I
"Oh, mugto ang mga mata mo ah?" Bungad ni Rina sa akin pagpasok ko ng room.
Nakuha niya ang ilang atensyon ng mga kaklase ko kaya yumuko agad ako para hindi nila makita. Hinayaan kong matakpan ng buhok ang mukha ko habang patungo sa upuan na para sa 'kin.
Lunes na lunes ay wala ako sa ayos. Paano ay buong weekend yata ay iniyakan ko lang ang lalaking nasa harap ko ngayon.
"Hala, anong nangyari?" Ulit pa ni Rina at kinuha ang isang upuan para tabihan ako.
I looked at her in a very serious way. Hope she'll stop being nosy with this.
"Tangina, parang may multong umahon para bigyan ako ng masamang tingin. Seryoso nga, Bianca? Anyare, teh?"
Natatawa na ito sa akin habang itinuturo ang bagay na nasa ilalim ng mga mata ko. Hinawi ko iyon dahil paniguradong yung eye bags ko nanaman ang aasarin niya.
"Stop that," saway ko at inilabas na ang notebook para abalahin ang sarili.
At dahil may lahing kakulitan ang kaibigan ay kinuha niya ang notebook ko at inilayo sa akin. Sasalubungin ko pa lang sana siya ng galit ko nang biglang lumitaw sa gilid nito si Gabriel.
Nakatingin ito ng diretso sa akin kaya iniwas ko ang mga mata sa kaniya. H'wag niya na sanang itanong din kung bakit at baka makaamin ako ng wala sa oras.
"What happened?" he asked.
Lumapit pa talaga ito para maiharap ang mukha ko na kaninang nakaiwas sa kaniya. Mahigpit na nakahawak ang isa niyang kamay doon na parang may galit sa kung saan.
Why, Gab? Why are making this hard for me? If you really have someone else in your heart then why don't you just leave me alone? Avoid me, like what you were doing weeks ago.
Tinanggal ko ang kamay niya saka tumayo para magka-lebel kami. Mata sa mata.
"Wala," pagsisinungaling ko.
Sa ilang taon kong pagtatago sa iyo ng nararamdaman ko, pati yata ang pagsisinungaling ay sinanay ko na. Hindi ko hahayaan na may malaman ka.
Tumikhim ito at panandalian kong nakita ang dilim sa mukha niya.
"You cried."
Oh, ano naman ngayon? Ano nga kung umiyak ako? Bakit bigla kang magkukunwari na parang may pakialam ka? Ano? Papaasahin mo nanaman ba ako?
"Oo." I answered with all honesty.
"Why?" I noticed how hopeful his eyes were while asking me that question. But, for what reason?
"Nanood ako ng K-Dramas. Grabe talaga! Buong weekend yun lang ginawa ko! Bigyan kita ng suggestions, Rina." Pinilit kong pasiglahin ang boses ko saka nilapitan ang kaibigang tulala sa akin.
"Akala ko kung bakit ganiyan mata mo! Dahil lang pala sa K-Drama! Halika dito at babatukan kita," tumatawa pa rin siya hanggang ngayon. Hindi yata makapaniwala na dahil nga sa mga movies kaya ako nagkaganito.
"Uy, oo nga pala. Sorry, Gab. Hindi na ako nakapag-reply nung Saturday. Medyo busy ako. Nag-congrats lang at medyo nagulat kasi hindi mo naman sinabi sa akin yung tungkol kay Marie," nakangiti kong sinabi sa kaniya. Kahit sa totoo lang ay halos mapunit na ulit ang puso dahil masakit 'yon para sa'kin.
"Damn it. Why can't you just tell me?"
Galit ito at may kasamang pang diin ang pagsasalita para sa hindi ko malamang dahilan.
Anong gusto mong malaman? Anong gusto mong sabihin ko sa'yo? Na hindi ko tanggap na may iba ka? Na nasasaktan akong nagkagusto ka sa iba? Na gusto ko sa akin ka?
Well, I'm sorry. Coz, I will never tell you that. I don't want to risk our friendship for my hopeless feelings. I don't want to risk this for uncertainties. I want the sure win, Gab. And if I am having doubts with this, then no.
I am too scared to lose you.
"Huh? Ang alin?" takhang tanong ko. Nagkukunwaring hindi alam ang tinutukoy niya.
Pero imbes na sumagot siya ay ibinalibag niya ang upuan na nasa gilid dalawa. Lahat ng tao sa classroom ay natahimik dahil doon. Maski ako ay natigilan sa ginawa niya.
"Was it really hard, Bianca?" galit niyang tanong sa akin bago lumabas ng lugar na 'to. Sumunod sa kaniya ang ilang lalaking kaibigan at naiwan akong natigilan dito. Hindi ma-proseso ang mga nangyari.
"May problema ba kayo?" si Rina. Pumunta siya malapit sa pwesto ko at inalo ako.
Sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay umiiyak na naman ako. Sinalo ko ang mga luhang pumapatak gamit ang mga kamay ko. Akala ko ay naubos na ang iyon kahapon, pero heto nanaman sila at bumabagsak nanaman.
"I don't know, Rica. I really don't know," sagot ko kahit nahihirapang magsalita dahil sa pag-iyak.
"Hindi naman magagalit si Gabriel sa'yo para sa wala. I'm pretty sure he's mad because you did something, Bianca."
Ako nga ang dapat magalit sa kaniya. Sa lagi niyang pagpaparamdam na may pag-asa kahit ang totoo ay wala naman na. Ako ang dapat na magwala ngayon dahil sa sakit na lagi niyang binibigay. Ang malala nga lang ay nasasaktan ako pero hindi niya alam na siya ang dahilan.
"I want to go," paalam ko sa kaibigan. Tinulungan niya akong makatayo at sinamahan papunta sa Clinic. Gusto ko munang matahimik ang utak ko.
"Sige na. Ako na muna ang bahalang magpaliwanag kay Sir. Namumula pa ang mata mo," malungkot nitong sinabi saka umalis.
Kung may bagay na gusto kong hilingin ngayon ay wala ng iba pa kundi ang sana ay mawala na lahat ng sakit na 'to. Na sana ay tanggalin na Niya ang nararamdaman ko para sa taong 'yun. Na sana ay makalimutan ko na lang ng 'to at makahanap pa ng iba.
Because no matter how much I want to just stop hurting from all of this, I still couldn't. My heart still continues to love him even if it will break me until the end.
Love sucks.