webnovel

Gusto kita, Mr. Kupido

Sabi nila si Mr. Kupido ay nandiyan lang sa paligid.

Sumusuporta sa dalawang taong nagmamahalan.

Meron akong kaibigan na babae at lalake, sila ay nagmahalan. Aso't pusa nung una, pero hindi ko akalain na mauuwi sa pag-iibigan.

Si Mr. CEO ay nainlab sa sekretarya niyang hindi kagandahan, pero hindi ko akalain na mauuwi sa pag-iibigan.

Yung tindera ng tinapay at yung mahilig bumili doon sa tinapayan, hindi ko akalain na mauuwi sa pag-iibigan.

Yung drayber ng jeep at yung pasahero niyang seksi, hindi ko akalain na mauuwi sa pag-iibigan.

Yung dalawang magkaibigan simula kabataan, inabot na ng bente mahigit dahil hindi nagkaaminan, hindi ko akalain na mauuwo sa pag-iibigan.

Isang probinsyano at isang taga-syudad, hindi ko akalain na mauuwi sa pag-iibigan.

Marami pa diyan sa iba't ibang panig ng mundo, mga hindi natin akalain na mauuwi sa pag-iibigan.

Dumating ang araw ng pebrero, lahat naghahanada sa araw ng pasko...

oops.. huwag eksayted!

Ibig kong sabihin ay, Pasko ng Pag-ibig.

Si ate, nagpa-parlor; nagparebond, nagpa-manikyur, pedicure. Inaabangan niya kasi ang paglabas nila ng nobyo niya sa Araw ng mga Puso.

Si kuya na talaga namang naghanda para sa araw na 'yun.' Yung pinamaskuhan niya ng Disyembre ay pinakatago-tago niya para lang sa Araw ng mga Puso.

Sa napapansin ko, nagkaroon tuloy ako ng pagka-gusto kay Mr. Kupido. Kilala mo ba siya?

Para siyang isang panaginip?

Wala ni sinuman ang nakakakilala o nakakakita sa kung ano ang hitsura niya.

Kaya naman nabuo si Mr. Kupido sa isipan ko.

Isang... Hep! Pasensya na hindi ko pwedeng sabihin.

Binulungan niya ako kung paano niya pinamumuhayan at pinagtitibay ang pagmamahalan ng dalawang tao.

Kasabay daw ng pagmamahal, ang tiwala sa isa't-isa.

Ah... kaya pala! Kaya pala si ate na nagpa-parlor ay hindi umabot sa Araw ng deyt niya sa nobyo nito.

Kasi naman, yung nobyo niya may tatlo pa palang nobya!

Si kuya na pinag-ipunan ang Araw ng mga puso, hindi na umabot pa sa ika-labing-apat ng pebrero dahil nakita niya na sumama na ang nobya niya sa mas mayaman na tao.

Haaay, akala ko lagi lang masaya...

Pero sabi sa akin ni Mr. Kupido. Masaya naman talaga dapat.

Iyon nga lang, masyadong ganid at mapaghangad ang iba kaya hindi sila nagiging masaya.

Ah... Kaya pala! Kaya pala si Ate na nagpa-parlor ay nakakita ng totoong nagmamahal sa kanya. Pinana ni kupido ang puso niya kasabay sa lalaking nagkataon na nagpapagupit ng buhok sa araw na iyon.

Si kuya na pinag-ipunan ang araw ng mga puso ay nakakita din ng totoong nagmamahal sa kanya. Pinana nito ang puso ni kuya kasabay ng babaeng nakasalubong niya sa daan na hindi niya man lang napansin nung una dahil sa sobrang sama ng loob niya doon sa ex niya.

Hindi niyo ba napapansin? Wirdo si Mr Kupido. Minamahal natin ng tapat ang mga taong, hindi natin inaasahan.

Kaya naman sasabihin ko sa iyo ang sikreto.

Si Mr. Kupido ay ang taong iyon! ang taong minahal mo ng totoo.

Kaya naman MR. KUPIDO, Gusto kita!

Ako ba, GUSTO MO?

Hello Readers, please help me rate and kung galante ka po ng kaunti. Vote with your power stone.

Maraming salamat!

XOXO

Feibulouscreators' thoughts