CHAPTER 7 BE A MOM
"Ang sarap higaan ng bago mong sofa, ang lambot." tuwang tuwang ani ni Ethan habang pinapahiran ng butter ang pancakes niya.
"Sinabi mo pa, ang saya nga eh, finally pinalitan na rin niya ang sofa niya, hindi na mahirap makipag siksikan sa sleeping bag kada natatapos ang movie night natin." sabi naman ni Maru matapos inumin ang black coffee niya.
"Nagrereklamo kayo sa sleeping bag at dating sofa, para saan pa at pinagawan ko na nga kayo ng guest room tinatamad parin kayo bumangon at lumipat sa kwarto niyo. Atsaka ke lapit lapit lang ng unit niyo eh." reklamo ni Heaven, pero wala lamang ito sa tatlo na ineenjoy ang special breakfast nila.
Kapag nasa condo unit kasi sila ni Heaven, pinagsisilbihan niya ito na parang magulang dahil siya naman ang panganay sa kanilang tatlo. Hindi sa edad, kundi sa pag iisip at sa pamumuhay.
Bilang isang 21 at malapit na mag 22 ngayong Abril, siya ang may pinaka mature sa kanilang mag barkada at tila ina nila, kaya naman lagi na lamang silang tumatambay sa condo unit nito kapag may libreng oras. Dahil narin sa libreng pagkain, maayos na lugar at masaya kasama ang dalaga.
Tuwing breakfast, iba ibang putahe ang inihahanda ni Heaven para sa mga kaibigan na halos paborito ng mga ito kainin sa umaga. Kagaya na lamang ngayon. Ipinagluto niya ng pancakes and homemade sausages si Ethan na pinaparesan nito ng butter, syrup at hot choco. Bawal kasi ito sa caffeine lalo na kapag galing sa inuman, inaatake ng allergy, kaya naman tutok ang mga kaibigan nito kapag ito ay uminom. Pinagbabawalan talaga nila ito uminom ng kape kinabukasan. O kaya naman kapag uminom ng kape sa umaga, bawal uminom ng alak sa gabi. Lalo na rin ang mga maanghang at sobrang maalat na pagkain.
Si Maru naman ay dahil sa kelangan active at laging nakatutok sa computer, full course meal ito lagi, fried rice, sausages, sauteed vegetables, sunny side up egg at black coffee. Dahil sa trabaho at course nito, kailangan kumain siya ng pagkain na may saktong sustansya at di masyadong mamantakia, kaya naman hindi ginagamitan ni Heaven ng mantika ang mga pinagluluto niya para rito.
Si Mea naman, dahil sa relihiyon at paniniwala, at dahil na rin sa liit ng kain nito, vegetable sandwiches with vegan nuggets and corn ang almusal nito.
Lagi niya pinag iisipan at pinag paplanuhan ang mga hinahanda niyang pagkain sa mga kaibigan kaya naman malaki ang tiwala ng mga magulang ng mga kaibigan niya rito. Alam nilang hindi niya ito papabayaan.
Si Heaven naman ay hindi mahilig sa almusal, pero napipilitan ito kumain kapag nariyan ang mga kaibigan, kinakain niya lamang kung anong sobra sa pag piplating niya sa pagkain nila. Hindi naman siya pihikan sa pagkain, kahit ano hanggat nabibigyan siya ng lakas at sustansya, okay na para sa kanya.
Matapos mag agahan ay nag ayos na ang mga ito, sabay na rin sila lumabas sa condo unit ni Heaven at tinulungan ito ilagay ang maleta at mga alaga sa sasakyan.
"Mag ingat ka ruon, kailangan pagbalik mo ay napitas na yang prutas mo." pagbibiro ni Ethan, binatukan nalamang ni Heaven ang kaibigan at natawa.
"We will try to send you off, and if hindi kaya, susunduin ka nalang namin pag balik mo." sabi ni Maru at tinapik ang kaibigan.
"I will miss you." paglalambing ni Mea at pinilit na yakapin si Heaven, wala namang nagawa ang dalaga ng sumunod rin ang dalawang kaibigan at hinapit siya ng yakap.
Alam nilang hate na hate niya ang mga gantong skinship pero wala siyang magagawa kapag ang mga kaibigan na ang nagpumilit.
"Hayst, fine fine, I will miss you too, wag kayo pasaway habang wala ako, alam niyo naman na ang password sa condo unti ko, if you need anything, just message me and call me. Ethan watch what you drink, Mea drink your medicines regularly, Maru, watch what you eat, wag kayo masyado gumala at lalo na magpahinga kahit gaano pa kayo ka busy." habang pinapakinggan ang dalaga, natawa na lamang ang mga kaibigan niya at tinulak siya papasok sa sasakyan.
"Sa sobrang mature mo, you can get married and be a mom now" ani ni Ethan bago nito sinara ang pinto ng sasakyan niya.
Nagmaneho siya patungo sa isang pet salon at iiwan niya muna ang mga alaga ruon ng ilang oras para ipagroom. Pagkatapos naman ay babalikan niya kapag kasama na ang mga kapatid mula sa pag shoshopping ng mga gamit.
Hindi na siya nag tagal sa Pet salon, kilala naman na din siya ng may ari dahil suki na sila dito ng pamilya niya, tinulungan niya kasi ang may ari na maiwasan ang bankruptcy matapos mawalan ito ng stable money dahil hindi masyadong patok.
Isa pa, nagkamali sa pwesto at diskarte ng management. Pinatayuan niya na rin ng Animal Hospital, pet shop and pet essentials, at pet cafe sa paligid. Pinag isipang mabuti ang pag promote dito, maayos naman at lumago din ang business. Within next year, magbubukas na sila ng pangatlong branch dito parin sa Davao City.
Ngayon, Co owner na siya ng pet salon at owner naman ng hospital, pet shop, pet cafe.
This particular Animal Hospital is a sister company of the charity hospital for people that she and her family own, and where Heaven's sister works as a head nurse. And the Animal Hospital is where Maru's long-term boyfriend, Hadori Hamamura, is the hospital's intern doctor.
Maya maya dumating siya sa mall na malapit lang din sa pet salon, pagpasok niya pa lamang sa Starbucks nakita niya na agad ang tatlong kapatid na babae na naka pwesto sa may dulo umiinom ng mga paborito nilang orderin.
"Kanina pa ba kayo dito? Tara na? Or should we stay muna saglit?" pag aaya niya.
"Tara na, naubos na ng buntis diyan ang tatlong cheesecake, baka magka diabetes pa yan, magshopping na tayo." ani ni Cole ang pangalawa sa kanilang magkakapatid at hinila si Jane, panganay nila at limang buwan ng buntis, manganganak na ito ngayong Hunyo.
Napapailing na lamang si Anne na pangatlo sa magkakapatid, nagiwan siya ng tip sa lamesa at sumunod sa tatlo na naghihintay sa kanya sa labas.
Buti na lang at may 24/7 open na grand mall sa downtown kaya naman masaya silang magshoshopping ngayong araw.
TBC
Maple Writes
Don't forget to leave a comment, share and give me reviews for me to know if there are things that I should improve with and change at the same time. Have a good day. Enjoy reading.