webnovel

CHAPTER 13

"What's the matter?"

Mula sa pagkakayuko ay nagtaas ako ng tingin para tingnan si Lele. Nandito kami sa restaurant ng kaibigan niya. Halos isang oras na yata kaming nandito pero hindi man lang nabawasan ang pagkain sa plato ko.

"Nothing..." Ayoko nang sabihin kay Lele ang totoo dahil baka makarating iyon sa daddy ni Tranz. Hangga't maaari kasi ay gusto kong ayusin namin ni Tranz ang kung ano mang gulo sa pagitan namin.

Desisyon naming dalawa ang magpakasal kaya nararapat lang na kapag may gulo sa pagitan naming dalawa, kami lang din ang aayos.

Paano kung buo na ang desisyon niyang hiwalayan ka, Mina? May magagawa ka pa ba?

Pilit ko mang kalimutan ang narinig kong pag-uusap ni Lily at ng asawa ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko.

Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan ko. Nakakapagod palang i-meet ang expectations ng ibang tao lalo na kapag ang gustong magpa-impress ay isang simpleng katulad ko. I'm not that beautiful lalo pa kung ikukumpara ako kay Lily, dahil kahit pa nagtatrabaho lang sa club si Lily ay maganda ito at sexy pa. Kaya napakadali lang para sa kanya ang mang-akit ng lalaki kahit na may asawa na ito, katulad na lang ni Tranz.

"Ayaw mo ba ng pagkain dito?" tanong ulit ni Lele. Kita sa mukha niya ang pag-aalala habang nakatingin sa akin.

"Ah. Busog pa kasi ako, eh. Pasensya ka na," pagdadahilan ko. Ang gusto ko na lang ngayon ay umuwi at magpahinga. Wala pa man kasi akong ginagawa ay patang-pata na ang katawan ko.

"Crazy." Tumawa siya. "Bakit ka nagso-sorry. Okay lang, ano ka ba? So, mamili na lang siguro tayo?"

"Mas mabuti pa nga."

Sabay kaming tumayo at lumabas na ng restaurant. Marami ang nagtitinganan sa gawi namin lalo pa at sikat itong si Lele.

Papasok na kami sa boutique kung saan makakabili ng mga gamit para sa bata nang may ma-spot-an akong pamilyar na bulto.

"Lily?" anas ko. What the fuck are you doing here?

Nakasuot ang babae ng crop top kaya kita ang nakalantad nitong katawan. Maiksi naman ang suot nitong short kaya kita na ang kuyukot nito. Ang buhok nitong hanggang baywang ang haba ay bagong bleach kaya nagmistula itong foreigner. Sa likuran ng babae ay nakasunod ang mga kabinataan na halatang natutukso sa alindog ng babae.

Para namang nananadya ang pagkakataon dahil sa harapan ko lang ay ang glass wall nitong boutique. Napatingin ako sa repleksiyon ko at hindi ko naiwasan ang mapangiti nang mapait. Kahit kasi hindi pa kalakihan ang tiyan ko ay nakasuot na ako ng maternity dress na abot hanggang binti. Ang buhok ko naman ay nakapusod at may ilang hibla pa ang nakawala kaya medyo magulo ang buhok ko. At dahil kamakailan lang ako nakabawi ng tulog ay klaro pa ang pangingitim sa ilalim ng mata ko. Dinaig ko pa ang 40 years old sa hitsura ko ngayon.

"Mina, okay ka lang ba?" Tinapik pa ako sa balikat ni Lele kaya napalingon naman ako sa kanya. Tumango ako.

Papasok na sana ako sa boutique nang sa west wing nitong mall ay nakita kong naglalakad si Tranz!

What the fuck! What the fuck are you doing here, Tranz?!

"Halika na." Hinila ako ni Lele papasok ng boutique kaya wala na akong nagawa kung hindi ang magpatianod sa kanya.

Sa isip ko ay gusto kong komprontahin si Tranz pero kapag babalakin ko na ay nakakaramdam na ako ng panghihina. Ni ang ihakbang ang mga paa ko papunta sa kanya ay hindi ko magawa.

"Wait here, Mina. I have to take this call..." Inangat ni Lily ang kamay niyang may hawak na cell phone kaya tumango ako.

Napapikit ako nang mariin at napahawak sa dingding nitong boutique dahil sa naramdaman kong hilo. Umiikot ang paningin ko at naduduwal ako.

"Are you okay, Miss?" May kamay na humawak sa akin sa aking braso. Lalaki iyon kahit hindi ko tingnan dahil sa boses nito. Gusto ko man siyang tabigin pero hindi ito ang tamang oras para pairalin ko ang pagiging Maria Clara dahil sigurado na mabubuwal ako kapag binitawan niya ako.

"H-help me, please..." pakiusap ko rito habang nakapikit pa rin.

Naramdaman ko ang kamay nito sa tagiliran ko, habang ang isang kamay nito ay nakaalalay sa kamay ko.

"Dahan-dahan lang, Miss..."

Hindi ko na itinama ang naging pagtawag niya sa akin dahil sa sama ng pakiramdaman ko. Katulad ng sinabi niya ay dahan-dahan akong naglakad hanggang sa inalalayan na ako nitong maupo.

Halos ilang minuto rin akong nanatiling nakapikit hanggang sa makaramdam ako ng ginhawa. Iminulat ko ang aking mata at tumambad sa paningin ko ang mukha ng alaking tumulong sa akin.

"Have some water, Miss..." Inabutan niya ako ng bottled water. Tiningnan ko siya dahil nag-aatubili akong tanggapin ang tubig na inaalok niya. "Don't worry. That water is safe. Naka-seal pa iyan kaya nasisigurado ko sa iyong hindi ko pa iyan nabawasan." Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano.

Nasaan na ba si Lele?

Atubili man ay inabot ko pa rin ang tubig at tinungga iyon. Halos mangalahati rin ang nainom ko. At bago ko pa namalayan ay nagdilim na ang paligid ko.

"Aray..." Nasapo ko ang ulo ko nang magising ako. Masakit ang ulo ko at para itong binibiyak. "Nasaan na ba si Lele?" Hindi ko na alam ang nangyari sa akin. "Anong oras na ba?" Sa puntong 'to ay inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kinaroroonan ko at halos mapasigaw ako nang makita ang lalaking nakayakap sa baywang ko!