webnovel

Holymancer (Tagalog-English)

Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible ng mangyari ay magiging abot kamay niya sa isang iglap.

Kurogane_Hiroto · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
29 Chs

Chapter 12, part 1 : Mark "to kill" Liu

Sa apartment sa Bulacan tumuloy si Clyde matapos manggaling sa Makiling dungeon.

Pagkarating, natulog agad ang hunter. Pilit bumabawi ng lakas. Kailangan pa kasi n'yang pumasok sa isa pang dungeon sa araw ding 'yon. Kung hindi sa penalty zone na naman ang tuloy n'ya. At hindi 'yon gusto ni Clyde. Nagka-trauma yata s'ya sa huling beses na nanggaling s'ya ro'n.

Malinaw pa sa memorya ang matatalim na titig ng dilaw na mga mata ng mga taong lobo. Maging ang maliliksing kilos at matatalas na pakiramdam nila. Sa tuwing lalabas s'ya mula sa conceal state, hindi pumapalyang mahanap s'ya ng mga ito. Sa tuwing makikita s'ya ng mga taong lobo, inaatake nila s'ya gamit ang matatalim na kuko.

Matulin lang din namang bumangon si Clyde. Nakabusanggot na napahawak ang hunter sa ulo. Napaungol s'ya sa dahil naistorbo ang tulog.

Naalimpungatan kasi ito sa ingay ng mga bata sa kapitbahay. Mga bagong dating galing sa eskwela. Nagkakantahan ang mga bata.

"Nuestro Padre Jesus Nazareno,

Sinasamba Ka namin.

Pinipintuho Ka namin.

Aral Mo'y aming buhay at kaligtasan."

Napangiti na lang s'ya at napabuntong-hininga. Humupa ang namumuong inis sa pagkakaistorbo dahil sa kanilang kinakanta.

Pagtingin sa orasan sa pader, napagtanto n'yang kulang isang oras ang naging tulog n'ya. Muli, napabuntong-hininga s'ya. Nag-inat-inat s'ya bago lumabas ng kwarto.

Naghalungkat s'ya ng makakain sa ref. Wala pa kasi ang kapatid. Alas-sais ng gabi pa ang dating mula sa eskwelahan ni Gaea. Ngayon, mag-aalas-kwatro pa lang ng hapon.

Habang nilalamnan ang t'yan, malimit kung humigab si Clyde.

...

"Girl look at that body

I work out

Girl look at that body

I work out

When I walk on the spot,

This is what I see

Everybody stops and they staring at me

I got passion in my pants

and I ain't afraid to show it

Dj drop the beat! (Improvised)

I'm sexy and I knew it!"

Kanta't sayaw ni Clyde habang naliligo. Nakapikit at napapakagat-labi pa s'ya. Naiimagine nitong nasa isa s'yang dance floor at napapalibutan ng mga babae.

May nalalaman pa itong pagpapadausdos ng kamay mula sa tuktok ng mapandesal na tiyan pababa.

Si Clyde ay isang closet narcissist. Dagdag sa mahabang listahan ng wirdong personalidad ng hunter. Sa t'wing mag-isa ito at komportable sa bahay tulad ngayon, inaatake s'ya ng kasaltikan. Ang paborito n'yang lugar, ang CR. Doon, madalas s'yang mag-concert.

Nakatingala n'yang tinapat ang mukha sa malamig na tubig mula sa shower. Unti-unti nitong napawi ang pagkahapo mula sa raid at pagbyahe.

Sana naman mabawasan ang pagiging hot ko. Biro ni Clyde sa sarili.

Pinihit ni Clyde ang patayan ng shower nang makatapos ng s'yang maligo.

Nagtalsikan sa pader ang maraming butil ng tubig mula sa inalog-alog na buhok ni Clyde. Sunod, hinagod n'ya palikod ang kulot na buhok na natuwid ng pagkabasa.

Pinahiran ni Clyde ang malaki at nanlalabong salamin sa banyo. Tapos, minasdan n'yang mabuti ang sariling kahubdan sa salamin. Hindi n'ya mapigilang mapangiti sa nasilayan. Proud s'ya sa magandang katawan. Pinaghirapan n'ya 'yon. Sinundan 'yon ng pagfe-flex ng muscles.

Nang binago n'ya ang lifestyle sa high school, matinding hirap ang dinanas n'ya sa simula. Mahirap baliin ang nakasanayan. Kumonsulta s'ya sa doktor para sa guidance sa pagdyedyeta.

Sa umpisa, nahirapan s'yang pigilan ang madalas na pagkain. Torture sa kanya kapag naaamoy n'ya ang masasarap na niluluto. Kahit gustuhin mang tumikim, naghigpit s'ya sa sarili.

Para sa ikabubuti ko ito. Disiplina ang kailangan. Kahit pa masasarap ang pagkain, hindi dapat pangunahan ng katimawaan. Aanhin mo ang sarap kung patay ka naman. Eat in moderation. Eat healthy. 'Yan ang paulit-ulit n'yang nirerecite sa ulo sa mga panahong 'yon.

Feeling n'ya, naging mala-impyerno ang hirap ng idagdag ang personalized workout program sa alalahanin n'ya. Sa umpisa, light exercise lang ang ginagawa n'ya. Pero later on nag-iincrease ito ng difficulty at duration. Halos sumuko na s'ya noon. Masyado kasing mahirap para sa isang overweight na tulad ni Clyde ang program. To the point na nagcocollapse s'ya.

Ngunit dahil sa determinasyon, endurance at never give up attitude n'ya, napagtagumpayan n'ya ang pagsubok.

By the time of high school graduation, 'di na s'ya obese. May pagka-chubby na lang s'ya. Sinamantala n'ya ang pumasok na bakasyon. Inumpisahan n'ya ang isang extreme workout.

Pagpasok n'ya ng university, umpisa na ng pagiging fit at healthy ni Clyde. Wala ng makakapagkonekta ng high school na Clyde sa college na Clyde.

Sa tingin ni Clyde walang masama sa pagiging mataba. Tulad ng pagrespeto n'ya sa bawat may buhay, hindi rin s'ya sang-ayon sa diskriminasyon.

Hindi mababawi ang paniniwala n'yang dapat bigyang respeto ang bawat tao; anumang lahi, kulay, kasarian, edad, hugis, at katayuan sa buhay. Walang perpektong indibidwal sa mundo. Lahat ng tao ay may kakulangan. Lahat ay may kanya-kanyang kahinaan.

Ang sa tingin n'yang masama ay ang pagiging iresponsable. Ang pagpapabaya sa sarili. Kung kulang sa ehersisyo ang tao at sa hindi tamang dyeta, madaling kakapitan ng sakit ang tao. Ang bawat indibidwal ay tungkuling panatiliing malusog ang sariling pangangatawan.

...

Sa kwarto, inatupag ni Clyde ang naudlot na pagtingin sa sariling stat. sa dungeon ng makabihis s'ya.

...

Player's name : Clyde Rosario

Sex : Male

Age : 26

Occupation : Holymancer

Level : 24

Stats :

Health : 200/200

Mana : 600/600

Strength : 10

Vitality : 20

Agility : 20

Intelligence : 60

Perception : 20

Undistributed stats : 40

...

Nabigla s'ya sa itinaas ng level. Walong beses s'yang nag-level-up sa sandaling labanang 'yon kina Maria Makiling at mga alagad n'yang treant.

"Iba talaga ang class A dungeon. Mas mataas ang bigay na experience." Namamanghang komento ni Clyde sa Makiling dungeon.

Kung narinig s'ya ng mga nakasama sa dungeon, malamang ay mapasuka sila ng dugo sa pagkabigla. Muntik na silang mamatay sa loob. Binigay nila ang lahat-lahat nila. Samantalang si Clyde ay tinuturing lang ang malalakas na halimaw bilang experience points.

"Saan ko ba dapat ilagay?" Nakahawak sa babang pag-iisip nito.

...

Player's name : Clyde Rosario

Sex : Male

Age : 26

Occupation : Holymancer

Level : 24

Stats :

Health : 200/200

Mana : 700/700

Strength : 10

Vitality : 20

Agility : 20

Intelligence : 70

Perception : 50

Undistributed stats : 0

...

Napagpasyahan n'yang lagyan ng ten stat points ang intelligence dahil 'yon ang main stat n'ya. Doon nag-rerevolve ang battle style n'ya. Ngunit ang thirty ay inilagay n'ya sa perception. Palagay n'ya lubos n'yang kailangan 'yon sa ngayon. Hindi n'ya alam kung kailan kikilos ang nagmamatyag sa kanyang hunter. Mas mapapalagay s'ya kung mas madali n'yang malalaman kung nasaan ang kalaban. Mas madali s'yang makaka-react sa surprise attacks.

May naiisip subukan si Clyde. Nag-concentrate s'ya. Sinubukan n'yang i-expand ang sakop ng perception. Makaraan ang ilang pagsubok, nagtagumpay na si Clyde. Nahuli n'ya ang lokasyon ng hitman. At mukhang hindi rin nito napansin na may nakahuli na sa kanya.

...

1st Holymancer commander/general

Name : Alejandro

Race : Dwarf

Level : 19

Stats.

Health : 1380/1380

Mana : 480/480

Str : 30

Vit : 87(5+)

Agi : 10

Int : 48

Per : 10

Undistributed stat points : 0

Skills :

Special :

Holymancer's Attribute (Max Level/Passive) :

- Adds Life and Death attribute to the holymancer and his summons.

- Gives complete immunization against evil, demonic, death, holy, and life attribute or skills.

- Amplifies the use of holy and life related attribute and skills greatly.

- The boost is a hundred percent of every summon individual.

- Holy and life attributed skills effectiveness doubles.

For example, a healing skill that heals ten percent would be twenty percent or a hundred health points recovered would instead be two hundred.

Racial Skill :

Dwarves Blessing (Active) - A dwarf specific skill that permits the dwarf to give someone extreme fortune or bad luck for a minute a day.

Mana required : 10 percent.

Cooldown : Once a day.

Individual Skill :

Indestructible (Passive) - Gives full immunity to all kinds of indirect and internal type of attacks or spells. Resistance to all abnormalities including poison resistance. The user also has a very fast automatic recovery of his health. In exchange, the user cannot learn attack skills and would always have 0 offensive potential forever.

Slots open : 5 slots

Slot 1 :

Passive :

Juggernaut (Max level) - Increases the user's health by 50 percent.

Active :

Divine Pull (Strongest Crowd Control/Level 1) - A broken ability for a vanguard. Indiscriminately draws the aggro of enemies within a kilometer with the user as the center. The aggro would be removed if the following conditions were met; the user or the targets is dead.

Mana required : 10

Cooldown : 10 seconds.

Slot 2 :

Passive :

Stronghold (Lv. 1) - Increases the user's vitality by five percent.

Active :

(Empty)

Slot 3 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

Slot 4 :

Passive :

Treaty of equality (Max level) - Two chosen individuals would enter the said treaty. Within the treaty, the two combines both their experiences and distributes it equally among each other.

Active :

(Empty)

Slot 5 :

Passive :

(Empty)

Active :

Self-Heal (Lv. 1) - Recovers health proportionate twice the amount of intelligence.

Mana required : 50

Cooldown : 20 seconds

...

2nd Holymancer commander/general

Name : Eba Demaloca

Race : Witch

Level : 4

Stats :

Health : 100/100

Mana : 530/530

Strength : 10

Vitality : 10

Agility : 10

Intelligence : 50(3+)

Perception : 30

Undistributed points : 0

Skills :

Special :

Holymancer's Attribute (Max Level/Passive) :

Adds Life and Death attribute to the holymancer and his summons.

Gives complete immunization against evil, demonic, death, holy, and life attribute or skills.

Amplifies the use of holy and life related attribute and skills greatly.

The boost is a hundred percent of every summon individual.

Holy and life attributed skills effectiveness doubles.

For example, a healing skill that heals ten percent would be twenty percent or a hundred health points recovered would instead be two hundred.

Racial Skill :

Hex (Passive) - A witch race specific skill. They proficient in using dark magic to cast a curse or spell that would inflict damage to that targeted individual. The process and effect varies from which variant they are from.

Individual Skill :

Witch Family (Active) (Level 1) : Create a replica of someone else by using that individual's hair, skin, scale or any part of a living being genes to be used as a tool to create a minion through supernatural means.

It can materialize by using a voodoo doll. The doll together with the genes transforms to be a replica. The replica will have an unwavering loyalty to the witch. Those replicas' would have a tenth of the originals' power. The minions have the ability of growth. Can have an unlimited number of minions. It can be destroyed though.

Mana required : Half the amount of user's mana.

Cooldown : 5 seconds

Skills :

Slots open : 2 slots

1st Slot :

Passive :

Wizardry (Lv. 1) - Increases the user's intelligence by five percent.

Active :

(Empty)

2nd slot :

Passive :

(Empty)

Active :

Dimensional Realm - A dimension where the user can put his things including living being as long as the living being entered with his own volition. It was like Clyde's Holymancer Realm where it was a separated dimension where human and living things live. It's appearance was that of the nature. Night and day is working there. It was relatively smaller in space compare to Clyde's. Its actual size depends on the users intelligence and magical prowess.

Equipment :

Weapon 1 : (Empty)

Weapon 2 : (Empty)

Armor : Elemental Royal Robe (Spiritual-Growth)

- A robe made by the greater spirits for elemental world royalties. It have the highest affinity with nature being created by the best elemental craftsmen. It has great resistance to any element magic. Greater harmony and efficiency using magic and mana.

Other functions :

- Raises the wearer's intelligence by fivefolds when using it.

- Raises the wearer's magic resistance by fivefolds when using it.

...

Tapos chineck n'ya rin ang status ni Maria Makiling kahit hindi sina-summon. Dahil binded na si Maria maaari ng i-check ni Clyde ito sa system. Hindi s'ya nagsisi sa nakita. Ang OP ng mga skills ni Maria Makiling. Tamang binind n'ya ito. Hindi n'ya rin nakaligtaang gamitin ang tig-isang libreng skill at equipment para sa mga Holymancer commander. Pinili n'ya ang Silvanus primordial wings sa skill. At ang Vine magic sycthe para sa equipment.

...

3rd Holymancer commander/general

Name : Maria Makiling

Race : Fairy

Level : 3

Stats :

Health : 100/100

Mana : 520/520

Strength : 10

Vitality : 10

Agility : 10

Intelligence : 50(2+)

Perception : 50

Undistributed points : 15

...

[You've successfully allocated stat points for the first time for your summon, Maria Makiling.]

- Do you want the system to automatically allocate the stat points of Maria Makiling for you? By doing so, you'll permit the system to distribute it the way you first distributed the stat points. And if you choose to do so, you cannot undo it. It would always be allocated that way for each level ups.

[Permit?]

👉Yes or No

...

3rd Holymancer commander/general

Name : Maria Makiling

Race : Fairy

Level : 3

Stats :

Health : 100/100

Mana : 590/590

Strength : 10

Vitality : 10

Agility : 10

Intelligence : 56(3+)

Perception : 59

Undistributed points : 0

Skills :

Special :

----> Holymancer's Attribute (Max Level/Passive) :

Adds Life and Death attribute to the holymancer and his summons.

Gives complete immunization against evil, demonic, death, holy, and life attribute or skills.

Amplifies the use of holy and life related attribute and skills greatly.

The boost is a hundred percent of every summon individual.

Holy and life attributed skills effectiveness doubles.

For example, a healing skill that heals ten percent would be twenty percent or a hundred health points recovered would instead be two hundred.

Racial Skill :

Enchantress (Passive/Max)

- The fairy race has ethereal beauty. Their beauty made them as natural enchantress. Whenever a mortal gaze upon them, mere mortals might end up enchanted and be at the fairy's mercy.

- Fairies are elementals that serves as guardians' of nature. That made them natural user of nature related magic. In addition, they have high resistance to magic.

Individual Skill :

Mountain goddess (Passive/Max)

- As people proclaimed her to be a goddess, it grants her an unimaginable amount of power. On her turf, Mount Makiling, her thoughts will be turned into reality. Her sources of power are unlimited. Her mana pool inside her sanctuary is infinite. Her illusions can reach anywhere.

- On mountainous areas aside from Mount Makiling, she can tap a bit of power for her use.

Skill slots : Five

Slot 1 :

Passive :

Wizardy (Lv. 1)

- Permanently increases the user's intelligence by 5 percent.

Active :

Create Treant (Max)

- Let the user give life to any trees as treants.

Mana required : 5 mana points

Cooldown : 1 second

Slot 2 :

Passive :

(Empty)

Active :

Golden dust of trance (Lv. 3)

- A golden powdered dust that if inhaled, forces the individual into slumber.

Mana required : 10

Cooldown : 5 seconds

Slot 3 :

Passive :

(Empty)

Active :

Vine sprout (Lv. 3)

- Let the user instantly grow vines under their target's feet to entangle them.

Mana required : 10

Cooldown : 5

Slot 4 :

Passive :

(Empty)

Active :

Silvanus primordial wings (Lv. 1)

- A skill named after the Roman god of plantations, Silvanus. The skill contains a concentrated amount of power from Silvanus. The power of Silvanus is in the form of 2 pairs of wings made of leaves. While in use, it can assist the user fly. But its main powers gives the user unrivalled self-regeneration and it amplifies plant related powers while using it.

- Can extend use by supplying 1 mana point per second.

- Can be used for attacking purposes. But it consumes monstrous amount of mana.

Mana required : 10

Cooldown : 10 seconds

Slot 5 :

Passive :

(Empty)

Active :

Harvesting (Max) - Enables the user to find and harvest plants and greeneries efficiently.

Mana required : 10 mana points

Cooldown : none

Equipment :

Weapon 1 : Vine Magic Scythe (Spirtual-Growth) (Freebie)

- A magic scythe made out of the vine part of the world tree.

- Has a auto-repair function.

- Can cut through anything and have an additional nature element damage.

- Anyone cut will have delusions as long as it is not healed.

- Raises intelligence by twofold.

- Raises magical penetration by twofolds.

- Raises perception by twofolds.

Weapon 2 :

Armor :

...

Nag-yes s'ya.

...

Tiningnan din ni Clyde ang updated status ng personal mount n'yang si Sylvester.

...

Name : Sylvester

Race : Laughing stallion

Level : 9

Stats :

Health : 200/200

Mana : 50/50

Str : 10

Vit : 20

Agi : 45(3+)

Int : 5

Per : 5

Undistributed points : 0

...

Samantalang pinagpaliban n'ya muna ang pag-bind sa mga treant. Hindi n'ya gagawin 'yon sa labas ng dungeon, mabubuko s'ya. Lalo pa't may nag-eespiya sa kanya. Kaya naman mamaya na lang sa dungeon n'ya 'yon isasakatuparan.

...

"KUYA CLYDE!" Sigaw ng isang bata paglabas ni Clyde sa apartment unit n'ya.

Nakita n'ya si King. Isa sa mga kumakantang bata kanina.

"King." Nakangiting tugon ni Clyde.

"Saan po ang punta n'yo, kuys?" Tanong ni King.

"Maghahanapbuhay." si Clyde.

"Ah! Sige po kuya. Di ko na po kayo iistorbohin sa lakad n'yo. Ingat po sa dungeon. God Bless po!" si King.

"Salamat King. Una na ko."

...

"Anong pangarap mo Clyde?" Tanong ni Mang Tiburcio.

Naisip daanan saglit ni Clyde si Mang Tiburcio. Nag-aalala kasi s'ya para rito. Matanda na ito at mag-isa sa bahay. Baka kasi mapaano pa ito.

"Bakit mo naitanong manong?" Ganting tanong ni Clyde.

"Curious lang." si Mang Tiburcio.

"Ah! May dalawa akong pangarap. Ang isa masyadong mahirap abutin. Doon na lang tayo sa mas simple. Gusto kong mapatapos ng pag-aaral si Gaea para magkaroon s'ya ng magandang kinabukasan." Nakangiting sagot ni Clyde.

"Manong, sa'min ka na kaya tumira? Matanda ka na at mag-isa ka lang dito sa bahay. Masyadong delikado." Suhesyon ni Clyde kay Mang Tiburcio.

"Hindi pwede. Ayoko. Pasensya na Clyde." Walang pagdadalawang-isip na sagot ng matanda.

"Bakit naman manong?"

"Salamat sa pag-imbita mo sa'kin pero kailangan kong hintayin ang mga anak ko rito. Paano kung balikan nila ako at wala ako sa bahay? Tsaka saan maiiwan ang tatlong alaga ko kung sa'yo ako titira? Hindi ba bawal ang alagang hayop sa apartment n'yo?" Paliwanag ni Mang Tiburcio.

Napasang-ayon na lang s'ya sa argumento ng matanda. May katwiran kasi s'ya.

"Ikaw manong, anong pangarap mo?" si Clyde.

Ang katabi ni Clyde na matanda ay sumeryoso at umuwid ng pagkakaupo sa upuang bakal. Binuka nito ang bibig.

"Ang maitama ko ang mga pagkakamali ko sa mga anak ko. Wala kasi sa lugar ang mga nagawa ko sa kanila noon. Masyado ko silang pinaghigpitan. Lahat ng gusto ko 'yun dapat ang masunod, kahit na nasa mali ako. Masyado ko kasing pinaiiral ang pagiging matanda ko. Ako ang magulang ako ang laging tama. Ako ang padre de pamilya. Ako ang nagpapalamon sa inyo, kaya puro oo lang kayo. Gano'n ang katwiran ko noon. Kung alam ko lang sana. Na sa ginawa kong 'yon lalayo pala ang loob nila sa'kin. Na iiwanan nila ako dahil sa mga nagawa ko." Matiim na pagbabahagi ni Mang Tiburcio ng kanyang mga pinagsisisihan sa nakalipas.

"Huwag kang mag-alala manong, babalikan ka rin ng mga anak mo. Magtiwala ka lang sa taas. Hindi ka N'ya pababayaan. Huwag kang mainip maghintay, darating din ang panahong hinihintay mo." Pagpapalakas-loob ni Clyde sa matanda. Iyon lang kasi ang magagawa n'ya sa t'wing makikita n'ya ang malamlam nitong mga mata habang nagkwekwento.

Sa totoo lang, naiintindihan n'ya rin ang pinanggalingan ng mga anak ni Mang Tiburcio. Naging malupit s'yang magulang sa kanila. Subalit may karapatan pa rin namang humingi ng kapatawaran ang matanda.

Sana lang magkaroon s'ya ng pagkakataon habang buhay pa s'ya. Sana lang magpakita ang mga ito sa kanya. Sana lang mag-apply sa kanila ang kasabihang, time will heal all wounds. Mataimtim na kahilingan ni Clyde sa Maykapal.

Tumayo si Clyde sa pagkakaupo. "Sige manong mauna na ko. Kailangan ko pang kumita." Pagpapaalam ni Clyde.

"Kagagaling mo lang sa dungeon kanina, 'di ba?" Tanong ni Mang Tiburcio.

"Oo, e. Pero kailangan kumayod. Para sa kinabukasan ni Gaea." Napapakamot na ulong tugon ni Clyde. Mataman kasi s'yang tinititigan ng matanda. Tila ba napagtanto nitong hindi si Clyde ang kausap n'ya.

"Huwag ka mag-alala. Hindi ako magpapabaya. Mag-iingat ho ako. Isa pa, may mga ka-party naman akong papasok. Isa lang akong rank E. Hindi ako suicidal." Boluntaryong pagpapaliwanag n'ya sa mapagsiyasat na tingin ng matanda. Kaya lang, kinailangan n'yang baguhun ang ilang detalye ng paliwanag.

"Kilala kita, e. Ikaw ang tipo ng taong maingat. Ikaw 'yung tipong hindi pwepwersahin ang sarili n'ya sa mga bagay na sa tingin n'ya ay hindi naman beneficial sa kanya. Ingat na ingat ka sa sarili mo. Maliban na lang kung may importante ka talagang dahilan."

Tahimik lang na ngumiti sa matanda ang hunter.

Kung alam mo lang, manong. Hindi  naman ako naaadik sa puntong papasok ako ng dalawang beses sa isang araw sa dungeon para lang sa pagpapataas ng level ng mga summons ko. Gaya nga ng sabi mo manong, mahal ko ang buhay ko. Kapag hindi necessary at reckless na, I'll choose to step back. Kaya nga ng panahong binind ko si Alejandro hindi ako nagdalawang-isip. Dahil natural tank ang isang 'yon. At dahil lang sa daily quest kaya ako papasok ulit sa dungeon. Sabi sa isipan ni Clyde.

Nakuha naman agad ng matanda ang pakahulugan ng katahimikan.

"O s'ya, 'di na kita tatanungin. Makakaalis ka na. Basta mag-iingat ka lang." si Mang Tiburcio.

"Sige ho manong." Paalam ni Clyde.

...

Pag-alis ni Clyde sa bahay ni Manong Tiburcio, sumakay s'ya sa jeep patungo sa bayan ng Malolos. Doon naglakad-lakad s'ya sa palengke. Habang nandoon pinakikiramdaman n'ya ang sumusunod. Pawala-wala ito sa sakop ng perception n'ya. Napagtanto ni Clyde na marahil katulad n'ya ang sumusunod ay may kagayang kakayahan tulad ng Conceal skill n'ya.

Pumasok si Clyde sa palikuran. Doon ginamit n'ya ang skill upang umalis sa lugar.

...

Nakadistansyang sumusunod si Mark sa target n'yang si Clyde. Nagsuspetsa s'ya nang nagpapaikot-ikot ito sa palengke.

Pumasok ang target n'ya sa isang palikuran. Naghintay s'ya sa 'di kalayuan. Napabalikwas si Mark at dali-daling pumasok sa palikuran. Hinalughog n'ya ang bawat cubicle. Napasuntok ito sa galit sa pinto ng isang cubicle nang napagtanto nitong naisahan s'ya ng target.

Natakasan s'ya nito. Agad-agad n'yang kinuha ang telepono sa bulsa.

"Vice leader, sigurado na akong reawaken ang Clyde na 'yon. Kung hindi, hindi ako matatakasan ng isang rank E hunter." Giit ni Mark sa kausap.

"I see. Then commence the next step." Utos ni Raymond kay Mark.

"Masusunod." Sagot ni Mark sa ay putol sa tawag.

"Pagbabayaran mo ang pagpapahiyang ginawa mo sa'kin." Sabi ng nanggigigil na si Mark.

...

Nang nakasisiguro ng naiwala n'ya na ang sumusunod, ginamit n'ya ang dungeon seeker para humanap ng dungeon.

...

Muli, pumasok na naman s'ya sa isang undiscovered dungeon.