webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · Geschichte
Zu wenig Bewertungen
41 Chs

Chapter 24

"Honey, what's with that face? Bakit malungkot ka?" Tanong ng kanyang ina.

She pouted her lips. "Dad's not here, nangako siya na maglalaro kami." Aniya ng batang Alois.

Nakangiting ginulo ng kanyang ina ang buhok niya na siyang mas lalong ikinanguso niya.

"You know, daddy's busy kaya bakit hindi na lang tayo ang maglaro?"

"But mom, we're always playing. I want dad to be here with us."

Binuhat siya ng kanyang ina. "Mas love mo ba ang daddy mo kaysa sa akin?"

"I love both of you!" Aniya bago hawakan ang magkabilang pisngi ng kanyang ina. Pinugpog niya ito ng halik sa mukha. "I love mom, I love dad! I love you both!"

"I love you too, anak." Aniya.

Inilapag siya ng ina sa upuan ng piano bago tumabi rito.

"What do you want me to play?"

Kuminang ang mga mata niya sa tanong ng ina. Sobrang daming piyesa ang pumasok sa isip niya.

"Twinkle star!"

"Okay! I'll play twinkle twinkle little star for my princess." Her mom said with a wink.

She continued playing while the curtain's dancing because of the wind.

"If Ignis didn't came into our lives, mom will still be alive right? Me, mom and dad will still be happy, buo pa sana kami... pero paano kung hindi talaga siya dumating sa buhay namin? Sa buhay ko?" Ani Alois sa sarili.

Unti-unting bumibilis ang tunog na nililikha ng piano.

"That was your mother's favorite. She used to play that piece when you're sad."

Naibagsak niya ang kamay na siyang naging dahilan para lumikha ng malalim at hindi magandang tunog ang piano.

"Why did you stop?"

Umigting ang panga niya sa sinabi nito.

"Why did I stop? Because you're here..." Hinarap niya ito. "Dad."

Maingat ang kilos niya nang umalis siya sa pagkakaupo.

"Bakit nandito ka?"

Nanatiling tahimik ang kanyang ama. Nakatingin lamang ito sa kanya na siyang mas lalong ikinainis ng dalaga. Maganda na ang mood niya kanina pero sinira lang ito ng kanyang ama. Seeing his face makes her blood boil.

Hahakbang na sana siya palayo nang magsalita ito.

"How are you?"

she gave his father a smile— a fake one. "I'm not fine, thanks to you."

Ito ang nagsimula ng lahat. Nang dahil dito ay nandito ulit siya sa kaharian na ito, nangyari na ang gusto nito na maging babae ng ampon niya. And worst, she's now carrying Ignis' heir.

"I'll assign a nurse to keep an eye on you and your baby."

"No need, marami ng nagbabantay sa akin. Marami ng asong nakasunod sa akin kaya huwag mo ng dagdagan pa." She paused. "I'm fine on my own. Nakaya ko ngang mamuhay sa kalye ng mag-isa, ito pa kayang alagaan lang ang batang nabubuo sa sinapupunan ko."

Hinawi niya ang buhok nang hanginin ito. Humigpit ang pagkakahawak niya sa ilang hibla nito nang makita ang buhok ng ama. She really hates her hair.

"Kamusta na kayo ni Alexandre?"

Kumunot ang noo niya. Alexandre? Who the fuck is that person?

"Kamusta? I don't even know that person." Umirap siya.

Tinalikuran niya na ito dahil wala namang patutunguhan ang pag-uusap nila. Malapit na siya sa pintuan nang bigla itong bumukas. Sa gulat niya ay napasinghap siya. Iniluwa ng pinto si Ignis na habol hininga. Namumula ito at nakakunot ang noo.

Nawala ang kunot nito sa noo nang makita siya. Malalaking hakbang ang ginawa nito para makalapit sa kanya. Ignis hugged her nang tuluyan na itong makalapit.

Halos lumuwa ang mga mata niya sa ginawa nito. Bakit siya niyakap?

"Fvck! I thought you...yo— "

"Tumakas? Sa tingin niyo ba makakatakas ako?" Putol niya sa sinasabi nito. Tinulak niya ito palayo sa kanya. "With this baby bump, sa tingin niyo makakatakbo ako?" Tinuro nito ang umbok na tiyan.

She saw happiness in Ignis' eye nang sundan nito ng tingin ang umbok sa tiyan niya.

"Don't ever hug me again. Parang nitong nakaraan linggo lang ay todo iwas ka, ngayon bigla-bigla ka na lang mangyayakap. Okay ka pa ba?" Sarkastiko niyang sabi.

Kala mo kung makayakap ay walang ginawang masama. Napairap ulit siya.

Atsaka lang naalala ni Alois na hindi lang pala sila ni Ignis ang tao sa silid, nakalimutan na niya ang ama.

Tumikhim ito na naging dahilan para ibaling nilang dalawa ni Ignis ang tingin sa ama. Seryoso pa rin ang mukha nito.

"Father." Ignis said bago yumuko bilang pagbibigay galang.

"Totoo nga na nagkatampuhan kayo."

Kumunot ang noo ni Alois. Nagkatampuhan? Who said that?

"Inaalagaan mo ba ng maigi ang mag-ina mo, Alexandre?"

Kumunot lalo ang noo niya. "Alexandre?"

Hinarap siya ng binata. "I'm Alexandre. Ignis Alexandre Aeternam, that's my name now."

Binigyan niya ng 'Whatever' look si Ignis. Binigyan na pala ng ama niya ng pangalan si Ignis. Hindi na lang ito basta-bastang Ignis, he has a long name now. Dinaig pa ang haba ng pangalan niya.

"Can I leave now?" Tinuro niya ang nakabukas ng pinto.

Gusto na niyang bumalik sa silid niya nang makapagpahinga na. Wala na rin naman siya sa mood dahil sinira na ito ng dalawang taong mahilig manira.

"Not yet. May sasabihin pa ako."

Inis na napapadyak si Alois. "Sabihin mo na nang makapagpahinga na ako."

Binalik ng kanyang ama ang tingin sa ampon nito. Kailangan ba talaga nandito siya? Kailangan ba talaga niyang marinig ang sasabihin nito?

"Ipapadala ko si Ignis sa gera makalipas ang dalawang buwan."

Biglang napalitan ng saya ang inis sa mukha ni Alois nang marinig ang balita. Ngunit nawala rin ang ngiti na 'yon nang marinig ang kasunod na sinabi nito.

"And I want both of you to have a quality time together bago ko siya ipadala doon, kaya simula sa araw na ito, sa iisang silid na lang kayo magsasama. Ipapagawa ko na sa iba ang mga gawain ni Alexandre nang maibaling niya ng buo ang atensyon sa inyong dalawa ng bata."

Umigting ang panga ni Alois sa galit. "Me and him?! Sa iisang silid matutulog?! Hell no! Never!"

"Gamitin niyo ang dalawang buwan na iyon para alagaan ang isa't-isa, para maibalik ang maganda niyong relasyon katulad ng dati. Magkaayos na kayo."

Hindi makapaniwalang natawa si Alois. "Magbabati na kami! Pero yung makasama ko siya sa iisang silid? That's a freakin no!"

Biglang napa-atras si Alois ng titigan siya ng ama. Ang tingin na kinakatakot niya mula noon hanggang ngayon. 

"This is my empire, ano man ang sabihin ko ay iyon ng masusunod. You can't do anything about it, Alois. Whether you like it or not, you and Ignis will be together 24/7." Aniya bago sila talikuran.

Hahabulin niya sana ito pero huli na. Umalingaw-ngaw ang pagsarado ng pinto sa buong silid. Gustong sabunutan ni Alois ang sarili, gusto niyang iumpog ang ulo sa pader at gusto na niyang magising sa bangungot na ito.

"Why the fvck are you smiling, you jerk!" Aniya kay Ignis na ngayon ay nakangiti.

Naihakbang niya paatras ang paa nang lumapit ito. Hahakbang ulit sana siya ngunit nahigit na nito ang palapulsuhan niya. He pulled her closer. Naramdaman ni Alois ang paglapat ng umbok niyang tiyan sa tiyan nito.

"Wala kang dapat ingiti d'yan dahil walang quality time na magaganap. I don't want to spend my entire time being with you." Pinilit niyang lumayo rito ngunit hindi siya hinahayaan ng binata.

"Hindi ko susuwayin ang hari."

Nag-init ang pingi ni Alois nang ilapit nito sa tainga niya ang mukha nito. Tumaas ang balahibo niya nang maramdaman ang mainit nitong hininga.

"Why don't we go to our room now, Alois. That'll be fun."

Buong lakas na inapakan ni Alois ang paa nito. Sa wakas ay nakawala rin siya.

"Being with you is not fun at all, you bastard!" She raised her middle finger bago lisanin ang silid.