webnovel

Chapter 73

Matapos ang tagpong iyon sa pagitan ng mag-amang Alejandro at Rimo ay mabilis na tinungo ng una ang silid na kinaroroonan ni Allena. Sa pagbukas ng pinto ay agad niyang nakita ang mga ito na tahimik na naghihintay sa loob.

"Sumama ka sa akin Allena." may awtordad na utos ni Alejandro sabay hatak kay Allena. Napapaluha na lamang siya sa sakit dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa kaniyang braso. Akmang lalabas sila ng silid ay isang sundalo ang humarang sa kanila ngunit mabilis itong nabaril ni Alejandro. Agad niyang kinaladkad papalabas si Allena at naiwang umiiyak ni Allyana na noo'y hind pa gaanong makalakad.

"Bitiwan mo 'ko Alejandro!" Sigaw ni Allena hapag pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Alejandro. Tila bingi naman si Alejandro dahil hindi ito umiimik, bagkus ay patuloy lamang nitong hinatak si Allena patungo sa isang makipot na daan. Noon lamang ito nakita ni Allena at napagtanto niyang isa iyong lihim na daanan na ipinasadya nito para sa mga ganitong sitwasyon.

"L*ntik na Rimo yan, nagawa akong gag*hin." Galit na bulalas ni Alejandro, pagkuwa'y itinulak nito si Allena sa dingding ng pasilyo at tinutukan ng baril.

"Kung wala din naman akong mapapala sayo, mas mabuti pang mamatay ka na lang, nang sa gano'n ay hindi ka rin mapakinabangan ni Liam." gigil na wika nito habang isini-sentro ang barilya sa noo ni Allena.

"Baliw ka na Alejandro, mapat*y mo man ako ngayon, hindi mo pa rin makukuha ang gusto mo. Kung alam lang namin na ganyan kaitim ang budhi mo hindi ka na sana namin pinatuloy sa bahay namin. Sinira mo ang buhay ng mga kapatid ko. Dahil sa iyo ay nagkawatak-watak ang mga pamilya namin. Napakarami mo nang pinat*y, napakarami mo nang pinagdusa. Hindi ka pa ba nakokosensya?" matapang na hinarap ni Allena ang baril na anasa ulo niya. Walang kakurap-kurap niyang kinausap si Alejandro upang sana ay pagbaguhin na ito. Subalit sa nakikita niya ay wala na itong pag-asa pang magbago.

"Konsensya? Matagal na iyang naglaho sa akin Lena. Buhat nang nagpakasal ka kay Liam, bakit siya? Ako ang mas nauna mong nakasama, higit kang mas malapit sa akin noong una. Pero bakit nang dumating siya ay nagbago ang lahat? Puro na lang si Liam, wala kang ibang bukambibig kun'di si Liam. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkaganito ako, ikaw ang may kasalanan kung bakit nasira ang buhay ng mga kapatid mo." Puno ng hinanakit na sumbat ni Alejandro, nanginginig ang mga daliri nitong nakahawak sa gatilyo habang nanlilisik ang mga mata niyang bakas ang matinding galit para kay Allena.

"Kung sa tingin mo ay kasalanan ko ang lahat, sige kalabitin mo ang gatilyo. Patay*n mo ako kung ito ang magpapalaya sayo." Hamon ni Allena, wala na din naman siyang rason para pakisamahan pa ito, kung kam*tayan ang sagot para makalaya siya sa kasakiman ni Alejandro ay mas nanaisin na lamang niyang mam*tay kisa ang makasama pa ito sa buhay.

"Gusto mo nang mam*tay?" Nakangising tanong ni Alejandro. Marahas nitong hinawakan ang kaninang panga ang pinisil iyon. Ramdam ni Allena ang sakit kaya mabilis siyang nagpumuiglas subalit dahil sa lakas ng lalaki ay wala siyang magawa kun'di ang mapaluha na lamang.

"Nagbago na ang isip ko, hindi muna kita kikitilan ng buhay dahil nais ko pang makita ang mahirapan ka habang dahan-dahan kong pinap*tay ang anak mo." Gigil na wika ni Alejandro. Nanlaki naman ang mata ni Allena sa narinig. Ang buong akala niya ay matagumpay na naitakas ito ng babaeng inutusan niya sa lugar. Paanong kaya pa rin siyang pagbantaan ni Alejandro ng kaligtasan nito.

"Nagulat ka ba? Oo, hawak ko ang anak mong babae. Nakakatuwa, dahil sa aking paghahanap sa anak ni Allysa ay doon ko din pala matayagpuan ang anak mong itinakas mo. Para silang pinagtagpo ng tadhana at nagsama para lang mahuli ko sila ng sabay." Saad ni Alejandro saka nakakalokong tumawa ng malakas. Sa pagkakataong iyon ay lalong napaluha si Allena, nagpatakan sa kanyang mga mata ang mga luhang ilang taong din niyang tinikis.

"Hay*p ka Alejandro. Wala kang kasing sama! Bakit ba ayaw mong lubayan ang pamilya ko? Nananahimik na sila, ano pa ba ang gusto mo?" Allena asks in frustration. Her anguish and frustration doubled because of her worries for her daughter. She wasted half of her life staying in this stup*d place. Ni hindi niya nakitang lumaki ang mga anak niya.

"Masama? Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging masama! Ikaw at ang magaling na si Liam. Isama mo na din ang dalawa mong anak na hindi na dapat nabuhay pa. Kayo ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Alam mo ba kung bakit namatay ang Daddy niyo?" Tanong nito at nanalaki ang mata ni Allena. Ang alam niya ay namatay sa sakit sa puso ang kanilang ama dalawang taon matapos ang kaniyang kasal kay Liam.

"Anong ginawa mo?" Nanginginig ang mga kamay na tanong ni Allena kay Alejandro, wala na ding tigil sa pagtulo ang luha niya dahil malakas ang kutob niya na ito ang puno't dulo ng kamatay*n ng kaniyang ama.

"Pinigilan niya akong kunin ka. Pinigilan niya akong pigilan ang kasal mo kay Liam, nilason ko siya. Wala siyang kamalay-malay dahil ako pa rin ang masunurin niyang ampon. Paunti-unting kinakain ng lason ang buhay niya. Doon nagsimula ang lahat Lena. Kaya kasalanan mo ang lahat. Kung hindi ka nagpakasal, masaya sana tayo ngayon. Buhay pa sana ang daddy niyo. " Tumatawang sagot ni Alejandro. Napasigaw naman si Allena at marahas na pinaghahampas si Alejandro ng kaniyang mga kamay.

"Dem*nyo ka, itinuring kang tunay na anak ni Dad." Galit na sigaw ni Allena. Nanginginig ang boses niya at habol-habol na niya ang kaniyang paghinga dahil sa pag-iyak.

Akmang sasampalin siya ni Alejandro ay nahinto ito dahil sa pagtama ng isang matigas na bagay sa kaniyang ulo, dahilan para mapaatras ito. Marahas niyang nilingon ang pinanggalingan ng bagay na iyon at nakita niya si Mira na pinalilibutan ng naglulutangang bagay. Matalim ang mga matang nakatitig ito kay Alejandro habang nakaangat ang isang kamay nito sa ere.

"Bitawan mo si Mommy. Alejandro, hinding-hindi kita mapapatawad kapag sinaktan mo siya. " Seryosong wika ni Mira, muli niyang ikinumpas ang kamay ay bumulusok patungo kay Alejandro ang isang bote at saktong tumama ito sa kaniyang kamay. Nabasag iyon at ang iilang mga butil ay marahas na tumusok sa kaniyang palad.

Malakas na sigaw ang pinakawalan ni Alejandro dahil sa matinding sakit na kaniyang naramdaman.

"Katulad ka rin ng ama mong pakialamero." Nagngingitngit sa galit na bulyaw ni Alejandro at pinaputukan ng baril si Mira ngunit bago pa man niya makalabit ang gatilyo ay tumusok naman sa kanang palad nito ang isang scalpel na tumagos sa likod ng palad ni Alejandro. Nabitawan niya ang baril at walang tigil siya sa pagsigaw.

Kinuha ni Mira ang pagkakataon at mabilis na tumakbo papalapit kay Allena at hinatak ito papalayo sa lalaki.

"Sumuko ka na Alejandro, ang buong lugar na ito ay napapalibutan na ng mga sundalo. Lahat ng mga tauhan mo ay nahuli na at iakw na lang ang natitira, wala nang tutulong sayo." Saad ni Mira. Hindi naman umimik si Alejandro bagkus ay nagsisigaw lang ito na parang baliw habang nanlilisik ang mga matang nakatitig sa mag-ina.

"Napakarami na ng kasalanan mo. Wala ako sa lugar para parusahan ka, pero dahil alam ko ang lahat ng ginawa mo sa mga taong nandito at sa mga taong namayapa na, may iiwan akong magandang regalo sayo." Wika ni Mira bago ito nilapitan. Wala namang nagawa si Allena nang maglakad ito papalayo sa kaniya. Napatitig lamang siya sa dalagang tumawag sa kaniya ng mommy. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Napakabilis ng tibok ng puso niya. Nais nkya itong yakapin subalit hindi pa iyon ang tamang oras.

"Ibabalik ko sayo ang alaala ng lahat mga taong sinaktan mo at tinanggalan mo ng pagkakataong mabuhay dito sa mundo. Buong buhay mo silang aalalahanin at hinding-hindi ka nila papatatahimikin hanggang sa kahuli-hulihan ng iyong hininga. "Malamig ang boses na wika ni Mira at hinawakan ito sa ulo. Dahil sa wala nang silibi ang mga kamay nito ay wala itong nagawa ng sapilitan siyang iharap ni Mira. Napatitig lamang si Alejandro sa mga mata ng dalaga at nakita niyang nagliwanag ito at isa-isang nanumbalik sa alaala niya ang mga taong namat*y sa kaniyang mga kamay. Ni hindi niya namalayang hindi na siya hawak ni Mira at tuluyan na itong nakalayo sa kaniya. Habang siya ay naiwang nakatingala at nakatulala sa kawalan na may takot, sindak sa kaniyang mukha.

"Anong ginawa mo sa kaniya?" Tanong ni Allena at napangiti si Mira.

"Inihatid ko lamang siya sa kaniyang karma, tayo na po, naghihintay na sila sa atin." Wika ni Mira at hinawakan ang kamay ni Allena. Tahimik nilamg tinahak ang mahabang daan pabalik sa silid na kinaroroonan ni Allyana. Kasalukuyan na itong inaasikaso ng mga sundalo at iniaangat patungo sa isang stretcher.

"Yana!" Patakbong nilapitan ni Allena ang kapatid at ginagap ang kamay nito.

"Lena, ligtas na ba tayo? Wala na si Alejandro?" Naluluhang tanong nito. Bakas pa din sa mukha nito ang pagod at ang mga pagpapahirap sa kaniya.

"Ligtas na tayo Yana. Hindi ka na masasaktan ni Alejandro. Pangako yan." Hindi mapigilan ni Allena ang hindi mapaluha. Hinalikan niya sa noo si Yana bago ito tuluyang kinuha ng mga sundalo.

"Saan nila dadalhin ang kapatid ko?" Tanong ni Allena.

"Mom!!!" Tawag ni Gunther at biglang napatulala si Allena sa binatang tumawag sa kaniya. Saglit siyang natigilan bago niya ito tuluyang maalala. Gunther had a striking similarities to Liam when he was younger, and you can say that Gunther is his exact replica.