingin n'yang mali sa mala-larong desenyo ng bago n'yang kapangyarihan.

Ilang sandaling natulala at hindi nakapagsalita si Red bago ito napabulalas ng tawa.

"Interesante ka talaga. Ang wirdo mo. Talagang yung maliliit na detalye pa ang napansin mo." Namamanghang sabi ni Red.

"Ganito kasi 'yan. Sa totoo lang, ipinagkatiwala lang sa'kin ang kapangyarihang 'yan. Pinahahanap sa akin ang isang nararapat na indibidwal upang tumanggap ng kapangyarihan base na rin sa mga requirements ng nagpapahanap. Yung mga pagsubok na 'yon ang kailangang maipasa ng tatanggap ng kapangyarihan. At ikaw nga ang nakagawa ng lahat sa tinagal-tagal kong paghahanap. Tungkol naman sa sinasabi mong kulang sa detalye ang holymancer system, alam mo siguro ang term na tutorial? Sabihin mo na lang nakatalaga akong guide mo. Ipapaliwanag ko sa'yo ang mga basic information." Seryoso ng saad ni Red.

"Mag-umpisa tayo sa ano ba ang holymancer. Ang holymancer ay sabihin na nating reverse form ng necromancy. Ang necromancy ay isang dark or evil art. Ang mga necromancer ay gumagamit ng mga kaluluwa ng mga namatay na nilalang. Kinakausap nila ang mga kaluluwa na kadalasan ay puno ng galit at sinusubukang gamitin upang makapaghasik ng kasamaan. Kadalasang ginagamit nilang medium ang mga buto para ilagay ang mga kaluluwang nahikayat.

Samantalang ang holymancer naman ay kumakausap din ng mga namayapa. Pero ang makakausap lang dito ay yung namatay sa loob lang ng isang oras. Susubukan ng holymancer na pakiusapang makipaglaban ang kaluluwa pansamantala. Ang mga nahikayat ay papasok sa isang contract ka-partner ang holymancer. Doon malilinis lahat ng negatibong bagay at emosyon ng kaluluwa.

Mahiwagang nagkakaroon sila ng pansamantalang mortal na katawan matapos ang kontrata. Slightly improved din ang mga itsura ng mga ito kumpara sa orihinal nilang anyo. Marahil na rin siguro naalis na ang negativity sa kanilang mga kaluluwa.

Matapos ang isang oras ay aalis na ang kaluluwang 'yon upang pumunta na sa afterlife. Kung sa impyerno o sa langit, 'yan ay hindi rin masasagot ng holymancer. Pero sa tingin ko naman mapapataas ng cleansing ang tsansang sa langit s'ya mapunta kahit kaunti lang. Meron namang paraan upang mapanatili mo sa tabi mo ang isang kaluluwa. Yon ay sa pamamagitan ng isang binding scroll. Nabibili 'yon sa shop. Kailangan din ng pahintulot ng kaluluwa para maging isang permanenteng partner ng holymancer. Sapagkat sa oras na pumayag s'ya na pumasok sa mas malalim na contract gamit ang binding scroll, hinding-hindi na s'ya makakapunta sa afterlife hanggang buhay pa ang holymancer." Mahabang paliwanag ni Red. Sa bawat katagang binibitawan ni Red lalong namamangha si Clyde sa kapangyarihang nakuha.

"Bakit hindi mo subukan sa mga namatay na dwende ang kapangyarihan mo?" Suhesyon ni Red na agad pinaunlakan ng bagong holymancer.

Tinuro ni Red ang gagawin. Nag-concentrate si Clyde para gawin ang contract. Sakto ng matawag n'ya ang kaluluwa ng limang dwende ng sabay-sabay, kumabog ang dibdib n'ya sa kaba at expectation.

Isa-isa n'ya iyong kinausap. Nakakapagtakang naiintindihan n'ya na ang salita ng mga ito. Samantalang ng mga buhay pa sila ay hindi maunawaan ni Clyde ni isang sinasabi nila.

Ang apat sa kanila ay ayaw pumasok sa kontrata kay Clyde. Pero nilinis n'ya pa rin ang kaluluwa ng mga ito. Nagpasalamat naman sila. At nagsipunta na rin sa liwanag.

Meron namang isang kakaibang dwende ang pumayag sa offer n'ya. Sa una ay nagdadalawang-isip pa ang dwende.

"Hindi ba magiging pabigat lang ako sa'yo?" Tanong nito. Medyo natatawa pa si Clyde. Paano kasi, ang dwende ay balbas-sarado at mukhang siga. Ang boses n'ya ay may pagkapaos. Nagsusumigaw ito ng salitang maton. Pero ang paraan ng pananalita n'ya ay medyo kakaiba. Masyadong malumanay. Para bang hiyang-hiya s'ya. Masyado s'yang iba sa apat na dwende na bargas magsiasta.

Paano n'ya nasabing magiging pabigat s'ya? Kasi nakita ni Clyde ang status ng dwende na may pangalang Alejandro. Merong kakaibang skill na nakalista roon.

.....

Individual Skill :

Indestructible (Passive) - Gives full immunity to all kinds of indirect and internal type of attacks or spells. Resistance to all abnormalities including poison resistance. The user also has a very fast automatic recovery of his health. In exchange, the user cannot learn attack skills and would always have 0 offensive potential forever.

.....

Iyan ang dahilan kung bakit n'ya nasabi 'yon. Pero kinumbinsi pa rin s'ya ni Clyde. Kwinento sa kanya ni Alejandro na tampulan s'ya ng tukso ng ibang mga dwende dahil sa kakaibang sitwasyon n'ya. Mas naka-relate lalo si Clyde sa dwende. Kaya sinsero n'yang kinumbinsi ang duwende para maging una n'yang partner. Hindi katagalan napapayag din n'ya ito na talaga namang ikinatuwa n'ya.

Isa pa naiisip na ni Clyde na sa tamang distribution ng stats. tamang pili ng skills at equipment magiging ultimate tank si Alejandro. Masyado lang mababa ang self-confidence ni Alejandro.

"Binabati kita Clyde. Nakuha mo na ang una mong partner. Sa'yo rin Alejandro. Meron ng tumanggap sa'yo sa wakas." Pagbati ni Red sa dalawa.

"Maraming salamat po master." Sigaw nito ngunit napapiyok din sapagkat tuluyan ng bumuhos ang mga luha n'ya sa galak.

"Hindi na ako ang master mo." Pagtatama ni Red.

"Okay lang 'yon." Kibit-balikat na sagot ni Clyde.

"Isa pa nga pala Clyde. Dahil isa kang wirdo na tumatanggap ng usang tulad ni Alejandro, babanggitin ko na rin siguro 'yon bilang bonus sa impressive mong pagtanggap sa kanya." Nakangiting turan ni Red.

"Pwede kang mag-bind ng sampung unique na kaluluwa na magugustuhan mo. Hindi mo kailangan bumili sa shop. I-check mo lang ang listahan ng mga available summons mo." Ginawa naman 'yon ni Clyde.

.....

[Available Summons]

[1/50]

[Alejandro]

.....

Suriin mo ang pangalan ni Alejandro tapos hanapin mo roon yung option na bind as one of the 10 commanders. Nakita nga n'ya 'yon. Walang pag-aatubiling ginawa 'yon ni Clyde.

"Nakita mo na?" Tanong ni Red.

"Oo. Na-bind ko na s'ya." Proud na sagot ni Clyde na gumulat kay Red.

"Uhm! Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng ten commanders na 'yon? Ang bawat slot noon ay importante. Mas malakas na kaluluwa na mapipili mong ilagay sa bawat sampung slot na 'yan mas maganda. Yang sampung yan ay magkakaroon ng limitless potential. Sila ang strongest helpers mo. Kung mas mataas ang base level o race nila mas maganda. Meron din silang mga pribelehiyo. Isa na d'yan yung free choice ng isang free skill at equipment of any kind and grade. Ang iba naman ikaw na ang tutuklas." Napapakamot sa ulong kwento ni Red.

"Ganun ba? Mas mabuti. Plano kong gawing napakalakas na tank ni Alejandro. Sa tingin mo kasi, what makes a tank great ay yung kahit gaano s'ya nasasaktan ay pilit pa rin s'yang lumalaban at hindi sumusuko kailanman." Masayang paliwanag ni Clyde.

"Teka! Bibili ko lang ng mga gamit si Alejandro." Sabi ni Clyde.

.....

Name : Alejandro

Race : Dwarf

Level : 1

Stats.

Health : 480/480

Mana : 100/100

Str : 30

Vit : 30(+2)

Agi : 10

Int : 10

Per : 10

Undistributed stat points : 5

Skills :

Special :

Holymancer's Attribute (Max Level/Passive) :

Adds Life and Death attribute to the holymancer and his summons.

Gives complete immunization against evil, demonic, death, holy, and life attribute or skills.

Amplifies the use of holy and life related attribute and skills greatly.

The boost is a hundred percent of every summon individual.

Holy and life attributed skills effectiveness doubles.

For example, a healing skill that heals ten percent would be twenty percent or a hundred health points recovered would instead be two hundred.

Racial Skill :

Dwarves Blessing (Active) - A dwarf specific skill that permits the dwarf to give someone extreme fortune or bad luck for a minute a day.

Mana required : 10 percent of mana. Limited for one use per day.

Individual Skill :

Indestructible (Passive) - Gives full immunity to all kinds of indirect and internal type of attacks or spells. Resistance to all abnormalities including poison resistance. The user also has a very fast automatic recovery of his health. In exchange, the user cannot learn attack skills and would always have 0 offensive potential forever.

Skill Arsenal : 5 slots open

Slot 1 :

Passive :

Juggernaut (Max level) - Adds an additional 50 percent of users health.

Active :

Divine Pull (Strongest Crowd Control/Level 1) - A broken ability for a vanguard. Indiscriminately draws the aggro of enemies within a kilometer with the user as the center. The aggro would be removed if the following conditions were met; the user or the targets is dead. (Newly added.)

Mana required : 10

Cooldown : 10 seconds.

Slot 2 :

Passive :

Stronghold (Level 1) - Increases the user's vitality by five percent.

Active :

(Empty)

Slot 3 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

Slot 4 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

Slot 5 :

Passive :

(Empty)

Active :

Self-Heal (Level 1)

- Recovers health proportionate twice the amount of intelligence.

Mana required : 50

Cooldown : 20 seconds

Equipment :

Weapon 1 :

Iron Heart (Spiritual - Growth type) Rank 10 equipment. (Binded) (Newly added.)

A spiritual shield. Invicible in defensive form. It is a weapon or rather a shield that automatically blocks any attacks, physical or mana based attacks alike. In dormant form, it is a black colored shield tattoo/totem in the chest of the user. Instead of mana, a spiritual weapon converts nature energy (making the source infinite) into spiritual power to circulate into the body of the user making it an almost impenetrable shield. The toughness of the shield is proportional to the amount of vitality and intelligence of the user. Physical and magical attacks lower by fifty percent of the user's vitality and intelligence is nullified. (Binded)

- Doubles the user's Vitality and Intelligence as long as he uses it.

Additional Effect/s :

- Absorbs nature's energy to convert into mana. Mana absorbed depends on the user mana recovery. It was equivalent to 1000 percent of the user's mana recovery rate per second.

Weapon 2 : Iron Heart (Spiritual - Growth type)

Iron Heart took up two weapon slots.

Armor : (Empty)

Footwear : (Empty)

Accessory 1 : (Empty)

Accessory 2 : (Empty)

Accessory 3 : (Empty)

.....

Nakuntento si Clyde sa nakita n'ya. Idinagdag n'ya lang ang Divine pull skill at Iron heart equipment na parehong rank 10. Parehong namang napakalakas pakinggan habang binabasa ang deskripsyon. Satisfied din s'ya sa dami ng original skills ni Alejandro na talaga namang marami para sa isang level one.

Gusto n'ya rin 'yong division ng skills. May individual at racial skills. Isama mo pa yung active at passive skills.

.....

"Okay na." Pambasag sa katahimikan ni Clyde.

"D'yan na nagtatapos ang tutorial ko sa'yo. Responsibilidad mo na ang pagtuklas sa iba pang mga kakayahan at limitasyon ng holymancer system." Sabi ni Red kay Clyde.

"Ganun lang 'yon? Hindi mo man lang ba sasabihin sa'kin kung sino ang may kakayahang gumawa ng ganitong kalakas na kapangyarihan?" May pilyong ngiting sabi ni Clyde.

Nagbabakasali lang naman s'yang kusang ibunyag sa kanya nito o baka madulas ang dila ni Red. Nakakaenganyo kasing tuklasin, malamang ay sadyang malakas ang nakagawa ng ganoong kalakas na kapangyarihan. Pati na rin sa kakayahan n'yang utusan ang isang gaya ni Red.

Ayon nga sa pahayag ni Crooked Nose at Ron, ang inilalabas daw na pressure ni Red ay mas matindi pa sa kanilang guild master at vice-guild master, na pawang mga Rank S hunters. At sa palagay ni Clyde ang pagiging dungeon master ay kailangan din ng espesyal na galing? Sabi pa nga ni Red meron lang 72 dungeon masters sa buong kalawakan.

"Hindi pwede. Ayaw n'yang ipasabi kung sino s'ya. S'ya rin ang may ideyang konti lang ang ituturo ko sa'yo. Ikaw na ang bahalang tumuklas ng iba. Hindi ko alam ang dahilan n'ya. Pero kung ako ang tatanungin base sa personalidad n'ya. Nais n'ya sigurong paghirapan mo ang bawat matututunan mo sa kapangyarihan mo. S'ya kasi yung tipong nanaising may matutunan at kanyang tinutulungan. Kumbaga, tuturuan ka n'yang mangisda kesa bigyan ng isda. Gusto n'yang paghirap ang mga bagay na meron ka. Para na rin matutunan mong pahalagahan ito." Pagdepensa ni Red sa misteryosong gumawa ng holymancer system.

Nakumbinsi naman si Clyde at nirespeto ang nais ng misteryosong tao.

"Maiba tayo. Red ba talaga ang pangalan mo? Malakas kasi ang pakiramdam kong alam ko kung sino ka talaga. Sabihin na nating hunch o kutob." Biglang pagpasok ni Clyde sa ibang topic.

"Oh?" Naging interesado si Red sa sinasabi ni Clyde.

"Oo. Base sa pisikal na anyo mo. Kayumanggi ka. Meron kang matalas na detalye ng mukha. Itsurang lalaking-lalaki na nakaka-intimidate. Pati na rin ang buhok mong kapantay ng iyong balikat. Naiba nga lang sa pananamit mo. Moderno kang manamit. Pati ang ugali mo ay medyo off sa pag-aakala ko. Masyadong hindi kita mabasa. Mapaglaro ang ugali mo? Idamay mo na rin siguro yung mga bugtong." Pagbibigay n'ya ng teorya niya sa tunay na katauhan ni Red.

Huminto sa pagsasalita si Clyde at binigyan si Red ng nag-eexpect na tingin.

Napatawa ng malakas si Red.

"Siguro?" Mapaglarong sagot ni Red.

"Tama ako no? Ikaw nga s'ya? Ikaw nga si--" Naputol ang pgsasalita n'ya dahil pinigil s'ya ni Red.

"Hep! Hep! Just keep your guess for yourself." Nakangising sabi ni Red.

"Okay." Nakangiti ring pagsang-ayon ni Clyde.

"Sa tingin ko oras na para lumabas kayong lima sa dungeon ko." Anunsyo ni Red na ikinatuwa ni Clyde.

"Pero paano sila?" Ang ibig sabihin ni Clyde ay ang dalawang lalaking hunter na kasama. Ang tinutukoy n'ya ay ang banta sa kanilang tatlo, siya, si Gen at Rachel.

"Huwag kang mag-alala. Hangga't buhay ako hindi na sila makakapanggulo pang muli." Makahulugang tingin ni Red kay Clyde.

"S'ya nga pala. Wala ring maaalala ang apat tungkol sa'kin." Sabi ni Red kay Clyde.

Tumanggo lang si Clyde.

Pinatunog muli ni Red ang kanyang hinlalato at hinlalaki. May isang misteryosong pinto ang biglang lumabas mula sa kawalan.

"D'yan ang labasan mo. Ako ng bahala sa apat." Turo n'ya kay Clyde.

Medyo nagdalawang-isip si Clyde. Nag-aalala s'yang baka kung anong gawin ni Red sa apat. Pero ng muli n'ya g inisip 'yon. Wala s'yang magagawa kung may balak na masama si Red sa mga kasama. Isa pa, hindi naman s'ya bibigyan ng kapangyarihan nito kung may masama itong balak, hindi ba? Siguro?

Kaya pumasok s'ya sa mahiwagang pinto matapos magdalawang-isip sandali.

Puro puti.

Yan lang ang nakikita ni Clyde pagpasok n'ya sa pinto. Yan lang din ang huling naaalala n'ya bago s'ya mawalan ng malay.

.....

Habang naglalakad si Clyde sa pintuan palabas. Nakatitig sa likod n'ya si Red hanggang sa mawala sa paningin n'ya ang likod nito at napaisip.

Tadhana ba o nagkataon lang na isang tulad mong hinahamak at itinuturing na pinakamahinang hunter ang makakuha ng kapangyarihang 'yan? At ang una mo pang partner ay isang kakaibang dwende na hinahamak din dahil sa kanyang kahinaan?

Tumingala sa langit si Red at ngumiti.

"Pero hindi ba napaka-interesanteng isipin ang kalalabasan ng tambalang ito sa hinaharap? Hindi mo maiiwasang i-cheer sila? Paano kung ang dalawang minamaliit na indibidwal ay magsama at mabigyan ng pagkakataong lumakas? Susunggaban ba nila ang oportunidad na hinahandog sa kanila? O magiging duwag sila at habambuhay na lang magtatago at mananatiling mahina sa tanang buhay nila? Ano sa tingin mo?" Tanong ni Red na para bang may kinakausap kung saan sa langit.

"Hindi na tuloy ako makapaghintay sa muli nating pagkikita." Sabi ni Red sa harapan n'ya kung saan naglaho na ang pintuang dinaanan ni Clyde.