webnovel

Hell's Card

Fire, Hydro, Nature and Storm cards are one of the most important elements in the Djinn's Deck or also called the Demon's Deck. But one card can control all humans and things around the world, the Hell's Card. Joseph Astueras is a highschool student in Victorian National Highschool. But the truth behind his identity is he is the King and the owner of Hell's Card. His mission is to find the 8 more cards thats inside the Djinn's Deck. Will he succeeded? Remember, this is not just an ordinary card game.

Azal · Aktion
Zu wenig Bewertungen
7 Chs

Chapter 6 : Seraph

--- (Seraph's POV)

Ako nga pala si Seraph, Seraph Viola. Pinanganak ako sa United States pero lumipat kami sa Pilipinas para hanapin ang kapatid kong si Raven na sabi daw ay nasa Pilipinas ngayon.

Ang pangalan ng tatay ko ay si Aaron Viola, isa siyang businessman sa isang malaking kompanya sa United States habang ang nanay ko ay isang house wife lang.

Noong buo pa ang aking pamilya. Lagi kaming pinapasyal ni daddy sa mall kasama ko si Raven. Minsan pagkauwi namin galing school o kaya pag nakakuha kami ng mataas na puntos. Minsan din binibili nila kami ng mga laruan kahit hindi kami humihingi. Alam kasi ni daddy kung gusto namin ang isang bagay o hindi.

Lagi kaming naglalaro ni Raven, pero minsan naga-away din kami dahil lang sa laruan. Pero tuwing umiiyak ako dahil may umaaway sakin ay lagi siyang nandiyan para protektahan ako. Napaka-tapang niyang babae kaya hanga na hanga ako sa kanya. Sabi ni Raven na gusto niya maging isang pulis paglaki niya para ipagtanggol at protektahan si daddy.

"Ikaw Seraph? Ano ba gusto mo paglaki mo?"

"Kahit ano basta sa siyensiya!"

Si daddy ay lagi niya kaming sinusuportahan pag merong event sa school o kaya nada-down kami pag natalo sa isang contest. Lagi niya kaming chinicheer at kahit anong mangyari ay lagi siyang nandiyan para samin.

Sa kasamaang palad naman na ang nanay namin na si Gabrielle Bautista. Ayaw ko sabihin ito sa inyo pero kami ni Raven ay parang ayaw namin sa kanya.

Para kasing minahal niya lang si daddy para sa pera. Sabi kasi ni daddy na kaya niyang bilhin ang gusto namin basta kailangan, kaya ibig sabihin ay sobrang dami niyang pera. Pero hindi naman kami lagi nanghihingi, minsan umaayaw nalang kami dahil naiintindihan namin ang halaga at hirap ng pera.

Lagi silang nagaaway nina mommy at daddy dahil lagi daw walang binibigay si daddy kay mommy na pera, o kaya minsan kung ano ano daw ang tinuturo ni daddy samin. Pero lahat nang iyon ay walang katotohanan! Si daddy ang nagturo sa amin lahat ng tamang asal. Ginagawa niya ang makakaya niya para lang mapalaki kami nang maayos!

Noong isang araw ay nakita namin nina Raven na parang malungkot si daddy. Nakita namin siya sa salas at nakayuko lang.

"Daddy, whats wrong?" tanong ni Raven kay daddy.

"Wala yun anak. Ayos lang ba kayo?" sagot ni daddy.

"Daddy, nagaway nanaman po ba kayo ni mommy?" tanong ko naman kay papa.

"Mga Anak maupo kayo rito..."

"Wag mo na kami alalahanin ni mommy ha? Don't worry, daddy is always strong and always loves you" sabay niyakap kami.

Nakakaiyak lang dahil kahit anong hirap ang dinadanas niya, lagi padin siyang naandiyan para samin.

Isang araw nagaway nanaman sila ni mommy at daddy at sinasabing may ibang babae si daddy. Dinepensahan naman ito ni daddy at wala naman itong katotohanan pero hindi naniniwala si mommy.

"ANO BA MOMMY?! BAKIT BA GANYAN KA MAGSALITA KAY DADDY!" sigaw ni Raven kina mommy.

Sasampalin sana ni mommy si Raven pero itinigil ni daddy ang gagawin niya kay Raven-

"Wag na wag mong sasaktan ang anak ko... MALIWANAG?!"

Umimik nalang ito at umalis at nagdabog papunta sa kwarto niya-

"Raven... Come on... you shouldn't do that!" sabi ni daddy kay Raven.

"But dad! Sumusobra na si mommy!" dagdag ko.

"Mga anak, I told you na daddy is fine... Its okay."

Maya maya iniyakap nila kami at inayaya kami kung gusto namin mag mall. Siyempre pumayag naman kami.

Nag-stop muna kami sa isang resto para kumain at dinner dahil gabi na din nung pumunta kami sa mall. Maya maya nagkwentuhan muna kami nina Raven at si daddy-

"Dad, bakit po kahit ang kulit po namin nina Ate Seraph tsaka matigas ang ulo, parang hindi po kayo laging nagagalit hindi po katulad ng iba mga parents? Diba Ate Seraph?"

"Oo, Raven"

"Mga anak, hindi naman kasi ako ganoon ka strikto unlike those other parents. Because I want you guys to enjoy, experience your life with joy and great vibes."

"Eh si mommy... nag away nanaman po kayo. Ayaw ka po namin mawala..." lungkot kong sabi kay daddy.

"Come on mga anak. Siyempre hindi ko yun gagawin. Daddy loves you always. I am always here to support, cheer and love you."

"Come on, lets eat. But first, lets pray"

Pagtapos namin kumain ay umikot ikot muna kami sa mga ibang stores para bumili ng mga damit, at mga accessories na magagamit namin sa araw araw.

Pagtapos ng kalahating oras na pagshoshopping ay nagstop muna kami sa isang Food Court at-

"Mga anak diyaan lang kayo. Daddy will just buy some coffee and hot choco for you okay?"

Sumunod kami at umupo kami sa 3-seat na table. Makalipas ang ilang minuto ay umalis si Raven sa upuan niya at-

"Ate Seraph, may titignan lang ako doon sa store na iyon. May bibilhin ako para satin!" tapos itinuro niya ang isang store na nagbebenta ng mga hand-made necklace.

"Pero Raven, sabi ni daddy is dito muna tayo!"

"Come on! Its fine! Just leave it to me!" sabay tumakbo na siya papunta sa store.

"Raven!"

Hahabulin ko pa sana siya pero dumating na si daddy at ibinigay na niya ang hot choco ko sa akin-

"Where is Raven?" tanong ni daddy.

"Daddy tumakbo po siya papunta doon sa store na iyon!" tapos itinuro ko ang store na nagbebenta ng mga hand-made necklace.

Biglang tumayo si daddy and we should go after her, baka kasi mawala siya. Pagtapos ay pumunta kami sa store na iyon para tignan kung nandoon siya, pero sa kasamaang palad ay wala siya doon. Biglang kinabahan si daddy at tinanong niya ang store manager na nakatayo lang-

"Uhm, did you see a black-haired girl and she is 6 years old. She is wearing a white dress?"

"I did see him but she has a companion"

"Companion?! What do you mean?!"

"I don't know sir, but I see her she is with a bald guy and suddenly leaves the store..."

Lalong nagalala si daddy at sinabi sakin na hanapin natin si Raven. Kasalukuyang nasa 2nd floor kami kaya bumaba kami ng 1st floor baka nakababa siya. Nagtanong tanong din kami sa mga ibang tao ngunit hindi nila nakita. Pumunta naman kami sa 3rd floor ngunit hindi din namin nakita. Hanggang sa makapunta kami sa 4th floor at wala pa din kahit nagtanong tanong kami sa mga tao. Lalo akong nagalala kung nasaan na siya.

Pagtapos ay parang nahilalo si daddy at bigla itong lumuhod at parang mahihimatay siya-

"DADDY!"

"Anak... si Raven? Si Raven nasaan?!"

Buti nalang dumating ang mga security guards at inalayan si daddy papunta sa medical center. Iniutos ko sa mga guard na hanapin nila si Raven-

"Sir, can you please find my sister Raven? Please..." pagmamakaawa ko sa guard.

"Sure little girl, give me her information like what is she wearing, look like, or like her hair color"

"She is wearing a white dress and she is 6 years old. We have the same height and her hair color is true black."

"Okay we got it! We will try our best to find her!"

"Hello this is Security Guard No. 2891, we have a missing child here in this mall, she is wearing white dress and she is currently 6 years of age, and her hair color is black. Find him anywhere inside the premises of this mall NOW!"...

Nagsisimula na ako umiyak dahil ayoko mawala si Raven. Madami kaming pinagsamahan at ayoko na mawala siya sa pamilya namin...

"Don't worry... We will find her."

At niyakap ako ng guard. Buti nalang mabuting ang personality ng babaeng guard na ito.

After ay pinapunta ako sa Police office para isundo na ako pauwi dahil sobrang gabi na at maglalagpas na sa curfew hours.

Nang makarating kami sa bahay ay kinausap muna ng police officer si mommy about sa nangyari sa amin at kina daddy. Pagtapos ay umalis na ito.

Pinapasok ako ni mommy sa bahay at-

"KITA MO! AYAN ANG NAPAPALA NIYO DAHIL SA KAKAMALL NIYO! PAREHAS LANG KAYO NG DADDY MO NA MATIGAS ANG ULO!" sigaw niya sa akin...

"DAHIL SAYO AY NAWALA SI RAVEN! IKAW ANG PANGANAY PERO HINDI MO GINAGAWA ANG TUNGKULIN MO!" dagdag pa niya.

Sabay pinagpapalo na ako gamit ang sinturon. Napapaluha na ako dahil sa sakit ng pagsabi niya sa akin at paghampas sa akin.

Oo... kasalanan ko ang lahat. Dapat pala binantayan ko si Raven. Dapat prinotektahan ko siya tulad nang pag protekta niya sa akin. Dapat hindi ako basta basta nakaupo lang noon.

Tumigil na si mommy sa kakapalo sa akin at umakyat na sa taas-

"SIMULA NGAYON WAG NA WAG KANG TUTULOG SA KWARTO MO! IKAW LANG MAGISA DIYAN!"

Di pa rin tumitigil ang pagbaha ng luha ko dahil sa nangyari. Bakit ganoon si mommy? Nirespeto naman namin siya nina Raven at Daddy. Bakit siya ganoon magalit? Ganoon ba talagay siya kagalit sa amin nina daddy?

12 am na at hindi pa rin ako makatulog... iniisip ko lahat na nangyayari... Hindi ko parin makalimutan ang nangyari kina Raven. Bakit ba nangyari ito? Nasaan na kaya siya? Kamusta na kaya siya? Sana okay lang siya... Andito ako ngayon sa sofa at nakahiga yakap yakap ang isang maliit na unan. Hindi ko na alam ang gagawin kung paano ko mababawi si Raven...

Nang umaga ay nagising ako dahil may pumasok sa pinto... si daddy.

Agad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit-

"Seraph, I am okay. Don't worry. I am now fine."

Maya maya nahalata ni papa lahat ng sugat sa braso ko at sa paa ko at pati nadin sa likod-

"Seraph?! Ano ang nangyari sayo?! Why you have scars sa braso and sa paa mo?"

Maya maya biglang bumaba si mommy at nakita niyang dumating na si daddy.

Tinignan ni daddy si mommy ng masama at bigla itong pumunta sa harapan niya at hinawakan siya ng mahigpit-

"What did you do to my daughter? Gabrielle?! WHAT DID YOU DO?!" pasigaw nitong sabi.

"Tinuruan ko ng leksyon yang anak mo? Bakit? Dahil sa kapalpakan niyong dalawa-" tumigil niya ang kanyang pagsasalita nang nagturo si daddy sa kanya.

"Wag na wag mong sasaktan ang mga anak ko! Tandaan mo yan!"

Inirapan nalang ito at umalis sa harapan niya.

Biglang pumunta naman sa akin si daddy at umupo kami sa sofa. Katabi ko siya ngayon at mukhang tamlay na tamlay siya.

"Di makita ng mga pulisya si Raven sa mall. Kaya nagikot na din ang mga police dito sa California..."

"Wag kang magalala anak. Balang araw ay makikita din natin si Raven." sabay niyakap niya ako ng mahigpit.

Pagtapos ay dumiretso na si daddy sa taas para magpahinga. Umidlip din ako dahil kulang ang naging tulog ko.

Halos 13 hours ata ako nakatulog dahil sa puyat.

Pagkagising ko ay nasa kotche ako at katabi ko ang dalawang malalaking bag at kasama ko si mommy-

"Mommy?! Ano po ang ginagawa niyo?! Saan po tayo pupunta?!" agad kong tanong sa kaniya.

"We will go to the Philippines. There, we will be safe."

"AYAW KO MOMMY! GUSTO KO MAKASAMA SI DADDY!"

"SERAPH! Will you shut your mouth or you will be experiencing what happened last night!"

Tumahimik nalang ako dahil ayaw ko din masaktan ulit. Bakit? Bakit ako mawawalay kina daddy at Raven? Para sa akin ayaw kong kasama si mommy! Gugulpuhin lang niya ako at aawayin...

Makalipas ang kalahating oras na biyahe ay nakarating na kami sa airport at sumakay na sa eroplano. Gusto ko magsalita at harapin si mommy pero natatakot ako dahil sa kanya. Napaka-duwag ko talaga. Di manlang ako nagsabi kay daddy na "goodbye" at kay Raven. Hindi ko manlang prinotektahan si Raven dahil doon sa nangyari. Bakit? Bakit wala akong lakas para gawin yun? Napaka-duwag ko talaga. Napaka-duwag ko.

Umiiyak na ako ng lubos dahil sa sobrang lungkot. Hindi ko na makikita si daddy. Hindi ko na makikita sa Raven. Mukhang wala na talaga akong pag-asa.

"Daddy, I am sorry. Wala manlang akong chance to say goodbye to you. Raven, I am sorry because hindi kita iningatan. I should be more responsible sister to you Raven... I am sorry..."

"Daddy..."

"And Raven... Goodbye..."

*14 hours later*

"Seraph..."

"Seraph!"

Nagising ako bigla dahil tinatawag ako ni mommy.

"Mommy? Bakit po?"

"We are now close. Get ready!"

"We will now arrive to Ninoy Aquino International Airport..."

"Welcome to the Philippines!"