webnovel

Chapter 15

Dahil sa pagyugyog ng sasakyan ay parehong nagising ang dalawang bata. Bakas sa mukha ng dalawa, lalo na ni Slytherin, ang pagkairita dahil sa pagkakaistorbo sa pagtulog.

Bago pa man tuluyang malapitan ng lalaki si Kurohana ay agad na itong itinulak ng aburidong si Slytherin paglabas ng sasakyan. Dahil sa lakas ng pwersa na hindi nakontrol ng bata ay ilang metro ang inilipad ng lalaki mula sa pwesto saka bumaon sa tinamaang puno.

Lahat ng mga bandido ay napalingon sa kanila dahil sa gulat. Ang iba ay tumakbo palapit sa lider nila para lang makitang tuluyan na itong nawalan ng malay.

"Slytherin!" hindi napigilang tawag ni Rod. Maging siya ay nagulat sa pwersa ng bata.

Ni hindi man lang kumibo ang bata na may matalim na tingin. Mabilis itong lumapit kay Kurohana na hindi pa rin gumagalaw mula sa pagkakaupo sa gilid, yumakap sa baywang nito ng napakahigpit, at muling bumalik sa pagtulog habang nakaunan sa hita nito. Agad naman itong ginaya ni Jess.

Tuluyan ng nahatak ng mga bandido ang lider nila mula sa pagkakabaon sa puno habang ang iba naman ay muling umatake kay Rod.

Ang isang lalaki na tuluyan ng nakalapit kay Rod ay agad na iwinasiwas ang espada paatake kay Rod. Mabilis niya itong naiwasan na pumihit lang patagilid saka ito sinipa sa mukha ng malakas. Muli siyang inatake ng isa sa kaliwa niya na mabilis naman niyang sinalag gamit ang maliit na kutsilyo, saka ito pinihit at hinampas ang hawakan nito sa ulo ng umatake. Agad itong nawalan ng malay na napadapa sa sahig ng sasakyan.

"Boss, siya ata ang nakabangga nila sa PraeaClara!" sigaw ng isa sa kanila.

Binigyan ng matalim na tingin ng lider ng bandido ang magsalita. "Nag-iisa lang siya, marami kayo! Huwag kayong matakot!" galit na sigaw nito saka sumenyas.

Agad na napalingon si Rod ng marinig ang matinis na tili ni Jess. Kasalukuyang hawak na ang batang babae ng isa sa mga bandido habang si Slytherin naman ay nagpupumiglas mula sa isa pang lalaki. Mabilis na hinanap ni Rod si Kurohana para lang makitang nawalan na ito ng malay at may umaagos na dugo mula sa ulo nito.

"Jess!"

Bago pa man tumama ang hawak ng papalapit na lalaki kay Rod ay nasipa na niya ang umatake sa sentido nito. Sa lakas ng pwersang ginamit ni Rod ay nabiyak ang ulo ng nasabing lalaki at bumagsak ng wala ng buhay.

Agad tumayo si Rod at hinabol ang bumitbit sa mga batang nawalan ng malay. Mas lalong tumindi ang pag-aalala niya para sa mga walang kalaban-laban na mga bata.

Nagulat pa ang mga lalaki ng inilang hakbang lang ni Rod ang pagitan nila bago tuluyang makalapit sa kanila. Sinamantala iyon ni Rod upang agawin ang mga walang malay na bata. Hawak ang dalawa sa magkabila niyang bisig, hinakbang niya paatras ang isang paa para makabuwelo bago niya ito muling inangat para masipa ang isa sa sentido. Pagkalapag ng paa niya ay umikot naman siya at sinipa rin ang isa pang lalaki. Halos magkasunod na tumumba ang mga ito na wala ng mga buhay.

Hindi pa man nakakalayo si Rod ay naramdaman niya ang malakas na 'killing intent' ng bandidong palapit sa likuran niya na nagpaalerto sa kanya at agad na tumagilid paiwas sa padating na atake. Halos gahibla na lang ang pagitan ni Rod at ng kutsilyong hawak ng bagong dating. Inikot ng bandido ang kamay at muling itinutok ang kutsilyo kay Rod pero muli itong naiwasan ni Rod na lumiyad. Sinamantala ni Rod ang ilang segundong pagtigil ng bandido sa pag-atake. Malalaki ang hakbang na lumayo siya dito pero mabilis iyong tinawid ng kalaban.

Habang umaatras siya ay muli itong umatake. Sa pagkakataong iyon ay pinuntirya nito si Jess kung kaya pumihit siya patalikod habang kasabay ng mahigpit na pagykap sa mga bata upang maptotektahan ang mga ito.

Ilang segundo ang lumipas pero hindi man lang nakaramdam ng sakit si Rod mula sa kutsilyo kung kaya sinilip niya ang kalaban. Nakatayo si Kurohana sa pagitan nila habang pinipigilan ang bandido mula sa pag-atake sa kanila.

Pilit na hinahatak nito ang kamay mula sa pagkakahawak ni Kurohana subalit ni hindi man lang niya ito mabawi.

"Kurohana, you're bleeding!"

Hindi pinansin ng babae ang nag-aalalang komento ni Rod. Mas lalong hinigpitan ni Kurohana ang pagkakahawak sa braso ng kalaban hanggang marinig nila ang pagkabasag ng mga buto nito. Malakas na napahiyaw ang bandido at agad na namilipit sa sakit. Hindi pa nakuntento si Kurohana na makitang nakaluhod na ito habang sapo ang nabaling braso, malakas niya pa itong sinipa sa sentido na tuluyang bumawi sa buhay nito. Nang tuluyan ng bumagsak ang katawan ng bandido ay inapakan pa ito ni Kurohana sa ulo na bumasag naman sa bungo nito a naging dahilan ng pagkalat ng utak nito sa sahig.

Natigalgal si Rod sa nasaksihan. Alam niyang medyo kakaiba ang kasamang babae, pero hindi niya inaasahan na sobrang lupit nito.

Muling kumilos si Kurohana. Ang sunod na target niya ay ang mga natitira na ngayon ay nanginginit na sa takot. Dahil sa nasaksihan, halos hindi na nakagalaw ang mga ito habang hinihintay ang paglapit ni Kurohana sa kanila.

"Kurohana!"

Kahit anong pilit na pagtawag ni Rod sa babae ay hindi man lang nito pinansin. Mabilis ang mga sumunod na kilos ni Rod. Ihiniga niya ang dalawang bata sa loob ng sasakyan matapos ay pilit na hinabol si Kurohana.

Sinaksak ng babae ang pinakamalapit sa kanya gamit ang sariling kamay habang ang bandidong inatake ay napapikit na lang.

Bago pa man iyon tumama sa lalaki ay mabilis na itong napigil ni Rod. Halos gahibla na lang ang pagitan ng matalim na kuko ni Kurohana at ng dibdib ng lalaki na napapigil-hininga sa takot.

Saglit lang natigil ang babae na maliksing kumilos para makawala kay Rod at inatake dito.

Saktong pagtarak ng kamay ni Kurohana sa balikat ni Rod ay siyang pagsaksak ng isa sa bandido kay Kurohana, subalit agad itong napansin ni Rod na hinarang ang maliit na kutsilyo ng kalaban. Pinilipit ni Rod ang pulsuhan ng lalaki hanggang sa marinig nila ang mga nadudurog na buto kasabay ng paghiyaw ng lalaki at pamimilipit sa sakit.

Bago tuluyang mahulog sa sahig ang hawak na kutsilyo ay agad na itong nakuha ni Rod at itinarak sa dibdib ng kalaban na tuluyan ng binawian ng buhay.

"Kurohana?"

Sa nag-aalalang tanong ni Rod ay tuluyan ng nahimasmasan ang babae. Bakas pa sa mukha nito ang pagtataka sa kung ano ang nangyari.

Napayuko si Kurohana ng maramdaman ang basa at lagkit sa kanyang paa. Nang tuluyang makita ang sariwa at malapit na dugo ay bigla itong natigilan.

"Kurohana, let's fix you," Rod said as he ushered her back to the wagon.

As soon as they entered the wagon, the children suddenly woke up. Their faces were filled with worries upon seeing the two of them full of injuries.

The little girl immediately walked towards them and raised her small hands simultaneously, her hands and their whole bodies shrouded with a bright light as they felt their wounds turning hot.

Rod was very astounded knowing that the girl they brought in is one of the rare healers.

After the treatment, the group continues their travel. Rod instructed Kurohana to stay still and have some rest but the woman didn't even pay attention to what he said.

Rod was left with no choice. He took a bowl of fruits and sat beside her.

"Eat some," he offered as he lift his hand holding a small fruit towards Kurohana's mouth. When she was about to say something, Rod suddenly pop the small fruit inside the woman's lips.

The woman glared at him but Rod felt it funny since she resembled a hamster with puffed cheeks full of food.

"Isn't it delicious?" Rod asked, smirking as he took a bite from the apple.

"Of course it is. I'm the one who picks it up," she answered unenthusiastically. After a few seconds of silence, Kurohana suddenly announced, "we'll reach Deaux by tomorrow."

Pagkarinig na pagkarinig ni Rod niyon ay tila batang kuminang ang mga mata nito sa pananabik na makita ang posibleng pinagmulan niya.

"Oh, and by that, it means that we will have to get ready for either deportation or harassment from their end."

Bago pa man makapagtanong si Rod ay agad na itong pinutol ni Kurohana. Pinaliwanag niya ang tungkol sa digmaan sa pagitan ng dalawang bansa, at ang posibilidad na mapagkamalan silang mga espiya.

Pagtuntong ng hapon ay naghanda na ang grupo para sa hapunan. Si Jess at Kurohana ang natoka sa paghihiwa at paghahanda ng pagkain habang ang nakabusangot na si Slytherin naman ang naatasan sa paghahanda ng apoy.

Habang naghahanda ay biglang nawala si Rod. Hindi nila iyon masyadong pinansin dahil madalas itong manguha ng supplies tuwing natigil sila sa pagbiyahe.

Ilang oras na ang lumipat ay hindi pa rin bumabalik si Rod. Sa pagkakataong iyon ay hindi mapigilan ni Kurohana ang mag-alala para dito.

"Sly?" Kurohana called him as soon as Jess fell asleep. She knew that the boy was still awake based on how his ears moved. "You know what to do."

As soon as Kurohana left, Slytherin immediately felt irritated by the fact that Rod made them worried simultaneously, the boy felt a sudden throb in his chest.

"Danger!" he hissed as his breathing started to speed up.

He quickly walks towards Jess and hides her in a shield.

"I have to protect her! That's my promise!"