webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · Geschichte
Zu wenig Bewertungen
41 Chs

Chapter 20

Mairy Alois Hernandez

Isang linggo ang lumipas. Naninibago si Alois. Nagigising siya na si Ignis ang bubungad sa kanya at matutulog siya na si Ignis ang nakikita. He's like a creep. Wala itong ginawa kundi ang titigan siya, bawat kilos niya ay alam na alam nito.

Katulad na lang ngayon. Naka-upo si Ignis sa hindi kalayuan. Nakatuon ang atensyon nito sa mga papel na kailangang pirmahan pero madalas ay panakanaka siya nitong tinitingnan.

"Baka matunaw ako kapag ipinagpatuloy mo pa ang pagtitig sa akin."

Namula ang pisngi ni Alois sa sinabi nito. "Sana nga'y matunaw ka na lang nang hindi ko na makita 'yang pagmumukha mo."

"Will you please leave?" Aniya.

Ibinaba ni Ignis ang hawak atsaka sumandal sa sandalan ng inuupuan nitong silya. Hinawi nito ang buhok paitaas na siyang naging dahilan para mapatigil si Alois.

May kakaibang dating ang paraan ng paghawi nito ng buhok. Na para bang nang-aakit ito. Inis na umiling si Alois.

"Damn it, Alois. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? What I'm doing is for your fvckin' sake." Inis na sabi ni Ignis.

Biglang napahawak si Alois sa tiyan niya bago tiningnan ng masama si Ignis. "Don't curse! Baka marinig ng bata!"

Ang inis sa mukha ni Ignis ay unti-unting nawala. He pinched the bridge of his nose.

"I'm not leaving. Babantayan kita." Malumanay nitong sabi.

Ngayon niya lang ulit ito narinig na nagsalita ng malumanay. Palagi kasing galit o hindi kaya ay walang emosyon ang boses nito kapag nagsasalita.

"It's been one week, Ignis. I'm okay now. Huwag kang mag-alala, aalagaan ko ng mabuti ang bata na nasa sinapupunan ko."

Naging mahigpit kasi sa kanya si Ignis mula no'ng dinugo siya. Ni tumayo ay kailangan naka-alalay ito, maski pagligo at pagbihis ay nakabantay ito. Ni hindi na nga rin siya nakalabas sa silid niya at si Ignis ang dahilan. Ignis won't let her step her foot on the ground even outside the room. Gano'n siya kaingat. Alam naman ni Alois ang dahilan. Ang bata. Natatakot si Ignis na baka may mangyaring hindi maganda sa batang nasa sinapupunan niya.

"Kahit ngayon lang, Ignis. I'm tired of seeing your face." Pang-iinis niya. Totoo naman kasi. Sawang-sawa na siya.

Nakahinga ng maluwag si Alois nang tumayo si Ignis sa inuupuan. Akala niya aalis na ito pero nagulat na lamang siya ng lumapit ito sa kanya at umupo sa gilid ng higaan.

"I'll be back, Alois." He said.

"Whateve— " Hindi na natuloy ni Alois ang sinasabi nang bigla na lang yumuko si Ignis. Hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa. Ignis kissed her stomach. Natulala siya sa gulat.

"I'll be back little prince." He said. Hinaplos nito ang may umbok niyang tiyan bago tumayo.

Hindi namalayan ni Alois na nakalabas na si Ignis sa silid. Natulala siya, gulat sa nangyari. Namula at nag-init ang pisngi niya sa inakto ni Ignis. Akmang pupunasan niya sana 'yong tiyan niya kung saan hinalikan ni Ignis ngunit napatigil din siya. Padabog siyang humiga bago magtalukbong ng kumot.

Umalis nga si Ignis pero naiinis pa rin siya.

Naalimpungatan siya nang makaramdam ng gutom. Dahan-dahan siyang umupo mula sa pagkakahiga atsaka sumandal sa headboard ng kama. Kumukulo ang tiyan niya. Nakatulog pala siya, hindi tuloy siya nakakain.

Humikab at nag-unat siya bago tumayo. Sinuot niya ang kulay puting slippers bago lumabas ng silid. Ang akala niya makikita niya si Lithana. Palagi kasi itong nakabantay sa labas ng silid niya pero sa oras na ito ay walang Lithana na nakatayo sa gilid ng pinto.

"Where the heck is she?" Uutusan pa naman niya ito na kuhanan siya ng pagkain. Kung kailan kailangan niya ito atsaka naman nawala.

Tumunog ang tiyan niya. She cares her stomach. "Bet you're hungry too little one."

Natawa siya nang kumulo ulit ang tiyan niya. "Okay, okay! Kakain na."

Tinahak niya ang tahimik na pasilyo. Madilim na sa labas. Ilang oras ba siyang nakatulog?  Nakarating na siya sa hagdan pero wala pa din siyang nakakasalubong ni isang tagapagsilbi na siya namang ipinagtaka niya. Where the heck are they?

She was about to take another step when someone spoke which made her gasp.

"Mahal na prinsesa, saan ka pupunta?"

Matalim na tingin ang ibinigay niya sa lalaki— kay Ismael. It's been a long time since she saw this traitor.

"None of your business, Ismael." She said before turning her back. Maingat siyang bumaba ng hagdan.

"You're my business Alois. Pinapabantayan ka sa akin ng Mahal na reyn—"

"Sinabi rin ba ng ina ko na pagtraydoran mo ako?" Huminto siya bago ito harapin. "You're no longer the queens LOYAL servant. She's dead kaya tumigil ka na."

Hindi nakaimik si Ismael sa sinabi niya. Pinagpatuloy niya na lang ulit ang pagbaba ng hagdan. Hindi na umimik si Alois kahit na alam niyang sinusundan siya ni Ismael.

Gutom siya ngayon at wala na siyang lakas para makipagbangayan sa lalaking 'yon. She went to the palace's pantry para kumuha ng mga pagkain. Sunod naman niyang tinungo ang kusina.

"Please cook me something." She said dahilan para mabitawan ng chef ang hawak niyang kawali.

"M-mahal na prinsesa!" Gulat nitong sabi.

Lahat ng nasa kusina ay nagulat nang makita siya. Ang iba naman ay kaagad na yumuko upang magbigay galang sa kanya.

"Will you please stop calling me Mahal na prinsesa? Nakakainis."

Napalunok ang lahat sa sinabi niya. Why does they kept on calling her princess? She's no longer a princess, she's a mere concubine now.

"P-pero—"

"Shut it! I'm just a concubine now." Putol niya sa sinasabi ng isang tagaluto.

Natahimik ang lahat. Damn it! Nainis nanaman siya, palagi na lang. Bumuntong hininga siya bago umayos ng tayo.

"Sorry." She said. "Can you cook something for me and for this little one?" Hinaplos niya ang tiyan. Hindi pa ganoon ka visible ang umbok nito dahil isang buwan pa lang naman siyang buntis.

Biglang napangiti ang lahat. Kumilos na sila para maghanda ng makakain ni Alois at ng bata sa sinapupunan nito.

"Masusunod po." Aniya ng babaeng may katandaan.

Nakangiti siyang tumango. "Uhm, What's your name?"

"Alma po."

Tumango si Alois. Nagpaalam siya na sa hapag kainan siya maghihintay bago siya umalis sa kusina.

"Mainitin pa rin ang ulo mo." Turan ni Ismael na nakasunod sa kanya.

"Huwag ka ngang sumunod sa akin!"

Naiinis siya sa presensya ni Ismael. Naiinis siya sa pagmumukha nito. Sa tuwing nakikita niya kasi ang lalaki ay naalala niya ang ginawa nito, ang pagt-traydor nito sa kanya. Nagulat niyang hinarap si Ismael nang hawakan nito ang kamay niya.

"I'm sorry, Alois."

Umigting ang panga niya. "Why did you betray me?"

"Hindi kita pinagtaksilan. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin."

"At 'yon ay ang ibalik ako sa impyernong ito? Tama ba ako, Ismael?"

Hindi umimik si Ismael. Hindi niya namalayan na umiiyak na siya. Napa-upo siya atsaka tinakpan ang mukha niya.

"I hate you. All of you." She said between her sobs.

He used to be her protector. Si Ismael ang nanatili sa tabi niya noong paalisin sila ng kanyang ina sa palasyo. Ito ang nasa tabi niya noong naghihirap siya sa kalye. Sumama ito sa kanila ng kanyang ina kahit na wala na itong matatanggap na pera mula sa kanila. He stayed when everyone left her and her mother. Nasa tabi niya si Ismael nang mamatay ang ina. Kasama niya si Ismael na mag-tago sa kanyang ama at maghanap ng makakain no'ng sa lansangan sila tumira, but he betrayed her. Isa ito sa dahilan kung bakit nag kaganito ang buhay niya.

"You betrayed me!"

Naramdaman niya ang pag-upo nito sa harapan niya.

"I know and i'm sorry for betraying you. Ginawa ko lang 'yon dahil ayoko ng makita kang nasa lansangan at naghahanap ng makakain. Hindi ka nababagay sa lugar na 'y—"

Pinutol niya ang sinasabi ni Ismael. "At saan ako nababagay? Sa lugar na ito? Sa impyernong ito?! Ikaw na mismo ang nagsabi noon na hindi mo hahayaan na makabalik ako sa palasyong ito pero ikaw din pala ang isa sa mga magiging dahilan para maibalik ako dito."

Pinahid niya ang luha sa kanyang pisngi at mata. "Umalis ka na Ismael." She said bago tumayo.

Walang gana siyang umupo sa upuan.

"Sinabi ng umalis ka na!"

Ismael tried to reach her ngunit pinigilan niya ang sarili. Nakatingin lang siya kay Alois na patuloy pa rin sa pag-iyak. Alam niya, alam ni Ismael na nasaktan niya ng sobra si Alois at nagsisisi siya sa ginawa niya.

Yumuko siya bago tuluyang lumabas. Leaving Alois—again.