webnovel

His Good Karma (BL)

Toy always teasing his childhood friend, High because of his smaller height when they were young. Now that they're in high school, he can't accept the fact that the guy he teased is now taller and more famous than him and there is something worse than that... Is it a karma? But why it seems to be good?

xzhxngx · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
9 Chs

Simula

Ang sabi nila kung ano ang ginawa mo sa iba mangyayari rin sa'yo. Karma. Karma ang tawag doon. Para sa akin naman kung hindi mo hahayaang mangyari sa'yo ang ayaw mo mangyari ay hindi naman matutuloy. Kailangan mo lang mag-ingat. At pag-isipan ang mga dapat gawin.

"Hoy liit!" Tawag ko sa kaibigan kong si Righ. Nasa sala siya nag-aantay sa akin.

Pagkalingon na pagkalingon niya sa akin ay kita ko na agad ang malaking ngiti niya. Agad siyang tumakbo papalapit sa akin.

"Hoy Toy! Bilisan mo na at kanina ka pa hinihintay ni High dito! Malelate kayo sa kabagalan mo!" Sigaw ni ate na nasa kusina.

"Oo na..." Sabi ko habang binubutones ang aking polo. "Tara na." Ani ko kay High na nasa tabi ko.

"Kumain ka muna..." Aniya.

"Tss. Narinig mo ba si ate? Tsaka malilate na tayo."

"O, eto. Kainin nyo to habang naglalakad." Ani ate paglapit sa amin. "Dalawa yan, bigyan mo ang cute na cute na si High." Pinisil niya ang pisngi ni High.

Ngumiti si High.

"Kung ako sa'yo, High. Hindi ko aantayin tong bwiset na to." Tukoy sakin ni ate.

Umiling nalang ako saka nauna na naglakad palabas at iniwan sila roon.

"Hoy, Toy!" Sigaw ni ate kaya humarap ako sa kanya. "Huwag kayong tatakbo. Tamang lakad lang. Baka paghabulin mo na naman si High hindi ka na naawa."

"Tss. Kasalanan ko ba kung ang liliit ng hakbang niya?"

Kita ko na ang galit sa ekspresyon niya kaya bago pa niya ako bugahan ng apoy ay lumabas na ako ng bahay.

"Sandali lang, Toy." Narinig kong tawag ni High. "Babye ate Tay!"

Kasalanan ko ba kung hindi ko narinig ang alarm ko kanina kaya tinatanghali ako ng gising? Nakakainis. Umagang umaga sermon agad.

"Bilis mo maglakad!" Ani High hiningal kaunti sa takbong ginawa.

"Liit kasi ng biyas mo." Medyo iritableng sinabi ko. "O..." Inabot ko sa kanya ang hotdog sandwich na hinanda sa akin ni ate Tay.

"S-salamat..."

Tinignan ko siyang parang nagmamadaling naglalakad. Napangisi ako saka nilakihan pa ang hakbang ko. Ngayon tuloy ramdam na ramdam ko ang mabilis niyang paglalakad para makasabay sa akin.

"T-toy... Pwede bagalan mo lang ang paglalakad mo?"

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Pinagpatuloy ang malalaking hakbang. "Mabagal na ito, ah?"

Hanggang balikat ko lang si High. Pareho lang kaming nasa trese anyos ngunit napag-iwanan siya sa tangkad. Madalas ko tuloy siyang asarin dahil doon. Katulad ngayon, alam kong alam niyang aasarin ko na naman siya.

"T-toy naman..." Aniyang parang bata.

Tumakbo ako saka iniwan siya roon. Sakto nang makapunta ako sa bus stop ay may bus ng nakaabang doon. Tinanaw ko si High na medyo malayo layo pa. Bukod sa maliit na nga, madali rin siyang mapagod at hingalin. Napailing nalang ako.

"Ano? Sasakay ka ba?" Ani kundoktor ng bus sa akin.

Kumaway ako kay High saka sumakay na roon. Pagkasakay ko ay agad na itong umalis, naiwan si High na tumatakbo ulit papunta sa akin ngunit huli na ang lahat.

Marami pa akong katarantaduhang ginagawa pa sa kanya. At iyon lang ang isa sa natatandaan ko noon. Hindi ko na alam kung bakit o ano ang mangyari pagkatapos. Basta ang alam ko lang ay napakalayo na ng narating namin pagkatapos noon.

Anim na taon lang naman. Anim na taon lang makalipas ngunit ibang iba na kami ngayon. Lalo na siya! Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggap ang pagbabagong ito.

"T-toy..." Tawag niya sa akin.

Hindi ako sumagot at hinayaan lang siya sa ginagawa. Parang nakukulangan pa siya. Parang may gusto pa siyang gawin.

Nakumpirma ko lang ang gusto niyang mangyari ng binuhat niya ako ng walang kahirap hirap.

Hindi ba iba na siya? Kung noon hindi niya ako kaya, ngayon ay halos wala lang iyon sa kanya. Nagagawa niya ang kahit ano niyang gusto.

Snikop niya ang buong katawan ko saka naglakad. Hinayaan ko pa rin siya. Wala akong laban. Hindi katulad noon.

"Ibaba mo nga muna ako!" Naaasiwa kong sinabi.

"Oh... Okay." Aniya saka dahan dahan akong binaba.

Bumuntong hininga ako saka napatitig sa kanyang dibdib.

"May problema ba?" Tanong niya.

Tiningala ko siya at inis siyang tiniganan. Maya maya ay ngumisi siya ng mukhang nalaman kung ano ang nasa isip ko ngayon.

Agad niya akong sinikop ng yakap. Halos hindi na ako makikita ng kung sino man dahil sa ginawa niya.

"Don't think about it." Aniya kaya tinignan ko siya.

Kung noon tinitingala niya ako, ako naman ang tumitingala sa kanya ngayon.

Ganoon! Ganoon na siya kalaki ngayon!

Maybe that's what you call 'karma'.

Halos mapasigaw ako ng binuhat niya akong muli. Pinagpatuloy ang kanina pang ginagawa. Hinayaan ko lang ulit siya.

Hinayaan ko siya dahil hindi katulad noon na kayang kaya ko siyang takbuhan at takasan nang hindi nakakahabol sa akin. Ngayon ay gagalaw palang ako ay nakukuha na agad niya ako.

Nilapag niya ako sa mataas na lamesa saka tinitigan. Hinayaan ko lang siya bago patuloy niya pang nilaliman ang pagkakahalik sa aking labi.

Kung karma nga ito, siguro ito yung good karma na sinasabi nila.

My first BL. I hope y'all will like it po. Hugs ?

xzhxngxcreators' thoughts