webnovel

2

"Ayos ka lang ba?"

Halos mapatalon siya sa gulat ng marinig niya ang tanong na iyon. Hindi ito kinabakasan ng kahit anong emosyon.

Mabilis na lumipad ang kanyang tingin sa pinanggalingan ng nagsalita. Nakatago ito sa pinakamadilim na pwesto sa eskinita na kinaroroonan nila. Ilang segundo pa bago ito lumabas sa pinagtataguan.

"Ikaw!" hindi napigilan na bulalas ni Rod na bakas ang pagkagulat. Ang nagsalita ay ang taong nakita niyang nakikipaglaban sa plaza.

"Nakita kita kanina. Grabe ang titig mo," sabi nito na hindi pinansin ang pinaghalong pananabik at gulat sa boses ng lalaki. "Mukha ka tuloy manyakis," dagdag nito na lalo siyang pinakatitigan.

Napamaang si Rod sa sinabi nito.

"Anong~" hindi niya naituloy ang gusto niyang sabihin ng maintindihan niya ang pinapahaging nito kasabay ng paghagod ng kanyang tingin sa kabuuan ng kausap.

Napakaamonng mukha nito na ngayon ay kitang-kita na dahil sa pagkakaalis ng hood nito. Mayroon itong chinita at itim na itim na mga mata na para bang hihigupin nito ang sinumang makikipagtitigan dito. Tinernuhan ito ng mahahabang pilik at katmtamangkapal na mga kilay na animo iginuhit sa pagkaperpekto. Mayroon siyang medyo matangos at katamtamang laki ng ilong na bumagay sa bilugan niyang mukha. Maninipis at katakamtakam ang mapupulang labi nito na hugis puso.

Bumaba ang kanyang tingin sa dibdib nito na medyo bumabakas at nakaumbok mula sa ilalim ng nakabalot na roba. Lalo siyang natulala sa reyalisasyon.

Wag mong sabihin na--

"Yan ka nanaman," pagsasalita ulit nito na sinabayan pa ng pagpasada ng tingin mula ulo hanggang paa. "Manyak ka talaga."

Pakiramdam ni Rod ay bigla siyang binuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa sinabi nito.

Babae siya! Babae pala siya!

Pinilit niyang pakalmahin ang sarili sa paghugot ng malalim na hininga. Ang kanyang mga mata ay naghuhumiyaw ng paghanga na sinabayan ng pagbilis ng tibok ng kanyang dibdib.

Pero naputol ang paghanga niya ng matauhan siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na may taong sasabihan siyang manyakis.

"Tumigil ka nga," muling sabi nito na sinabayan pa ng panginginig habang yakap ang sarili subalit ang mga mata nito ay nanatiling nakatingin sa kanya. "Nakakakilabot!"

Lalong nainis si Rod sa mga lumalabas mula sa bibig nito. Pero ang mas kinairita niya ay ang way ng pagkakasabi nito, napaka-emotionless.

"Grabe ka naman!" sabi ni Rod na ngayon ay lukot na lukot ang mukha. Ni hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kanya at bigla siyang nawalan ng kontrol sa kanyang bibig. "Hindi dahil maganda ka at tinitigan kita ay may karapatan ka ng sabihan ako ng kung anu-ano!"

Napakurap ang babae kasabay ng biglang pagpula ng mga pisngi nito.

Alam ng babaeng maganda siya. Pero pakiramdam niya ay kamanyak-manyak siya sa pagkakasabi nito.

Wala sa sariling tinignan ng babae ang kabuuan. Balot na balot siya ng suot niya.

Muli niyang tinapunan ng tingin ang kaharap. "Ikaw mismo nagsabi niyan," mapang-asar na sabi niya kasabay ng pagngisi.

Kitang-kita kung paano matigilan ang lalaki. Halatang ni hindi nito napansin na iba na ang lumabas sa bibig na mabilis nitong tinakpan. Nanlalaki din ang mga mata nito habang nakatingin sa babae.

"H-hindi~" pabulong pang sabi ni Rod na sinabayan ng pag-iling pero hindi na siya pinatapos pa nito.

"Tumigil ka na. Huling-huli ka na," sabi ng babae. Pakiramdam ni Rod ay nababasa ng kaharap ang tumatakbo sa utak niya.

Hindi pa siya nakakabawi ay mabilis pa sa kidlat na bigla na itong nawala.

Agad na napasapo sa sentido si Rod dahil sa sakit ng ulo kasabay ng pagbuway ng kanyang tayo dahil naman sa pagkahapo. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay nanggaling siya sa napakatinding pakikipaglaban.

Wala sa sariling napahiyaw siya sa inis. Alam niya sa sarili na kahit wala siyang maalala ay ni hindi pa siya naaakusahan ng pagiging manyakis.

Ilang minuto pa muna ang pinalipas niya bago tuliyang humuoa ang kanyang inis saka bumalik sa pinanggalingan.

Saktong pagkarating sa palengke, nakasalubong niya ang isang matandang babaeng halatang hirap na hirap sa paghila sa napakalaki nitong lalagyan.

Mabilis niya itong nilapitam at nag-alok ng tulong. Gayunpaman, bakas sa mga mata ng matandang babae ang pagiging alerto nito.

"Tulungan ko na kayo, ako na magbubuhat ng gamit ninyo

Nag-aalangan man ay pilit pa ring ngumiti ang matandang babae na agad magsabi kung saan papunta.

"Taga-saan ka ba, hijo?" bigla nitong tanong habang magkapanabay na naglalakad patungo sa bahay nito. Hindi agad nakasagot ang lalaki hindi dahil sa gulat kundi maging siya ay hindi alam kung saang lugar ba siya nanggaling. Imbes na magpumilit ay nginitian na lang nito. "Kung wala ka pang matutuluyan, doon ka na muna sa amin magpalipas ng gabi."

Natigilan si Rod na napatingin sa babae na ngayon ay nasa likuran na niya.

"Sigurado kayo?" gulat na tanong niya. "Hindi niyo ako kilala."

"Kung masama kang tao, sana kanina pa lang sinaktan mo na ako pero hindi sa halip, tinulungan mo pa akong magbuhat nito," dagdag nito na sinabayan pa ng pagtapik sa pasan-pasan ni Rod, bago siya nito tinalikuran at nagpatuloy sa paglalakad.

Ilang bahay pa ang nilagpasan nila bagonnila tuluyang narating ang tinutuluyan ng matanda.

Nanlalaki ang mga mata ni Rod habang nakatingin sa napakalaking bahay ng tinulungan.

Napakalawak at napakaganda ng hardin ng mansyon. Napapalibutan ito ng naggagandahan at namumukadkad na mga rosas. Mayroon din itong malaking fountain sa pinakagitna nito.

Sa dulo ng daan ay nakatindig ang isang napakalaki at kulay puting mansyon. Naghuhumiyaw ito ng karangyaan at kapangyarihan base sa disenyo nitong halatang pinanggugulan nila ng napakalaking halaga at oras.

Sa harap ng napakalaking tarangkahan ay nakapila ang lahat ng kanilang mga maid at butler na kapwa nakasuot ng kanya-kanyang auniporme.

"Welcome back, Mistress!" sabay-sabay na bati ng mga ito.

Ngumiti lang ang matandang babaeng kasama ni Rod na nagpatuloy lang sa paglalakad papasok. Hindi pa man din sila nakakarating sa napakalaking pintuan ay agad na itong bumukas kasabay ng pagluwa sa isang humahangos na magandang babae na may maikling dilaw na buhok at nakasuot ng pang-maid.

"Mistress!" magalamg na pagbati nito na mabilis na napalitan ng pag-aalala habang pinag-aaralan ang lagay ng matanda. "Saan ba kasi kayo nanggaling? Sinabi ng huwag kayong aalis ng hindi ako kasama!"

"Ano ka ba naman, Mariz?" malumanay na wika ng matanda kasabay ng paghawak sa tinawag na 'Mariz'. "Huminahon ka nga at nahihilo ako sa iyo! Saka isa pa, mayroon tayong bisita." sabi nito kasabay ng pagtingin kay Rod.

Agad namang natigil si Mariz at minasdan ang lalaki. Matangkad at makisig na pangangatawan na ahalatang alaga sa ehersisyo. Magulo ang itim buhok nitong na tumatakip sa taynga nito dahil sa haba. Ang mga kilay nito ay makakapal at may mataas at patulis na arko sa dulo.

Dumako ang tingin ng babae sa malamlam at kulay berdeng mga mata nito. Pakiramdam ni Mariz ay nababasa nito ang kaibutiran niya kaya mabilis niyang inilipat ang kanyang tingin sa ilong nito.

Ang tangos! hindi naiwasang maisip ng dalaga lalo na at napakaperpekto ng hugis ng ilong ng kaharap. Matangos at hindi ganoon kalaki.

Tuluyang bumaba ang kanyang mga mata sa mga labi nito. Maninipis iyon na may pagkahugis puso na tila ba nanghahalina na mahalikan dahil sa natural na pagkapula nito.

"Mariz?"

Tila natauhan ang dalaga na mabilis umiwas ng tingin. Bahagya pa itong namula bago huminga ng malalim.

"Mistress! Bakit ka namulot ng pulubi?" agad niyang protesta, pilit na pinapakalma ang sarili habang binabato ng matatalim na tingin si Rod. "Sa itsura niya, mukha siyang tao na walang mabuting gagawin!" Sinabayan pa niya ng pagyakap sa sarili ang sinabi saka mabilis na nagtago sa likod ng matanda na natawa lang.

"Mariz, ipahanda mo ng kwarto ang mabuting ginoo na ito at pakisabi sa iba na kunin ang pinamili ko mula sa kanya." Halata mang hindi sang-ayon sa desisyon ay sumunod pa rin ang babae sa utos ng matanda.

Ng tuluyan ng mawala ang maid ay mabilis na tumingin ang matanda sa kanya. Bakas ang pagkapahiya at pag-aalala nito sa inasal ng dalaga.

"Pasensya ka na sa kanya, hijo." sabi nito na nginitian lang ni Rod. "Siya nga pala, pwede ko bang malaman ang iyong pangalan? Aba'y kanina pa tayo magkasama pero ni hindi mo man lang ito nabanggit," biro pa nito.

Muling natigilan si Rod dahil sa tanong nito. Hindi niya alam ang pangalan niya. Hindi niya malaman kung okay lang bang angkinin na niya ang nakaukit sa orasan.

"Ah! Rod! Napakaganda, bagay na bagay sa iyo."

Nagulat pa siya pagkarinig sa matanda. Ni hindi man lang niya namalayan na hawak na nito ang orasan na kani-kanina lang ay nasa bulsa pa niya. Nag-aalangan man pero tumango pa rin siya bilang sagot.

"Ikinagagalak kitang makilala. Ako nga pala si Ruiza Eleanor," sabi nito saka siya hinatak papasok.

Ilang oras ng pabaling-baling sa higaan si Rod pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hindi niya rin malaman kung bakit magaan ang kanyang loob sa matanda na parang kilalang-kilala na niya ito.

"Sino ka ba talaga?" Napabuntung-hininga na lang siya habang tinititigan ang hawak na orasan. "Saan ka ba talaga nanggaling?"

Nakailang baling pa ang ginawa niya pero hindi pa talaga siya inaantok. Sa sobrang inis, tuluyan na lang siyang bumangon at lumapit sa pintuan. Saktong pagkasara ng pinto ay siyang paglabas naman ni Mariz sa katapat na pinto. Umirap pa ito saka siya binangga at nilagpasan.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang trato sa kanya ng dalaga. Hindi niya na lang ito pinansin na nagtungo sa lusina.

"Can't sleep?"

Halos mapatalon sa gulat si Rod nang biglang magsalita ang matandang babae. pero mas nagulat siya nang makitang tahimik itong nakaupo sa kalapit na upuan habang naghihithit ng pipa. Tumango lang si Rod bago umupo sa katapat ng ginang.

Ngumiti sa kanya ang matanda habang inaalis nito ang abo sa pipa.

"Want some?" alok nito. Inabot nito ang isang tobacco stick na akmang tatangihan ni Rod pero agad nitong pinutol. "It will help you relieve some stress."

Ilang segundo ang lumipas bago niya tinanggap ang hawak nito saka nagsimulang humithit. Muli itong nagsalita habang nakatingin sa kanya ng may malamlam na mga mata. "Can't remember anything?"

Hindi agad nakasagot si Rod at tahimik na pinakiramdaman ang ginang, hinihintay ang sunod nitong sasabihin.

"About yourself." She shrugged. "Your name, origin, everything." She shook her head. "Based on your clothes, I know that you're not from this town, Praea Clara, nor any part of Magni Regno."

Napabuntung-hininga na lang si Rod saka yumuko. Ni hindi siya makasagot sa tanong nito.

Ilang minutong naghari ang katahimikan bago tuluyang tumayo ang matanda.

"Don't worry, you'll remember it all." She then left upon saying those, not bothering to spare a glance at him. Rod took a deep breath as he watched her walk away until he could no longer see her back.

Pinilit pakalmahin ni Rod ang sarili habamg hinihithit ang hawak na sigarilyo. Hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot at pagkawala dahil ni isang detalye tungkol sa sarili ay wala siya.

Nagising nalang siya sa napakalakas na pagkalampag sa pintuan na parang gustong na itong sirain. Pupungas-pungas at wala sa sarili siyang tumayo para mapagbuksan ang umistorbo sa kanyang pagtulog.

"Kyaa!"

Kasabay ng matinis na tili na iyon ay ang malakas na pagtama ng palad nito sa pisngi ng lalaki na tuluyan ng nawala ang antok.

Nasa harap na sila ng hapag pero tuloy pa rin ang pagpukol kay Rod ng matatalim na tingin ng babaeng nasa kabilang parte ng lamesa. Bakas na bakas ang matinding pamumula ng magandang babae na hindi maitago ng matatalim niyang tingin at pagkalukot ng mukha.

Wala sa sarili namang muling sinalat ni Rod ang namamanhid niya pa ring pisngi na sinampal nito kanina habang blangko ang ekspresyon na nakatingin sa maysala. Nasisigurado niyang namumula pa rin ang bakat ng kamay nito dahil sa matinding hapdi na nararamdam niya.

Sabay pa napatingin ang dalawa sa sentro ng lamesa na kinaroroonan ni Ginang Ruiza na kasalukuyang nagmamasid sa kanila matapos nitong tumikhim. Kita sa mukha nito ang pagkapahiya sa ginawa ng kasambahay na itinuring na nitong apo.

"Siya kasi!" Mariz blurted defensively pointing her finger at Rod.

Ginang Ruiza sighed as she looked at the two of them. "Look, Mariz, what you've done to our guest is very rude," she said with disappointment visible in her eyes. "Having morning wood is normal for a healthy young man," she added na nagpasamid sa lalaki. Agad itong bumaling kay Mariz na na yumuko sa pagkapahiya pero patuloy pa rin sa simpleng pagbato ng matatalim na tingin sa kanya.

"I'm so sorry, Mr Rod," paghingi nito ng dispensa na halatang labas sa ilong na hinayaan na lang din ng lalaki para matapos na ang gulo. Pagkasabi niyon ng dalaga ay agad itong nagpaalam kasabay ng nagmamadaling pagtakbo paakyat.

Napatingin na lang si Rod sa Ginang na ngayon ay iiling-iling habang sinusundan ng tingin ang dalaga. Napabuntung-hininga na lang ang una na nagpatuloy sa pagkain.

"Pagpasensyahan mo na ang batang iyon, Rod," biglang sabi ng Ginang. "Hindi lang siya sanay na magkaroon ng bisita, lalo na ng lalaking katulad mo."

Agad na naalerto si Rod ng hindi nakatakas sa kanyang paingin ang kakaibang kislap sa mga mata ng matandana mabilis na nawala.

Matapos kumain ay agad na nagpalaam si Rod sa mga ito. Pilit siyang pinapa-stay ng matanda.

"Wala ka pa namang mapupuntahan, hindi ba?" muling hirit ng Ginang na kasalukuyang nakahawak sa kanyang braso habang nakapaskil sa mukha ang lumbay.

Matamis na ngumiti si Rod sa matanda na pinagsalikop ang mga kamay sa kamay ng matanda.

"Wala pa. Pero may plano na ako sa kung saan ako pupunta."

Mabilis na inilabas ni Rod ang mapa mula sa kanyang baywang. Ang kanyang mga mata ay kumikislap sa excitement sa pag-iisip na maaari siyang makakuha ng clues sa patutunguhan.

Ng makita iyon ng matanda ay tuluyan na itong sumuko.

"Take these with you," she said as she handed him a small pouch. "It'll help you with your travels." She also gave him a small knife which she said was only for his protection which he accepted.

Sa muli niyang pag-iikot ay nadaanan niya ang kumpulan ng mga tao. Akmang lalagpasan niya ito nang marinig niya ang sinabi ng isa sa mga naroroon.

"Mayroon na naman palang gulong nagaganap sa Timog ng syudad!" sabi ng isa sa dalawang lalaki na magkapanabay na naglalakad.

"Ah, narinig ko nga iyon," sagot ng kasama nito. "Para nga bang pinamugaran na ng mga bandido ang Urbs, palibhasa katabi lang iyon ng Eremus."

Agad na na-curious si Rod sa usapan nila. Tahimik pa niya itong sinundan saka nag-usisa, "Anong nangyari?"

Hindi nag-abalang lumingon ang mga ito sa kanya dahil sa pag-aakalang kasama siya ng mga ito kaya mas lalo pang lumapit si Rod sa kanila..

"Nanggugulo daw ang mga bandido at nanghaharang ng mga mangangalakal para pagnakawan."

Upon hearing those, he immediately lost interest in their topic and walked away like nothing happened. He wasn't able to hear what they said afterwards.

"Hindi pa sila nasiyahan, pinapatay din nila ang mga iyon matapos pagnakawan."

Habang nag-iikot ay napansin niya ang isang malaki at itim na gusali na may karatulang Kurokami na nakapaskil sa pinto. Pinag-aralan niya muna ang nasabing gusali at nang may makita siyang mga adventurer na pumasok doon ay mabilis siyang sumunod sa kanila.

Pagpasok pa lang ay agad ng bumungad sa kanya ang magulong lugar. Iba't-ibang grupo ng tao ang nagkalat at nagkakanya-kaniyang pinagkakaguluhan. Mayroong mga nakaupo habang kumakain o nag-iinuman, habang may iba namang nagkukumpulan sa kung anong nasa dingding.

Rod walked towards the counter and saw a very pretty girl in her teens. She had a ponytail and was wearing a blue sailor-collared blouse. She had those big rounded eyes that were shining brightly while hiding behind her square glasses hanging on her small nose.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Rod ang gulat na rumehistro sa mga mata ng kaharap na babae habang nakatitig sa kanyang mukha na agad na napalitan ng pamumula ng mga pisngi nito. Pasimple itong umiwas ng tingin saka tumikhim bago muling bumaling sa kanya.

"Hi! What can I help you with?" the lady politely asked, staring at his green cold eyes. Rod also stared at her, making her blush even more, feeling as if his eyes were seeing through her soul.

"Job." Rod said nonchalantly after a few minutes.

"Good timing!" she said with a huge smile. "We're short on adventurers because of the issue in the South entrance." The girl handed him the mission and continued, "once you've done it, you will receive your payment." She even pointed at the pay indicated at the bottom of the said mission amounting to two large copper.

Rod accepted it and read the mission details.

Mission: Capture the Bandits

Mission Rank: D

Details: Capture the bandits lurking in the forest at Southern Gate of the town. Needed a report from the guards or military as proof that they were really captured. NO PROOF NO PAY!

REWARDS: 2 LARGE COPPER

He turned towards the lady who just smiled widely at him. Rod felt that there is something wrong about the mission since they're giving such huge rewards for a D-Rank mission but he just shrugged it off before saying, "OK. I'll take this."