webnovel

Heal My Wounds Once Again

"Magka-iba ang 'Tama' sa 'Mabuti': Ang 'tama' ay ang pagpili at paggawa ng wasto batay sa isang partikular ng konteksto, kagaya ng lugar, panahon at sitwasyon at ang 'mabuti' naman ay anumang bagay na nakaka-ambag sa pagbuo ng sarili. Ang gabay upang malaman na ang isang bagay ay mabuti ay kapag ginagamit ang isip at puso para suriin at kilatisin ang isang bagay." isa ito sa mga sinabi ni Gussion kay Ezekiel kung bakit alam niya na alam ang pagsubok sa buong mundo.

MicroIsLife · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
26 Chs
avataravatar

Ezekiel's Suggest

"Uuwi na po ako kuyaa!" nag-mamadaling pasigaw na sinabi ni Ezekiel kay Gin.

"Sige, ingat" paalala ni Gin sa kanya.

"Kuya, mabilis lang ba siya matuto?" tanong ni Gussion kay Gin habang kumakain.

"... Oo.." sagot ni Gin at nagpatuloy lang sila sa pagkain.

Ezekiel's Side.

"Ezekiel, ba't ngayon kalang?" tanong agad ng mama ni Ezekiel sa kanya.

"Nag laro lang po, ma!" pasigaw na sagot ni Ezekiel habang papasok sa kwarto niya.

"Kumain ka na muna dito!" suggest ng mama niya at hindi na lang siya sumagot sa sobrang pagod.

"Hayaan mo nalang 'yan, sigurado napagod kakalaro 'yan kaya dumeretso agad sa kwarto niya hindi sa mesa" sabi ng papa ni Ezekiel at pinagpatuloy na lang nila ang pagkain nila.

Gussion's Side.

"Gussion, kapag dumating sa puntong hinamon ka ng sparing ni Ezekiel, 0apalag ka ba sa kanya?" tanong ni Gin kay Gussion habang nanonood sila ng tv.

"... Oo naman kuya, pero matagal pa naman 'yun" sagot nito sa tanong ni Gin.

"Kapag dumating yung panahon na 'yun, gagamitan mo pa ba siya ng Zone States?" dagdag tanong pa nito sa kanya.

"Hindi na, mas may alam ako sa kanya pagdating sa martial arts, kuya" isa pang sagot nito habang pino-porma niya yung kamay kamao niya at sumuntok ito ng diretso. "At mas mabilis ako kesa sa kanya" dagdag sagot pa nito.

"Gussion, may suggest ako. 'Wag mo muna siyang hahamunin ng sparing o 'wag kang papalag sa kanya kapag hinahamon ka niya ng sparing hanggat hindi pa kayo magka-lebel ahh" suggest ni Gin kay Gussion at tumango ito.

The Second Day of Training.

"Nalate ka na!" pang-aasar ni Gussion kay Ezekiel habang hinihingal ito.

"Haaa oo nga ehh, umuwi muna ako para magbihis" hinihingal na sagot ni Ezekiel rito.

"Oh ano? Tara na!" sabi ni Gussion at pumasok na silang dalawa.

Isang buwan ng nagte-training si Ezekiel at sa bawat araw-araw na nagte-training ito ay unti-unti na nitong nalalapitan ang lebel ni Gussion pero 'di pa rin sapat, habang si Gussion ay nag-aaral na kung papa'no makipaglaban ng hindi naririnig ang pagkilos at paggamit ng mga sandata 'gaya ng dagger. 'Di pa rin nakakalimutan ng dalawang bata ang pag-aaral nila kaya't hindi nagbabago ang grades nito na A+ parin. Lagi pa rin silang nagbo-bonding at nagku-kwentuhan nina Chelsea at Ezekiel kaya't masaya parin ang mga ito.

"GUSSIOOON!" sigaw ni Ezekiel at binuksan agad ni Gussion ang pinto.

"Oh, haha lagi ka nalang late" pang-aasar lagi ni Gussion kay Ezekiel sa tuwing male-late ito.

"Haha, lagi naman ehh" sagot pa nito.

"Tara na!" sabi ni Gussion at tumango si Ezekiel sa kanya.

Habang papasok sila ng bahay ay 'di pa nakikita ni Ezekiel si Gin kaya't nagtanong ito kay Gussion.

"Si kua Gin, Gussion?" tanong ni Ezekiel habang papunta ito sa bakod nila sa likod.

"May gagawin daw muna siya, ako muna raw ang magtuturo sa'yo" suggest ni Gussion kay Ezekiel at tumango nalang ito.

Marami na rin akong natutunan sa kuya ni Gussion, ba't 'di ko nalang kaya hamunin si Gussion ng sparing, tutal na-abutan ko na rin naman siya—. Habang nag-iisip si Ezekiel ay nakita niya si Gussion na sinipa ang punching bag gamit ang kanang paa niya at sa sobrang laka ng sipa nito ay natanggal ito sa pagkasabit at tumalsik ito. Grabe si Gussion kung sumipa, kung ha-hamunin ko siya ngayon, sigurado matatalo ako, kailangan ko munang magpaturo sa kanya, "Gussion, turuan mo ako kung paano sumuntok at sumipa ng malakas" seryosong paki-usap ni Ezekiel sa kanya, tumango ito at lumapit sa kanya.

At tinuruan na nga ni Gussion si Ezekiel kung papaano sumuntok at sumipa ng malakas ng tahimik, habang tinuturuan ni Gussion si Ezekiel ay binabasa ni Ezekiel ang bawat galaw niya kaya niya agad ito napi-pick up ng mabilisan at sandalian lamang. Makalipas ang ilang araw ay ganon na rin sumipa si Ezekiel kagaya ng kay Gussion pero 'di pa sapat kase 'di siya gano'n kalakas 'gaya ni Gussion kaya't nagpatuloy pa rin ito at nagsanay ng mabuti.

" 'Yan, nagagawa mo na" namamanghang pagkasabi ni Gussion kay Ezekiel. "Magaling, napatalsik mo 'yung punching bag" dagdag sabi pa nito.

"Haha, salamat" sagot nito at nagpahinga ito ng kaunti. "Gussion..." tawag ni Ezekiel sa kanya at lumingon lang ito sa kanya. "Kung hahamunin ba kita ng sparing, lalabanan mo ba ako? Tutal magka-lebel na rin naman tayo ehh" tanong nito kay Gussion.

"Haha, bakit mo naman biglang natanong?" hindi sinagot ni Gussion si Ezekiel at siya ang nagtanong dito.

"Wala lang, siguro.." sagot ni Ezekiel at tumayo si Gussion.

"Gusto mo ba talaga na mag sparing tayo?" tanong ni Gussion kay Ezekiel na may halong ngiti.

"Haha, oo naman!" sagot pa nito at tumayo rin ito.

Ng tumayo ang dalawa ay pumunta sa gitna ng bakuran si Gussion at kinuha ang gloves at binigyan niya si Ezekiel ng isang pair ng gloves at sinuot niya ito.

"Bakit hindi boxing gloves ang ginamit natin?" tanong ni Ezekiel sa kanya.

"Kase nga martial arts tayo, 'di tayo boxingero!" sagot nito.

"Ano handa ka na ba, Gussion?" tanong ni Ezekiel at tumango nalang si Gussion at nanahimik ito.

Bago mag-simula ang sparing ay nag-fist job muna ang dalawang batang ito.