webnovel

Hacienda Casteel

They met at a young age. Puppy love when puberty hits them. High school love. Years later everything was changed. What happened in between? When she was gone and when she comes back she was slapped by the truth that Hacienda Casteel no longer owns by her family. The legacy of their family. How could her Lolo Faust give aways the Hacienda Casteel to someone that she used to know wholeheartedly but no longer have any affection? To whom should Hacienda Casteel really belongs? Who should really own this, is it because it was written in the last will testament or is it because you are a family?! She had plans on how to get back the Hacienda Casteel. There must be something wrong or something happened when she was gone, it just can't be. But despite of the rivalry for the inheritance, love will maturely blooms.. for the two heirs.

Jannmr · Teenager
Zu wenig Bewertungen
37 Chs

Chapter 15

Charl's POV

Kinalma ko ang sarili ko, medyo nanginginig na kasi ako, sa kaba, sa takot, sa pag-iyak. Pinahid ang mga natuyong luha gamit ang mga daliri ko. Huminga ng malalim at pagkatapos nagsimula na akong maglakad pabalik sa hotel, sumunod naman silang tatlo sa akin. Nilapitan ako ni Angelique at hinagod ang likod ko.

Nasa likuran lang namin si Savannah at Brian, tahimik lang na nakasunod sa amin. Of course, nagulat sila sa nangyari, maging ako man, mas lalo na ako. Hindi ko akalain na may gusto sa akin si Thirdy. Oo, napakagwapo nya, gusto ko ang mga mata nya, sobrang expressive pero kasi napakabata pa namin para pumasok sa ganyan. Mas lalong di ko akalain na aamin sya. Kaya pala ganoon na lang ang inis nya kay Brian, I'm not blaming him, though hindi ko alam kung maiinis ba ako, magagalit o matuwa? Hindi ko maintindihan. Oo madami ako naging mga crushes sa school pero iyong may umamin mismo sayo, iba pala sa pakiramdam iyong ganoon. Tumatambol ang puso ko.

"Ang lalim ng iniisip mo, Baby Charl." Ha?

"Sorry, hindi ko narinig, ano ba iyon?"

"Sabi ko, okay ka lang ba?" Tanong ulit ni Angelique.

"Okay lang ako." Malungkot na tugon ko.

"Of course, you're not! Kung gusto mong pag-usapan, you know, nandito lang kami ni Savannah." Alam ko naman iyon.

"Yes, we are. Parang kapatid ka na namin, Baby Charl." Sabi pa ni Savannah.

"Thanks." Sambit ko na lang. Hindi ko alam paano ko iki-kwento sa kanila ang dahilan. Nahihiya ako.

Hindi na namin naabutan si Thirdy sa food hall ng hotel, nang makarating na kasi kami sa reserved table namin ang naiwan na lang doon ay si Mama at si Tita Claire.

Kami na lang tatlo ang hindi pa nag-agahan. Ang totoo nyan, lunchtime na din pala. We had a brunch.

Magpapahinga lang daw kami saglit pagkatapos aalis na kami ulit para puntahan ang butterfly garden na huling destination namin. And the rest of the remaining days, lahat beach time na. After that, uuwi na kami sa Hacienda Casteel.

Alas dos na kami ng hapon lumarga papuntang butterfly garden, hindi sumama si Thirdy. Syempre nalungkot ako, I want to talk to him. Sabi ni Tita Claire, he wants to rest daw. Idi okay, sabi ko sa isip ko, syempre obviously, iiwasan na nya ako. Galit sya eh. And the way he said, "I see, you don't like it" tumaas mga balahibo ko. Nakaka-intimidate kasi si Thirdy. Buo ang boses at ma-otoridad pa. He sounded like disappointed or parang napahiya pero ikaw ang kakabahan.

Matapos namin malibot ang butterfly garden, na sobrang dami ng paro-paro, iba-iba ang mga kulay at laki nito, naupo kami ni Angelique sa kulay itim na swing.

"Still, won't tell me, what happened?" Pangungulit ni Angelique.

"I can't, not now. I'm in shocked."

"Hmm." Aniya.

"Nahihiya ako." Sabay yuko ko.

"Ano ka ba! You don't have to."

"Iiwasan na ba nya ako?"

"Well, I guess so, ni hindi pa nga nagpapakita 'yon sayo e, tapos hindi pa sumama ngayon. O baka, nahiya lang sya, hindi nya alam paano ka haharapin?"

"Pero.." Thirdy is not that kind of a boy, straight forward magsalita iyon.

"Let him be, he'll come around pero syempre dapat bago sila bumalik ng UK maging okay na kayo, ha?!"

"Oo naman noh! We should." Ngumiti lang ako kay Angelique but really I don't know how to start a conversation with him, with the situation we have.

"Tara na, mukhang tapos na tayo dito. May naiisip ako."

"What is it?" Ano na naman kaya pakulo nito? May isa pa dapat kaming puntahan, Bee Farm ata 'yon pero ewan ko sa kanila, wag na lang daw.

"Let's go to Little Boracay after here?" I knew it.

"Eh.."

"Mag-camping lang tayo, overnight. Walang tulugan. Sige na, I'll ask Tita Angel." Hawak-hawak nito ang aking braso na pinulupot pa. "I missed the low tide and high tide, remember?" Ang dami na nyang plano. "And, I'll make Thirdy come with us kung hindi pa rin kayo magiging okay after nitong Bohol. I think, kakalma sya sa environment ng lugar. Bakit kasi ang sungit noon. Teka, si Brian na namam ba ang reason kung bakit kayo nag-away?" Nahulaan nya.

"Oo." Mahinang tugon ko.

"Sabi ko na eh. Ang sama ng tingin nya kay Brian, that day." Pagtatapat ni Angelique.

"Talaga?"

"Oo, noh! But at least, hindi nya sinapak or what. Or may sinabi syang hindi maganda, napigilan pa rin nya sarili nya because he thought, walking out is the best thing he could do. Oh well."

Bumuga ako ng hangin. "At least, Angelique."

"Payag ka na ah?! Sa Little Boracay tayo."

"Oo, payag naman talaga ako. Si Thirdy lang eh." Inaalala ko lang na baka hindi sumama iyon.

"Sus, ako bahala."

"Thanks, Angelique."

Hotel.

Nang matapos kami sa pagpasyal sa Butterfly Garden, nagpahinga muna kami, pero nandito ako ngayon sa kwarto nina Angelique at Savannah tumambay. Nakahiga, katabi si Angelique. Si Savannah naman ay tulog. Si Angelique busy sa pakikinig ng music. Ako naman, patingin-tingin sa FB ko. Ilang araw na din kasi akong hindi nagbukas ng FB account. Naiisip kong i-upload na ang mga photos. I checked Thirdy's timeline, he's online. Natatakot akong i-chat sya baka i-ignore lang ako or baka bigla akong i-block. 'Nay ko po. Wag naman.

Una kong inupload iyong mga photos na nasa van kami, syempre meron din kaming photos together ni Thirdy, sinama ko na iyon. Ginawan ko ng album, I named it Bohol. One minute ko palang na-upload madami na agad akong notifications. Mga likes, mula sa mga klasmeyt ko sa grade school. Nagcomment naman si Erica, sabi nya, na-miss nya ako sobra, may pasalubong daw kami sa kanya, magkita-kita na lang daw kami pagbalik namin.  Jeane, commented too, she said,  she misses us too, she mentioned Chris, me and Erica sa comment nya, nagchat naman si Chris sa GC naming apat.  May naisip ako bigla, kung iimbitahin ko din kaya mga best friends ko sa pagpunta namin sa Little Boracay?  Tama. I'm sure, masaya iyon. I'll ask Angelique.

"Angelique, I have a suggestion, regarding sa camping natin sa Little Boracay."

Tinanggal naman agad ni Angelique ang earbuds nya. "Sure, ano iyon Baby Charl?"

"Can I invite my best friends?" Nagbabasakali akong pumayag sya sa ideya ko.

"Sure, ilan ba sila? Para naman makilala din namin mga kaibigan mo, taga-dito lang din sila 'di ba?"

"Oo, tatlo sila, si Erica, Jeane at Chris. Si Chris kapitbahay lang namin. Inimbita ko nga sa Bohol iyon, pero hindi daw sya makakasama. Iyon din isa sa mga reason bakit kami nag-away ni Thirdy.

"Ow. I see."

"Ha, bakit?"

"Wala."

To be continued..

📝 Jannmr