webnovel

The Possession

"Cyrus tama ba na sumama tayo kay Aphrodite? I have a bad feeling about this."

"Ciara, it's better to stick together kesa naman iwanan natin si Cornelia kasama si Aphrodite. And besides, we're stronger together." Aniya ni Cyrus habang ginugulo ang buhok ni Ciara.

"I don't understand Cornelia, bakit kailangan niya pa sumama kay Aphrodite? Minsan di ko rin siya maintindihan."

"Hindi ko rin alam kung ano binabalak niya. Pero ganun pa man ay may tiwala naman ako kay Cornelia. Hinding hindi niya hahayaang samantalahin ng iba ang kahinaan ng iba. Alam na alam natin yan dahil saksi tayo sa mga sakripisyo niya."

"Alam ko naman yun Cyrus. Dapat siguro kesa pagdudahan ko mga desisyon niya ay suportahan ko na lang ito. Basta di pa rin tayo pwedeng maging kampante."

"Tama yan Ciara. Ganun ang dapat nating gawin sa ngayon." Natigil sila sa paglalakad ng makita nila ng isang malaking mansyon na sa tingin nila ay abandonado. Madilim ang paligid at napakalawak ng lupaing tila nauuhaw dahil sa biyak biyak nitong itsura. Lumingon si Aphrodite sa kanilang tatlo at tsaka kinumpas ang mga kamay. Hinihila ni Aphrodite ang lupang kinatatayuan ng mansion pataas hanggang sa nagmukha itong mansyong sa tuktok ng bundok. Di pa natapos si Aphrodite at gumawa ng harang sa paanan ng bundok gamit ang mga matitinik na halamang gumagapang na magsisilbing panangga sa mga biglaang bisita. Basat tinik nito ay may lasong kayang pumatay ng ilang segundo lamang.

"Ciara step aside!" Hila ni Cyrus ng muntikan ng daplisan si Ciara ng matitinik na halamang namumuo sa kinatatayuan nito.

"Close call Cyrus, or she would have been a dead meat." Nakangiting sambit ni Aphrodite na tila sinasadyang takutin ang mga kasama.

"Sinadya mo yun ano?!" Gigil na saad ni Ciara.

"You're out of line Aphrodite. If not for Cornelia hindi kami susunod sayo." Nakakuyom ang mga kamay ni Cyrus na gusto nang manuntok.

"Likewise, if not because of Cornelia I won't bother keeping you safe till now."

"Kapal mo din eh noh? Muntik mo na nga akong mapatay sa lason na nasa mga halamang tinik na yan!" Galit na galit na si Ciara pero nagpipigil pa din.

"Cut it out guys! Aphrodite's saying the truth." Sabat ni Cornelia na nakaturo sa madilim na hangganan sa likod ng harang.

"Cornelia I can't believe y-------" naputol ang sasabihin pa sana ni Ciara ng marinig ang mga di kaayang ayang ingay na nagmumula sa mga nilalang na biglang nagsulputan sa kanilang harapan na nagpupumilit lumapit sa kanila. Sa bawat dikit nito sa mga tinik ay siya ring pagkaabo ng mga nilalang.

"Since when have you noticed Cornelia?" Tanong sa kanya ni Aphrodite.

"From the moment we stepped into this dimension. Pagbukas mo pa lang sa black hole ay napansin ko na ang mga barrier na ginawa mo. Those were safety measures to keep them away from us. Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit sa dimension na ito mo kami dinala."

"Let's say, this is the most suitable place to cut whatever contracts you have with the underworld. Oxidious was created here and this is where the grim reaper cultivates."

"Oxidious? Grim reaper? Turf nila to ibig sabihin malakas sila sa teritoryo nila. Mas mapanganib un diba?" Tanong ni Cyrus na tila naguguluhan sa motibo ni Aphrodite.

"Yes that's true. They're much stronger when they are in their territory. Pero, dahil din dun kaya ko pinili ang dimension na ito. Ang God na si Caien masyadong malakas. Habang nasa proseso ung pagputol ng kontratang namamagitan kay Cornelia at sa Grim reaper ay may slight chances na matake advantage ni Caien ung flaw na yun. At yun ang hinahadlangan nating mangyari."

"So what's really your intentions?" Nakatitig na si Cyrus kay Aphrodite na nagpapahiwatig ng mas malalim pang explanation sa gagawin niya.

"Once the whole thing starts, Cornelia will be in a very vulnerable state. The grim reaper won't let her go no matter how much we bargain so we just have to forcefully cut off all ties between the two. Pag mahina na si Cornelia may tendencies na pwedeng makawala si Caien dahil nawawalan na ng control si Cornelia sa spell na ginawad niya dito. Kaya dito papasok yung dagdag na kapangyarihang makukuha ng Grim reaper sa lugar na ito to keep Caien in check." Mahabang paliwanag ni Aphrodite na dahan dahan silang itinataas papunta sa mansyon.

"Whoa-- , I get it now. With Cornelia's weak state she wouldn't be able to push through the whole process. You're the one who's taking advantage of this place and the grim reaper's powers to avoid draining Cornelia's. I must say you're really protecting her with all your might." Naiintindihan na rin ni Cyrus ang plano ni Aphrodite.

"She's the only one left that I can call my own. I won't let her soul to be a compensation for your kinds victory." May galit sa boses ni Aphrodite.

May sasabihin pa sana si Cyrus ng mapansing unti unting napapaluhod si Cornelia, hawak hawak ang dibdib at nahihirapang huminga. Agad na lumapit ang tatlo para akayin ang nanghihinang si Cornelia. Pagkalapag nila sa pintuan ng masyon ay agad itong binuksan ni Cyrus at madaling inihiga sa sofang nakita nila sa loob. Binuksan ni Aphrodite ang mga ilaw at bumungad sa kanila ang malawak na espasyo ng mansyon. May dalawang hagdanan sa gitna at ang pumukaw ng pansin nila ay ang lacrimang nakalutang sa pinakagitna ng mansyon.

"Cornelia, ano nararamdaman mo?" Nag-aalalang tanong ni Ciara.

"Ciara I need you to do me a favor." Saad ni Aphrodite. Nakataas ang isang kilay ni Ciara na napatingin dito.

"What for?"

"Don't worry it's not for me but for your sister's sake."

"Ano nga bilis na. Nahihirapan na si Cornelia!" Nawawalan na siya ng pasensya.

"Do what you do best."

"What?" Naguguluhang tanong ni Ciara.

"Sing. Ciara you have to use your voice to calm her down." Sabat ni Cyrus na pinupunasan ang pawisang kakambal. Agad naman na umawit si Ciara para pakalmahin si Cornelia. Maya maya pa ay tumtalab na ito at nakatulog na ito nung kumalma. Halos nanghina din si Ciara sa paggamit ng boses niya. Sinalo naman siya agad ni Cyrus at pinaupo.

"Ngayon lang kita nakitang nanghina pagkatapos umawit."

"Hindi ko rin maintindihan. Para bang may pumipigil sa boses kong makarating kay Cornelia. Tila hinaharangan ang kapangyarihan ko."

"They're already acting up."

"What do you mean?" Sabay na tanong ng dalawa. Linapitan ni Aphrodite ang nhihimbing na si Cornelia tsaka niluwagan ang damit pangtaas para silipin ang dibdib nito. Nagulat ang tatlo ng bumungad ang isang markang gumagalaw ng paunti unti. Mga chains na nakapulupot sa isang punyal na kung titignan ay parang nakabaon ang buong blade nito sa balat ni Cornelia. Ilang sandali pa ay tila nahuhugot ito ng paunti unti. Sa bawat galaw ng chains ay ang kirot na nakikita nila sa mukha ni Cornelia.

"The spell she casted on Caien is slowly loosening. Kailangan natin masecure ung kapangyarihan ni Cornelia na di siya tuluyang maubusan. Para makaya ko pang kontrahin ito."

"Paano? Ano ang dapat naming gawin para makatulong?" Sagot ni Cyrus na lumabas din ang marka sa mga kamay nila ni Ciara na dahan dahan ding nawawala.

"There's nothing you can do but I can do something to stabilize her for a while."

"Do what you have to." Aniya ni Cyrus na hindi na mapakali.

"I don't need your permission!" Itinaas ni Aphrodite ang katawan ni Cornelia sa harapan niya at unti-unting inilapat ang sariling katawan dito. Pumasok si Aphrodite sa katawan ni Cornelia at ng makuha na ng buo ay nakita nila ang kaluluwa ni Cornelia na nakapaloob sa lacrimang nasa ibabaw nila. Nababalot ito ng puting aura na para bang kinukumpuni ang bawat kapangyarihang nawala dito. Ang katawan naman ni Cornelia ay gamit gamit ni Aphrodite. Bumaba naman ang lacrima hanggang sa kasing taas na lamang nila ito. Ang kaluluwa ni Cornelia ay tilang natutulog lang sa loob habang nagpapalakas. Ramdam nila ang paghigop nito ng kapangyarihang nagmumula sa puting aura na nasa loob ng lacrima.

"Bakit mo inangkin ang katawan ni Cornelia?" Tanong ni Ciara habang nakakatitig sa kaluluwa ng kakambal.

"I need to. Her soul is what the grim reaper wanted. Kailangan magrecuperate ng kaluluwa niya para makayanan niyang labanan ang grim reaper. Magiging ligtas siya jan." Biglang umuga ang mansyon sa mga oras na yun at nagkabiyak biyak ang sahig nito. Mula sa mga biyak ay lumabas ang usok na ibinubuga ng mga lava. Hindi naman napano ang lacrima dahil hanggang sa likod na parte lang nito tumigil ang pagbiyak ng sahig. Lumabas sa nagbabagang lava ang isang halimaw na may hawak hawak na chains at sa gitna nito ay makikita ang walang malay na si Caien. Nakatusok pa din ang punyal sa dibdib nito na dinidiin ng kabilang kamay ng halimaw.

"Oxidious!" Sabay sambit ng tatlo. Mula sa lacrima ay nagliwanag ang marka sa dibdib ng kaluluwa ni Cornelia. Sa laki ni Oxidious tila isang palamuti si Caien na nakagapos ang mga kamay at paa sa chains of hell na gamit ni Oxidious. Mula sa paanan ni Caien ay isang portal ang lumabas. Iniuwa nito si Grim reaper na nakalutang at papalapit sa lacrima. Agad naman humarang si Aphrodite gamit ang katawan ni Cornelia.

"Why are you blocking my way?"

"You need to pass through me before you can lay your fingers on her soul."

"You may have used Cornelia's body but no matter how much you hide in there I can still smell you from miles away Aphrodite." Iwinaksi ni Grim reaper si Aphrodite palayo sa harapan nito. Sinalo naman siya agad ni Cyrus dahil ayaw nito may mangyari sa katawan ng kakambal. Gumawa siya ng metal walls para makulong si Grim reaper pero tinunaw lang ito ng huli at tuloy tuloy ito sa paglapit sa lacrima. Tumayo naman agad si Aphrodite at sinaksak ang dibdib nito.

"Aphrodite!" Galit na hinatak ni Cyrus ang gamit nitong panaksak. Maraming dugo ang agad na nagsilabasan sa sugat na ginawa ni Aphrodite sa katawan ni Cornelia. Nung nagsimula na manghina ang katawang gamit niya ay may epekto ito sa kaluluwa nasa loob ng lacrima. Dahil parehong mahina ang katawan at kaluluwa ni Cornelia ay batid ng grim reaper ang unti-unting pagkalas ng pagkakahawak ni Oxidious kay Caien.

"YOU SLY!!" kahit na galit na galit ang grim reaper ay agad naman nitong pinaso ang sugat na gawa ni Aphrodite para tumigil ang paglabas ng dugo. Kailangan niyang gawin iyon para hindi tuluyang mawasak ang chains of hell. Medyo nakausli na ang punyal at tuloy tuloy pa din ang pagkakakalas nito. Ngumiti lang si Aphrodite at bahagyang natawa.

"I need to save her even if I have to hurt her and release that demon lord." Uulit pa sanang saktan ni Aphrodite ang katawan ni Cornelia pero nagawa siyang itakwil ito sa katawang gamit niya.

"Grim Reaper!!" Gumanti ng atake si Aphrodite gamit ang lava at gumawa siya ng mga fire balls na ipinaulan niya sa grim reaper. Pero bago pa man matamaan ito ay itinigil niya rin dahil ginawang panakot ni Grim reaper ang katawan ni Cornelia.

"Aphrodite, how heartless can you be?"

"Not as heartless as you are."

"Not even comparable to you. Alam mong sinakripisyo ni Cornelia ay sariling buhay para masecure ang pagkakahuli ni Caien tapos sisirain mo lang ng ganito?"

"Hindi ko matatanggap na mawawala sakin si Cornelia dahil lang sa ginawa niyang iyon."

"Alam mo namang kailangan mong pakawalan ang bukod tanging rason bakit siya nagkakaganito. Ano sa tingin mo ang mararamdaman niya? Hindi mo lang binali yung tiwala niya sayo kundi pati na rin ang kaligtasan ng mga taong pinoprotektahan niya."

"Why? Why can't she just live with me? She chose to be someone vulnerable when she can be someone everyone will worship."

"That's the difference between you two. But you can never keep her in your control. Her will to protect is stronger than anyone elses." Nanlumo si Aphrodite dahil alam niyang totoo ang lahat ng sinabi ng grim reaper. Kinuha ng grim reaper ang katawan ni Cornelia at pinasok sa lacrima. Nakapasok na ulet ang kaluluwa nito sa sariling katawan.

"Grim reaper ang punyal, lumuluwag na ito." Turo ni Cyrus.

"Cyrus mas mabuti nga yun para makawala na si Cornelia sa kontrata nila. Pag nakawala si Caien ibig sabihin lang nun ay hindi nagawa ng grim reaper at Oxidious ang tungkulin nila. Magiging void iyon!" Saad ni Aphrodite.

"Akala mo naman na pababayaan ko ang tungkulin ko?" Kiniskis ni grim reaper nag mahabang kuko sa lacrima at ginawan ito ng lamat. Mula sa lamat na iyon ay hinihigop ng lacrima ang maiitim na aurang taglay ng dimensyong iyon. Ang kaninang puting aura ay napapalitan na ng itim. Ang mga aurang iyong ay pumapasok sa katawan ni Cornelia. Ang sugat sa kanyang dibdib ay unti-unting naghihilom at ang chains of hell ay balik sa dati nitong pagkakakapit. Bumaon na ulit ang punyal sa dibdib ni Caien na napasigaw sa sakit.

"Grim reaper ano ang ginawa mo?" Tanong ni Aphrodite na nilapitan ng lacrima.

"Ginawa ko lang ang dapat kong gawin para matupad ng kontrata namin. Sa oras na magising siya ay oras na ng paghuhukom. Habang buhay na makukulong si Caien at akin na ang kaluluwa ni Cornelia tulad ng napag usapan." Umatras si Grim reaper at pumasok sa loob ng portal tsaka naglaho. Ang lacrima ay nababalutan na ng itim na aura na kahit sila ay hindi nila kayang lapitan ito. Sa sobrang lakas ng kapangyarihang taglay ng itim na aura ay hindi nila alam ang pwedeng mangyari kay Cornelia.

"It's the end." Mahinang saad ni Aphrodite na napaupo sa di kalayuan ng lacrima.

"Ang importante okay si Cornelia." Saad naman no Cyrus na ibinaon ng mukha sa mga palad nito.

"You don't get it. Tingin mo ba pagkagising ni Cornelia ay makakasama pa natin siya? At tingin mo ba ay siya pa rin ang Cornelia na kilala niyo?"

"Si Cornelia ay si Cornelia kahit pa anong sabihin mo. Kahit saan pa siya pupunta susunod kami."

"Nang dahil sa kagustuhan niyang iligtas kayo kaya siya humantong sa ganito." Natahimik ang lahat pagkasabi na iyon ni Aphrodite. Kanya kanya sila ng pag-iisip sa ano ang pwede nilang gawin sa mga oras na iyon.

Sa Mt. Olympus naman, abala ang lahat sa mga bagong responsibilidad na kailangan nilang gawin. Si Cydee ay mas komportable sa loob ng silid aklatan. Dun niya nararamdaman ang kapayapaang makapag explore pa ng husto sa kaya niyang gawin. Nagbabasa din siya ng mga libro patungkol sa mga kapangyarihan nila dati. Dahil sa nagkapalit palit sila ng kapangyarihan ay mas minabuti nalang nilang ibaon ng nakaraang pagkatao at mamuhay alinsunod sa kung sino sila ngayon. Isa sa mga libro ang kumuha ng atensyon niya ng maglabas ito ng itim na aura. Aabutin na niya sana ito pero bigla itong nahulog at bumuklat sa pahina patungkol sa wicked witch. Isang librong naglalaman ng propesiya tungkol sa isang diyosang nilamon ng kadiliman. Idineklarang anak ng demon lord at kaagapay nito sa pagwasak sa mga dimensyong may taglay na buhay. Natutok ang atensyon niya sa imahe ng isang babae sa loob ng lacrima. Tila dinala siya nito sa loob ng aklat. Nakita niya ang isang lalake na pilit inaamo ang isang babae. Tapos may dalawang babae pa, ang isa ay nasa loob ng lacrimang nababalutan ng napakasamang aura habang tinitigigan lang ito ng isa pa. Binaling niya ang tingin ulet dun sa dalawang nakaupo. Nakita niyang umilaw ang marka sa mga kamay ng dalawa pati na rin ang nasa loob ng lacrima. Hindi siya makapaniwala. Sigurado siyang sina Cyrus, Ciara at Cornelia ang mga taong yun. Nung pagtingin niya ulet sa lacrima ay nakita niyang basag na ito. Si Cornelia ay nakaapak sa mga bubog ng lacrima, hindi man lang nakakaramdam ng sakit kahit duguan na ang mga paa nito. Lumapit ito kay Aphrodite at sinakal niya ito gamit lang ang isang kamay habang ikinumpas ang isa pang kamay at tumilapon sina Ciara at Cyrus. Parehong nawalan ng malay ang mga ito. Si Aphrodite naman ay hindi man lang nabigyan ng pagkakataong makapagsalita at pinugutan na niya ito ng ulo. Ibang iba ang itsura ni Cornelia. Itinapon nito ang ulo ni Aprhodite sa kumukulong lava at laking gulat ni Cydee ng lumingon ito sa kanya. Papalapit na si Cornelia sa kanya ng saktong naputol ang divination niya ng gisingin siya ni Charlemagne.

"Cydee! Gising!" Yugyog sa kanya ni Charlemagne na halatang nag aalala sa kanya.

"Asan yong iba? May kailangan kayong malaman." Pawis na pawis si Cydee na tinulungan makatayo ni Charle. Agad silang nagtungo sa meeting hall nila kung saan may mga orbs nagsisilbing mode of communication nila sa iba. Nung makompleto na sila ay ipinakita na ni Cydee ang librong nakita sa silid-aklatan. Kinuha ito ni Chayanne at binuklat.

"Cydee bat ka nagpatawag ng pulong ngayon? Gaano ba ito ka importante at kailangan mong masabi ngayon." Tanong ni Chayanne na tumitingin na sa content ng libro.

"Tungkol jan ang dapat niyong malaman." Nagkatinginan silang lahat at naging seryoso ang mukha nung ipinakita ni Chayanne ang pamagat ng libro.

"The Wicked Witch. Tungkol naman saan yan?" Tanong ni Christopher mula sa isang orb na lumapit sa harap ng libro lara makita ito ng malapitan.

"Nagkaroon ako ng divination habang binabasa ko yan. Dinala ako ng libro sa isang lugar na di ko alam. Ang nakakapangilabot lang ay--" halos mangiyak ngiyak si Cydee ng alalahanin ang mga nangyari sa divination niya. Hinimas naman ni Charlemagne ang likod nito as a sign of comfort.

"Andito lang kami at makikinig sayo. Sabihin mo samin lahat ng nakita mo." Aniya nito na tuloy pa din ang pag comfort sa kanya.

"Sina Cyrus, Ciara at Cornelia ang nakita ko kasama nila si Aphrodite. Nakita ko kung pano nagbago si Cornelia. Nakapaloob siya sa isang lacrima na napapalibutan ng maitim na aura. At nang mabasag ito ay nagbago siya. Nagawa niyang patayin ang tatlo ng hindi man lang kumukurap. Nung napatingin siya sakin ramdam ko ung kasamaan niya. Akala ko pati ako ay papatayin niya. Buti nalang at nagising ako sa tamang oras bago pa niya ako mahawakan." Batid sa mga mukha nila ang pangamba. Hindi pumapalya ang divination ni Cydee. Kung ano ang nakikita nito ay nagkakatotoo. Ibig sabihin lang nung ay ipinarating ito sa kanila para pigilan ang pagkalunod ni Cornelia sa kasamaan. Pero hindi nila alam kung saan sila hahanapin at pano magsisimula. Isa lang ang siguradong alam nila. Na hindi na pwedeng ipagpaliban pa ang paghahanap sa magkakambal. Nakasalalay sa kanila ang kaligtasan ng mga ito.

Magagawa ba kaya nilang pigilan ang makaambang bagong panganib sa kanila? Magagawa ba nila ito sa tamang oras o huli na ang lahat bago pa nila matunton ito. Ngayon dapat ay handa silang suongin ang anumang nakaabang sa kanila.