webnovel

Hacienda Casteel

They met at a young age. Puppy love when puberty hits them. High school love. Years later everything was changed. What happened in between? When she was gone and when she comes back she was slapped by the truth that Hacienda Casteel no longer owns by her family. The legacy of their family. How could her Lolo Faust give aways the Hacienda Casteel to someone that she used to know wholeheartedly but no longer have any affection? To whom should Hacienda Casteel really belongs? Who should really own this, is it because it was written in the last will testament or is it because you are a family?! She had plans on how to get back the Hacienda Casteel. There must be something wrong or something happened when she was gone, it just can't be. But despite of the rivalry for the inheritance, love will maturely blooms.. for the two heirs.

Jannmr · Teenager
Zu wenig Bewertungen
37 Chs

Chapter 7

Magkatabi nakaupo sa eroplano sina Charl at Thirdy pero mula sa byahe papuntang airport hanggang nakasakay ng eroplano ay walang imikan ang dalawa kahit magkatabi din ito sa loob ng van. Hanggang nyayon hindi padin binabalik ni Thirdy ang ang phone ni Charl. Charl looks so pissed pero hindi nya pinapahalata sa Mama nya at sa mga kasama nito. Naiwan naman sa hacienda ang Lolo Faust nya, dahilan nito mapapagod lang sya sa byahe. Ang Papa naman ni Charl ay hindi din makakasama dahil sa trabaho nito. Even Angelique, Savannah, Enrique and Brian's parents can't make it too, they're too busy with their businesses.

Napansin naman ni Angelique at Savannah na magkatabi sa upuan, na tahimik ang dalawa mula pa kanina. Tinutukoy nya sina Thirdy at Charl. She asked Enrique about pero  nagkibit- balikat lang din ito, katabi naman nito si Brian, nakaupo naman sila sa unahan nina Angelique.

Angelique Brianna Love Alforque. Kinakapatid ni Charl.

Sya ang pinakamatanda sa kanilang magkinakapatid, nasa high school na kasi ito, third year high school.

Maganda.

She's a mother queen sa majorette.

Magaling sumayaw.

She has a fair complexion.

5"5 feet tall.

Sya ang palaging nagdadala sa kanilang lahat. She has a sense of leadership.

Her family business is they run a fast food chain around Philippines and planning to expand their business sa Singapore.

One of her good qualities is that she is a frank. When she doesn't like this or that she will tell it to your face. She hates gossips.

Natulog naman si Savannah, kagagaling lang kasi nito sa night swimming kasama ibang mga friends nito.

Savannah Jade Tuazon. She's in her second year high school. Parehas sila ng school ni Angelique.

She has a Chinese blood.

Singkit.

Maputi.

Sobrang tuwid ng buhok.

She has a cute two dimples.

Tall. 5"9 feet tall. At dahil matangkad sya na kahit high schooler lang sya at nakukuha syang model para sa isa sa mga sikat na brand ng damit.

Her family business is that they run a tv station.

Her good qualities ay nakakahawa ang kanyang mga tawa. She loves joking around pwede na sya maging komedyante.

She also a basketball player, girls division.

Ganun din si Brian. Natutulog habang may suot na airpods. Masyadong maaga din naman ang kanilang byahe kanina papuntang Sta. Maria.

Brian Li. Like Savannah may dugong Chinese din ito. Same school with Savannah and Angelique. Classmates sila ni Savannah and Enrique.

Matangos na ilong.

Singkit na mga mata.

Moreno.

5"10 feet tall.

Magaling kumanta and playing few instruments like flute and piano.

His family business are having a lot of malls around Philippines.

Mabait naman ito, at masayang kausap, mapang-asar lang minsan.

Enrique Bronx Alba. Magkaklase silang tatlo ni Savannah at Brian. Parehas sila ng school ni Angelique.

Moreno.

Matangkad.

Maraming hikaw sa tenga.

Gwapo.

Matalino. Lahat naman sila matalino. Palaging nasa top ten ang average ng grades for the whole section class.

Minsan nabanggit ni Savannah habulin daw ito ng mga babae dahil s bad boy aura nito.

Pero mabait naman ito. Sweet.

Gentleman.

Restaurants and construction materials are their family businesses.

Humble. Tahimik pero maraming alam.

Finally, nakarating na din sila sa Bohol. They already booked a hotel rooms, plano sana nilang kunin ay family room para magksama lang silang lahat sa isang kwarto pero wala na daw available. Idi nagkanya-kanya sila. Si Angelique at Savannah magkakasama. Si Brian at Enrique. Charl at Mama nya. At family ni Thirdy magkasama sa isang kwarto. Thank goodness lahat ng room na nakuha nila ay nasa iisang floor lang. Hindi na sila mahihirapan hagilapin ang ibang kasama.

Gustuhin man magsaya ni Charl ay hindi nya magawa dahil sa inis nya kay Thirdy, kinuha kasi nito ang phone nya, nag-aalala na sya sa reply na text message ni Chris sa kanya kanina. Inimbita nya kasi itong sumama sa kanya sa Bohol, nabanggit naman nya na marami silang kasama, pero hindi nya kasi nagawang replyan ito. Hindi nya malaman ang dahilan kung bakit bigla na lang nainis itong si Thirdy sa kanya kanina, wala naman kasi syang maisip na may ginawa syang mali dito. Basta ang gusto lang nya ngayon ay mabawi ang phone nya mula kay Thirdy.

Three nights lang sila magstay sa Bohol. Marami pa naman daw kasi silang gustong mapuntahan.

"Anak, help me unpack our things here." Utos ng Mama ni Charl.

"Opo, Mama."

"Where's your phone?" Nagtataka kasi itong hindi man lang hawak-hawak ang phone nito.

"It's lowbat, Mama. Icha-charge ko pa mamaya." Pagsisinungaling nito. "Can I borrow yours instead? Please, Mama." Pleading.

"Okay. Pero saglit lang ha? Hinihintay ko pa reply ng isang client at ng Papa mo, anak."

"Don't worry, Mama, ibibigay ko kaagad sayo kapag may tumawag. Thank you." Sabay halik sa pisngi at patakbong lumabas ng kwarto para kumuha ng mga litrato at mag-selfie. At maya-maya plano nyang puntahan ang kwarto ng kanyang mga kinakapatid na mga babae.

Hindi na sya napigilan ng Mama nya, dapat kasi tutulungan pa sya nitong ayusin mga gamit nila pero naisip din naman nito na deserved nito ang magsaya dahil bakasyon at kaka-graduate lang.

Si Thirdy nasa kwarto nina Brian at Enrique nakatambay.

"Bro, hanap na tayo ng mga chicks dito." Suhestyon ni Enrique kina Thirdy at Brian.

"No." Sabay disgusto nina Thirdy at Brian.

"Kj nyo talaga, makikipagkilala lang naman tayo, yun lang."

"Still a no." Matigas na sabi ni Thirdy.

"Tara." Biglang nagbago ang isip ni Brian.

"Paano yan, bro? Kita nalang tayo mamaya, sa beach?" Paalam ni Enrique at Brian. Bagamat hindi naman ganun kaclose si Thirdy kay Brian o kay Enrique mas madalas sila magkita-kita noong mas mali-liit pa sila. Isang taon lang din ang tanda ng dalawa kay Thirdy. Habang lumalaki sila at nagkaroon ng sariling mga phone ay may kontak na sila sa isa't isa. Sampung taon gulang si Thirdy ngkaroon ng sariling iphone.

Ang hotel na inukupa nila ay metro lang ang layo sa beach hindi mahirap puntahan. Pagkatapos lumabas ang dalawa sa kwarto nila, nahiga naman si Thirdy sa kama ni Brian. Hawak-hawak nito ang phone ni Charl. Hindi nya alam paano ibabalik? Alam nyang nainis sa kanya kanina ang kinakapatid nya. Hanggang sa naka-idlip ito.

To be continued..

📝 Jannmr