webnovel

CHAPTER 5: Flashback

8 years later

Walang taon,walong taon simula ng mamatay si Ms. Lim at simula ng araw na 'yun lahat ay nag-bago.

Nung gabing sinaktan ko si Ms. Lim,hindi ko akalain na yun na pala ang huling pagkikita namin. Kinabukasan ng gabing yun,nakita namin sya na wala ng buhay habang naliligo sa sariling dugo nito. Sinabi ng mga pulis na suiciding ang dahilan ng pagkamatay ni Ms. Lim.Tumalon raw ito mula sa building na kung saan sinaktan ko sya at maraming nag-sasabi na ako raw ang dahilan no'n dahil meron silang footage na sinasaktan ko si Ms. Lim.

Dumating nun si Andrei at galit na galit sya sa'kin na kulang nalang ay patayin ako dahil sa pagkamatay ni Ms. Lim,kahit sila Dad ay galit na rin sa'kin kaya pinagtabuyan nila 'ko,si Mom naman kinakausap pa'ko pero alam kong galit na galit rin sya sa'kin. Sinubukan kong humarap sa mga magulang ni Ms. Lim pero wala 'kong naabutan ni isa sa pamilya nito kaya hindi man lang ako nakahingi ng sorry.

Sinubukan ko ring kausapin si Alvin pero nagulat ako ng iniwasan nya 'ko at hindi ko alam kung bakit.

Simula rin ng mamatay si Ms. Lim maraming tao ang lumayo sa'kin maski ang mga malalapit kong kaibigan ay hindi narin ako pinansin. Para akong multo kung itrato ng mga taong nasa paligid ko at parang unti-unti nang nawala ang angas ko dahil sa konsensya.

Dahil ro'n limang taon akong tumigil sa pag-aaral kaya hindi ako nakapagtapos ng collage. Walong taon narin akong hindi umuuwi kila Dad at andito ako ngayon kila Ate Sahara.

Sya ang tumulong sa'kin simula ng lumayas ako sa'min. Isang gabi kasi nun,may mga loko-lokong lalaki ang bumugbog sa'kin,hindi ako makalaban nun dahil wala kong kinain buong araw kaya medyo nahihilo ako nung araw na 'yun. Dumating si Ate Sahara nun at niligtas ako sa mga siraulong lalaki,pinatuloy nya rin ako sa bahay nya at pinakain. Wala ng magulang s Ate at wala rin syang kapatid kaya sya lang ang mag-isa sa bahay nila. Inampon nya 'ko at pinag-aral kaya ngayon ay nag-aaral ako ng 4th year collage kaya malaki ang utang ko sa kanya.

Iaang araw nag-asawa si Ate Sahara at nabuo ang pagmamahalan nila kaya dumating sa buhay namin si Tum-tum,isang matalino at bibong bata,6 years old palang sya at ako rin ang nag-aalaga sa kanya dahil busy si Ate at si Kiya Carlo naman ay nasa U.S para sa business nila ni Ate.

"Alis na'ko." Paalam ko.

"Sige,ingat!" Isinara ko na ang pinto at nag-lakad papunta sa Campus.

Lahat ng estudyante sa Campus alam ang ginawa ko kaya karamihan sila ay umiiwas sa'kin. Marami rin ang gumagawa ng issue tungkol sa'kin,hindi ko alam kung bakit nasasayahan sila sa mga gano'ng bagay pero hindi ko rin naman sila masisi dahil gawain ko rin yun dati.

"Anong balak nyo this summer break?" Tanong ng isang kaklase ko.

Oo nga pala summer break na bukas. Ano kayang plano ko? Boring sa bahay kaya mukhang mababagot ako ngayong bakasyon.

"We're just hanging out,ikaw?"

"Family trip." Buti pa sila may balak ngayong bakasyon.

Nilabas ko nalang ang libro ko habang wala ang propesor namin dahil sumasakit lang ako kakaisip kung anong gagawin ko sa summer break.

Siguro kukuha nalang ako ng part time job.

------

"Class dismiss." Dali-dali kong kinuha ang bag ko at nag-lakad pauwi.

Wala sila Ate sa bahay dahil ngayon nila susunduin si Kuya Carlo kaya wala 'kong kasama ngayong gabi,sanay naman na 'ko na maging mapag-isa pero hindi ko alam kung ba't parang may kulang ngayong sa'kin.

Weird.

Habang nag-lalakad ako may nadaanan akong isang burol. Agad kong binilisan ang pag-lalakad ko para makaalis sa lugar na may burol.

'Ng makarating ako sa bahay bigla 'kong may naalala. Tama,dapat puntahan ko sya. Matagal ko ma rin syang gustong makausap.

Inilagay ko muna ang aking bag sa bahay at tumakbo papunta sa isang lugar na matagal ko ng hindi na pupuntahan—ang puntod ni Ms. Lim.

Hingal na hingal ako ng makarating ako sa sementeryo dahil baka may mauna na naman sa'kin.

Ilang beses ko na kasing binalak na puntahan ang puntod ni Ms. Lim pero kapag pupunta ako may dumadalaw sa kanya kaya hindi natutuloy ang pagpunta ko.

Agad akong umupo sa harap ng puntod ni Ms. Lim at inilagay ang isang pirasong puting rosas.

"Hi...Ms. Lim." Bahagya kong napayuko. "Sorry ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na loob na kausapin ka tsaka wrong timing kasi lagi yung pag-punta ko rito kasi may mga dumadalaw rin sa'yo kaya hindi kita nakakausap." Buti nga at walang dumalaw sa'yo ngayon kaya makakausap na kita. "Kumusta na? Masaya ba jan?"

Napakagat ako sa'king labi. Kinakain na naman ako ng konsensya ko.

"Alam mo,birthday ko kahapon,hulaan mo kung anong hiniling ko?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang aking kamay. "Hiniling ko na sana isang araw makahingi ako ng tawad sa'yo,actually pwede naman akong humingi ng tawad sa'yo ngayon pero kahit imposible gusto ko sana na harapan akong makahingi ng tawad at gusto kong sabihin mo sa harapan ko na pinapatawad mo na 'ko dahil hindi ko na kaya ang konsensya ko."

Sana isang araw mapatawad mo na 'ko Ms. Lim.