webnovel

HIS EYES, FAMILIAR

( Past ) Year in 1922 Meet Salome Y Arguelles she's the last daughter of Ms. Alexandra Ordonio Arguelles and Leonardo Tomas Arguelles a known pre-war Filipino General and a minister of colegio de maynila.. Arguelles Family one of the wealthy family are invited in reunion party for the second son of Valdez. Meet Fidel Y Valdez finally returning to San Miguel, Manila after 8 years of study in Spain as attorney. Kapitán Pedro, a family friends, bids him to spend his first night in San Miguel,Manila where pedro hosts a reunion party at his riverside home on their hacienda.. Fidel Valdez obliges to go in dinner then he encounters old friends, Manila high society, and the other wealthy friend family of them.. Araw ng reunion party ang unang pagkikita nina Fidel at Salome ng hindi pa lubos na magkakilala but Arguelles and Valdez are best-friend since year of 1800's.. Pipiliin ba nilang mag stay sa isa't isa kahit na nahihirapan na sila sa sitwasyon na hindi nila inasahan? Isang trahedya ba ang magbibigay ng wakas sa pagmamahalan nila? Pipiliin parin ba nila ang isa't isa kahit nagkakagulo na ang kanilang pamilya? Lovers turn to Enemy Enemy turn to tragic Their Love Story started but their love story are sad and tragic end.. ( Present ) Year in 2019 A Broken Heart and a tragic fate .. Is it possible to fix their destined? Meet Lenzy Marie Flores, a 22 year old girl and 4th year college.. She is the only daughter and single since birth. Meet Rocky Facun, a 25 year old guy.. A lucky guy attorney and basketball coach.. He is also single since he broken. Their first meet.. *Are Enemy?* Pero para kay lenzy ang pagtitig nito sa mga mata ni rocky ang syang kilabot at kakaibang pakiramdam.. Para bang hindi yun ang unang pagkikita nila ng lalaki.. But, *Enemy turns to Friends* because lenzy is involved in a crime and she need attorney then their meet again for the second time. Bawat araw na nagdaan unti unti silang nahuhulog sa isa't isa ng hindi nila namamalayan.. Bawat oras, minuto at segundo hindi nila napapansin ang ngiti at saya na nararamdaman nila para sa isa't isa. *Until their LOVERS* Hanggang sa unti unti nilang sabay na maalala ang nakaraan ng kanilang pagmamahalan. Muli bang mangyayari ang trahedyang pilit nilang tinatakasan? Muli na naman bang mag wawakas sa malungkot ang kanilang pagsasama at pagmamahalan? Is it possible their tragic end turns to happy ending in their second chance? A tragic destined turn to a happy destined?

Pica_gurl · Geschichte
Zu wenig Bewertungen
14 Chs
avataravatar

KABANATA 07

(Year 1922)

"S-SALOME!!"

Hindi makapaniwalang napalingon si selestina ng magtama ang paningin nito kay salome na nakatitig lang sa kanya.

"I-ikaw na ba iyan?"

Wala sa sariling tanung uli ni selestina sabay nilingon si fidel na tahimik lang sa gilid nilang dalawa.

"S-SELESTINA!!! Ikaw nga."

Napayakay na lang si selestina kay salome na hindi parin makapaniwala habang nakatingin naman kay fidel.

(ANONG MERON SA INYONG DALAWA?)- Sa isipan ni Salome..

Halos iiling iling na yumakap din si salome kay selestina na nanatiling nakayakap sa kanya.

"Nagkakilala na ba kayo?"

Maya't maya ay tanung ni selestina kina fidel at salome..

"Oo... Sya lang ata ang binibining may puot sa akin."

Natatawang sagot ni fidel kay selestina kaya halos matawa silang pareho habang unti unting sumasama ang tingin ni salome sa dalawa.

"Baka isipin mong magkapatid kami.. Si Senior Fidel ay aking kaibigan, salome."

Napatitig lalo si salome sa dalawa ng makita kung gaano kaganda ang ngiti nila sa isa't isa.

"Kaibigan nila ama at ina ang magulang ni Senior fidel.. Ipinakilala nila sa akin si Senior fidel kung kaya't naging magkaibigan kaming dalawa."

"I-ibig sabihin ay tumira ka sa europa?"

Hindi makapaniwalang tanung ni salome kay selestina napalingon pa ito kay fidel na nakangiti parin sa kanilang dalawa.

"SALOME, SELESTINA."

Napalingon naman sila ng dumating na sina Agatha, Maria kasama si Amanda na may dalawang pagkain.

"Maguumpisa na ang piging Senior fidel.."

Nakangiti namang turan ni amanda kay fidel kaya naman tumango ito at naghanap ng mauupuan.. Wala silang nagawa kundi ang makiupo sa dalawang binibini na tahimik na kumakain.

"Maari ba kaming makisalo sa inyo mga binibini??"

Nakangiti at bahagyang yumuko si fidel upang magbigay galang sa dalawang binibini na ngumiti naman at tumango sa kanila.

Magkakasama sa iisang mesa sina Salome, Fidel, Selestina, Amanda,Agatha at Maria kasama ang dalawang binibini na hindi pa nila kilala.

"Ako nga pala si Isabel Cortez .."

Magiliw na pagpapakilala ng babaeng may kapayatan at may kaputian.

"Nagagalak kaming makilala ka Isabel.."

Nakangiting turan ni Maria sa binibining nagpakilala sa kanila.

"Ako naman si Theresita Alfonso .."

Nakangiti namang pagpapakilala ng isa pang binibini na may kaliitan at may katabaan ang katawan at pisnge.

"Nagagalak din kaming makilala ka theresita.."

Nakangiti ding turan ni Agatha sa binibining muli pang nagpakilala sa kanilang harapan.

"Ano ang inyong mga ngalan??"

Nakangiti at magiliw uling tanung ni Isabel sa mga kasama nila sa iisang mesa.

"Ako si Fidel Valdez.."

Halos manlaki ang matang napatitig ang dalawa sabay nilingon si salome na nasa kanan ni fidel.

"Kayo bay magkasintahan?"

Halos malaglag ang panga ni salome ng lingunin sya ni theresita..

"A-ano?? Hindi!! Hindi ko sya kasintahan.."

(ANO NAMANG NAISIP MO AT IYAN ANG NAITANUNG MO SA'MIN??)- Sa isipan ni Salome

Naiilang at napapalunok na sa sagot ni salome kay theresita na halos manghinayang sa isinagot ni salome.

"May ibig pakasalan ang aming kaibigan.."

Maya't maya ay turan ni maria sabay sagi sa balikat ng katabi nito na si theresita..

"Talaga!! Sino naman ang napupusuan nya?"

"Sya si Salome Arguelles.. At ang napupusuan nito ay si Rolando Valdez ang isa sa pinsan ni Senior fidel.."

Halos malaglag ni salome ang hawak nyang kutsara at tinidor dahil sa ibinunyag ni Agatha ang pinakamadaldal sa kanilang magkakaibigan.

"Ngunit may kasintahan na si Senior Rolando.."

Muling nakita ang panghihinayang sa mata at reaksyon ni theresita dahil sa sagot ng kaibigan nyang si Isabel.

Natahimik sila ng magsalita si salome na ikinagulat pa nila..

"Si Sonya Flores ang magiging asawa nito.. Ang aking p-pinsang buo."

Napayuko ng bahagya si salome at pinaglaruan ang nakahapag na pagkain sa harapan nito.

"Kumain na lamang tayo!!!"

Seryosong turan ni fidel ng matahimik muli ang pwesto nila.. May lungkot sa mga mata ni fidel ng malingunan nito si salome na nakatulala sa pagkain habang nilalaro pa nito.

"Masasayang lamang ang pagkain sa iyong ginagawa, salome na may puot sa akin."

Masamang tingin ang ibinigay ni salome ngunit halos wala ng kurap na napatitig si salome kay fidel na nagulat pa sa pag angat ng ulo nito upang tumama na ang tingin nila sa isa't isa..

Malakas na hampas ng hangin ang naramdaman nilang dalawa habang ang kaluskos ng mga dahon ang syang naging musika nilang pareho.. Ang mga titig nila sa isa't isa ay parang pumasok sa isip at dumeretsyo sa kanilang mga puso sanhi ng mabilis na pagtibok ng kanilang mga puso hindi naman maintindihan ni salome kung bakit nagkaganon ang nararamdaman nito para kay fidel.

Hindi parin nila iniiwas ang titig sa isa't isa kung kaya't ang mga mata nila mismo ang nagkakaintindihan at naguusap.. Halos magtuloy tuloy ang pagpatak ng luha ni salome dahil sa narinig nito..

"Narito kayo upang marinig ang nalalapit na kasal nila Rolando Valdez at Sonya Flores.. Salamat sa inyong presensya.. Salamat sa inyong suporta."

***   ***

Nakatitig si salome sa buwan... Sa buwang sobrang liwanag.. Nakahawak din sya ng malaking bote ng nakakalasing na tsokolate habang nakaupo sa malaking bato malayo sa hardin kung saan nagaganap ang piging.

"Ayos lamang ako!!"

Paulit ulit na bulong ni salome sa kanyang sarili habang paulit ulit na itinutungga ang hawak nitong tsokolate na nakakalasing..

"Tila ika'y nagiisa?"

Napalingon si salome kay fidel na bigla na lang sumulpot at umupo sa kanyang tabi.

"Narito ka ba upang asarin ako?"

"Nais kitang damayan sapagkat gaya mo ay nasasaktan din ako."

Napalingon si salome kay fidel ngunit natigilan ito ng makitang nakayuko ito.

"H'wag mong sabihing ika'y may pagtingin sa aking pinsan?"

"Nagkaroon kami ng ugnayan nung ako'y nagaaral sa europa nung akoy nasa pangatlong baitang sa kolehiyo.. Siya ang kauna unahang binibini na aking naging katipan ngunit mapaglaro ang tadhana sa aming kapalaran ng malaman kong ikakasal na sya sa aking pinsan na si Rolando."

Natigilan si salome habang nakatitig ito kay fidel ng magtama ang paningin nila dali dali syang umiwas at napalagok na lang sa hawak hawak nitong tsokolate na nakakalasing.

"At nalaman kong may pagtingin ang aking pinsan sa iyong pinsan na si Sonya.. Mas pinili kong magpaubaya!!"

(NAPAKASWERTE NAMAN NYA!! MAY DALAWANG GINOO NA NAGKAKAGUSTO SA KANYA..)- Sa isipan ni Salome..

"Ngunit nagbabago din ang nararamdaman... Ang buwan at bituin ang nagpapatunay na ang tibok ng puso ko ay nasa ibang binibini na."

Halos mabilaukan si salome dahil sa sinabi ni fidel sa kanya at halos malaglag na sya sa kinauupuan nya ng tumitig ito sa kanya kung kaya't hindi na din nya maalis ang kanyang mga mata..

"Saksi ang buwan at bituin sa aking nararamdaman sa binibining aking isinisinta na ngayon.."

Nanatili silang nakatitig sa isa't isa... Hindi namalayan ni salome na kahit ang kanyang puso ay kumakabog na sa sobrang bilis.. Halos hindi na sya makagalaw ng unti unting lumalapit ang mukha ni fidel sa kanya.

(BAKIT HINDI KO MAGAWANG PIGILAN ITO??)- Sa isipan ni Salome.

Hindi parin kayang iiwas ni salome ang mukha nito dahil sa kakaibang titig nila sa isa't isa na para bang nagkakaunawaan silang dalawa.

"SALOME!!"

"FIDEL..."

Halos matumba si salome sa pagtayo ng tawagin sila ng kanyang ama kasama ang ina nito ganun din ang ama at ina ni fidel.

Parehong nagulat at napayuko sina salome at fidel.. Hindi din sila makatingin sa kanilang magulang..

"Ama!!!"

Nakayukong tawag ni salome sa kanyang ama na seryosong nakatingin sa kanila..

"Kayo ba'y magkatipan??

Halos malaglag ang hawak ni salome dahil sa tanung ng kanyang ama.

"amigo creo que nuestros hijos están listos? ¿Por qué no les decimos la verdad? (kaibigan sa tingin ko'y handa na ang ating mga anak? bakit hindi na lang natin sabihin sa kanila ang totoo.)"

Halos mangunot ang noo ni salome at fidel dahil sa kanilang narinig.

"Sa tingin ko nga'y handa na ang ating mga anak.."

Nakangiting sagot ng ama ni salome sa ama ni fidel.. Halos kumabog ang puso ni salome dahil naiintindihan na nito ang ibig sabihin ng ama nito gayon din ang ama ni fidel..

"Padre, ¿a qué te refieres? (Ama, ano ang ibig mong sabihin?)"

"Creo que realmente estás listo para casarte. En solo un año terminarás la universidad. (Sa tingin ko ay handa ka na talagang mag-asawa.. Isang taon na lang ay makakatapos ka na ng kolehiyo.)"

Napalingon na si fidel sa kanyang ama... Hindi parin mawawala ang pagtataka at pagkakakunot ng noo nito.

"Matagal na nating kaibigan ang pamilya arguelles... Nais kitang ipakasal sa anak ni tomas, nais kong ang mapangasawa mo ay isa sa mga anak na babae ng aking kaibigan."

Nakangiting habol ng ama ni fidel.. Halos walang kurap na napalingon si salome sa kanyang ama.

"A-ama totoo po ba ang nais nyo sa amin?"

"Nais kong ang anak ni Benito ang iyong mapapangasawa.."

Halos mapaupo si salome sa batong inuupuan nila kanina ni fidel.

(BAKIT KAILANGANG HUMANTONG SA GANITO?)

"Kalimutan mo na ang nararamdaman mo kay Rolando Valdez, salome.. Hindi ka nararapat sa lalaking iyon, anak."