webnovel

His Unofficial Boyfriend

When Greyson Alleje came into the metropolitan to start his college life, he initially expected to acquire freedom from his austere parents, but things got a little bit different when he met his heedless Korean roommate, Lee, whom he loved to bicker with even on the pettiest reasons that they can think of. Lee, on the other hand, wanted to get to know Greyson more because of how distinct he was from his former roommates. As much as he hated Greyson’s arrogance and tactlessness, he found security in him – a thing that most people could not bestow ever since that one particular incident from his past happened. When Lee detected that Greyson was in great dilemma that could potentially ruin his college life as well as his reputation, he offered something impulsive that even Grey did not consider to come, and that is to be his pretend boyfriend. Will they be able to succeed on this plan considering that they aren’t attracted to guys? Or will they just fall into their own trap considering that a person is not exactly falling for the gender?

whatrwerds · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
24 Chs

Found and Lost

"That was six years ago. Move on na, friend," naka-grimace na bigkas ni Mathias habang ngumunguya ng maruyang binili niya lang sa tapat ng office namin. Who would have thought that we are still connected after all the chaos that happened between us? At isa pa, sino ang mag-aakala – na sa lahat ng tao – ay magiging events organizer kaming dalawa.

"Alam mo nga ang sabi sa kanta na, "How can I move on when I'm still in love with you?" Gan'on ang nangyayari riyan kaya hayaan mo na siya," sagot naman ni Kendra, ang assistant niyang nuknukan ng daldal.

Tumaas ang kilay ni Mathias habang tinitigan niya ng masama si Kendra. "Tinatanong ba kita?"

Napatigil naman si Kendra sa kanyang pag-ngiti at napalitan ito ng pag-frown.

"Ano ba? Palagi na lang kayong nagkakainitan ng ulo sa harap ko. Tigilan niyo na nga iyan! At isa pa, huwag niyo na lang ako pansinin. Naalala ko lang talaga siya dahil diyan sa laruan mo," ika ko naman sa kay Kendra bago ko itinuro ang Funko Pop na laruan niya sa kanyang desk.

I kept his Funko Pop toys for two years sa loob ng kwarto ko, but then I realized that the thought of him coming back was hopeless, ayun, itinago ko ang mga iyon at inilagay sa garahe ng bahay namin.

"Pero 'yong totoo, friend, hindi ka ba nagwa-wonder kung kumusta na ang hinayupak na iyon?"

Naghihintay man ng sagot si Mat galing sa akin ay wala akong inimik. Ang sabi ng mga tao ay nasa Siargao daw si Lee, naging tourist guide at cook. Ang sabi naman ng iba ay naging choreographer daw siya para sa mga hiphop dancer na nagku-contest sa kani-kanilang mga barrio. Ang sabi naman ng iba ay pumunta na raw siya ng Korea at naging waiter sa isang restaurant. Marami ang mga haka-haka at mga tsismis na pinagsasabi sa akin simula nang nawala siya, pero ni isa roon ay wala akong pinaniwalaan dahil mas kilala ko si Lee kesa sa kanila.

"Greyson, kung nandito ka man, pakigalaw ang baso."

Nabalik ako sa aking ulirat kaya ko ihinagis ang throw pillow na hawak-hawak ko kay Mathias. "Gago ka talaga. Ang dami mong alam. Epekto ba iyan ng may jowa?"

"Siguro," nakangisi niya namang sagot sa akin. "Pero I'm sure na hindi ka makaka-relate kasi takot ka pa rin sa commitment."

Natahimik ang buong room nang sinabi ni Mathias iyon kaya nagdali-dali siyang pumunta sa akin at tsaka siya humingi ng paumanhin. "It was just a joke," dagdag niya pang bigkas.

"Iyan kasi, Mathias, ang daldal mo. Alam mo namang hindi pa naka-move on iyan sa the one that got away niya, e, sinabihan mo pa na takot siya sa commitment. Kahit na totoo iyan, masama pa rin iyan," nakangusong sabi si Kendra sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil kasi siya man ay nagiging insensitive na rin.

"Alam mo, Kendra, minsan napapaisip ako na maghanap na lang ng bagong assistant dahil diyan sa bunganga mo," pagbubulong ni Mathias sa gilid ko habang hinihimas niya ang aking likod. "At ikaw naman," nakangusong turo niya sa akin, "Kailan mo ba kasi sasagutin iyang manliligaw mo?"

"Never," I told him.

"Gwapo naman iyong si Griffin, a, at isa pa, mukhang mala-"

"Mathias, ang bunganga mo!"

Ngumisi si Mathias at tsaka siya nagsalita. "Patapusin mo muna kasi ako. Mukhang malapit na kayo sa isa't isa. Noong isang araw nakita kong binigyan ka niya ng bouquet of flowers dito sa office."

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko dahil sa ibinigkas niya. "Ay iba siya," biglang usal naman ni Kendra habang nagpupumilit na hindi tumawa. "Iyong kaibigan nga natin, magli-limang taon nang nasa relationship pero hindi ko nakitaan na binigyan ng bouquet of flowers ni amboy, pero ikaw? Iba nga."

"Greyson, ang lalaking masikip," natatawang sagot naman ni Mathias. Tumawa na rin si Kendra kaya mas lalong uminit ang mukha ko.

"Ang babastos ninyong dalawa. Wala lang naman iyong mga bulaklak na iyon," ika ko sa kanilang dalawa. Tumalikod na lang ako at baka mapaghalataan nilang namumula na ako sa mga pangungutya nilang dalawa.

"Platonic relationship lang naman pala e," pangungutya ulit ni Kendra. "Ano iyon, may dapat ba tayong paglamayan?"

"Iyong virginity siguro ni Greyson," biglang sagot ni Mathias sa kanya. "Isinuko mo no ba ang bataan, friend?"

"Ewan ko sa inyo. Imbes na 'yong client natin ang pagka-abalahan natin, 'yong buhay ko ang inaatupag ninyong dalawa."

Mathias grimaced. "What time ba tayo makikipag-meet sa kanya?"

"Mga late afternoon daw. Kailangan by 2:30 umalis na tayo rito para hindi tayo ma-late," I answered.

"Kendra, mag-prepare ka na at baka ma-late na naman tayong tatlo sa meeting natin. Last time, muntik nang umatras ang client natin dahil sa kakuparan mo," direkto niyang utos sa kaibigan naming nakahiga na ngayon sa sofa sa isang sulok. Si Kendra naman ay napa-buntong hininga na lang at tsaka siya sumagot ng, "What's preparation? I am always prepared."

"But your parents weren't when they made you," sarkastikong sagot naman ni Mathias sa kanya na kinatawa ko. Actually, kahit ako ay natutuwa sa pagiging sassy ng kaibigan ko. Nahawa na nga talaga siguro siya sa mga kaibigan namin sa Liesel University – especially kay JM.

By four in the afternoon ay andito na kami sa diner na pagmi-meetingan namin ng aming bagong client. As what Mathias labeled, our new client is one of the most influential fashion journalists here in the Philippines nang papunta kami rito. Nang tinanong naman ni Kendra kung ano ang kanyang pangalan ay hindi sumagot si Mathias sa kanya.

Ngayon ay nakatunganga lang kaming dalawa ni Kendra rito habang si Mathias naman ay kinakausap ang client namin. I must say that she looked beautiful in her red velvet dress and white handbag. Simple lang ang kanyang suot but she managed to look captivating in it. I guess that's what makes her famous in the field of fashion.

Nang na-notice ng kaibigan namin na naa-out of place na kaming dalawa rito ng assistant niya ay inintroduce niya kami sa kanya. "By the way, Heather, this is Greyson, one of my closest friends and a co-worker as well, and this one is Kendra, my gorgeous assistant," ika niya sabay flinch. Si Kendra naman ay tumingin lang sa kanya ng masama bago siya bumeso kay Heather.

Umupo kaming tatlo to talk about our project, pero ang gusto ni Heather ay hintayin muna namin ang kanyang kasama so that we can formally discuss about it. I shyly asked Heather if she's going to get married soon, and although she just smiled at me at first, she reservedly showed us her diamond ring with a smile on her face.

We also smiled because of how happy she looked like. Parang napaka-contagious ng kanyang presence kaya ang apat sa amin ay agad na nag-click.

"So, who's the lucky guy?" tanong ni Mathias sa kanya bago siya kumuha ng isang scoop ng banana split na inorder ni Heather para sa amin. Kumuha na rin ako ng scoop pagkatapos niya.

"Speaking of the devil," said Heather while she was waving her left hand at someone. When I finally got to see her fiancé, I almost choked on the banana that I was eating.

It was him – and he was surprised to see me as well.

"Guys, I want you to meet my fiancé, Lee" said Heather in an elated tone. Everything was still blurry from that moment. Parang nagslu-slow motion ang lahat ng pangyayari, but not in a good way. Parang kabaliktaran ng nasa pelikula.

I wanted to punch him in the face, but I couldn't. "Calm down," pagbubulong ni Mathias sa tenga ko while he clutched my hand. Sa tono ng kanyang boses, kahit siya ay nagagalit din.

I waited for this moment to happen for six whole years – pero hindi sa ganitong paraan.

"Hi," nahihiya niyang bati sa amin bago siya lumapit kay Mathias at yumakap sa kanya. Yumakap din siya kay Kendra nang ilang segundo at pagkatapos n'on ay akmang yayakap din siya sa akin pero umiwas kaagad ako. Nagpumilit lang ako nang pagngiti sa kanya para hindi mahalata ng kanyang fiancé ang tensyon na namamagitan sa aming dalawa.

"Shall we talk about our wedding now?" maligalig na tanong ni Heather bago niya hinawakan ang braso ni Lee at tsaka sila umupong dalawa. Umupo na rin kami nina Mathias at Kendra para pag-usapan ang kasal nila even though the idea of it is like swallowing a bitter pill.

"So, kelan niyong balak ikasal?" tanong ni Mathias kay Lee.

Lee looked at me for a moment before he answered him. "Within three months sana."

"Are you sure about that? Bakit parang ang bilis naman? Ayaw niyong ipa-late pa ang kasal? Baka may unfinished business pa kayo some...where," nakangiting sagot naman ni Mathias sa kanya. Napabuntong-hininga na lang si Lee sa mga tanong ng kaibigan ko sa kanya bago siya sumagot ulit.

"Kung pwede nga lang bukas papakasalan ko na siya, e," sarkastikong sagot naman ni Lee na ikinatuwa ni Heather.

"You are so sweet," sagot ng kanyang fiancé before she kissed his left cheek.

Inaamin kong nagsi-selos ako sa kanilang dalawa. Hindi ko maiwasang isipin na ako dapat ang nasa posisyon ng babaeng nasa harap ko, pero wala akong masisisi rito kung hindi ang sarili ko lamang. After all those years that he left me, wala akong ibang ginusto kung hindi ay bumalik siya sa akin while he was probably enjoying himself with Heather.

"Sabi mo eh," ika naman ni Mathias bago siya tumawa. Nakitawa na rin kami ni Kendra para mawala ang awkwardness ng nangyayari rito sa apat na sulok ng mesang pinagsasaluhan naming lima.

"As a fashion journalist, I need to travel a lot to get to know the trends from other countries firsthand. Kumbaga limitado lang talaga ang oras ko para sa ibang bagay even though I wanted to help you prepare for this wedding. But don't worry, since si Lee naman ay maraming oras, siya na ang bahala sa inyo to organize our wedding kapag wala ako rito sa Pilipinas," masayang sabi ni Heather sa aming tatlo. "Right, babe?"

"That's right," nakangising sagot naman ni Lee sa kanya.

Babe. How original. Gusto kong sabihin sa fiancé niya na mas nauna ako sa pagtawag kay Lee ng babe, but then I realized that I have no business now to say that since we're mere strangers again.

"Kakayanin niyo ba ang three months? Pwede naman kaming mag-adjust ng four or five months para sa inyo," ika ulit ni Heather, pero sumagot naman kaagad si Lee na kakayanin dapat namin ang three months since ang mahal ng ibinayad nila sa amin.

"Walang hiya ka," narinig kong bulong ni Mathias sa tabi ko habang nagpupumilit na ngumiti sa kanilang dalawa.

"Like I said, I wanted this wedding to happen as soon as possible, so kailangan you are flexible to what we want, right?" Lee asked us in a sardonic manner. While I was staring at him, I could not help but to notice that he didn't age a bit. Meron lang differences sa kanyang pananamit, sa haba ng kanyang buhok, sa tattoo niya sa kanyang kamay, pero maliban sa mga iyon ay wala namang bago sa kanya.

Though I would not include his attitude kasi halata naman siguro na mas naging mayabang na siya hindi katulad dati na aloof at standoffish lang siya.

"Kayo ba ay wala pang mga asawa? Greyson, are you seeing someone?" biglang tanong ni Lee sa akin. Akmang sasagot na sana ako nang inunahan na ako ni Mathias.

"He's seeing someone, and you know what? Ang saya lang dahil pagkatapos nang nangyari sa kanya dati ay may tao pa palang kayang ipaglaban ang kaibigan ko kahit na bisexual siya. Bihira lang kasi ngayon ang mga taong ipinaglalaban ang kanilang mga mahal. Iyong iba nga aya umaalis na lang bigla kasi ang duduwag nila."

Lee laughed at what he said. "May mga rason naman kasi siguro kaya sila nagdesisyon na umalis."

I sighed heavily as I listened to their conversation. Ako itong inagrabyado pero parang si Mathias ang galit na galit. Kahit si Heather ay nakatingin lang sa amin as she mouthed the word sorry to me.

"It's okay," I casually replied to her. Ilang mga minuto pa silang nakikipagtalo nang may tumawag sa cell phone ni Heather at tsaka siya nagpaalam na kailangan daw siya sa kanilang office para sa isang urgent na meeting.

"Iwan ko muna kayo kay Lee. And babe, please be kind to them," she said before she kissed him on the lips. Napayuko na lamang ako sa aking nakita.

Nang makaalis na si Heather ay natahimik kaming apat. Kahit siguro si Kendra na walang alam sa nangyayari ay napaghalataan na may tensyon sa aming tatlo nina Mathias at Lee kaya hindi rin siya umiimik. It took us about fifteen minutes to finally decide to go home.

"Maybe we can talk about this in another time. Kailangan pa naming i-process ang lahat-lahat," ika ni Mathias kay Lee with a blasé look on his face.

"Sige," malamig na sagot naman ni Lee sa kanya.

*****

Nang nasa loob na kami ng sasakyan – ako na nasa backseat, si Kendra na nasa passenger's seat, at si Mathias naman na nasa driver's seat – ay nakita namin si Lee sa kalsada na galit na galit habang naghihintay ng masasakyan.

"Client natin iyon, a," ika ni Kendra kay Mathias. "Pasakayin na natin iyan at baka mabudol pa. Mukhang foreigner pa naman."

"Mukhang foreigner?" masungit naman na sagot ni Mathias sa kanya. "At ayoko nga. Hindi kasama sa binabayad nila ang gawin nila akong driver, ano."

Sa nakikita ko sa salamin ay tinititigan siya nang masama ng kanyang assistant. "Kanina ko pa na-notice na parang malaki ang galit mo sa lalaking iyan. Ano ba ang kasalanan niyan sa iyo?"

Napabuntong-hininga si Mathias bago siya sumagot kay Kendra. "Sa akin wala. Sa kaibigan natin diyan sa likod, meron."

"Holy mother of... Siya 'yong ex mong iniwan ka nang walang sabi?!"

Hindi pa rin ako makasagot dahil sa halu-halong nararamdaman ko. Para bang nabahiran ng pagkamanhid ang buo kong katawan noong nakita ko siya ulit, at kahit na itulog ko pa ito ay alam kong hindi pa rin ako mapapanatag.

"Greyson, if you don't want to contribute to this project, okay lang sa amin ni Kendra," Mathias mimed gradually. Hindi pa rin ako sumagot sa kanya.

"Or kung gusto mong mag-quit tayo sa project na ito, okay lang naman sa amin ni Kendra..." dagdag pa niyang sabi sa akin.

"No," I said. "Ituloy natin ang proyektong ito. Gusto kong maging parte ng kasal niya kahit na hindi ako ang kasama niya sa altar."

Nakita ko sa salamin kung paano lumaki ang mga mata ni Mathias pagkarinig niya sa sinabi ko. Si Kendra naman ay walang ikinibo at nakatingin pa rin siya sa gilid nang kalsada kung nasaan si Lee.

"Hindi ka nagsi-selos?" casual na tanong ni Kendra sa akin.

"Wala akong karapatang magselos dahil hindi naman kami," I lied to them before I smiled bitterly.

Biglang lumakas ang pagbagsak ng ulan kaya walang nagawa si Mathias kung hindi ay sundin ang kanina pang utos ni Kendra sa kanya na pasakayin na si Lee sa sasakyan niya. Nagkataon na usad-pagong din sa kalsada dahil rush hour kaya hindi pa kami masyadong nakalayu-layo kay Lee.

Tinawag ni Kendra si Lee mula sa kanyang kinauupuan at tsaka naman nagdali-dali ang isa na pumasok nang sasakyan. Huli na when he found out that he was sitting beside me.

I pretended that the road was the most fascinating thing to look at kahit na natatabunan nang ulan ang glass ng sasakyan. Wala ring ikinibo sina Mathias, Kendra, at Lee sa ilang minuto naming pagsasamang apat dito sa loob ng sasakyan ni Mat.

"Magpa-music na lang tayo," ika ni Kendra bago niya ini-on ang radyo. When the music started to play, biglang bumilis ang pagpintig ng puso ko dahil hindi ko inasahan na iyon ang musikang maririnig ko.

"From this day on, now, and forevermore, you'll be in my heart no matter what they say."

"Kendra, thwart the music, please?" I immediately requested her after I heard that line. Sa lahat nang pagkakataon, sa ganitong momento ko pa talaga maririnig ang kantang iyan.

Wala nang sinabi pa si Kendra nang inilipat niya sa ibang channel ang radyo, and from that moment on, napamura na ako dahil pinaglalaruan siguro ako ng tadhana.

It was a LANY song – the one that I overplayed when I was recovering from a heartbreak.

"It's your favorite band, Greyson," biglang sabi ni Lee sa akin. I didn't look at him, but I casually nodded my head as a response.

"Akala namin ay namatay ka na," sarkastikong sabi ni Mathias from the driver's seat.

Lee laughed at him, pero hindi na siya sumagot pa.

"Alam mo ba 'yong perwisyong idinulot mo nang hindi ka nagpaalam sa amin na aalis ka na? Tapos ngayon we found out na ikakasal ka na pala? Para kang gagong ama na kusang tatakbo na lang."

"Mathias," seryoso kong sabi sa kaibigan ko nang marinig kong napabuntong-hininga si Lee sa gilid ko.

"I had my reasons, Mathias," Lee answered him with a husky voice.

"Care to explain to us your valid reasons, Sang Woo Lee?"

"Not here and not now."

"If you say so. We'll have three more months to talk this out, right?" sagot naman ng kaibigan ko sa kanya. Hindi na sumagot pa si Lee sa tanong ni Mat. Nang 'di nagtagal ay pinahinto niya ang sasakyan.

"Mat, pwede bang hintayin niyo muna ako rito? May susunduin lang ako," he asked.

"Sige," as what my friend indifferently responded.

Nang makababa na si Lee ay nagkagulo na sa loob ng kanyang sasakyan. Sina Kendra at Mathias ang panay bitaw nang mga mura dahil sa inaasal ni Lee habang ako naman ay pinapatigil silang dalawa sa pagsasalita.

"Ano ang okay lang, Greyson? Huwag mo ngang linlangin iyang sarili mo. It took you years to forget that guy at sa nakikita ko, he did not even feel that he was sorry of what he did to you. Parang confident pa nga siya sa ginawa niya sa'yo."

"It's okay to be vulnerable sometimes," Kendra chimed in. "Tao ka kaya may karapatan kang magpakatao kahit paminsan-minsan man lang," she added.

"Pero gaya nga ng sinabi niya kanina, not here and not now. I don't want to look miserable in front of him. I wanted him to know that I am happy without him kahit na hindi naman iyon ang totoo," I responded to them habang pinipigilan ang sarili ko sa pag-iyak.

"Yeah, you're right. Basta kapag handa ka na, andito lang kami ni Kendra para sa iyo. I can call JM, Vaughn, and Kiko as well," said Mathias. "God, if I can hug you right now, gagawin ko na kaso naka-seat belt ako ngayon," he added before the three of us laughed.

Nang makabalik na si Lee ay may kasama na siyang bata na naka-uniform. The girl that he was carrying highly resembles to him kaya mas lalong bumigat ang sakit sa dibdib ko.

"Guys, this is Junsa, my daughter."