Wedding Day..
Mabilis ba? Nabigla din ako sa bilis ng pangyayari e.. one minute napahiya ako sa harap nila PJ.. the next e eto.. ikakasal na 'ko..
"Stephanie.. you lose some weight.. lumuwag 'yung gown mo o.." puna ng nag-aayos ng gown ko.. nakilala ko 'yung totoong nagdesign ng gown ko at hindi 'yung Walis na 'yun ang gumawa. Staff niya na mas magaling pa sakanya.
"Uh.. yeah.. madami kasing inasikaso sa bakeshop.." actually.. nasstress ako sa pangyayari this past week.. parang kelan lang ni wala sa plano ko ang magpakasal.. ngayon.. ikakasal na 'ko sa lalaking pinakamamahal ko..
"Okay lang 'yan.. parang tensionada ka din.. wedding jitters maybe?" she teased me. ngumiti nalang ako ng tipid sakanya. Kung alam mo lang..
"Alam mo.. ikaw ang pinakamagandang bride na nakita ko.. although parang may bumabagabag sa'yo.. hindi maitatago na sobrang ganda mo!" may paghangang sabi nito.
"Salamat.." tinignan ko ang reflection ko sa salamin.. She's right.. ang nakikita ko sa harap ko.. parang diyosa.. napakaganda niya.. wearing her wedding gown na pa-tube ang style.. she's really stunning.. Ako ba talaga 'to?
"Sir.. hindi po kayo pwedeng pumasok diyan!" biglang pumasok si PJ kasunod ang isang kasambahay sa kwarto ko. he's wearing a suit. Napakagwapo niya talaga.. every girl's dream man..
"PJ.. anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba naniniwala sa pamahiin?" tanong ng designer ko. Sinulyapan lang siya ni PJ at muling tumingin sa'kin.
"She's right PJ.. anong ginagawa mo dito?" there's no harm on believing sa mga pamahiin diba? Malay mo nga naman kasi hindi matuloy 'tong kasal na 'to..
"Do you really think I'll let anyone stop this wedding?" he arched a brow on me as he muttered that word.
I heard people in my room gasped.
"Awww.. so sweet.." nakangiting sabi ng designer kay PJ.. halatang kinikilig.
"Can you leave us here for a moment?" he's not actually asking for permission.. nag-uutos siya.
"Uh.. yeah.. sige.. sige.." then the all stormed out palabas ng kwarto ko..
Nang kami nalang dalawa ni PJ ang nasa loob ng kwarto.. tumalikod ako at nagkunwaring may kinakalikot sa cellphone.. naramdaman ko ang paglapit niya sa'kin.
"Here.." inabot niya sa'kin ang isang envelope. Inabot ko 'yun.. "What's this?"
"Pre-nup." He said. I wanted to tear this envelope and it's contents to shreds.. this is the proof that he doesn't trust me..
"I know you don't want to sign it.. but it's your call.. sign it and we'll continue this wedding.. if you doesn't-"
"Where's the pen?" It's better to expunge this thing now.. ayokong mag-isip ng kahit ano. Mahal ko si PJ. Mahal na mahal.. I don't need his money.. siya lang..
Inabot niya sa'kin ang sign pen at agad kong pinirmahan ang papeles. Not bothering to read kung anuman ang nasa loob nito.
"Hindi mo man lang ba babasahin?" he breathes.
"What for? Hindi ko naman habol ang pera mo.." tumalikod na 'ko uli to hide my eyes. Alam kong naluluha ako dahil sa pangyayari ngayon..
I heard him sigh. "You look beautiful in that gown.." namula ako sa sinabi ni PJ. Minsan lang siya magbigay ng compliment e..
Bago pa man ako nakasagot, lumabas na si PJ ng kwarto ko..
Magwowork ba talaga ang marriage na 'to? O walang pupuntahan 'to?
"Stephanie?" I heard a knock on the door. Pinagbuksan ko ito and I saw Lolo Rafael.. pinapasok ko siya.
"May kailangan ka po ba Lolo?" I ask him. Ilang araw ko ding hindi nakikita si Lolo.. busy kasi sa kasal..
"Wala naman hija.." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa ng may paghanga.. "Look at you.. you've grown beautifully.. your mom must be proud of you.." he smiled at me.
"This is all beacause of you.. Thank you po.." I hugged him.. for the past 16 years.. si Lolo Rafael ang naging ama ko.. he's always there for me.. and I thank God for giving me such a wonderful person para gabayan ako..
"Don't cry.. masisira ang make-up mo.. napakaganda mo pa naman ngayon.." hinawakan ni Lolo Rafael ang kamay ko.. "Alam mo ba kung bakit kita ipapakasal kay PJ kahit na hindi lingid sa'kin na galit siya sa'yo?"
Napatuwid ako ng upo.. "Po?"
"i want you to change him.. change him meaning mapasaya mo siya.. change him to be a b etter man.."
"Lolo.." mapasaya si PJ? Anong ibig niyang sabihin?
"Huwag mong susukuan si PJ ha.. kahit na ano pa ang pagdaanan niyo, don't you ever leave him.. support him always.. maipapangako mo ba sa'kin 'yun Stephanie?" bahagyang pinisil ni Lolo Rafael ang kamay ko.
"Opo.. gagawin ko po ang kaya ko.." i tried to smile at him.
"Salamat hija.." then he hugged me.
-------------------
Nagsisimula na ang kasal. Nandito na kami ngayon sa simbahan.. dahil wala naman akong kapamilya na.. si Lolo Rafael ang aakay sa'kin papunta sa altar.
Hinawakan ni Lolo Rafael ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad papunta sa altar. Flashing cameras, smiling people.. people na hindi ko naman kakilala.. bakas sa mukha nila ang paghanga ng makita nila ako.
I look forward. I saw PJ standing proudly. Napakagwapo niya talaga.. nasa likod niya si Thunder na tumatayong best man niya. I also spotted Cupid at Blue na equally dashing sa mga suot nila.
*Lub dub lub dub lub dub*
Ang lakas ng tibok ng puso ko.. parang any moment, lalabas siya sa dibdib ko..
I felt like we've been walking forever hanggang sa marating ko na ang harap. PJ standing infront of me.
"Apo.. ingatan mo si Stephanie.. love her.." iniabot ni Lolo Rafael ang kamay ko kay PJ.
"I will.." then he kissed my hands while his eyes are locked on mine.
Nagpatuloy ang seremonya ng kasal..
"Stephanie, do you take this man as your loving husband and vow to love him as long as you both shall live?" tanong sa akin ng pari na nagkakasal sa'min.
Tumingin ako kay PJ.. Totoo ba ang lahat ng 'to? Ikakasal ba talaga ako?
"Stephanie?" tawag uli sa'kin ng pari. Tumingin naman sa gawi ko si PJ nang nakakunot.
"Uh.. Ye-yes.. Yes, I do.." I whispered.
"Pj, do you take this woman to be your lawfully wedded wife and vow to love her for as long as you live?" tanong ng pari kay PJ.
"Yes, I do." He answered na hindi man lang tumitingin sa'kin..
"I now pronounce you man and wife. You may now kiss the bride, PJ." I wasn't expecting him to kiss me on the lips. Kaya ng humarap ako sakanya, itinaas niya ang belo na tumatakip sa mukha ko at hinalikan ako sa labi. He pressed his lips on mine na nagpaungol sa'kin ng mahina.
I flushed ng bitiwan niya ang labi ko.
Nagpalakpakan naman ang mga tao sa loob ng simbahan. Nakita kong ngiting-ngiti si Lolo Rafael, Tita Bettina and Cristine. Si Cupid naman ay may ngitin din sa labi habang si Blue.. halatang pilit ang ngiti.. kailangan ko pa ba idescribe kung anong itsura ni Clarisse? Huwag na.. ampanget e.. amp.
Nagsimula ang picture taking at lahat ay masaya. Nang kinunan kaming dalawa ni PJ, i immediately swore na ipapaframe ko 'yung picture na 'yun once we're home.
"Let's go to the reception!" masiglang aya ni Lolo Rafael sa mga bisita. Agad namang nagsipag-ayon ang mga bisita at nagsimula namang magsilabas na ang mga tao.
"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ng mga tao paglabas namin.. kanya-kanya ng hagis ng mga petals ng bulaklak at bigas.
Hinawakan ni PJ ang kamay ko at hinila ako papunta sa kotse niya.
Tahimik lang ako sa daan habang nagmamaneho si PJ. Hindi ko alam kung dapat ba kaming mag-usap o hindi.. I don't know what to say..
Napansin kong ibang daan ang tinatahak ni PJ. "PJ.. saan tayo pupunta?"
"Condo ko." malamig na tinig niyang sabi. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.
"Huh? E diba may reception pa sa mansion? Hindi na ba tayo pupunta dun?" baka mamaya naghihintay si Lolo Rafael dun..
"No. Pagod ako.. i wanted to sleep." Hindi na 'ko umimik pa. I should've brought my cellphone para natawagan ko si Cristine. Kaso ang dala ko lang.. me, myself and I..
Dumating kami sa isang building. I'm still wearing my wedding gown kaya naman nahirapan din akong maglakad. Sumakay kami sa elevator an d he hit the top floor button.
Wala kaming imikan ni PJ hanggang sa bumukas ang elevator. Sinundan ko lang si Pj habang kipkip ko sa kamay ko ang laylayan ng gown ko. mahirap maglakad when you're wearing a wedding gown at high heels. Hindi pa man din ako sanay.
Naglakad kami hanggang sa marating namin ang no. 1918 room.. eto na siguro ang unit niya.. I wonder kung anong itsura ng bahay ni PJ.
It was password protected kaya naman nag-key in si PJ ng number dito at may narinig akong mahinang click.
Binukasan niya ang pinto at pumasok na din ako sa loob. The place was spacious. Ang ganda! Napakalinis din! Makikitang lahat ng gamit ay mamahalin..
Inilibot ko ang tingin ko and I saw na may veranda ang unit. Ang ganda dito.. hindi naman din siguro ako mahihirapang tumira dito.
Nakita kong pumasok si Pj sa isang kwarto. Kwarto niya siguro 'yun.
Sabi niya we'll sleep in separate rooms.. saan kaya ang kwarto ko?
Nagpunta nalang ako sa veranda at nagpahangin.. ang stressful ng nangyayari ngayon sa'kin.. sa'min.. alam kong mahirap din kay PJ ang nangyayari.. para sa lalaki.. marrying at 24 isn't right.. parang nagsisimula pa lang ang buhay nila nun e..
Umupo ako sa upuang naroon at pumikit.. bahala na! Nangako ako kay Lolo Rafael.. and I intend to keep that promise. Mahal na mahal ko si PJ.
-------------------
PJ
Nasaan na ba 'yung babaeng 'yun? Iniwan ko lang dito.. nawala na! Does she even know kung anong password ng pinto ko para lumabas siya? Tsk!
I looked at my cellphone at andaming nagtetext at tumatawag. They're looking for us. Mas pinili kong magreply nalang kay Thunder. He'll do the explaining thing.
"We're at my house." 'yan lang ang reply ko.. pero alam ko maieexplain na ni Thunder 'yan sakanila.. si Thunder pa!
"Fvck! Nasaan na ba siya?" I'm famished. Hindi na 'ko nakakain kagabi, kanina at nung lunch! Pagdating namin kanina, dumiretso na 'ko sa kwarto ko at nagpalit ng damit at natulog. I'm exhausted! Inayos ko ang problema nila Daddy.. inayos ko ang pre-nup.. kaya naman nakatulog ako agad.
Inilibot ko ang mata ko.. I really don't know where she is! Sinubukan kong tignan ang guest rooms pero ni isa 'dun, wala siya! Fvck!
Nakita kong bukas ang pinto sa may veranda kaya naman agad akong nagpunta 'dun. I was about to yell at her pero nakita ko siyang natutulog. Peacefully sleeping.
She looks like a goddess sleeping in that gown. Hindi basta-basta pagpipigil ang ginawa ko to control myself to rip that gown kanina nang makita ko siya sa kwarto niya..
I captured the moment and stored it in my mind. Alam ko sa panlabas na anyo, mukha siyang inosente.. but no! She's not! Definitely not!
My jaw tightened ng maalala ko ang eksena nila ni Blue 5 years ago.. and knowing na kahit na noong panahong wala ako sa bansa, their friendship remains e hindi ako maniniwala kung may magsasabi sa'kin na walang namagitan sakanilang dalawa!
Cupid likes her, Thunder likes her, Blue loves her! ano bang meron ang babaeng 'to at lahat nalang nagkakagusto sakanya?
Napaatras ako ng bahagya siyang gumalaw. Unti-unti siyang nagmulat.
"PJ.." she said huskily. Damn! Why does it have to be that sexy kapag tinatawag niya ang pangalan ko?
"Anong oras na.. bakit hindi ka pa nagluluto?" I said teeth griitted, kailangan kong pigilan ang sarili ko.
"Uh.. sorry.. nakatulog ako.." tumayo siya pero nawalan ng panimbang at muntik ng matumba buti nalang mabilis ang reflex ko at nasalo ko siya.
Nagkatinginan kaming dalawa. Her lips parted. I wanted to kiss her badly . I lowered down and claimed her lips. Kanina sa simbahan.. I wanted to taste every inch of her pero kailangan kong pigilan ang sarili ko kaya naman I just gave her brief kiss.
"Hmmm.." I heard her moan.. she gasped when I touch her behind. My tounge made it's way inside her and play with her.. i was sucking her lower lip. Sht! Why does this woman had this effect on me?
I moan ng maramdaman kong tumutugon siya sa halik ko.. I feel something is growing up in my crotch.
Then Blue crossed my mind.. the scene 5 years ago..
Agad kong binitiwan si Stephanie. She's gasping for air. Lips slightly parted.
"Magluto ka na." Naglakad na 'ko papunta sa kwarto ko. kailangan ko mag-cold shower. A very cold one!