webnovel

His Good Karma (BL)

Toy always teasing his childhood friend, High because of his smaller height when they were young. Now that they're in high school, he can't accept the fact that the guy he teased is now taller and more famous than him and there is something worse than that... Is it a karma? But why it seems to be good?

xzhxngx · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
9 Chs

Karma 5

"Hoy, Toy. Ayus-ayusin mo nga 'yang nguso mo. Nasa harap ka ng pagkain." Narinig ko nalang ang sigaw ni Ate Tay sa gilid ko. "Tigilan mo muna 'yang cellphone, ang aga aga pa niyan."

Umayos ako sa pagkakaupo at sumubo ng pagkain. Hindi maganda ang gising ko dahil sa kakaisip kay High kagabi. Wala siyang sinabi kahit ilang beses na ako nagtanong sa kanya kung ano ang problema niya. Tinignan ko ang cellphone kong puro mensahe sa mga kaklase ngunit walang galing sa kanya.

Naiinis tuloy ako ngayon. Naiinis ako sa kanya! Bakit ganoon siya? Kapag may problema naman siya ay nagsasabi agad siya.

"Hindi ba pupunta ba si High dito ngayon?" Tanong ni Ate Tay.

Napatigil ako sa pagnguya. Oo nga pala pupunta siya ngayon para magreview. Sinamaan ko ng tingin ang pagkain ko, lagot siya sa akin mamaya. Hindi ko siya titigilan.

Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa aking kwarto. Narinig ko ang tunog ng cellphone ko kaya agad kong tinignan.

Drei: Hoy san ka na? Papunta na kami ni rate kina muse!!!!

Napangiwi ako.

Ako: Ge lang

Drei: Anong ge lang? Papunta ka na ba?

Ako: Hindi. Kayo nalang.

Hindi na ako nagreply nang makatanggap ng mura galing kay Drei. Makaligo nga muna.

Pagkatapos maligo ay wala pa ring mensahe mula kay High.

Mamayang alas onse siya palaging pumupunta dahil dito na rin siya pinagtatanghalian ni ate Tay. Alas-nueve palang naman kaya maglalaro muna ako.

Kakaupo ko lang sa harapan ng computer nang kumatok si ate Tay sa pintuan.

"Toy..." Tawag niya.

Maaga kayang pumunta si High? Dali-dali kong binuksan ang pintuan ko.

"Ano ba yan? Umagang umaga naka-lock itong pintuan mo!" Hindi ko na siya pinakinggan at agad ng bumaba sa sala upang salubungin si High.

Pagkababa ko palang ay agad na sumalubong ang nakakairitang mukha ni Drei sa dulo ng hagdanan. Napahinto ako sa pagmamadali at dahan dahang naglakad pababa.

"Oh... Kala ko madadapa ka na kakamadali mo." Aniya saka makahulugang ngumisi sa akin.

Nakarinig ako ng iilang ingay sa sala kaya ng makababa ako at nakita kung sino ang naroon ay agad na pumasok sa utak ko kung papaano ko ililibing ng buhay si Drei mamaya.

"H-hi, Toy..." Nahihiyang sambit ni Muse na agad tumayo sa upuan pagkakita sa akin.

Nagsibati na rin ang mga babae niyang kasama. Nilingon ko si Rate na nasa kusina at may nginunguya na.

Inakbayan ako ni Drei kaya agad kong pinilipit ang kanyang braso.

"Aray! Tulong tulong!" Aniya habang hinahampas ang braso ko. "Raaaaate!!!"

Agad na dumalo si Rate saka kami pinaghiwalay. Magsasalita pa sana ako ngunit natigil lang nang magsalita si Muse.

"Ayaw mo ba kami rito, Toy? Sorry... Sabi kasi ni Drei hindi ka raw makakarating kaya..."

Nilingon ko si Drei na hinihimas ang kanyang braso. Ngumingiwi siya sa sakit pero nakikita ko rin ang tuwa sa mukha niya dahil sa nangyayari ngayon.

"kaya... sinuggest ko na kung pwede dito nalang tayo sa inyo." Tinignan ko si Muse at tumango nalang. May magagawa pa ba ako.

Ngumiti ng malaki si Muse.

Pinapunta ko agad sila sa likod ng bahay namin. Mayroon kaming tambayan sa tabi ng puno roon kaya hindi rin sila maiinitan.

Inilabas ni Muse ang kanyang mga libro, notebook at ballpen kaya ganoon na rin ang ginawa ng mga kasama. Si Rate walang dala kaya tinaasan ko siya ng kilay. Nagkibit balikat lang siya habang si Drei na alam kong walang interes sa pag-aaral ay kumpleto ang dala.

"Dude, kunin mo na gamit mo." Ani Drei.

"Tinatamad akong umakyat, makikinig nalang ako sa inyo." Sabi ko.

Narinig naman iyon ni Muse at mukhang wala namang kaso sa kanya.

Bagot na bagot na ko sa pagrereview pero nakikinig pa rin naman ako. Hindi katulad ni Drei na nilalandi na yung isa naming kagroup mate. Si Rate naman ay nakatingin sa kawalan at mukhang may galit sa mundo.

Tinignan ko si Muse habang nagsasalita. Hindi ko alam kung review ba ito as a group o mini class na ginaganap ngayong sabado. Halos siya kasi ang nagsasalita. Kung ganyan lang ako katalino hindi ako sasali sa group study, magsasarili ako.

Kaya siguro marami ring nagkakagusto sa kanya dahil maganda na at matalino pa. Pero hindi talaga siya iyong tipo ko sa isang babae. Gusto ko maputi at maliit. Siya morena at medyo matangkad.

Natigil lang ang pagtitig ko nang batukan ako ni Drei. Tinignan ko siya ng masama.

"Dude, may tinatanong sa'yo si Muse!" Aniya.

Tumingin ako kay Muse at nakita kong nakatingin na rin pala silang lahat sa akin.

"Dude, wag kang masyadong pahalata." Bulong ni Drei sa akin.

Hindi ko nga alam kung bulong ba iyon dahil narinig din naman nilang lahat. Wala akong magawa kundi samaan lang siya ng tingin. Lagot talaga siya sa akin mamaya.

"Ah... T-toy... Tinatanong ko lang kung naalala mo ba iyong lesson natin sa math, iyong sa geometry expressions..."

"Ah... Ayon?"

Tumango ako at sinagot iyon. Pasimpleng pumalakpak si Drei.

"Grabe akala ko hindi ka nakikinig kay Sir Auto. Ang bilis bilis magturo sa math noon."

"Ang sabihin mo natutulog ka lang sa klase!" Sabi ko sa kanya.

"Hindi ano..."

"Iexplain mo nga nito." Sabi ko sabay turo sa libro niyang nakabukas.

"Ano ba ito?" Tinignan niya ang kanyang libro. "Rate, ikaw na mag-explain tinatamad ako."

Tumawa ang mga kasama namin. Halos lahat naman sila alam na hindi talaga nakikinig sa klase si Drei. At ayun, si Rate na nga ang nagexplain.

Habang nagsasalita si Rate ay napatingin ako kay Muse na nakatingin sa akin. Nagtaas ako ng kilay sa kanya ngunit ngumiti lang siya saka umiling. Napatingin siya sa bandang harapan at para bang gulat na gulat.

Tinignan ko naman iyon ngunit wala naman akong nakita. Tumayo pa siya at mukhang may hinahanap na. Nakatingin kasi siya banda sa bahay namin. Si Ate Tay ba ang nakita niya?

"Ano 'yon, Muse?" Tanong ni Mitch na nasa tabi niya.

"Ah... w-wala..." Umiling siya at umupo na habang nanatili ang paningin sa bahay namin.

Tinignan ko ang cellphone ni Rate na nasa lamesa at binuksan iyon.

11:35 am. Mag-aalas dose na pala!

"Toy!" Tawag ni ate Tay. Lumapit siya sa amin at binati saka ako tinignan. "Tulungan mo akong dalhin ang mga pagkain. Dito na kayong lahat magtanghalian."

Sumama ako kay ate Tay at naghatid ng mga pagkain. Tumulong din naman sila para isahan na raw.

"Toy, pwede ba maki... cr sana." Ani Muse.

Tumango ako kaya bumalik kami sa loob saka tinuro sa kanya ang banyo.

Babalik na sana ako sa labas ng nakasalubong si ate Tay.

"Nasaan nga pala si High?" Aniya.

Naguluhan ako.

"Hindi ba dumating na iyon kanina pa?"

"Huh? Dumating siya?"

"Oo kaninang alas onse. Hindi ba palagi naman iyon."

"Totoo palang si High ang nakita ko kanina..." Singit ni Muse sa usapan namin.

Napatingin ako sa kanya.

Tumakbo ako kaagad paakyat sa kwarto ko. Hindi ko nga pala dinala sa baba ang cellphone ko!

Pagkabukas ko ng kwarto ay nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga saka napaupo sa tabi ng kama.

Nakahiga si High sa kama ko at natutulog.

Salamat sa isang review na natanggap ko last week so this is a mini twitter serye of High and Toy for u!!

https://twitter.com/zhengtfw/status/1247066128527929344?s=19

xzhxngxcreators' thoughts