webnovel

Harvesters

Apat na magkakabarkada ang pumunta sa isa sa napakagandang isla ng Iloilo at isang misteryosong mamamatay ang dumating sa kanilang masayang iskursiyon...

jorymarcbebing · Horror
Zu wenig Bewertungen
8 Chs

Chapter 5

Chapter Five

Nasa loob na sila ng nasabing kuwarto. Namangha si Anne sa ganda ng room ng ama at ina ng nobyo, ang ganda ng kama, ng mga cabinet, mula sa sahig hanggang sa kisame. Umupo ang dalawa sa kama at nagsimula ng mag-usap, "Love, remember nang simula tayong magkita?" tanong ni Drew sa nobyo. "Of course I do, why?" sagot ni Greg. "Isa ka lamang normal na binata, noon, normal manamit, normal tumindig, at normal magsalita. Nagayon, daig mo pa si Tom Cruise kung manamit at very fluent ka na in English! Day by day umiiba ka, di mo ba napapansin 'yan sa sarili mo? Dahil ako, di ko lang napapansin, nararamdaman at nakikita ko." Sabi ni Anne Drew sa nobyo. Huminga ng malalim si Greg at sinagot ang girlfriend's question. "Totoo. Nang tayo'y naging magkasintahan, isa lamang akong normal na lalaki, dahil love, hindi pa naipamana sa 'kin ng pinatay kung ama't ina ang bahay, ang yate, ang mga sasakyan at ang malawak na taniman ng gulay." Sagot ni Greg, napahinga ng malalim ang nobya at parang di pa maniwala, "Com'on Love, you gotta trust me on this." Dugtong pa nito. Wala namang magawa ang nobya kundi maniwala sa G.F. nito. "I trust you, okay, I trust you in everything at this point." Sabi ni Drew. Nadismaya si Greg sa sinabi ng nobya. "At this point?" tanong ng nobyo. "I trust you period." Sagot ni Anne. Napangiti ang dalawa. Sumigaw bigla si Loulou mula sa kusina. "Sir! Luto na po ang tinig-ang!!" sigaw ng cook. "What did she say?" tanong ni Anne kay Greg. "Luto na raw 'yong kanin." Sagot ng nobyo na napangiti. "Oh my-- lunch na, kain muna tayo." Sabi ni Drew. "Yeah, com'on." Sambit ng lalaki, at lumabas ng second floor ang magkasintahan papaunta sa kitchen. Nang silang dalawa ay nasa hagdanan na, kinuha ni Drew ang isang lumang diyaryo sa ibabaw ng isang maliit na estante. Inagaw bigla ni Greg ang newspaper sa nobya at tinago sa bulsa nito. "Trust me, you don't wanna read this." Sabi ni Greg, sabay tago ng diyaryo. "Why?" tanong ni Anne. "Long story." Sagot ni Greg sabay ngiti. Hinayaan na lamang ni Anne at lumakad papasok sa kitchen, kasama ang boyfriend.

Bumukas ang pintuan ng kusina at pumasok sina Greg at Anne. Nasa loob na ng kitchen sina Regina at Lee, na mga bagong bihis. "Nice dress, Regina." Sabi ni Greg. "Thanks G.!" sagot ni Regeena. "Handsome-brave dress, Lee." Sabi ni Anne. Napangiti si Lee at sumagot ng "Thanks lovely--ah!-I A.D." sabi ng Chinese-Filipino citizen at napaisip na baka narinig ni Anne ang sinabi nitong salita na 'lovely'. Hindi alam ni Lee na narinig pala iyon ni Regina at may hint na ang nobya ng Intsik na may tinatagong lihim ang boyfriend. Ipinatong ni Loulou ang rice cooker sa mesa na may lamang kanin, hawak ang isang Vouge magazine. Nayabangan ang dalawang mag-bestfriend. Palagi itong house coo ni Greg na may bitbit na magazine at kung hindi Vouge ay Cosmopolitan. "Gosh! Sarap Vouge-vouge'in..." sabi ni Regeena kay Anne ng patago. Napatawa si Anne ng patago din sa sinabi ng kaibigan. May mga plato, kutsara at tinidor na sa mesa, at may softdrink pa na dalawang litro at inaantay na lamang nila ang nilutong afritada ni Loulou. Nang nilagay na ni Loulou ang nasabing menu, nakita at nalasahan ng magkakaibigan kung gaano kalagkit at kaasim ang afritada nang tinikman nila ito. Napataas lang ng kilay si Regina at nilunok ang tinikmang afritada. Si Anne ay halos sumuka na ngunit nilunok niya na lang ang nalasahang menu para hindi mainsulto si Loulou, ngunit si Lee ay napatayo at sumuka sa kitchen sink. Si Greg ay napalabas at napaubo. Nainsulto si Loulou at tumakbo palabas ng kusina. "Puweh!!," sambit ni Lee, "that was fucking ugly taste!" sabi pa ng binata, sabay pahid ng bibig nito gamit ang kamay at bumalik sa mga kasama. "I like the texture of the meat though." Sabi ni Regina. Napangiti si Anne sa sinabi ng bestfriend at napatayo ito sabay sabi ng, "Okay, magluluto na lang ako ng sinigang na baka. "It will take a long time for the sinigang to--" naputol ang sinasabi ni Lee nang magsalita si Anne. "It's okay, sinong gustong umantay ng sinigang na maluto, o sino sa inyo ang gusto ng kumain ng kanin together with this afritada?" tanong ni Drew. Nagtitigan sina Lee at Regina. Halatang gusto nilang antayin na maluto ang lulutuing sinigang ni Anne. "Good, I'll start the cooking." Sabi ni Anne.

Umabot sa gulayan si Loulou dahil sa kanyang pagtakbo. Para sa kanya, masarap ang pagkaluto nito na afritada, nainsulto saiya dahil hindi nasarapan ang amo at ang mga kaibigan ng sir nito. "Namit gid lang pagluto ko ka afritada pro!" sabi nitong dilag sa kanyang sarili. "For me, it taste great!" dugtong pa ni Loulou. Nang biglang nagulat ang dalagang cook sa anino ng tao na paparating sa kanya. Nakikita niyang may hawak na itak ang tao sa kanyang likuran. Kahit natatakot ay tumalikod ito para makita ang tao sa kanyang likuran. Ngunit walang tao nang siya ay tumalikod. "Someone there? Sir?" tanong nito. Hinayaan niya na lamang ito at humarap ulit. Ngunit isang taong nakasuot ng harvester suit ang gumulat sa dilag at siya ay dinakip nito. Tinakpan ang bibig ng dalaga, nagpupumiglas si Loulou ngunit di pa rin siya makatakas sa kamay ng tao dahil sa lakas nito. Inapakan ni Loulou ang kaliwang paa ng tao. Nasaktan ang tao sa apak ng dilag at nabitawan niya si Loulou. Napatakbo agad ang cook sa taniman papalayo sa killer. "Bulig!!" sigaw ng dalaga. Ngunit hinagis ng tao ang itak nito sa dilag at nasaksak ang cook sa ulo. Namatay si Loulou at binitbit siya ng tao papunta sa likurang bahagi ng mansiyon.

Panay ang luto ni Anne ng sinigang. Nagsalita bigla si Regina, "Parang may narinig 'ata akong sumigaw." Sabi ng dalaga, "sigaw niya tinig babae." Dugtong pa nito. "Me too. At ang sigaw niya, ano 'yon, 'bulig' ba 'yon?" sabi ni Lee. "Ako rin may narinig din ako pero hindi tayo makakain nito kung puro sigaw ang nasa isip niyo. Tulungan niyo na lang ako, akin na 'yang kamatis at bawang. Hurry." Sabi ni Drew sa magkasintahan.

Matapos ang sinkuwenta minutos, naluto na rin ang niluto ni Anne na sinigang. Kinuha ni Lee ang afritada sa mesa at inilagay sa sink, at ipinatong ni Anne ang kaserola na may lamang mainit at masarap na sinigang. "Wow! Ang bango girl!" sabi ni Regina sabay na kinuha ang takip ng kaserola. "For sure, masarap 'yan." Sabi pa ni Lee. "Thank you." Sambit ni Anne Drew. Ngunit nagtataka ang dalagang kusinera kung nasaan ang nobyo nito. "Guys have you seen Greg?" tanong ni Anne. "Oo nga, napaubo lang 'yon, di na bumalik." Sabi ni Regina. Nag-aalala na ang kusinera ng boyfriend nito. "I'll be right back. Mauna na kayong kumain, hahanapin ko lang si Greg." Sabi ni Anne sabay na lumakad palabas ng dining room. Nang binuksan ni Drew ang pintuan, ginulat siya ni Greg na biglang pumasok ng dining room, napaubo, namumutla, at ito ay halata na bagong ligo, na naman. "Jeez..." sambit ng nagulat na dilag. Nagtataka si Anne, bakit basa naman ang nobyo. "Love, you took a bath?" tanong ni Anne, "again?" dugtong pa ng kusinera. "Jesus Christ, where did you come from?" tanong ni Regina kay Greg. Gulat na gulat ang nobya ni Greg at ang dalawa nitong kaibigan. Panay ang pag-ubo nito. "Love, are you okay?" tanong ni Drew at pinaupo agad ang boyfriend sa upuan. "Namumutla ka tol okay ka lang?" tanong ni Lee. "I'm okay, medyo nahihilo lang." sagot ni Greg. Nakita ni Regina sa bulsa ng dark pants ni Greg ang nakasabit na handkerchief ni Greg, puro dugo at laway ng tao. Nagulat ito at sinabihan niya ni Anne. "Girl, look..." sabi nito sa bestfriend sabay turo sa hankie ni Greg. Tumitig lahat sa nasabing panyo. Nagulat sina Anne at Lee. Napalayo agad si Anne Drew sa nobyo. Napalunok ng laway si Greg dahil nakikita nitong gulat na gulat ang mga kaibigan at ang nobya nito. "What's that?" tanong ng kusinera sa boyfriend. Sumagot lang ang boyfriend ng "Hankerchief." Nagalit si Drew sa sagot ng boyfriend. "I know it's a hankie but why it has blood Greg!?" Tanong ulit ni Anne. "May pinatay lang akong daga kanina at tinapon ko sa dagat." Sagot ni Greg. Pinagdududahan na siya ng nobya at mga kaibigan . Naisipan nitong lumabas na lang ulit ng dining room. Napatanong ulit si Anne Drew sa nobyo. "Hindi ka ba kakain? May niluto akong sinigang na baka." Tanong ni Anne sa B.F.. "I'm not really hungry." Sagot ng nobyo at lumabas ito ng nasabing kuwarto. Kahit may pagdududa man ay aalala pa rin itong si Anne Drew sa nobyo niya.

Alas tres ememedya na sa hapon at mag-isa at mag-isa lang si Anne sa front porch ng mansiyon. Nakaupo sa upuan at iniisip ang nobyo. Iniisip nito ang yaman ng nobyo, ang mga pagbabago ng sarili nito sa pananamit at ang mga pinagsasabi nito sa kanya. Iniisip nito ang mga yaman ng nobyo, ang mga pagbabago ng sarili nito sa pananamit at ang mga pinagsasabi nito sa kanya. Iniisip ni Anne kung dapat nga bang pagkatiwalaan ang B.F., dahil binabalaan na siya ng tao na nakatira sa dulo ng taniman, na umiwas at talikuran na ang iniibig nito. Nang biglang may gumalaw sa may mga bulaklak na nakatanim sa gilid ng mansiyon. Natakot si Anne, ngunit baka pusa o daga lang ang gumalaw. Lumapit itong dalaga sa mga tanim na bulaklak at ginulat siya bigla ng isang binata, at si Speed lamang pala. "Jesus..." sambit ni Anne nang magulat ito. "Ay! Sorry po ma'am." Sabi ni Speed. "It's okay," sabi ni Drew, "anong ginagawa mo diyan sa gilid ng mga tanim na bulaklak?" tanong pa ng dilag. "Ma'am di po ako fluent magsalita ng Tagalog ma'am, pro try ko lang ma'am." Sabi ni Speed. "Sige, ang makakaya mo lang." sabi ni Anne Drew. "Nagakuha ko ma'am bulaklak dito, kay ibibigay ko tani kay Loulou. Kaso ma'am nagtataka lang ko ma'am kay, di ko na siya ma'am makita simula ma'am sang panyaga, halin sang lunch ma'am, wala ko na siya makita ma'am." Sagot ni Speed. Nagulat si Anne sa sagot ng driver ng yate. Ano kaya ang nangyari kay Loulou? Baka lumayas dahil nainsulto ito sa nilutong afritada o baka may iba pang dahilan ng pagkawala ni Loulou. "Pasensiya ka na Speed, mahahanap din natin si Loulou, don't worry." Sabi ni Anne Drew. Nalulungkot at parang iiyak pa yata ang binata. "Speed, okay ka lang?" tanong ng dalaga. "Ma'am girlfriend ko na si Loulou, kag ngayon ko tani mabigay sa kanya sang singsing kaso, di ko na siya makita." Sabi ni Speed na naiiyak. Nagulat si Anne, dahil ngayon lang niya nalamang magkasintahan pala ang cook at ang driver ng yate. Pinapakalma lang ni Anne si Speed. "Sige ma'am, balik muna ako sa yate." Sabi ng binata. "Okay." Sambit ng dilag. Lumakad pabalik ng yate si Speed. Si Anne naman ay napatalikod para bumalik sa loob ngunit ginulat siya ulit ng lalaki na nakatira sa bahay sa dulo ng taniman. Napasigaw si Drew sa gulat. "Patay na si Loulou at piñata siya ng nobyo mong demonyo!," sabi ng lalaki, "Aantayin mo pa bang patayin at katayin ka rin ng iniibig mong sakim sa dugo't laman!" dugtong pa ng binata. Natatakot si Anne sa mga pinagsasabi ng lalaki sa kanya. "Ano!? Sumagot ka!Kung hindi ikaw? Sino? Ang best friend mo?! Ang nobyo ng bestfriend mo?! Gusto mo bang sila ay madamay din sa kademonyohan ng iniibig mo?! Gusto mo bang sila ay katayin din ng nobyo mong kampon ni Satanas!?!" sigaw pa nito sa dilag. Lumuluha na si Anne sa takot. Nang biglang sumigaw si Regina. "Hoy!!" sigaw ng bestfriend ni Anne, napatalikod itong lalaki at nakita niya sina Regeena at Lee, at biglang hingisan ni Regina ang lalaki sa ulo ng bato, "Lusiper! Sino ka para sigawan ang bestfriend ko!?!" sigaw pa ni Regina. Gusto pa yatang makipag-away ng lalaki kay Regina ngunit pinulot ni Lee ang malaking bato at napasabi ng, "Sige, away tayo?" sabi ni Lee. Tumakbo na lang itong lalaki papunta sa bahay nito sa dulo ng taniman. Nilapitan nina Lee at Regina si Anne at pinakalma sa pag-iyak nito. "It's okay, wala na siya." Sabi ni Regeena sa bestfriend. "Com'on, let's get in the house." Sabi ni Lee. Pumasok ang tatlo sa loob ng mansiyon. Nang sila ay nasa salas na, naisipan ni Anne na makipag-usap sa magkasintahan tungkol kay Greg at sa lalaki na nakatira sa bahay sa dulo ng taniman. "Tama ba 'tong desisiyon ko?" tanong ni Anne. "Ang alin?" tanong naman ng bestfriend. "Na... inibig ko si Greg." Sagot ni Anne. Nagtitigan sina Lee at Regeena. "Look girl, hindi mali na inibig mo si Greg, basta alam mo na iniibig ka din niya, wala ng problema do'n." sagot ni Regeena. "Alam ko iniibig niya din ako. Ngunit ang mga tinatago niyang mga sekreto, make me think na, tumigil ng umibig sa kanya." Sabi ng kusinera. Biglang bumukas ang pintuan ng banyo sa second floor, at lumabas si Greg na napaligo ulit, galit na napatitig sa nobya at pumasok sa kwarto ito sa kuwarto ng ama at ina niya. Natatakot na si Anne sa boyfriend. Para sa dalaga, ang nobyo ay mukha ng bampira na kulang sa dugo, namumutla at parang gustong kumain ng laman ng tao.

Alas siyete na ng gabi. Lahat ay tulog na at wala ng planong magsaya. Habang si Anne ay nasa banyo ng kuwarto ng mga magulang ng kasintahan, panay ang iyak nito ng nakaupo sa sahig. Iyak ng iyak dahil pinagdududahan ang nobyo kung mahal nga ba siya nito o gusto na siya nitong patayin ng hindi manlang niya alam ang motibo.

Habang sa yate, ay panay ang pag-inom ni Speed ng alak dahil sa kalungkutan. Lungkot na idinaaan sa paglalasing dahil sa pagkawala ng nobyang si Loulou. "Loulou!!" siw nito. "Diin kana!?!" dugtong pa niya. Bumukas pa ito ng isang alak. Napaiyak lalo ang binata nang mabasa niya ang nakasulat na pangalan sa bote ng beer. Naukit sa bote ang pangalang "Loulou." Tumunog bigla ang music sa audio system ang awiting 'Where are You Now'. Umiyak lalo ang lalaki. Nang biglang may tumunog sa labas ng yate na parang nauuuntog na bagay. Hinayaan na lang iyon ng driver at ipinagpatuloy ang pag inom. Nang biglang tumunog ulit ang nasabing tunog, mas lumakas lalo ito at napatigil ang awiting tumutunog sa audio syatem ng yate. Lumabas na lamang itong binata at hinanap kung saan nagmumula ang tunog. "Sir?" tanong ni Speed, sabay labas sa salas ng yate at pumunta ito sa balkonahe. Sinundan niya ang tunog kung saan nanggagaling. Nang ang binata ay nasa hagdanan na ng yate, bababa sana ito ngunit nagulat siya sa kanyang nakita. Isang patay na katawan ng dalaga ang kanyang nakita, lumulutang sa tubig, at nauuntog ang ulo sa dingding ng yate. Napaupo sa sahig si Speed sa gulat at alam na alam niya na ang patay na katawan na lumumutang sa tubig ay ang nobya nitong si Loulou. Umulhot bigla ang taong may itak mula sa ilalim ng tubig. Natakot na si Speed nang makita nito ang nasabing tao, napatayo ito at napaatras. Nang umakyat na ng yate ang taong may itak, napatakbo na si Speed papasok sa driving suite. Hinabol siya ng taong may itak, suot pa rin ang harvester's outfit. Nang si Speed ay nasa door knob na ng driving room, di siya makapasok dahil naka-lock ito. Panay ang basag nito gamit ang bote ng alak. Nasa salas na ang killer at nadagdagan ang takot ni Speed. Kinuka ni Speed ang isa pang bote ng beer at hinagis ito sa ulo ng mamamatay-tao. Nabasag lang ang bote sa ulo ng tao kahit nasaktan ito, napayuko at napaatras. Tumigil si Speed sa kanyang pagbasag ng door knob at napatitig ito sa harvester. Kinuha ng taong may itak ang panyo na n akatakip sa bibig nito. Natakot bigla si Speed nang makita nito ang buong mukha ng mamamatay-tao. "Oh Shit." Sambit ng Ilonggong driver. Tumakbo bigla ang harvester papaunta kay Speed. Tumakbo din si Speed papunta sa gilid para tumalon sa tubig para makatakas. Ngunit sa bilis ng killer sa pagtakbo nadakip nito ang driver at hiniula pabalik sa loob ng yate. Napasigaw ang binata. "Bulig!!!" sigaw nito. Sinakal itong driver ng harvester at inuntog ang ulo sa dingding. Nagpupumiglas ang driver, nagpupumiglas at ginagawa lahat para makatakas. "Sir, why?" tanong ni Speed sa sumasakal sa kanya. Naisipang bitawan ng killer si Speed at inihampas sa sahig. Naisipan ng mamamatay-tao na titigan muna ang driver na panay ang ubo sa sahig dahil di ito halos makahinga nang siya ay masakal kanina. Tumalikod na lang ang killer ay naisipang lumakad palabas ng yate. Di alam ng harvester na pinulot na ni Speed ang ice pick mula sa ilalim ng sofa, tumakbo ito papaunta sa killer para saksakin ng ice pick. Ngunit nang siya ay nasa likod na ng mamamatay-tao, hinarap siya nito bigla. Hindi nasksak o napatay ni Speed ang killer dahil naunahan siya nito. Sumuka si Speed ng dugo. Nasaksak ang driver sa tiyan, at tumagos ang ginamit na itak sa likod nito. Sinipa ng killer si Speed at tumilapon ang binata sa cnter table ng salas. Naiwan ang itak sa kamay ng killer na puro dugo mula sa driver. Nang mapatay na ng harvester ang binata, kinuha nito mula sa bulsa ng kanyang pantalon ang susi ng driving room.

"Did you hear something?" tanong ni Regeena sa nobyo, na napaupo habanmg nakahiga kanina sa kama. Hindi sumagot si Lee sa tanong ng nobya dahil panay ito sa pag-inom ng whiskey. Nainis na si Regeena dahil puro liquor lang ang iniisip nito kapag dumadating na ang gabi. "Please Lee, tama na yang pag-inom!? Dalawang bote na ng whiskey ang na turos ng lalamunan mo!" galit na sabi ni Regeena. Nilapitan ni Lee ang girlfriend na nasa kama. "Com'on babe. Enjoyin na lang natin ang moment na nandito tayo." Sabi ni Lee na sinamahan ang girlfriend sa kama sabay na kina-caress ang katawan ng nobya. Ngunit halatang halatang walang ganang makipagtalik si Regeena sa boyfriend nito. "Not now Lee, hindi mo ba narinig si Anne Drew? Nawawala na raw si Loulou! Si Speed, dir in natin makita! And Greg is acting like a Filipino vampire, tapos! Ito pang iniisip mo? Sex? I can't believe you..." sabi ni Regeena sabay alis ng mga kamay ni Lee sa mga braso at balikat nito. Nagalit ang Intsik sa nobya. Umalis ito sa kama, binitbit ang bote ng alak, napatayo ng seryoso at tinanong ang kasintahan. "Okay, answer me, directly," sabi ni Lee, "do you wanna have sex with me?" dugtong pa niya. Sumersyoso rin ang mukha ni Regeena, taas-noo at taas-kilay at sinagot ang nobyo ng, "No." Nadismaya si Lee at napasabi ng "Fine.", sabay labas ng kuwarto. "Fine." Sabi din ni Regeena, na napaluha.

Lumabas ng banyo si Anne. Nang ang dilag ay napalabas na ng C.R., pumasok ng kuwarto si Greg, basa, at halatang napaligo ulit. Nagtitigan ang magkasintahan. Napatitig si Anne sa kasintahan mula paa hanggang sa mukha. Para sa dalaga, ang nobyo nito ay namumutla at namumula ang mga mata. "Saan ka galing?" tanong ni Anne sa nobyo. "Sa banyo." Sagot ni Greg na pipahiran ang mga braso at mga kamay gamit ang tuwalya. Naka-boxer's shorts ito ngunit basa naman. "Naligo ka naman ba?" tanong ni Anne. "Isn't that obvious?" mataray na sagot ng boyfriend sabay pahid ng basang ulo, sumuot ng malang brief at black pajama. Nagtataka na naman ang chef bakit naligo na naman ang nobyo. "Can I ask why did you take a bath again?" tanong ulit ng dilag. Hindi sumagot ang kasintahan, sa halip, sumuot ito ng grey-colored long-sleeves na damit. Naiinis si Drew sa B.F. kung bakit di ito0 sumasagot. "Ano? May pinaslang ka na naman bang daga at napaligo ka ulit? Sumagot ka! Tinatanong kita!--" ghalit na tanong ni Anne at napasigaw bigla si Greg at sinagot ang nobya. "Oo!! May pinatay na naman akong daga at napaligo ako ulit! Ano?! Masaya kana?!! Vnakaka-buwiset na buhay 'to! Lahat nalang mali! Lahat ng bagay sa bahay may mali! Lahat ng galaw ko may mali! Ano pa'ng susunod? Ha?!" galit na sagot ni Greg. Napaluha si Anne sa sigaw ng boyfriend. Naisipan ni Drew na lumabas ng kuwarto. Nagsisisi si greg nang masigawan nito ang nobya. "Love-I don't mean to-- I'm sorry-" sabi ni Greg sabay pigil sa nobya ngunit napatakbo na ang umiiyak na si Anne sa pintuan at nabuksan na nito ang knob sabay labas ng pinto. "Tanga mo! Ang tanga-tanga mo!" sabi ni Greg sa sarili sabay untog ng noo sa dingding.

Lumabas si Anne ng kuwarto, takbo pababa ng hagdan hangggang sa salas, sabay todo sa pag-iyak. Napatingin pa si Anne Drew sa photocopied na birth certificate ni Greg Alfonzo na nakadikit sa dingding. At nakasulat sa nasabing sertipiko na ang nobyo ay ipinanganak ng Agosto 27, 1988, at patunay lang na ang kasintahan ay bente-singko anyos na ngayon. Ngunit pumasok na naman sa kukoti ng dilag ang sinabi ng lalaki na nakatira sa dulo ng taniman na ang nobyo nitong si Greg ay trentay-singko anyos na at nagsisinungaling ito na siya ay bente-singko anyos pa lamang. Napaiyak lalo ang magandang kusinera. Lumabas ito ng balkonahe. Nakita siya ni Lee. Ang Intsik ay panay ang inom ng alak na naka-upo sa sofa. Huminga ng malalim si Anne. Napatitig si Anne sa sigarilyo na nasa basurahan. At dahil sa kalungkutan at sa kasakiman ng tukso, pinulot nito ang sigarilyo, kinuha ang posporo na nasa mesa ng balkonahe at sinidihan na ito at nagsimula ng manigarilyo. Nagulat si lee nang maki9ta si Anne Drew na humithit ng siagrilyo at galing pa sa basurahan. Lumakad ang kusinera sa harap ng mansiyon at tinitigan ang buong bahay misteryosong nobyo, habang naninigarilyo. Hindi alam ng dilag, may tumititig pala sa maalindog na katawan nito, at iyon ay si Lee. Hindi rin alam ng Intsik na bumaba nap ala ng hagdan si REgeena at tinititigan na rin siya nito. Nagalit si Regeena sa ginagawang pagtitig ng nobyo sa bestfriend nito at napatakbo ito sa kusina at idinaan ang lungkot sa pagkain ng malaking chocolate cake.

Lumakadf si Lee kay Anne Drew mula sa balkonahe. "You want some?" tanong ni Lee kay Annne na hinandugan pa ng isa pang sigarilyo. Ngunit ayaw na ni Anne at napasagot ito ng, "No, thank you." Nagsimula ng makipag-usap sa kusinera. "I've never seen you smoking," sabi ng Intsik, "what made you decide to smoke? One in a blue moon?" tanong pa ng binata. "Guilty-pleasure," sagot ni Anne, "and sadness, of course." Dugtong pa ng babae. Inihulog ni Anne ang sigarilyo sa lupa at inapakan. "Sadness?" tanong ni Lee sabay ngiti. Nainis si Drew sa Chinese citizen. "Hindi, happiness! Kasasabi ko lang di ba? oo! Sadness!" pataray na sagot ni Anne Drew. Ngumiti lalo si Lee sa sagot ni Anne Drew. Nasiyahan ang Intsik sa pagiging pilosopo ng kusinera. Huminga ng malalim si Drew at ibinahagi kay Lee kung ano ang cause ng sadness nito. "Nag-away naman kami ni Greg. As usual, about doubts and distrusts na naman ang pinag-awayan namin. Pa'no ba naman kasi, katatapos niya lang maligo ng 1:00 pm, tapos napaligo naman siya ulit ng 3:30 pm, anf then kani-kanila lang, napaligo ito ulit! Para sa'yo?! Sinong nobya ang hindi magtataka at magdududa kung ganyan maligo ng nobyo mo? Aber? For sure, basa naman katawan no'n dahil naligo na naman." Sabi ni Anne kay Lee. Napangiti ang Intsik at sumagot ng, "Even I and Regeena, napaaway din kanina, Anne." Nagulat ang kusinera sa sinabi ng binata. Para sa kanya, perfect lovers sila nina Regeena. Hindi pa niya nakita ang dalawa na umaway o nagkasakitan manlang. "Are you sure? How did it happen? For me, ideal lovers kayo ng bestfriend ko." Sabi ni Drew. Huminga ng malalaim si Lee at napasagot ng, "You know, sometimes, perfection leads to disappointment." Sagot ng binata. "I guess." Sambit naman ni Anne Drew. Napatitig ulit si Lee sa maalindog na katawan ng kusinera. Para sa Chinese citizen, perfecto-fabuloso' itong si Anne Drew, mula mukha hanggang sa katawan. Hindi makapigil ang lasing na si Lee. Lumapit ito sa dilag. Nagulat si Anne. "Lee?," sabi ng dalaga, "don't get any closer. Magagalit ako." Dugtong pa ng chef. Hinawakan ni Lee ang mga braso ni Anne Drew pati mga balikat. Nagalit si Anne. "Get off me." Sabi ng iritadong si Anne. Idinikit pa lalao ng lalaki ang sarili sa dilag hangggang sa bumanggga na ang katawan ng kusinera sa puno ng isang kahoy. "Matagal na 'kong may guilty-pleasure sa'yo, A.D...." malagkit at mapagnanasang pag-sabi ni Lee kay Anne. Nagalit na ang kusinera at napasigaw ito ng, "I said, get off me!!!" sabay tulak sa binata at sag alit ay nasampal ng chef ang Intsik sa kanang pisngi. Dahil sa sampal ng dilag ay halos mawala ang pagkalasing ng binata. "I'm sorry." Biglaang sagot ni Lee kay Drew. Nang may narinig sina Anne at lee ng babaeng umiiyak. Nsapatingin silang dalawa sa balkonahe at nakita nila si Regeena na umiiyak habang nakatitig sa kanilang dalawa. Nagulat sina lee at Anne. Napalakad ng mabilisan si Lee papunta sa nobya nito. "Babe, let me explain--" sabi ni Lee habang lumalakad papunta kay Regeena, ngunit naputol ang sinasabi nito nang sinalubong siya ng nobya ng malakas na sampal sa kaliwang pisngi. Napatakbo si Regeena ng umiiyak papunta sa malayuan papunta sa baybayin at umiwan ng galit na tingin sa bestfriend. "Wait, bes!!" sigaw ni Anne sabay habol sa assistant cook. "Hangal, Hangal!!" sabi ni Lee sa sarili sabay sampal din ng sariling mukha. Hindi alam ng Intsik, na nakatingin lang pala sa kanya si Greg habang nakatayo sa may pintuan ng bahay. Lumakad si Gregorio papasok ng mansion, umakyat ng secong floor at pumasok sa bathtub. Napaluha lang si Lee habang hawak ang kamukha na kuwintas na suot-suot din ni Regeena.

Panay ang hanap ni Anne sa bestfriend. Alam niyang dumaan ang kaibigan sa likurang bahagi ng mansion papunta sa seashore, ngunit di niya ito makita. May naaamoy si Anne na usok ng sigarilyo mula sa malayuan. Sinundan niya ito at nakita niya ang bestfriend na humihithit ng sigarilyo seashore malapit sa may yate. Pinuntahan nito ang bestfriend at umupo sa tabi ng kaibigan. Nakikita ni Anne na di siya nito pinapansin, subalit umiiyak ito at tumitig sa buwan, habang hawak ang suot-suot na kuwintas na bigay ng boyfriend. Hindi alam ni Anne kung papaano magsisimulang makipag-usap sa bestfriend ngayong katabi na niya ito. Tumagal ng sampung segundo at bumukas din ang bunganga ni Anne at ang tanging nasabi nito ay, "Bes?" Napaiyak bigla si Regeena nang marinig ang sinabing salita ni Anne Drew sa kanya. Napaluha din si chef at niyakap ang assistant nito. "Eversince, I know that Lee has this self-guilt-delight or shall I say pleasure on you, bes." Sabi ni Regeena sa bestfriend sabay yakap sa kaibigan at iyak, "I should've been more careful in loving him. Di sana ako masasaktan ng ganito." Dugtong pa ni Regeena. Gulat man sa sinabi ng bestfriend ay ipinagpatuloy lang ni Anne ang pag-yakap kay Regeena at kinausap na niya ito. "Bes, Lee loves you, iniibig ka niya at mahal ka niya," sabi ni Anne, "kahit ako nga di ko alam na may pagtatagong pagnanasa 'yang nobyo mo sa 'kin dahil sa movements niya? Actions and style of being a boyfriend to you, hindi ko makita 'yon because for me, ikaw lang ang iniibig, minamahal at love niya. Ngayon ko nga lang nakita 'yang nobyo mong uminom ng alak mag-isa eh! Pagkaka-alam ko, together kayo humihithit ng sigarilyo at umiinom ng whiskey! Tell me, ano ba'ng dahilan ng away niyo?" sabi pa ni Drew. Nagtigilan ang mag-bestfriend sa pagyakapan. "He wants to do somekind of darknight ecstasy with me, eh, sabi ko, 'wag muna ngayon dahil napakarami ng pagbabago sa paligid, hayon! Nagalit, dahil ayaw ko lang makipagtalik." Sagot ni Regeena. Napangiti si Drew sa sinagot ng kaibigan. "See!? Gusto pa nga niyang makipag-great sex sa'yo! Neh, ako nga at si Greg, hindi kami nakapag-you know, landian and laro sa bed." Sabi ni Anne Drew. Nagulat si Regeena sa sinabi ng bestfriend. Hindi pa pala nakapag-sex sina Anne at Greg sa isa't isa. "Really?" tanong ni Regeena sabay ngiti. "Never. And I've never seen his eggplant." Sagot pa ni Anne. Napatawa ang magkaibigan dahil ang tinutukoy na eggplat ni Drew ay ang ari ni Greg. "So, as an answer to this problem of yours, sa tingin ko, misunderstanding lang, that's all, nothing more, nothing less." Sabi ni Anne. Napahawak ulit si Regeena sa kuwintas na bigay sa kanya ni Lee. "You're right bes," sabi ni Regeena, "lasing lang siya at ayokong makipag seventh heaven with him." Sagot pa ni Regeena. Napatawa ulit ang dalawang dilag. Napatitig silang dalawa sa cigarette purse ni Regeena. May laman pa itong dalawang sigarilyo at nagtitigan ang magkaibigan. Kinuha ni Regeena ang isang sigarilyo at sinindihan, hinithitan at nagpa-usok, huminga ng malalim at tinitigan ang katabi. "Wanna smoke?... again?" tanong ni Regeena kay Anne. Huminga din ng malalim si Anne, napangiti at sumagot ng, "Once is enough, twice is too much." Sagot nito. Nang manigarilyo ulit si Regeena, napalunok ng laway si Anne, at halatang gusto pa nitong manigarilyo. Napapangiti si Regeena sa kakatitig sa bestfriend. "Com'on girl, it won't hurt." Sabi ni Regeena sa kaibigan. "Okay, fine, whatever." Biglaang sagot ni Drew at kinuha ang naiwang sigarilyo sa purse ng bestfriend, sinindihan gamit ang sigarilyo ng kaibigan at nagsimula ng manigrilyo, ulit. Isinauli nito ang sigarilyo ni Regeena at nagtitigan ang dalawa. Ilang segundo lang ay nagtawanan ang dalawang babae sa kanilang pinanggagawa. Ipinagpatuloy lang ng magkaibigan ang paghit-hit ng sigarilyo at pag-uusap.

Samantala, si Lee ay nasa kuwarto na ng littlt sister ni Greg ni Grace, ang kuwarto na tinutulugan nila ng nobyang si Regeena. Ipinagpatuloy pa rin ni Lee ang paglalasing dahil sa kalungkutan. Lasing na lasing na ang Intsik at dinamdam ang pagsisisi sa ginawa nitong kasalanan. "Regeena!!! I'm sorry babe!! Please, forgive me!!" sigaw pa nito sabay inom ng alak. "Patawarin mo 'ko..." sabi niya ng humahagulgol sa iyak. Napainom ito ulit ng alak at napaupo sa couch. Bumukas ang pintuan ng kuwarto ng di nito nalalaman at pumasok itong mamamatay-tao, suot pa rin ang harvester suit at dala pa rin ang itak. Basa itong mamamatay-tao, mula sa damit hanggang sa katawan. Napatitig ang lasing na si Lee sa hawak na bote at nabasa nito ang phrase na nakasulat sa whiskey, 'taste the pleasure' daw at umiyak lalo ang Intsik. Lumakad papalapit kay Lee itong harvester, bitbit ang itak. Napatigil sa pag-iyak ang Chinese citizen nang makita nito ang imahe ng taong naka-harvester outfit sa hawak nitong bote, na lumalakad papalapit sa kanyang likuran. "What the--" naputol ang sinasabi ni Lee nang biglang hilahin ng killer ang suot na kuwintas ng Intsik. Sa sobrang lakas ng pag-hila, halos masakal na si Lee. Napatumba ang sofa na kinauupuan ng biktima. Sabay hila ang dalawa. Hinihila ng harvester ang kuwintas ni Lee para sakalin ito, at hinihila din ng Intsik ang suot na kuwintas para makahinga siya. Nagpupumiglas na ang binatang halos mamatay na sa pananakal ng killer gamit kuwintas ng intsik. Nakapkapan ni Lee ang bote ng whiskey na iniinom nito kanina na nahulog na sa sahig. Kinuha niya ito at napsabi ng "Fucker!!' sabay hampas nito sa noo ng sumasakal sa kanya. Nabasag itong bote at nsaktan itong harvester. Nabitawan ng killer ang kuwintas ni Lee at nakaligtas itong binata sa matinding pananakal. Napaubo si Lee, tumayo, napasigaw ng, "Regeena!!" sabay takbo sa bintana. Panay ang siagw ng Intsik gamit ang Chinese language. Gustong basagin ni Lee ang bintana para makatakas ngunit napakakapal ng bintana kahit yari ito sa glass. Nakita ng Intsik mula sa bintana ang nobya kasama si Anne na nag-uusap, nagsisiyahan habang humihithit ng sigarilyo sa tabing-dagat. "hey!! Girls!!" sigaw ni Lee sabay suntok sa bintana. Ngunit di siya marinig ng mga dilag na panay ang pag-uusap, pagsasaya at paninigarilyo. Kinuha ni Lee ang yari sa metal na flover vase at inihampas nito sa bintana para mabasag, ngunit tatlong beses manlang na hampas ay di manlang magiba ang bintana. Napatalikod si lee para makita kung nasaan na ang killer. Ngunit nagulat ang Intsik nang tumalikod ito dahil nasa likuran na niya ang harvester. Itinaas ng killer ang braso nitong may hawak na itak para atakihin si Lee. Ngunit dinakip ng Intsik ang braso ng mamamatay-tao na may hawak na itak para di siya nito masaksak. Sasakalin sana itong Intsik ng harvester ngunit gamit ang kabilang kamay ngunit dinakip din ni Lee ang kabilang braso nito. Ipinapakita lang ng dalawa kung sino sa kanila ang mas malakas at matapang. Ngunit, sa kasamaaang palad, tinuhod ng killer ang ari ni Lee. Napasigaw ang Intsik sa sakit, nabitawan nito ang mga braso ng killer at napayuko ang kawawang intsik dahil sa sakit. Sinipa ng harvester ang panga ng binata ng pagkalakas-lakas bumangga ang katawan nito sa makapal na bintana. Sinakal bigla ng harvester si Lee. Hinila ng killer ang suot na kuwintas ng Intsik, ng pataas. Nasasakal na ang Intsik at di na makahinga. Itinaas pa lalo ng killer ang kuwintas na sumasakal sa binata hanggang sa lumipad na sa hangin si Lee. Sa taas ng pananakal gamit ang kuwintas, isinabit nitong harvester ang grey-colored silver necklace ng Intsik sa wiring ng kuryente para tuluyan ng mawalan ng hinnga ang binatang Intsik. Nawawalan na ng hininga si Lee. Umiikot na ang natali nitong kuwintas na nakasakal sa leeg nito at wala ng naaapakang sahig ang Intsik dahil lumilipad na ito sa hangin. Napapaluha si Lee habang tinititigan ang nobyang si Regeena mula sa bintana, nakikisaya ito habang nakikipag-usap sa bestfriend sa may baybayin. Naiinis na ang killer dahil di pa rin mamatay-matay si Lee kahit binibigti na siya nito sa wring ng kuryente gamit ang kuwintas nito. Ipinaikot ng killer ang nakabigti na katawan ng Itsik sa harapan nito. Ipinulot ng killer ang itak sa sahig at hiniwaan ang wiring ng kuryente at kumalat ang electric thrill nito at umabot ito sa kuwintas na nakabitay na Chinese citizen. Kinuryente ng nahiwa na electric wire si Lee ng anim na segundo hanggang sa mahulog sa sahig ang binata at maiwan ang nakataling kuwintas ng lalaki sa wire ng voltage. Hindi na gumagalaw ang Intsik at umuusok na ang bunganga nito dahil sa pagka-kuryente. Lumapit ang killer at lumuhod sa binata. Sinulatan niya ng salitang 'Harvester' ang likurang bahagi ng leeg ni Lee gamit ang itak. Lumakad ito palabas ng kuwarto at iniwanan ng nakahandusay na binata.