webnovel

Chapter 18

Mula ng malaman ni Kurohana na umalis si Rod ay hindi na siya natigil sa pag-aalala kung kaya't agad siyang lumabas ng tinutuluyan para hanapin ito.

"Alam niyang kakagaling niya lang sa operasyon pero nakuha na niyang gumala!" iritadong bulong niya habang panaka-nakang lumilingon sa mga nadadaanang establisyimiyento.

Pero 'di ba ikaw ang dahilan kung bakit siya umalis? Sinaraduhan mo siya ng pinto kahit alam mong may sakit siya.

Hindi alam ni Kurohana pero bigla siyang nakonsensya dahil sa naisip. Aminado naman siya na siya ang may kasalanan kung bakit ito umalis ng ganoong oras. Sinaraduhan niya kasi ng pinto.

"Oo na! Ako na ang may kasalanan kung kaya anuman ang mangyari sa kanya ay kargo de konsensya ko," sambit niya na tila ba may bikig sa lalamunan.

Lalo niyang nilakihan ang bawat hakbang. Halos lahat ng madaanan niyang gusali ay sinusuyod niya, maski madidilin na eskinita ay kanya na ring pinasok para lang mahanap ang lalaki.

"Black?"

Agad na napalingon si Kurohana sa kanyang likuran para lang mapasimangot sa nakita. Ngiting-ngiti si Jade habang tila aliw na aliw na pinapanood siya. Hindi na siya sumagot at akmang tatalikod na ng muli siya nitong tawagin.

"Ano nanaman bang problema mo?" asik niya dito na ikinatawa lang ng lalaki.

"Ganyan ba dapat ang pakikitungo mo sa taong tumulong sa asawa mo para magamot?"

Biglang namula ang mukha ni Kurohana sa sinabi nito. Mabilis niyang itinago ang kanyang pamumula at pinalitan ng pagkairita sa kaharap.

"Lubayan mo ako!"

Habang papalayo ay rinig na rinig niya ang mapang-asar na tawa nito na lalong ikinabusangot ng kanyang mukha.

"Black!"

Muling tawag sa kanya matapos niyang malagpasan ang limang bahay mula sa pinag-iwanan kay Jade. Nanggagalaiti sa inis na muli siyang humarap sa tumawag sa kanya. Sa pagkakataong iyon, hindi na ang mapang-asar na guild master ng Sapphire, kundi isang may edad na lalaki ang bumungad sa kanya.

Medyo may katangkaran ito at may malaking pangangatawan na halatang banat sa pakikipaglaban. Hindi maitatanggi ng naghuhumiyaw na puting buhok nito ang edad na marahil naglalaro sa singkwenta at sisenta. Ang mukha nitong balbas sarado na may mga ilang kulubot na lalo na sa gilid ng maamong kulay asul na mga mata nito ay puno ng saya sa muli nilang pagkikita.

"Long time no see, Guildmaster!" magalang na bati nito sa kanya. "Balita ko may asawa ka na?"

Biglang namula si Kurohana sa narinig na agad niyang itinago sa pamamagitan ng pagkunot ng noo.

"Sino nanaman ang nagpakalat niyan, Bart?" tanong niya na nilakipan pa niya ng pagkairita.

Bart Jimenez. Isa sa founding member ng Kurokami, ang guild na pinamumunuan niya. At hanggang ngayon na may edad na ito ay tuloy pa rin ito sa pagre-recruit ng malalakas na member para sa kanilang guild.

Napakunot si Bart ng mapansin ang pagkairita sa tono ng leader. "Si Jade, master. Nakita ko siya kahapon sa 'Bulge Tavern' kahapon. Kinukwento niya sa ibang members ng guild niya at ng Kurokami na nandoon."

"Ang galing! Napakadaldal talaga!" bulong ni Kurohana.

"Hindi ba iyon totoo?" muling tanong nito. "May ipinakita pa siyang larawan ninyo at ng kambal ninyong anak na babae at lalaki."

Wala na siyang nagawa kundi mapabuntong-hininga saka pilit na ngumiti. Pero sa loob-loob niya ay pinapatay na niya ang lalaki sa inis.

"T-that's true." Lalo siyang namula sa sinagot niya. "Actually, I'm looking for my husband."

Hindi makapaniwala si Bart ng nakitang namumula ang kaharap. Kilala kasi ito sa pagiging cold at walang emosyon. Agad na pinilig ni Bart ang ulo saka sinabi kung saan huling nakita ang asawa nito.

Biglang napabalikwas ng bangon si Slytherin kasabay ng paglingon sa kasamang si Jess. Ni hindi namalayan ng bata na nakatulog na pala siya sa paghihintay kay Kurohana at sa pangakong pagbabantay sa batang babae.

Humihikab pa siyang muling bumalik sa pagkakahiga, ginamit niyang unan ang magkasalikop na braso. Wala sa sariling napatingin siya sa bintana. Tumatagos dito ang liwanag ng araw, senyales na mag-uumaga na.

"Nasaan na kaya siya?" bulong niya para lang muling mapabalikwas. "Don't tell me…"

Mabilis na ipinilig ng bata ang ulo para matanggal ang masamang iniisip. Hindi man niya aminin, nag-aalala siya sa lalaki lalo pa at alam niyang wala itong ala-ala at kasalukuyan pang nagpapagaling.

Muli siyang napalingon kay Jess ng muli itong gumalaw. Saglit pa siyang nagulat sa biglang pagyakap nito sa kanyang bewang. Umayos na lang siya ng higa saka hinimas ang ulo ng katabi na muling nahimbing.

"Nagkita na kaya sila? Ayos lang kaya siya?"

Nagising na lang si Rod dahil sa pagsigid ng kirot galing sa kanyang sugat kasabay ng pag-agos ng dugo mula dito. Dahil sa pagkakatali sa kanya, wala siyang nagawa kung hindi ang igala ang tingin sa pinagdalhan sa kanya.

Madilim ang nasabing lugar pero hindi ito naging hadlang upang makita niya kung ano ang kanyang nasa paligid. Sa kanyang harapan ay mayroong rehas na halatang sinubok na ng panahon dahil sobrang dumi. Agad siyang napatingin sa sahig. Umaalingasaw ang amoy ng pinaghalong natuyo at sariwang dugo na naggagaling dito.

Biglang kumabog ang kanyang dibdib. Ang kanyang paningin ay biglang umikot at unti-unting nagdidilim. Ang kanyang buong katawan ay biglang kumirot at nanlamig kasabay ng pagtagaktak ng malamig na pawis.

Hindi niya malaman kung ano ang nangyayari sa kanya. Pakiramdam niya ay may kung anong gustong lumabas mula sa kaloob-looban niya.

Nang halos mawalan na siya ng ulirat ay siyang biglang pagbukas ng ilaw at pagpasok ng isang babae. Nakangisi ang babae na halatang walang gagawing mabuti.

"Gising ka na?" Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka ng makitang nagising na siya. "Di bale, nandiyan na din naman ang bibili sa iyo." Ito ang nakatabi niya sa inuman noong nagdaang gabi. Hindi naiwasan ni Rod ang mainis sa sarili dahil sa katangahan.

Muli pa sanang magsasalita ang babae ng biglang may kumatok. Natataranta pa itong tumakbo palabas dahil sa ibinulong ng kumatok.

Agad na sinamantala ni Rod ang pagtakas ng hindi na niya marinig ang boses nito. Kahit na masama ang kanyang pakiramdam ay madali niya lang napatid ang tali. Nang tuluyang makawala ay agad siyang lumapit sa rehas. Nagulat pa siya na nagmistula itong manipis na alambre na madali niyang napaawang.

Mabilis at maingat siyang lumapit at lumabas ng kwarto. Saktong nakita niya ang liwanag mula sa pintuan palabas ng lugar ay nakita niya ang isang taong balut na balot ng itim na damit. Kinakausap ito ng babae na pumasok sa silid, at base sa panaka-nakang paglinga ng babae sa paligid ay halatang may masama silang gagawin.

Mabilis ngunit maingat na pumuslit si Rod mula sa pinagtataguan. Hindi niya maintindihannkung ano ang pumasok sa kanyang isip upang tumigil at sumilio sa maliit na awang ng pintuan na pinasukan ng babae at ng kausap nito.

At isa iyong napakalaking pagkakamali dahil hindi na niya napigilan ang sarili matapos makita ang nasa loob ng silid.

Her POV

Malapit na ako sa labasan ng eskinitang kilala sa mga bahay-aliwan ng biglang magkaroon ng gulo.

Hindi ko alam kung bakit pero kusang gumalaw ang aking katawan palapit doon.

Saktong pagdating ko ay nakita ko ang lalaking nakikipaglaban sa isang grupo ng mga lalaking sa tingin ko ay mga sindikato.

Halos manlaki ang aking mga mata nang mamukhaan kong si Rod ang lalaking iyon.

"Ro~"

Hindi ko na natapos ang akmang pagtawag sa kanya nang bigla siyang tamaan ng sipa sa bandang tiyan.

Napaluhod siya at namilipit sa sakit. Iyon pa man din ang pinakamalala niyang sugat na nakuha sa mga Grendel.

Hindi ko na napigilan ang sariling pumunta sa kanya nang makita kong akmang sasaksakin siya ng espada ng isa.

Mabilis ko iyong sinangga gamit ang maliit kong kunai saka ito mabilis na ginantihan din ng pagsaksak sa kanyang kamay na may hawak ng espada.

Dahil doon ay nabitiwan niya ang sandata niya na agad ko namang sinamantala.

I swept him off his feet to make him lose his balance and once he's lying on the ground I quickly raised my leg and dropped it like an ax on his chest.

When I saw him immobile, I glared at the remaining guys surrounding us.

Four. There are still four of them that I need to defeat. Plus another strange looking person who is currently wearing a hood getting ready to attack us.

Binalingan ko si Rod at nang makita na namimilipit pa rin siya ay lalong nag-init ang aking ulo.

They dared to hurt him!

I glared at them making them take a step back.