webnovel

HIS EYES, FAMILIAR

( Past ) Year in 1922 Meet Salome Y Arguelles she's the last daughter of Ms. Alexandra Ordonio Arguelles and Leonardo Tomas Arguelles a known pre-war Filipino General and a minister of colegio de maynila.. Arguelles Family one of the wealthy family are invited in reunion party for the second son of Valdez. Meet Fidel Y Valdez finally returning to San Miguel, Manila after 8 years of study in Spain as attorney. Kapitán Pedro, a family friends, bids him to spend his first night in San Miguel,Manila where pedro hosts a reunion party at his riverside home on their hacienda.. Fidel Valdez obliges to go in dinner then he encounters old friends, Manila high society, and the other wealthy friend family of them.. Araw ng reunion party ang unang pagkikita nina Fidel at Salome ng hindi pa lubos na magkakilala but Arguelles and Valdez are best-friend since year of 1800's.. Pipiliin ba nilang mag stay sa isa't isa kahit na nahihirapan na sila sa sitwasyon na hindi nila inasahan? Isang trahedya ba ang magbibigay ng wakas sa pagmamahalan nila? Pipiliin parin ba nila ang isa't isa kahit nagkakagulo na ang kanilang pamilya? Lovers turn to Enemy Enemy turn to tragic Their Love Story started but their love story are sad and tragic end.. ( Present ) Year in 2019 A Broken Heart and a tragic fate .. Is it possible to fix their destined? Meet Lenzy Marie Flores, a 22 year old girl and 4th year college.. She is the only daughter and single since birth. Meet Rocky Facun, a 25 year old guy.. A lucky guy attorney and basketball coach.. He is also single since he broken. Their first meet.. *Are Enemy?* Pero para kay lenzy ang pagtitig nito sa mga mata ni rocky ang syang kilabot at kakaibang pakiramdam.. Para bang hindi yun ang unang pagkikita nila ng lalaki.. But, *Enemy turns to Friends* because lenzy is involved in a crime and she need attorney then their meet again for the second time. Bawat araw na nagdaan unti unti silang nahuhulog sa isa't isa ng hindi nila namamalayan.. Bawat oras, minuto at segundo hindi nila napapansin ang ngiti at saya na nararamdaman nila para sa isa't isa. *Until their LOVERS* Hanggang sa unti unti nilang sabay na maalala ang nakaraan ng kanilang pagmamahalan. Muli bang mangyayari ang trahedyang pilit nilang tinatakasan? Muli na naman bang mag wawakas sa malungkot ang kanilang pagsasama at pagmamahalan? Is it possible their tragic end turns to happy ending in their second chance? A tragic destined turn to a happy destined?

Pica_gurl · Geschichte
Zu wenig Bewertungen
14 Chs
avataravatar

KABANATA 08

(Year 2019)

"SALOME!!!"

Halos manlaki ang mga mata ko ng banggitin ni erika ang pangalan na paulit ulit kong naririnig sa utak ko.

"Anong sinasabi mo dyan erika.. Ako to si lenzy!"

Narinig ko ang pagtikhim ni erika sa kabilang linya.

"I-ikaw pala!! Nasaan ka ba? Bakit bigla ka na lang nawala kagabi sa party.."

Matapos kong magbihis ay dali dali kong isinuot ang hills ko at walang lingunang naglakad palabas..

Sa dinami rami ng maririnig kong salita bakit 'SALOME' pa? SINO BA TALAGA SI SALOME?

"B-best sino ba si salome??"

Wala sa sariling tanung ko kay Erika na bahagyang natahimik sa kabilang linya.

"Sino ba si salome, Erika."

Muli kong tanung sa kabilang linya ngunit nanatili parin itong tahimik.

"N-naniniwala kaba sa reincarnation?"

Maya't maya ay tanung ni erika sa akin na halos ikinatahimik ko pagkalabas na pagkalabas ko.. Halos mahinto ako ng marealized ko kung nasaan ako ngayon.

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, best!!"

Narinig kong turan muli ni erika sa kabilang linya habang nakahinto ako at nakatitig sa hardin kung saan ginanap ang party kagabi.. IBIG SABIHIN NANDITO PARIN AKO?

"Naaalala ko na ang nakaraan... Nakaraan na mag bestfriend parin tayo. Ako si AMANDA VALENCIA at ikaw si SALOME ARGUELLES."

Halos maibaba ko ang phone ko ng magflashback sa akin ang nangyari kagabi sa party.

**•• FLASHBACK••**

"HINDI KA PARIN PALA NAGBABAGO, SALOME."

Napalingon ako kay rocky ng bumulong ito sa akin..

"G-gusto ko pang uminom..."

Pagmamakaawa ko sabay nagpacute sa harap nito..

"K-kuhanan mo naman ako ng wine tapos flavor nya chocolate.."

Napangiti ako ng makita ang seryosong mukha nito habang inaalalayan ako.

"G-gusto kong umupo doon.. Feeling ko kase parang nangyari na ito sa akin."

Nanliliit ang matang itinuturo ang bato na malayo ng kaunti sa party.

"Tsaka kuha ka na din ng tsokolateng wine... PABORITO ko kase yun."

"Tss.. Lasing kana!! At isa pa walang wine na ganun dito, Ms. sungit."

Napalingon ako at ngumuso sa harap nito napansin ko naman ang pagiling at paglunok nito sa harapan ko..

Halos maghubad ako ng dress dahil sa sobrang init..

Hindi ko namalayan na nasa likuran ko parin si rocky nanatiling nakaalalay sa akin hanggang sa pagupo..

"Sige na bigyan mo ako ng chocolate wine.."

"Hanggang ngayon ay paborito mo parin ang flavor na yun, lenzy."

Nakapikit man ang mata ko ay unti unti kong nararamdaman ang hilo at antok na dahilan ng ilang basong wine na ininom ko..

"Gusto mo na bang matulog?"

Tatango tango akong sumagot hanggang sa naramdaman ko na lang na may palabas na sa bibig ko at naibuga ko sa harap ni rocky..

"SALOME!!"

Tuluyan ko ng naipikit ang aking mga mata..

**•• END OF FLASHBACK ••**

"LENZY ANDYAN KA PA BA? NAKIKINIG KA BA SA AKIN?"

Halos malaglag ko ang hawak kong phone dahil sa sigaw ni erika sa kabilang linya.

"A-ano nga ba yung s-sinasabi mo?? H-hindi ko kase narinig.."

Napapakamot kong alibay kay erika na panay ang salita sa kabilang linya.

Tulala akong naglalakad papunta sa unit namin ng biglang malakas na busina ang nagpagulat sa akin.

Napaayos at napagilid ako ng huminto sa harap ko ang sasakyang pang pulis..

"Ikaw ba si Evericfila Alindogan ?"

Halos mangatog ang tuhod kong nakatitig.. Basta may ganito kinakabahan ako!!

"H-hindi po ak———"

Biglang bumaba ang dalawang babae na pulis at humarap sa akin.

"May mga katanungan lang kami sa iyo.. Sumama ka sa amin sa police station."

Napakunot ang noo ko at panay ang pagiling habang nililingon silang pareho hindi ko pa nasasabi ang pangalan ko kaya wala akong nagawa kundi ang sumama lalo na at hawak na ng dalawang babaeng pulis ang magkabilaang kamay ko..

"G-ganun po ba?? Ano po bang nangyayari?? At i-isa pa nagkakamali kayo ng sinasama.."

Mas lalong kumakabog ang dibdib ko sa sobrang kaba..

"Sa presinto na lang namin ipapaliwanag,ija."

Napakamot na lang ako at sumama sa mga ito.. EXHALE sabay INHALE self!!

"Meron po ba akong nalabag na rules?? M-may nagawa ba ako?"

Napapakamot kong tanung sa katabi kong babae na police.

"May nangyari kase kagabi sa isang party ija.."

PARTY?? ANG ALAM KO AY PARTY NILA ERIKA ANG PINUNTAHAN NAMING MAGKAKAIBIGAN.

"Ano po bang nangyari?? B-baka po kase ibang party yun, ma'm, sir."

"Tumahik ka na lang, pwede."

Magsasalita pa sana ako ngunit naramdaman ko na lang na nilagyan nila ng busal ang bibig ko kasabay nun ang pagposas sa kamay at paa ko..

"Pinagutusan lang kami.."

Halos mangatog na ang buong katawan ko dahil sa pangambang nararamdaman ko ngayon.

Nanatiling mulat ang mata ko habang nakahiga sa sasakyan kasama ang dalawang pulis na babae ..

"Sya ba talaga si Evericfila Alindogan??"

Rinig kong tanung ng lalaking nakasuot ng pang pulis..

Nakita kong may kinuhang bagay sa bag at ipinakita ang bagay na iyon sa lalaki..

"Heto yung larawan ni Evericfila Alindogan... Kaya siguradong sya ang dinampot natin."

Narinig kong angil ng babae sabay ipinasok ng bagay na yun sa bag.. ANONG KAILANGAN NILA SA PINSAN KO??

Ilang oras pa akong nakahiga at nakabusal ang bibig... Hirap na hirap na din ako sa kalagayan ko.

"Nandito na tayo!!"

Hinila ng babae ang kamay ko pababa sa sasakyan kaya halos mapangiwi ako sa sobrang sakit ng balakang ko dahil yun ang napuruhan sa akin.

Imbis tanggalin nila ang posas sa paa ko pinabayaan lang nila ito.. Kinaladkad nila ako hanggang sa marating na namin ang isang warehouse..

SAAN NAMAN AKO DINALA NG MGA ITO??

"Wag kang magsubok na magingay dito..."

"S-sino ba kayo??"

Masamang tingin ang ibinigay ko sa mga ito ng matanggal na nila ang busal sa bibig ko.

"Wag kang maingay... Ipasok na yan!!"

Sigaw ng lalaki kaya halos mapaupo ako sa pagkakahagis nila sa akin papasok..

"Ano ba pakawalan nyo ako dito..."

Halos manlaki ang mata ko ng may magsalita sa may gilid ko.. Gaya nya ay nakaposas din ang kamay at paa kaya pareho lang kaming nakaupo sa sahig.

"Mawawalan ka lang ng boses sa kakasigaw mo, dyan."

*****  *****

"Anong kailangan ba nila sa inyo ng pinsan ko?"

Wala sa sariling tanung kay beans na kasama ko sa loob.. Ilang araw na din kaming nandito na para bang nakabilanggo at nagkasala..

"Pinadukot kami ng mga sarili naming ama para takutin at piliting mahalin ang isa't isa.."

Halos mangunot na naman ang noo ko sa sinabi nito..

"A-anong ibig mong sabihin??"

"Wala ka ba talagang matandaan?? Hindi mo ba talaga matandaan ang nakaraan, SALOME?"

Malakas na hangin at mabilis na kabog ng puso ko ang bigla ko na lang naramdaman.. Hindi ko namalayang nakatitig na ako sa kanya. BAKIT WALA NA AKONG MARAMDAMAN NA KAKAIBA SA IYO?

"S-salome?? B-bakit ang hilig nyong isingit ang pangalang yan sa akin?"

BAKIT BA MAY PUWANG SA PUSO KO ANG SALITANG SALOME??

"Dahil ikaw si salome... 1922 ikaw si salome, ngayon ikaw si lenzy.."

Hindi ko maintindihan pero bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko.. Hindi ko napansin na nasasaktan ako.

Ilang oras na din kaming nakaposas.. Hindi ko alam kung paano uli ako magsasalita sa harap ni beans.

"Nasa loob po sila boss.."

Nagkatinginan kami ni beans ng bumukas ang pinto.

"Teka nasaan si Evericfila Alindogan?? Bakit ibang babae ang nandito?"

Halos malaglag ang panga at balikat ko ng makita kung sino ang nasa harapan namin.

TOTOO NGA ANG SINABI NYA NA SARILI NILANG AMA ANG NAGPADUKOT SA KANILA..

"D-dad!! Bakit kailangan nyong gawin ito sa amin?"

Rinig kong tanung ni beans sa daddy nya.. Samantalang hindi na natanggal ang tingin ko sa kasama ng daddy ni beans.

TITO RICK!!

"ANONG KAILANGAN NYO SA PINSAN KO?"

Halos manginig ako sa galit ng sinubukan kong tumayo ngunit natumba lang ako..

"Mga hunghang!! Bakit pamangkin ko ang nandito?"

Halos walang kurap akong napatitig kay Tito Rick ng magsalita ito.. NGAYON KO LANG NAKITA AT NARINIG NA MAGALIT ANG TITO KO!!

"K-kayo ang nagpadukot sa amin?"

"Hindi pa ba OBVIOUS, iha?"

Natikom ang bibig ko at hindi na nakapagsalita pa dahil sa striktong tingin ng dalawa sa amin.

"Pakawalan nyo ang pamangkin ko.."

Dali daling sumunod ang dalawa ngunit pinigilan ng daddy ni beans ang mga ito kung kaya't hindi natuloy.

"Paano kung magsumbong yan sa pulis, rick?"

Tumingin si tito sa akin bago nya nilingon ang lalaking katabi nito (Daddy ni beans).

"Hindi nya magagawa yun... Napagkamalan lang sya kung kaya't hindi sya magsusumbong."

"PAANO KA NAKAKASIGURO?"

Napayuko na lang uli ako at sinisikap na wag unahin ang inis at galit na sumasabog sa dibdib ko.

"KAKAUSAPIN KO SYA!!"

"Siguraduhin mo lang na hindi sya magsusumbong, rick."

Tinanggal nila ang posas sa paa at kamay ko kaya naman inalalayan agad ako ni tito rick palabas ng warehouse.

"Alam kong marami kang katanungan.."

"T-tito bakit kailangang humantong sa pagdukot ang lahat?"

Natahimik si tito rick kung kaya't nilingon ko ito.

"Hindi parin nagbabago ang tadhana sa iyo.."

Halos walang kurap akong napalingon kay tito rick dahil sa sinabi nito.

"Mag-iingat ka!! Baguhin mo ang nakatakda sayo.."

"OMG LENZY YOU HERE!!"

Inalalayan agad ako ni erika, rechell at joy samantalang dali daling kumuha ng food sina ate rose at noime kitang kita ang pag-aalala nila sa akin.

Mag-iingat ka!! Baguhin mo ang nakatakda sayo..

Mag-iingat ka!! Baguhin mo ang nakatakda sayo..

Mag-iingat ka!! Baguhin mo ang nakatakda sayo..

Paulit ulit na nagrecall sa utak ko ang mga sinabi ni tito rick sa akin. Hindi ko namalayang lumuluha na naman ako.

"Omg!! What happened??"- ate rose

"Woi ba't ka umiiyak?"- joy

"Lenzy ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?"- noime

"Kumain ka muna ng makapagisip ka ng maayos, best."- erika

"Ano bang nangyari sayo??"- rechell

Tulala akong uminom ng tubig pagkaabot na pagkaabot ni erika.

"SINO BA TALAGA SI SALOME??"

Wala sa sariling tanung ko kaya nahinto ang mga kasama ko at napatitig ang mga ito sa akin.. Isa isa ko naman silang tinignan.

MAY ALAM BA SILA??

"A-anong gusto mong m-malaman?"

Napalingon ako ng magtanung si Erika sa akin.. SO, MAY ALAM SYA KAY SALOME?

"S-sino si salome??"

Naguumpisa na naman akong makaramdam ng takot at kaba.. Kaba na dulot ng pagkalito at paghangad na malaman ang totoo!! Takot na dulot ng pangamba kung ano ba talaga ang totoo at kung ano ang dapat kong alamin.

"H-hindi mo pa ba alam?? I-ikaw——"

Hindi ko na pinatapos si erika dahil tumayo ako at nagtungo sa azotea ng unit namin.

Halos maidiin ko ang pagkakapikit ng wala akong maalala ni isa patungkol kay salome.. PATUNGKOL SA NAKARAAN KO!!

"B-best.."

Nilingon ko si erika na sumunod sa akin.. Bumuntong hininga muna ito bago ako hinarap..

"N-nung gabi ng party sa hacienda nila tito pedro y-yun yung gabi na n-natatandaan ko na ang nakaraan.. I-ikaw si salome!! Ikaw ang itinakdang ikasal kay Senior Fidel.."

SENIOR FIDEL??

"Lenzy, Si Senior Fidel at si Kuya Rocky ay iisa.."

Halos nanghina akong napatitig kay erika kasabay nun ang unti unti kong panghihina at pagkawala ng aking ulirat.

***••• FLASHBACK IN THE PAST •••***

Natuon ang atensyon ni salome sa kapatid ni fidel na nasa taong kinse... Naalala nya nung bata-bata pa ito sa kapatid ni fidel..

"Nais mo bang lumabas??"

Napatingin si Yna Isabel kay salome imbis na simangutan nya ito ay napangiti na lamang sya ng makita ang maganda at nakakahawang ngiti ni salome..

"S-sasamahan mo ba ako ate?? N-nais kong libutin ang inyong hacienda."

Mas lalong lumawak ang ngiti ni salome at tumango ito.. Dali daling tumakbo palapit si Yna Isabel sa kanyang ina upang magpaalam.. Pinayagan naman ito kaya masayang tumakbo pabalik kay salome na mas lalong napangiti... (SIGURO KUNG MAY KAPATID LANG KAMING PINAKA BUNSO AY SIGURO AY GANITO KABIBO..)

"Ikaw po ba talaga ang mapapangasawa ni kuya fidel??"

Sandaling natahimik si salome at bahagyang ngumiti sa harap ni Yna Isabel upang hindi nito mapansin ang kakaibang reaksyon sa mukha nito..

"Ayos lamang sa akin kung hindi mo pa kayang sabihin sa akin na ikaw ang pakakasalan ng aking kuya fidel.. Ngunit aasahan kong iibig ka din sa kuya ko."

Unti unting nawala ang ngiti ni salome dahil sa sinabi ni Yna Isabel sa kanya... (MAIBIBIGAY KO BA NG BUO ANG PAG IBIG KO KAY FIDEL??)

Nasa hardin ng arguelles sina salome at yna isabel nakahiga pa silang pareho habang tinitignan ang magandang liwanag ng langit.. Umaga pa naman kaya makikita mo ang napakaaliwalas na kalangitan kahit na nasisinagan na sila ni haring araw..

"Ate salome nais mo bang kilalanin pa ng lubos ang aking kuya fidel?? Tanungin mo ako at sasagutin ko.."

Napaisip naman si salome sa sinabi ng kapatid ni fidel... Muling kumuha ng malalim na hininga si salome bago nya iyon pinakawalan.. Gawain iyon ni salome kapag nakapagdesisyon na ito.

"Hmm... Nais kong tanungin kung mahal pa ba ni fidel ang ate Sonya mo?"

Nawala sa isip ni salome na hindi iyon ang tanung na binuo nya sa kanyang isipan..

"Nais mo bang sagutin ko ang iyong katanungan salome?"

Halos mapatayo si salome sa gulat napalingon pa sya ng marinig nito ang hagikhik ni Yna Isabel ang bunsong kapatid ni fidel..

"W-walang i-ibig sabihin ang t-tanung ko.."

Natatarantang turan ni salome habang panay ang iwas nito sa tingin ni fidel at yna na nakangisi samantalang ang isa ay napaka lawak na ng ngiti sa kanya.. (ANONG GAGAWIN KO?? LABIS NA KAHIHIYAN ITO SALOME!!)

"Sasagutin ko ang iyong tanung salome... Nais mong malaman kung mahal ko paba si Sonya? Hindi naman mawawala ang unang pagibig salome ngunit nagbabago din ang tibok ng puso kapag nahanap mo na ang taong magpapaligaya at tatanggap sa iyo.."

(NAIS KO DING MAHANAP ANG TAONG YUN SAYO FIDEL!!! NAIS KONG KALIMUTAN SI ROLANDO AT BIGYAN KA NG PAGKAKATAON AT SANA GANOON KA DIN SA AKIN..)

"Binibining salome maari ba akong pumitas ng bulaklak sa inyong hardin?? Tila natutuwa ang aking kapatid sa mga bulaklak na ito.."

"M-maaari naman ginoong fidel!!"

Nakangiting tumango si fidel at salome sa isa't isa bago ito pumitas ng apat na pirasong bulaklak..

Halos mapunit ang bibig ni salome sa kakangiti ng makita ang tuwa at galak sa mukha ni Yna Isabel ang bunsong kapatid ni fidel.. Nangiti uli ito ng sulyapan nya ng matagal ang mukha ni fidel na halos manliit ang mga mata.

"Binibini nais ko ding ibigay ang tatlong piraso nito sa iyo.."

Halos mapaiwas si salome dahil sa nakakapangilabot na ngiti at tingin sa kanya ng binata.

"S-salamat!!!"

Kinuha ni salome ang bulaklak sa kamay ni fidel at halos malaglag nya ang bulaklak ng maramdaman nito ang pagdikit ng kamay ni fidel sa kamay nya na naging dulot ng kuryenteng naramdaman nito para sa binata.

Nagkatitigan sila ng mag-angat silang pareho ng tingin sa isa't isa.. Malakas na hampas ng hangin at maingay na tunog ng mga ibon na naging musika sa kanilang pandinig..

"Naway maibaling natin ang ating atensyon sa isa't isa.. Hayaan mong ibaling ko sa iyo ang aking atensyon, salome."

* END OF FLASHBACK IN THE PAST *

"Lenzy are you okay?? May masakit ba sayo?"

Naibalik lang ako sa realidad ng hawakan ni erika ang balikat ko habang nakaalalay ito sa akin.. Tuluyan na akong naupo sa sofa dahil na din sa tulong nito.

Unti unting nawala ang pangamba sa puso ko ng makita ang pagkakangiti nito sa akin.

Niyakap agad ako ni erika ng maramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata..

"Lenzy wag mong piliting alalahanin ang lahat... Dahil kusa mo itong maaalala at kusa mo din itong mararamdaman.."

SANA NGA!! SANA MATANDAAN KO NA ANG LAHAT..