Chapter 4: work, work,work.
"MARAMING salamat sa'yo" ilang ulit nya na itong sinabi munit hindi pa rin ito nagsasawang magpasalamat kay sir rozzen.
"Don't mention it, Wala lang 'to" nakangiting sambit nya.
Ngumiti nalang din sya at umiwas ng tingin, Kasalukuyan silang nasa kotse. Nasa pasengger seat sya habang karga karga ang anak nyang tulog na tulog dahil sa sobrang pagod habang ang driver naman ay si sir rozzen na seryosong seryoso.
awkward ang byahe para sakanya, why? Dahil may mga pagkakataong napapatingin sya kay rozzen na mabibigla nalang sya na nakatingin rin pala sakanya at sabay pa talaga silang mag iiwasan!
Nako naman! Nakakailang!
Never pa syang sumama sa lalaki- I mean yung ihatid ba! Lalo na kapag di nya masyadong kilala! Tapos eto sya ngayon, nagpapahatid sa stranger na nagbigay lang naman ng grocery sakanila! 一 at ang stranger na naglagay ng ngiti sa labi ng anak mo at ng labi mo..
Napanguso nalang sya dahil sa sinabi ng utak nya, totoo naman kasi.
Naenjoy nya ang pagmamall na walang inaalala kanina, lalo pa nung sumama ito sakanilang maglaro. Ewan ba nya, napaka weird sa pakiramdam.
"Magpapamusic nalang ako, para hindi masyadong awkward"
aaggree na sana sya pero agad na itong nagplay ng tugtog.
"Hawakan mo ang kamay ko
Nang napakahigpit
Pakinggan mo ang tinig ko
Oh, 'di mo ba pansin?~"
napangiti sya ng palihim, Naalala nya yang kantang yan.
"Na ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
'Di na muling magkakalayo~"
Yan ang isa sa mga paborito nyang kanta ni tj monterde.
"Sa tuwing kasama kita
Wala nang kulang pa
Mahal na mahal kang talaga
Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
'Di na muling magkakalayo~"
hindi nya napigilang sumabay sa kanta.
Napatigil lang sya nung may narinig syang tawa sa gilid nya. Napanguso sya at umiwas ng tingin.
"Ituloy mo lang" rinig nyang sabi nito, umiling lang sya. "Why?"
"Pinagtatawanan mo ang boses ko." sabi nya na may sama ng loob pang kasama.
"Sinong nagsabi?"
"Hindi mo sinabi, tumawa ka lang" inis nyang sabi.
"But atleast I didn't say that" pang aasar pa nito..
Namula sya dahil sa hiya, Bakit ba kasi pinatugtog ang paborito nyang kanta? Yan tulog na carried away sya!
"Ikaw at ako,Tayo'y pinagtagpo,Ikaw at ako
'Di na muling magkakalayo~" gulat syang napalingon kay sir rozzen nung kumanta rin ito.
pero hindi nya alam kung guni-guni nya ulit yon dahil napaka-hina na halos ibulong lang nito.
"why?" he asked while his eyes are still on the way.
"Wala" umirap pa sya rito at hindi na muling tumingin sa lalaki..
MUNTIK-MUNTIKAN na syang makatulog sa kotse kung hindi lang sya nalibang sa cellphone nya at kung hindi lang talaga siya nahihiya- joke!
"We're here" anunsyo ni sir rozzen. Tumango lang sya at hindi na hinintay na si sir rozzen pa ang mag tanggal ng seat belt nya tulad ng kanina!
ayaw nya maulit ang kakahiyan na nangyari! kaya imbis na yun na naman ang mangyari, ay nung makita nyang lumabas na si sir rozzen ay agad syang bumaba kahit di pa nabubuksan nito ang pinto.
agad syang naka-balance at kahit medyo mabigat ang anak nya ay tumayo pa rin sya nga ayos at lumingon kay sir rozzen na nakakunot ang noo sakanya.
"di mo man lang ako hinintay" parang may iba itong pahiwatig pero hindi nya nalang iyon pinagtuunan ng pansin.
"thankyou" bulong nya nung kunin ni sir rozzen si julia sakanya, tumango lang ito bago naunang maglakad.
Pinagmasdan nya lang ang ito na may pagtataka bago inumpisahang maglakad. Pero hindi pa sya nakakapasok nang mauntog sya sa matigas na bagay 一likod pala yon ni sir rozzen!
shit! bakit kasi napakatigas naman yata ng likod nito? hayts!
"bakit?" tanong nya nung mapansing natigilan ito. lumingon muna ito sakanya bago nagpatuloy sa pagpasok.
At iyon na naman sya, nagtatakang pumasok.
pero hindi pa sya tuluyang nakakapasok nung may makita syang tao sa sala nila.
Lumingon sya roon.
"shakira" agad napatayo si..
"Lucas?" gulat nyang bulong. at nung malamang sya ngayon agad syang tumakbo at patalon na yumakap dito! "Lucass!" masayang sigaw nya habang nakayakap sa lalaki.
Narinig nyang tumawa ang lalaki bago yumakap sakanya pabalik.
"Do you missed me that much?" natatawa pa nitong ika.
"Ikaw ha! Tagal mong nawala" sabi nya bago humiwalay. "Wala kang pasabi nung umalis ka ta's surprise din kapag bumalik?"may pagtatampo sa boses nya.
"sorry na wag ka nang magtampo" nakangiting pangsusuyo nito. "Wala lang talaga akong oras para magpaalam kasi alam kong di mo naman ako papayagan" malambing pa nitong sabi.
Sasagot na sana sya nung biglang may tumikhim一 i mean hindi talaga sya totoong tikhim ng isang taong nauubo or what dahil para talagang sinadya nyang tumikhim.
Lumingon doon si lucas pero sya ay nanatili pa rin ang paningin dito. Kilala nya na kung sino yon base sa naamoy nyang perfume.
"A-ah sino yan" yumuko pa konti si lucas para lang ibulong iyon sakanya.
Tumaas ang dalawa nyang kilay at lumingon sa side na naka lingon si lucas and there she saw him.
madilim ang mukha nya habang naka tingin sa kanilang dalawa ni lucas, and i swear 一 mukha syang mangangagat!
Napalunok sya ng palihim, munit ewan nya ba kung anong meron sakanya dahil nung lumingon ito sakanya ay agad nawala ang nag aapoy nitong mata. Para bang bumalik sa dati, nag aalala tuloy sya sa sarili nya. Napapadalas na kasi ang mga bagay na naiimagine nya..
"Sino sya?" doon lang sya nagising sa pagkakatigtih dito, lumunok muna sya bago lumingon kay lucas na nakatingin lang din kay sir rozzen.
"sya si lucas" tinuro pa nya ang katabi nya. pero walang imik ito, kaya humarap sya rito. "sya si sir rozzen" bulong nya dito.
Wala pang isang segundo ay may naramdaman syang kamay sa bewang nya, at nang sundan nya kung kanino yon ay hindi na sya masyadong nagulat nung si sir rozzen ang nagmamay-ari non.
naalala nya kasing mabilis daw ito katulad ng sinabi nito kahapon.
Umatras pa ito at dahil nga nakahawak ang braso nito sa bewang nya, natangay sya.
"cut the sir." hindi nya alam kung para sakanya ba 'yon o para kay lucas na ngayon ay nakatitig na rin sa kamay ni rozzen na nasa bewang nya.
"oh" umiwas ito ng tingin. "okay, rozzen" nakangiting sambit ni lucas.
Tumango naman si sir rozzen. Hindi nya alam kung bakit napaka-awrkward ng paligid!
lagi nalang awkward! kaylan kaya matatapos to?siguro kapag napunta na sya sa tamang tao一 charot!
"Kira! Iha" naputol ang tensyon sa kanilang dalawa nung tawagin sya ni manang..
ay wait,Nandito pala si manang?
"Manang" nakangiting sambit nya at bago pa man mapansin ni manang ang kamay ni rozzen na nasa bewang nya ay agad nya itong inalis at pasimpleng dumistansya dito.
ramdam nya pa ang paningin ng dalawa, pero niisa sakanila ay hindi nya tinignan.
"Gabi na po, bakit pa po kayo nandito?" tanong nya bago lumapit sa matanda.
"Aba, e kasi itong si lucas.. Hinahanap ka" nakangiting sambit nito, pero unti unting nawala ang ngiti nito nung mapansin yata si sir rozzen. "aba, sino itong gwapong lalaki na ito?" tinuro nya pa si sir rozzen.
Napalunok sya atsaka napakamot ng noo. Eto kasi si manang parang aagawan pa sya 一 charot again!
"A-Ah si sir ro一" pinutol ni rozzen ang sasabihin nya.
"Told you, cut the sir didn't i?" walang emosyong sambit nito, Hindi nya pa rin ito tinititigan.
"ah yes, anyways sya po si s一 este rozzen" pagdidiin nya pa sa pangalan nito with irap.
"ay kay ganda naman ng pangalan na iyon, bagay na bagay sa gwapong katulad mo iho"
napailing nalang sya, wag sana iyong masamain ni rozzen.
"Maraming salamat sa papuri"
napataas ang kilay nya. kita mo nga namang pwede naman palang hindi masyadong deep ang boses nito! haynako!
"Maupo na kayo, Nga pala gusto nyo ba ng makakakain? Kasi itong si lucas, bumili ng fried chicken.. Sayang nga lang at tulog na pala si julia"
ngumiti nalang sya at umiling. "Hindi na po manang, kumain na po kasi kami" sabi nya bago lumingon kay lucas. "sorry lucas, hayaan mo kakainin namin iyon bukas or papapakin ko nalang hehe" mahina pa syang tumawa.
Ngumiti si lucas at tumango sakanya.
parang may kakaiba kay lucas ngayon 一 ewan nya ba kung ano yon.
Basta para itong walang sigla, kung gising lang talaga ang anak nya ay tiyak na bubungangaan na nito si lucas.
"uhm sige na, I'll go ahead" paalam nya.
Tumayo ito kaya napatayo rin sya. Sa gilid ng mata ko ay nakita nyang nakatingin si rozzen sakanya.
Imbis na rito tumingin ay kay manang sya napatingin.
"Ihahatid ko lang po sya"paalam nya at walang sabing hinila si lucas papalabas.
At nung makalabas ay hinihingal syang napasandal sa pader doon, pano kasi tumakbo silang dalawa na para bang hinahabol silang dalawa!
Napailing sya, bakit kasi napaka laki naman yata ng bakuran nya?
"Grabe, Gustong gusto mo ba akong masolo?" nakangiting sambit nito, agad syang tumayo at binatukan ito ng hindi naman masyadong malakas pero ang gago dumaing agad.
"Wow nag ibang bansa ka lang, umarte kana" masungit nitong sabi.
"Akala ko ba ihahatid mo lang ako? Bakit may kasamang pagbubunganga" natatawang sabi nito, ngumiwi nalang sya.
Tinulak nya ito ng mahina. "O'sya umalis kana, mag ingat ka!" pagtataboy nya dito.
Narinig nya ang tawa nito bago pumasok sa motor nya. "Take care! Focus sa daanan 'wag sa mga chixx ha!" nakangising pang aasar nya, itinaas lang nito ang kamay nya.
Nag-beep muna sya ng dalawang beses bago umalis.
"Ay kabayo!" napahawak sya sa dibdib nya dahil sa sobrang gulat一 pano ba naman kase! bigla nalang may humawak sa balikat nya!
"kabayo?" taka nitong sabi pero agad ring umiling. "Btw aalis muna ako sandali.. I have something to do."
tinanguan nya lang ito, pero nakakapagtakang hindi pa rin sya umaalis sa pwesto nya.
"bakit?" tanong nya.
Bumagsak ang balikat nito at napanguso一 parang nagpapaawa ganon!
muntik-muntikan na syang matawa! nyemas! Imagine sa laking tao nito, actually hangang leeg lang sya nito tapos sa harapan nya naka nguso ito at parang batang inagawan ng candy!
"Cute" mahinang sambit nya na mukhang hindi naman nito narinig."Ano pa bang kaylangan mo?" umayos na sya ng tayo.
"nothing" walang emosyong sambit nito bago naglakad na papuntang kotse nya. nagulat pa sya nung padabog pa itong isinara na para bang galet!
Ipinarada nya muna ang kotse nito sa harapan nya kaya agad syang kumatok sa bintana nito. Ilang segundo lang ay binuksan nya na ito, at nakita nya si rozzen na nakanguso pa rin.
nung tignan nya ito ay umiwas ito ng tingin sakanya. Natawa sya ng palihim.
"Why?" walang emosyong sambit nito.
"Ingat sa byahe, and goodnight na rin! Bye" mabilis nyang sambit bago tumalikod at tumakbo papasok.
di nya mawari kung bakit kaylangan nyang makaramdam ng hiya一 i mean sinabi nya rin yon kay lucas kanina pero bakit sa lalaking yon ay nahiya sya?
but maybe dahil na rin hindi nya iyon masyadong kilala.
napatango nalang sya.
"Ay mama ka!" napahawak na naman sya sa dibdib nya dahil sa sobrang gulat!
Pano ba naman kasi! pag angat nya ng paningin nya ay bumungad agad si manang na naka ngiti pa sakanya!
"magugulatin kana ha?" natatawa pang ani ni manang. "Nga pala kaano-ano mo ang lalaking iyon?"
"sino po?"
"si rozzen ba iyon?"
napataas ang kilay nya bago unti unting tumango. "Kaibigan po"
wala syang masabi, hindi nya pwedeng sabihin na kasintahan nya ito o kapamilya o kamaganak man lang dahil hindi naman talaga hind ba? at kahit hindi nya masasabing kaibigan sya nito, ay yun nalang ang sinabi nya since wala naman na syang maisip na ibang pwedeng ipangalan sa relasyon nilang dalawa一 oh! wag kayo! may Iba't ibang tawag sa relasyon okay? may Iba't ibang types yon!
nagulat sya nung lumapit sakanya si manang, at marahang hinaplos ang buhok nya.
"kahit sinong lalaki na makikilala mo mahuhulog sa'yo." di sya nakapagsalita nung sabihin yon ni manang. "Kaya sana ingatan mo to" itinuro pa nito ang chest nya kung nasan banda ang puso nya.
Tumingin sya sa tinuro nito at napalunok.
"Uuwi na muna ako, matulog kana rin" tumango nalang sya bago pinagmasdang umalis si manang.
Napaupo sya bago hinawakan ang dibdib nya kung saan naroon ang puso nya.
"hindi pa pwede, hindi pa 'to handa.." nakatulalang sambit nya bago bumuntong hininga.
一
SA ORAS NA NAGBABANTAY SYA AY DOON PA TUMAWAG ANG PESTENG SI KHIRONY.
[Bro, seriously. We need you here, Ang daming bampirang nanghihingi ng gamot]
base sa boses ng kaibigan nya, kaylangang kaylangan nga sya nito. pero hindi sya pwedeng umalis.
"Tinuruan naman kita kung pano 'di ba? Why you try it without bothering me?"
[ Bro! It's already two hundred years ago! Sinong makakaalala ng tinuro mo sa ganon katagal?]
"You didn't even bother to listen when i teach it to you khirony, Because if you did then you shouldn't need me to do it right?" bumuntong hininga sya ng malalim.
[ Tsk! I did that for purpose! Alam mo namang kaylangan ng space nitong utak ko para sa nga papeles!]
"Space kamo para sa mga babae mo" he said angrily. " I'll be there later, I need to do something here." then he hung up.
tumingin muli sya sa bahay ng babae, hindi nya alam kung bakit hindi nya maiwan iwan yon.
I mean- nung ihatid nya ito rito, naramdaman nya ang presensya ng kumpo nila aziter na nagtatago sa kahuyan na nasa likod ng bahay nila.
Kalaban nya ang konsensya nya kapag may nangyaring masama sa mag-ina, o di kaya sa bata. He needs to do something then he can go.
Napangisi sya nung makita ang isa sa mga tauhan ni aziter na lumabas mag isa. Wala pang isang segundo na nakalapit sya roon dahil sa bilis din nya.
Agad nyang inilagay ang braso nito sa likod, at sinipa ito sa parte kung saan alam nyang yon ang kahinaan ng lahat ng lakaki. 一 Ang private part nito.
"argh!"
Ilang beses nya pa itong sinuntok bago sya nakuntento, Napaupo na to sa lupa dahil sa sobrang hina..
Napailing sya. "hindi ko inaakalang mayroong tauhang mahina si aziter? Mukhang hindi na sya marunong mamili ng tauhan tsk tsk tsk" nakangising sabi nya.
"A-Argh.. R-Rozzen.. W-Wag.. W-Wag mo'kong papatayin.." pagmamakaawa nito dahilan para maglaho ang kahit anong ekspresyon ng mukha nya.
"Sinong nagsabi sa'yong papatayin kita? Ang gobyerno na ang bahala sa'yo" nakangising sabi nya bago ito sinipa sa batok dahilan para mawalan ito ng malay. Seryoso syang tumingin dito bago sumilip sa kakahuyan, napangisi sya. "Ang dami nyo pala, pero gusto ko 'to." ngumisi pa sya bago pinagmasdan kung paano tumakbo ang iba papalapit sakanya.
Agad nyang kinuha ang kahoy na malapit sakanya, Bago pa man maka suntok ang ibang bampira ay agad nya nang hinampas ang mga ito. At yon! Tulog!
agad syang napa iwas nung makita nyang may papalapit na bala ng baril sakanya.
"shit!" he cursed.
May kakaunting kaba ang puso nya, hindi para sakanya kundi para sa magina sa loob..
'kapag narinig nya, pano na?' napalunok sya before searching the guy na hawak ang baril na yon..
At nung mahanap nya au ngumisi sya, Tumalon sya sa mga ulo ng mga lumalapit sakanya at ilang sandali lang ay nasakal nya na ang bampirang may hawak ng baril.
naagaw nya yon ng walang kaeffort effort dahil na rin sa panginginig ng kamay nito..
"You shouldn't do that, They might hear you, and so i don't have a choice to kill you all" madiing sabi nya..
Mapalunok naman ang hawak-hawak nya kaya napangisi sya bago tinuhod ito, Napaupo agad ito.
Napailing sya bago kinuha ang cellphone nya sa bulsa nya..
sumagot agad ang kabilang linya.
[hello?]
"Kunin mo ang tauhan mo dito aziter kung ayaw mong ako mismo ang magdala sakanila dyan." pagbabanta nya.
Narinig nyang nagmura ang kabilang linya, at may kung anong kalabog pa..
"O-Oo.. Paparating na 'ko riyan" ramdam nya ang kaba nito kahit hindi nya pa ito nakikita..
"at sa susunod na makita ko ang tauhan mo sa bahay ng babaeng 'yun, kayo ng mga tauhan mo at ang lahi mo.." pinutol nya ang sasabihin nya bago ngumisi. "ay mawawala sa mundo" seryosong sabi nya before he hung up..
Isang sulyap pa ang ibinigay nya sa bahay ng babaeng 'yon bago tumalikod at pumasok sa kotse nya.
Nakita nya kung paano unti-unting bumangon ang araw sa kalangitan.
"what a day" seryosong sambit nya bago inistart ang kotse.
一
HINDI ALAM ni shakira kung anong meron sa araw na 'to at late syang nagising!
ayon tuloy, nagkakandauga-uga sya sa paghain ng pagkain nila!
"Julia! Gising na anak!" sigaw nya habang nilalagyan ng plato ang lamesa bago pumuntang labas upang tawagin si一
Napakunot ang noo nya nung wala syang makitang tao sa labas. Napakamot nalang sya sa ulo bago pumasok sa loob.
'Oo nga pala, nagpaalam sya sa'kin na aalis daw sya sandali. Pero san naman sya pupunta?'
Napailing nalang sya bago inisip na late na nga pala sya! Agad syang tumayo at naglakad papuntang kwarto, Naabutan nya roon si julia na nakahiga pa rin.
Bumuntong hininga sya bago lapitan ito.
"Anak gising na.." napatigil sya nang mahawakan nya ang pisnge nito, Kinabahan sya bago hawakan ang noo at pati ang tiyan nito! "Shems! Ang init mo!" agad syang napatayo at kahit mabigat ang anak nya'y nagawa nya pa itong mabuhat.
Palabas na sana sya nung makasalubong nya si lucas!
"Anong nangyari?"
"Please! Please help me! Si julia.." naiiyak na sambit nya, agad namang tumango si lucas at binuhat si julia.
Nauna na itong maglakad papalabas, at sumunod naman sya rito.
NAKARATING AGAD SILA sa hospital, nasa labas palang sila ay inasikaso agad ng mga nurs ang anak nya.
"ano pong nangyari?"
"Kasi.. Kasi ang init nya, hindi ko alam kung bakit pero sobrang init nya!" napaluha sya dahil sa sobrang kaba.
agad ipinunta sa private room si julia upang examine ng mga doctor, at syempre hindi sya pwedeng pumasok doon!
"Shakira calm down! Hindi gugustuhin ng anak mo na makita kang ganyan" naroon si lucas upang pigilan sya.
Napaupo nalang sya sa waiting area ng hospital at napahilamos ng mukha.
hindi nya maintindihan ang nangyayari, kahapon lamang ay masaya ang anak nyang naglalaro sa playground. tapos ngayon ay inaapoy ang anak nya ng lagnat.
"Masyado ko ba syang napabayaan para maging ganyan ulit sya? M-Masyado b-ba akong naging pabaya?" napaiyak ulit sya.
Naramdaman nya ang kamay ni lucas sa likod nya, Cinocomfort sya.
"Wala kang kasalanan, Wag mong isisi sa sarili mo ang lahat."
tumango nalang sya munit hindi maalis sakanya ang pag-aalala.
Nangyari na ito noon, muntik nang mawala sakanya ang anak nya dahil sa sakit na hindi matanggal-tanggal dito..
at ayokong maramdaman ulit ang pakiramdam na 'yon, please? pagalingin nyo na po sya.